This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez Sa Totoo Lang on One PH

    Interview with OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez Sa Totoo Lang on One PH

    Hosts: Jove Francisco and Maricel Halili

    JOVE FRANCISCO: Atty. Barry, hello?

    MARICEL HALILI: Hi, Attorney!

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Good evening, Jove. Good evening, Maricel.

    JOVE FRANCISCO: Okay, bago natin himayin iyong sinabi ni VP Leni sa kaniyang maikli pero makahulugan na pahayag sa social media, puwede ba nating i-trace nang kaunti bakit mayroong ganitong confidence ang isang Rolando Andaya to say these about the Vice President?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [chuckles] Hindi ko alam actually. Alam ko huli silang nagkausap last year pa, eh. And very clear naman iyong mga pahayag ni VP Leni mula simula ng taon na ito tungkol sa kaniyang mga plano. In fact, one month ago, ito rin ang pinag-uusapan natin; nagsalita naman si Senator Trillanes. So klarong-klaro iyong kaniyang posisyon na nananatili siyang bukas sa pagtakbo bilang presidente. Wala pang kasado, wala pang final doon sa kaniyang mga plano para sa 2022, at ipapaalam niya sa ating lahat sa tamang panahon kung mayroon na siyang desisyon. So ako, tingin ko, that has been very clear and very consistent. She has been very consistent. Iyong ating opisina has been very consistent dito sa isyu na ito. Nakakagulat lang kapag may mga hindi naman kasama sa opisina ni VP na biglang magsasabi na “Alam namin ganito…” tapos pagdating ng ilang araw, si VP mismo magsasabi na hindi ganiyan. So ako, hindi ko alam actually kung anong pinanggagalingan niyan.

    MARICEL HALILI: Ano bang considerations, Attorney, ni VP Leni para magdesisyon whether to run as president, or as governor, or as local position? Ano iyong mga considerations?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Una, gusto ko lang i-point out na wala pa namang nagdedeklara. Sa lahat na mga fino-float na mga presidentiable, maski iyong limang binanggit kahapon ng Malacañang, wala pa namang nagsasabi diyan na sila ay tatakbo. So medyo nagugulat lang ako bakit ang tindi yata ng focus kay VP. Bakit siya iyong kinukulit parati tungkol dito? Pero that’s it. Ilang beses na rin niyang pinaliwanag kung ano iyong kaniyang mga konsiderasyon—pangunahin pa rin dito ang tutok niya sa kasalukuyan ay ang pandemya. Hindi pa rin tayo nakakalagpas sa ating problema sa COVID-19. Bagama’t Metro Manila, at least, bumaba na iyong mga restrictions, mataas pa rin iyong daily cases. At in fact, sa maraming lugar sa ating bansa, tumataas pa ang daily count ng mga nai-infect ng COVID. At alam naman natin Marso pa last year, tuloy-tuloy ang efforts ng aming tanggapan para tumugon dito—everything from PPEs to testing, to support for frontliners, at iba-iba pa, so iyan iyong kaniyang least priority talaga. At sa kaniya, habang may ganiyan, iyon iyong gusto niyang maging focus.

     

    Pangalawa, very clear naman ang sinasabi ni VP mula pa dati. Handa siyang tumakbo. Tinitingnan niya ito bilang tungkulin niya. Pero ang pangunahing konsiderasyon dapat, sino ba talaga ang kandidatong makakapag-unite ng mga puwersa na maghahanap ng pagbabago sa 2022. Kung siya iyon, walang problema. Siya ay kakandidatong [president].

     

    JOVE FRANCISCO: President…

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: But at this time, pinag-aaralan pa kung mayroon tayong mga processes para pag-aralan kung sino iyong nandiyan. Si VP has expressed respect and support for process ng 1SAMBAYAN. So ongoing iyon.

     

    JOVE FRANCISCO: Malapit na iyon. Next week na iyon, ha. Next week na iyon, June 12.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ang announcement ng candidates pero wala pang final decision.

