This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of DZGB Legazpi with Georgina Hernandez

    21 July 2016

    Q: VP Leni in HUDCC: Paano po makakaabot sa grassroots iyong mga programa ng HUDCC, partikular sa mga pabahay?

    Georgina: Patuloy po ang pakikipagpulong ni Vice President Leni sa iba’t ibang sektor na may kinalaman po sa housing at nakausap na rin po niya ang ilang pong mga urban poor groups, mainly po iyong mga nandito po sa Metro Manila at iyong ibang mga relocation sites tulad po ‘nong sa Calauan, Laguna na binisita po niya ‘nong Sabado.

    Doon po naputa ‘yong mga na-relocate mula sa mga naapektuhan ng bagyong Ondoy at ng iba pang mga projects na clearning ng mga railroads. Doon po dinala sa Calauan, Laguna.

    Ang HUDCC po kasi bilang coordinating council ay hindi po talaga nakapag-iimplementa ng direct na mga programa para sa mga pabahay.

    Pero siya po ang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang mga key shelter agencies, kasama po diyan ‘yong National Housing Authority at Social Housing Finance Corporation.

    Sa ngayon po ay nakikipag-usap pa po si VP Leni sa kanyang team sa HUDCC para magkaroon ng ugnayan doon po sa mga ibang key shelter agencies na siyang maghahatid po ng programa ng pabahay para sa mga nangangailangan.

    Q: The notion kasi ng publiko is itong HUDCC, siya ‘yong magbibigay ng libreng pabahay ba sa mga walang bahay ba?

    Georgina: Tulad po ng nabanggit ko, ‘yong HUDCC po hindi siya ‘yong direktang makakapagbigay ng libreng pabahay. Mayroon pong mga ahensya na nagbibigay ng libreng pabahay tulad po ng DSWD, tulad ng DILG, mayroon po silang programa para sa mga informal settlers.

    Iyon naman pong Social Housing Finance Corporation, ‘yong kasama na din po ang Pag-Ibig na nagpapautang po para magkaroon po ng bahay ‘yong mga nangangailangan.

    Pero ang National Housing Authority din po, na under po iyan sa HUDCC ay nagbibigay din po ng pabahay doon sa mga naaapektuhan ng mga bagyo, doon po sa mga nakita sa mga danger zones para masiguro po ang kanilang kaligtasan ay nililipat po sila sa mga panibagong mga pamayanan para po maging mas ligtas po ang kanilang buhay.

    Q: Any target po, parang ang inyong target output, kung may timetable po ba kayo para itong mga nangangailangan ng pabahay ay mai-coordinate ninyo doon sa dapat na mag-akto po ng kanilang pangangailangan?

    Georgina: Noong pong pag-upo po ni VP Leni bilang chairperson ng HUDCC, nakita po niya na mayroon pong mga backlog sa pagbuo ng mga pabahay para sa mga nangangailangan.

    Mayroon po tayong nakitang Php1.4 million na backlog houses na kailangang tapusin sa administrasyong ito.

    Hindi pa po tayo makapagbigay ng eksaktong timeline dahil pinag-aaralan po ang mga rason kung bakit po nadelay itong pagbuo nitong Php1.4 million na pabahay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

    Kaya maasahan po natin na sa mga susunod na linggo o susunod na buwan, makakapagbigay po tayo ng mas malinaw na plano pagkatapos pong mapag-aralan ‘yong dahilan kung bakit nahihirapan po ang previous administration na mabuo poi tong backlog na ito.

    Q: If HUDCC is coordinating lang naman, papano ba mamaximize ito ng mga common tao, mga nasa laylayan na tinatawag ni VP Leni? Papano ma-mamaximize ang function nito para maibigay ang pangangailangan sa pabahay?

    Georgina: Maari po silang magbigay po ng liham o sulat sa opisina po ni VP Leni kung may mga problema po sila sa pabahay. At ito po ay i-rerefer ng HUDCC sa mga nararapat na mga ahensya kasama po ang mga national government agencies tulad ng ng DSWD at DILG, at tulad din po nga mga key shelter agencies tulad po ng National Housing Authority.

    So, mayroon pong mga ginagawang konsultasyon si VP Leni. Nag-iikot po siya sa iba’t ibang bahagi ng bansa para malaman ang iba’t ibang pangangailangan hindi lang po sa pabahay, pero tungkol din po sa kabuhayaan, mga pang-nutrition o feeding program para sa mga kabataan, edukasyon at kalusugan.

    Kasi po maliban sa housing na tinututukan po ni VP Leni sa HUDCC, ay mayroon din po siyang mga adbokasiya para puksain ang kahirapan o poverty alleviation na amin pong ginagawa sa OVP sa pakikipag-partnership po sa private sector.

    May mga pribadong sektor po na nais pa din tumulong sa mga adbokasiya na sinusuportahan ni VP Leni.

