Office of the Vice President
9 June 2017
Georgina Hernandez
Vice Presidential Spokesperson
Caloocan, City
Q: House Speaker Pantaleon Alvarez said na posibleng magkaroon ng constitutional crisis dahil kapag naglabas ng SC ang desisyon na pinapabasura ang Martial Law, hindi niya ito susundin.
HERNANDEZ: Ayon kay VP Leni, mahalaga na alamin po natin at respetuhin iyong mga institusyon dahil malinaw naman po sa konstitusyon na ah, mayroon pong ah, responsibilidad at mayroon pong ah, kakayahan ang Korte Suprema na ah, magbigay ng order. At sana po ay ah, panahon ngayon ah, manaig po iyong- kung ano iyong sinasaad ng ating konstitusyon at magkaroon ng respeto sa kapwa, co-equal branch ng government. At naniniwala po tayo na ah, hanggang sa ngayon iyong ating mga kongresista ay maninilbihan para doon sa tama at sa narararapat.
Q: Ma’am, 2nd question, iyong tatay ng Maute na nakatira dito sa Manila, some are saying na gamitin na lang daw na hostage kapalit ng mga bihag tsaka nung pari na nasa Maute ngayon. Reaction po kaya ng kampo ni VP?
HERNANDEZ: Siguro hindi na tayo magkokomento pa dyan ng detalyado dahil isyu yan ng seguridad, isyu iyan ng ating mga- sa- pamahalan na namamahala noong pag-responde at paghanap ng mabilis at maayos, at mapayapang solusyon doon sa nangyayari na kaguluhan ah, sa Marawi.
Pero dito sa mga development na ito, umaasa tayo na sa lalong madaling panahon ay ah, mawawakasan na iyong gulo na nagaganap, dahil iyong pinakamahihirap at iyong mga ordinaryong Pilipino iyong matatamaan dito sa nangyayaring ito.
Q: Thank you, Ma’am. Sorry, Ma’am, nadala ng emosyon iyong kaninang pinag-uusapan natin.
Q: Kumusta iyong mga usapan ni VP sa mga ah, different sectors regarding sa pag-poprovide ng livelihood program?
HERNANDEZ: Ito nga iyong unang pagbaba ni VP Leni dito sa tinatawag namin na Laylayan sa ka-Maynilaan. Alam naman nating kada-linggo pumupunta si VP Leni doon sa pinakamalayong mga lugar sa mga probinsya.
Pero hindi niya nalilimot na marami doon sa mga pamilyang nasa laylayan ay nandito lang malapit sa atin sa Metro Manila, kaya tinutugunan po ng ating Bise Presidente na si VP Leni iyong pangangailangan nila.
Yung pinakamalaking isyu na nakita ni VP Leni dito iyong usapin ng pabahay ah, kaya makikipag-ugnayan po sa HUDCC at NHA para magkaroon ng ah, mas malalim pag-uusap at pagpupulong, konsultasyon dito sa lugar para makahanap ng ah, mas malakihan at mas ah, malakihan at sustainable na pamamaraan ng pagtugon sa mga pangangailangan nila sa pabahay.
At sa tingin natin kapag naayos iyon, magtuloy-tuloy na rin iyong pagtugon sa kanila mga pangangailangan sa pangkabuhayan. Mayroon tayo na mga partner na micro-finance institution. Yung ASA Philippines, pati rin po iyong mga training organizations na magtuturo sa kanila ng meat processing, ng bag-making.
At ito lahat ay ayon doon sa mga pangangailangan ng mercado at doon din sa kakayahan ng residente na nandidito, at umaasa tayo na ah, kahit umpisa pa lang ito, at ah, tuloy-tuloy iyong pagiging-pagtulong ng ating Pangalawang Pangulo sa mga nangangailangan ng negosyo at trabaho.
Q: Ma’am, ilang grupo ang nakausap niya? At anu-ano po iyong mga pangalan? And what’s the next step po ng Office of the Vice President sa nangyayari pong usapan na ito?
HERNANDEZ: Yung pakikipag-usap dito, iyong organisado kasi iyong mga bahay, pero iyong gustong maprioridad iyong sa PAMASAWATA kasi sila talaga iyong mga samahan ng walang tahanan. Iyon nga iyong pinagmulan ng pangalan nila. PAMASAWATA.
At ah, iyong pamilya ang Amaro family—iyon iyong- kada-pamilya kasi kinakausap niya, dinadaanan kanina. Ang napagkasunduan nga ay, ah, aayusin natin iyong paguusap tungkol sa pabahay kasi alam naman natin na hindi naman ito na isahan lamang na pagbaba.
At ah, mayroon din mga kasunduan pa patungkol doon sa pag-link sa pagbigay sa kanila ng trabaho, mayroong partner sa massage training at employment. At ah, doon sa livelihood na pautang ah, at hindi lang pautang pero iyong ah, iyong pag-training din para doon sa pamilya na ah, nais na magkaroon ng dagdag na kita sa kanilang pamilya.
Thank you.
– 30 –