     

    JOVE FRANCISCO: Wala pang final decision pero magkakaroon tayo ng idea kung sinong pinagpipilian. Pero magzi-zero in ako doon sa sinabi ni Attorney kung bakit nga ba—oo nga, ‘no, hindi kaya pulitika nila ito? Sabihin iyong mga tatakbong iba—hindi lang iyong mga nag-guest dito, Attorney—na parang may pinu-push silang kandidato pero laging dinadawit sa usapin si VP Leni. Bakit nga ba tingin mo may ganiyang idea na kailangan laging kasama sa usapin—it’s either isasama or ika-cancel iyong chances ng VP?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Eh baka talagang ang tingin ng ibang kandidato si VP ang person to beat sa eleksyon na ito. Kasi hindi ko maintindihan kung bakit, eh. Kapag tiningnan mo iyong mga surveys, nasa 8%, 10% si VP Leni. Paulit-ulit laging dini-dismiss na, “Ay, hindi wala iyan. Mahina.” Pero lagi na lang kung kailangang pag-usapan tungkol sa eleksyon, kung mayroong kailangang tirahin, kung mayroong kailangang siraan, si VP Leni iyon. Hindi ko maintindihan, ‘di ba. So baka mayroon silang alam na hindi natin alam. Pero kami, magmula simula, ang sinasabi ni VP, ang sinasabi ko kapag ako ay tinatanong tungkol dito, ang focus niya ngayon pandemic. Handa siyang harapin iyang responsibilidad na iyan kung kailangan niyang harapin. Pero sa tamang panahon at hindi pa [ngayon] iyong panahon na iyon. At huwag kayong mag-alala: she will announce—kumbaga, malalaman niyo kapag siya na mismo ang nag-announce. Kapag siya ang nagsabi. So huwag kayong maging masyadong excited lalo pang…

     

    MARICEL HALILI: Kasi ang daming nagfo-float ng pangalan.

     

    JOVE FRANCISCO: Oo, nagfo-float tapos kinakabit parati sa issues si VP Leni.

     

    MARICEL HALILI: ‘Di ba, kaya iyong curiosity namin… Pero, Attorney, I understand wala pang decision si VP Leni kung anong position iyong tatakbuhan, pero as early as now, kahit wala pa siyang dine-declare o ina-announce, may mga lumalapit na ba para manligaw, baka puwede mo kaming ano… Baka puwede mo kaming pahagingan kung sino iyong mga nanliligaw.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Mahirap naman na ako pa ang magsasabi kung sinong nanliligaw kay VP Leni, ‘di ba. [laughter] Baka dapat iyong mga taong nakakausap niyo na fino-float iyong pangalan niya. Kausapin niyo, bakit niyo binabanggit lagi si VP Leni Robredo, ‘di ba. Pero sa ngayon, honestly, una, ang hirap makipag-meeting sa kasalukuyan dahil nga sa restrictions sa COVID. Pangalawa, si VP talaga, halos buong araw niya nakatutok sa COVID operations namin. Winding down na ngayon iyong aming Bayanihan E-Konsulta—iyong teleconsultation service. Si VP Leni mismo nagdu-duty doon, eh. Sumasagot siya ng mga requests. So, ‘di ba, sa totoo lang, hindi niya masyadong—hindi niya nabibigyan ng panahon iyong pamumulitika sa kasalukuyan. Alam niyang importante na mag-prepare tayo for 2022. Alam niya na mayroon siyang mahalagang papel na gagampanan diyan, whether as a candidate or something else, depende sa magiging hitsura ng magiging mangyayari sa darating na mga linggo. Pero ‘di ba, pinag-iisipan niya iyan, alam niyang mahalaga iyan. Pero sa ngayon, ang tutok talaga niya tulong sa ating mga kababayan.