    Ito po ang ating gagamitin upang makatugon sa pangangailangan ng mahihirap na pamilya at pamayanan.

    Q: Problema ng dine-demolish na mga squatters sa Metro Manila. May mga humahawak na sindikato sa mga rights, kaya nagkakagulo. How would the VP as a cabinet secretary act on it?

    Georgina: Siyempre pag-aaralan po namin ang bagay na iyan dahil may mga iba na nga hong mga haka-haka o sinasabi na may iba’t ibang grupo na nai-involve diyan.

    So, sisiguraduhin po natin na maaksyunan po ‘yong bagay na iyan. At ‘yon ating mga pabahay ay maging sustainable, kumpleto ho ‘yong ating mga serbisyo.

    Kasi minsan po kaya rin naman po nila iniiwan ‘yong kanilang mga bahay ay dahil po hindi po kumpleto ‘yong mga programa at serbisyo na kanilang kailangan.

    Kasama po diyan ‘yong mga facilities para sa edukasyon, kalusugan, at para po sa mga pangnegosyo o livelihood.

    So para maging sustainable po ‘yong ating mga programa para sa mga pabahay ay sinisigurado po ni VP Leni na sa kanyang administrasyon, bago ang relocation ay kumpleto po ‘yong ating mga basic services for the basic needs doon sa lilipatan nila.

    Q: Battlecry ni VP Leni noong kampanya is inclusive growth. Papaano ba ang inyong atake na dito?

    Georgina: Kasama po doon sa mga intiative sa inclusive growth, ‘yong pagbibigay ng sapat na hanapbuhay para sa mga tao na nangangailangan ng dagdag na kita o ng trabaho.

    So mayroon po tayong mga partnership sa mga private sector para magkaroon po ng mga training at magkaroon ng mga pagkakataon na makapag-benta sa merkado at makapagtrabaho.

    Kasi isa po iyan sa kanyang priority ngayon. Sa Agosto po ay magkakaroon ng launching in iba’t ibang mga partnership po ng OVP upang malaman din ng ating publiko at ng mga nangangailangang pamilya kung paano po sila matutulungan pagdating po sa pagnenegosyo o dagdag na kita at mga pangangailangan ng mga kabataan sa edukasyon, kalusugan at nutrisyon.

    Q: Is there a way for the OVP to pinpoint the ones who need more help from the government?

    Georgina: Mayroon ho. Ang ginagamit po natin ay ‘yong datos ng NAFC at NEDA doon sa sitwasyon ng kahirapan doon sa iba’t ibang mga bahagi bansa.

    May natanggap po tayong listahan ng mga pinakamahihirap na probinsya at munisipyo at mga cities din.

    Para ito ‘yong mga uunahin natin na matulungan at ginagamit ho natin itong datos na ito para masigurado na talagang napuputahan natin ‘yong pinakamahirap na mga barangay at pinakamahihirap na mga bayan.

    Q: Oo kasi yang ang kanyang battlecry ano, inclusive growth.

    Georgina: Opo. May datos po tayo na pinagbabasehan diyan para masigurado na hindi lang naman po kung sa iba’t ibang lugar pero may basehan po.

    Q: Nagpapaimbestiga ang OVP sa mga extrajudicial killings?

    Georgina: Opo. Tungkol naman po sa extra judicial killlings, talaga pong ikinababahala na po ni VP Leni ‘yong mabilis na pagtaas ng dami ng mga taong pinapatay na may kinalaman po sa kampanya ng ating pamahalaan laban sa droga.

    Si VP Leni naman po ay patuloy na sumusuporta laban sa droga, ngunit ay kanya pong ipinapanawagan ay idaan po sa tamang mga institusyon at proseso.

    Mayroon po tayong hukuman na dapat tumingin sa bagay na ito, mayroon hong kapulisan kung saan pwedeng mai-report kung sino po ‘yong mga involved sa droga.

    Pero ‘yon pong pagpatay na labag sa ating justice system ay hindi po natin tinatanggap dahil sa tingin po natin kailangan magkaroon ng karapan at pagkakataon ang bawat isa na i-defend o linawin sa publiko kung ano po ‘yong kanilang side naman.

    Kasi minsan nagkakaroon rin po tayo ng mga kaso ng mistaken identity o kaya hindi na po talaga nagkakaron ng pagkakataon iyong mga ibang mga tao na ipagtanggol ang kanilang sarili.

    Q: Saan ia-address ang sulat kung may problema sa housing?

    Georgina: Maari po nila ipadala ang sulat sa address po ng HUDCC sa Makati, puwede po naming ibigay sa inyo ‘yong address ng Makati pero kung may mga concern din po sila na sa tingin nila matutugunan ng OVP, pwede po silang sumulat at i-address ito sa 100 10th street cor. Balete Drive, New Manila, Quezon City.

    Q: Maraming salamat po Madame Georgina.

    Posted in Transcripts on Jul 21, 2016