     

    JOVE FRANCISCO: Nako, Barry, kasi siyempre gusto naming malaman talaga kung anong naging reaksyon ni VP Leni. Eh noong kagabi nga na pumutok iyong kanilang—kanina, ano, ano ang talagang naging reaksyon niya noong nakita niya na parang napasama iyong pangalan niya doon sa isyu na hindi siya tatakbo sa pagka-pangulo at magiging gubernatorial candidate na lang siya?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Una sabi niya, “TV5 na naman.” [laughter] Hindi, nagulat siya actually na may lumabas na ganiyan, considering na gaya nga ng binanggit ko kanina, about a month ago ito na iyong usapan, ‘di ba, noong nagsalita naman si Senator Trillanes. At sabi niya, kailangan nating i-clarify ulit. Sabi ko sa kaniya, “Baka, Ma’am, kayo na muna ang magsabi dahil hindi na yata naniniwala sa akin ang mga tao, eh, ‘di ba. Parang, hindi ko alam kung maniniwala sila kapag sa akin lang manggaling.” So kaninang umaga, siya mismo ang nagpahayag sa kaniyang Facebook account, sa kaniyang Twitter account para maglinaw. Pero ang malinaw doon sa kaniyang ipinahayag doon, wala pang—hindi na ito bago, ‘di ba. Ito na iyong sinasabi niya six months ago. Ito iyong sinabi niya one month ago. At ito pa rin iyong sinasabi niya sa ngayon. At ang klaro dito, malinaw sa kaniya na nasa kaniya ang desisyon at alam niya kung gaano kahalaga at gaano kabigat itong desisyon na ito. At gagawin niya iyon sa tamang panahon at siya mismo, sa kaniya mismo manggagaling kung ano iyong desisyon na iyon—iyong desisyon niya.

     

    MARICEL HALILI: Puwede ba akong humirit bago tayo magba-bye kay Attorney? Gusto ko lang kasing hingiin iyong reaksyon niyo doon sa pinapa-float din ng PDP Laban na Duterte-Duterte tandem.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Eh, sa dulo—una, alam ko sa buong kasaysayan natin, hindi pa nangyayari iyan. Pero ‘di ba, kung sa tingin nilang—kasi ang pagkakaintindi ko sa vice president, ‘di ba, parang ikaw iyong naka-reserba kung sakaling may mangyari sa pangulo. Ikaw iyong papalit. Kung sa tingin nila si Pangulong Duterte pasok doon, desisyon nila iyon, ‘di ba. Sa dulo naman niyan, desisyon ng electorate kung ano ang mangyayari. Pero kung mangyari man iyan sa presidente, hindi pa naman nangyayari sa buong kasaysayan natin—alam ko sa local nangyayari iyan. In fact, ginawa na yata iyan nila Mayor Sara before. Nagkaroon sila ng termino na si Mayor Sara ang presidente—ay, ang mayor, at siya ang vice mayor. Hindi ko alam kung gusto nilang gawin on a national level. Baka nga, pero tingnan natin kung anong mangyayari. Kumbaga, wala na sa amin iyan, eh. Kung kami nga hindi pa nagdedesisyon, alangan namang pakialaman pa namin iyong desisyon ng iba, ‘di ba. Bahala sila diyan at tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari sa 2022.

     

    JOVE FRANCISCO: Okay, aabangan namin ang susunod na kabanata.

     

    MARICEL HALILI: Yes.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Baka naman next week may iba na namang magsasabi at sila na naman ang pag-uusapan natin. [laughter]

     

    JOVE FRANCISCO: Hindi nga, kasi, pare, alam mo naman, iyan na iyon. Poporma na lahat.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, gets ko naman, Naiintidihan ko naman. Binibiro ko lang kayo. [laughter]

     

    JOVE FRANCISCO: Alam mo naman na love mo kami dahil mamaya nasa The Chiefs ka at iyan ang pino-promote namin ngayon kasama ang mga head namin. [laughter] Okay, Atty. Barry, thank you very much.

     

    MARICEL HALILI: Thanks, Attorney!

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Maraming salamat din, Jove. Maraming salamat din, Maricel. At magandang gabi sa inyo.

     

    JOVE FRANCISCO: Happy weekend!

     

     

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Jun 04, 2021