This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez Sa Totoo Lang on One PH Hosts: Jove Francisco and Chiqui Vergel

    Interview with OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez Sa Totoo Lang on One PH

    Hosts: Jove Francisco and Chiqui Vergel

    JOVE FRANCISCO: At puntahan na natin itong issue tungkol kay VP Leni Robredo. So kailangan po natin kausapin ang kanyang tagapgsalita. Atty. Barry. Atty. Barry Gutierrez, are you there?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Narito na po, sir Jove.

    JOVE FRANCISCO: Okay, hindi na namin binasa ang item because everyone naman na nagbabasa ng diyaryo alam na—o online—na mayroon pong naging angal ang Magdalo, specifically former Senator Trillanes, na bakit siya hindi kinakausap samantalang iyong iba kinakausap? Mayroon na bang immediate na reply dito ang Bise Presidente?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Unang-una, hindi ko talaga alam kung saan siya nanggagaling kasi tuloy-tuloy naman ang lines of communication between him and LP and the Vice President. Sa totoo lang, napaka-simple naman na mag-text siya o dumiretso siya sa kahit sino sa mga may… [technical lag]

    JOVE FRANCISCO: Chiqui, baka mayroon kang follow-up?

    CHIQUI VERGEL: Actually, oo, kung follow-up ang pinag-uusapan natin, ang sinabi kasi ni former Senator Antonio Trillanes, ay kung susuportahan ni VP Leni si Senator Ping Lacson, ay talagang walang makukuhang support from Magdalo group because Senator Ping Lacson daw is one of those people na nag-push at isa sa mga dahilan kung bakit nasa bilangguan si Senator Leila De Lima.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Una, maging klaro tayo, ‘di ba. Nagkaroon sila ng meeting. Hindi naman ibig sabihin noon susuportahan niya, ‘di ba? Ang layo pa ng initial meeting sa isang usapan na magkakaroon ng alyansa, o aatras si VP o ‘di ba, magi-give way. Walang ganoon. Wala pa tayo sa ganoong usapan. At ni hindi pa sigurado kung aabot tayo sa ganoong usapan. Feeling ko at sinabi ko na rin ito kanina, overreaction sa part ito ni Senator Trillanes. Binabatay niya ito sa isang speculation na kaniyang iniisip na walang batayan sa katotohanan. Kung talagang gusto niya ng clarification, eh ‘di sana dineretso na lang niya kaysa nagpunta siya ng social media. Pero klaro, malinaw iyong hangarin ni VP Leni na magkaroon ng isang malawakang pagkakaisa papunta sa 2022 elections. Pero hindi ibig sabihin noon ay binibitawan niya ano mang prinsipyo na kaniyang pinanghahawakan. Tiwala si Senator Trillanes. Sinasabi niya na naniniwala siya na dapat si VP Robredo ang tumakbo bilang Presidente. So ang hinihingi lang namin sa kanya, kung naniniwala ka sa tao, pagkatiwalaan mo na kumikilos iyong tao para sa ikabubuti ng nating lahat papasok ng 2022.

     

    JOVE FRANCISCO: Okay. Barry, alam mo dalawa iyong nagiging point of view ng mga tao pagdating dito sa ginagawa ni VP Leni na pakikipag-usap. It’s either daw one, siya ay naghahanda para doon sa tuloy na pagtakbo at ang isa naman ay para i-secure iyong kung hindi siya tatakbo ay iba na lang at ito iyong mga gusto niyang taong kumandidato. Nasaan na ba tayo? Alam ko malayo pa iyong pinangako pero nasaan na ba tayo talaga?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [laughs] Hindi pa rin nagbabago. Ang sinabi naman ni VP Leni, ‘di ba, ito ay isang bagay na sineseryoso niya. Isang bagay na pinag-iisipan niya nang mabuti. Hindi ito madali o magaang desisyon. At sa tamang panahon siya ay magbibigay mismo ng announcement. Ibig sabihin, ang matagal na naming sinasabi, kung nagtitiwala tayo kay VP Leni, kung naniniwala tayo na dapat siya ang tumakbo, magtiwala tayo sa kanyang judgment. Let’s give her the space and the time and the trust, ‘di ba, to go though the process and rest assured na sa tamang panahon, siya mismo ang maga-announce. Ang natatawa lang ako, over the past three months, ang daming [audio skipped]. Tiwala ako, sa tamang panahon siya mismo ang magsasabi kung ano ang kaniyang desisyon. Kilala ko iyong tao, alam ko na malalim ang kaniyang pagmamahal sa ating bansa. Malalim iyong kaniyang pagtanggap doon sa kaniyang responsibilidad bilang lider ng oposisyon. Kaya maghintay lang tayo. Relax lang. Huwag tayong masyadong mag-overreact kapag mayroon tayong nabalita na nakipag-usap. Pakikipag-usap? Eh bahagi iyon ng ng kaniyang trabaho bilang responsableng lider ng isang oposisyon. Kailangan mong kumausap sa maraming tao dahil sa dulo, hindi naman tayo-tayo lang ang mag-aambag para sa kampanya at para sa eleksyon. So kung kaya nating magkaroon ng pag-uusap, kaya nating magkaroon ng points of agreement, bakit hindi natin i-explore? Pero sa dulo siyempre, points of agreement have to come with shared principles and shared perspectives. At magtiwala tayo na si VP Leni hindi makakalimutan iyon.

     

    JOVE FRANCISCO: May tiwala ako na masasagot mo ang ang next question ko sa iyo, Barry. [laughter] Ang next question ko ay, doon sa mga nakausap na niya, si Yorme, si Ping, at saka si Senator Gordon, alin doon ang mauulit?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hindi ko alam. [laughter] Hindi ko naman alam kung ano ang kanyang thought process diyan, ‘di ba? Pero right now, nandoon pa lang sa stage ng pakikipag-usap. Gaya nga ng sabi ko, initial meeting pa lang ang lahat ng mga ito. Nandoon pa lang tayo sa initial na pakikipag-usap. Tinitignan kung ano ang mga points na puwede magkaroon ng agreement. At kung magkakaroon ng any development on any of these conversations, siya mismo ang magsasabi niyan. Pero ako, sa akin talaga, naintindihan ko naman, ‘di ba, na siyempre interesado lahat ng mga tao dahil papasok na tayo sa eleksyon, pero sa ngayon, lahat ng iyan usap-usap pa lang. Wala pang final, wala pang anything na major. Kasi kung mayroong major, magkakaroon ng pag-anunsyo mismo si VP Leni.

     

    JOVE FRANCISCO: Tiwala ba tayo na soon mag-uusap si Trillanes at si VP Leni?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Well, kung magkakaroon ng opportunity para doon, eh bakit hindi? Hindi pa kami nagkaka-usap, actually. Pero ang ano ko lang, kung gusto lang pala ni Senator Trillanes ay mag-usap sila, hindi naman niya kailangang nagpakawala ng kung ano-anong salita sa social media, ‘di ba. Puwede namang—sabi ko nga, ang ganitong confirmation dinadaan sa text, hindi sa Twitter. Pero nandiyan na iyan, ‘di ba. Tignan na lang natin kung ano ang mangyayari.

     

    JOVE FRANCISCO: Okay, sige. Mayroon lang nagpapatanong na isa sa mga viewers natin na dahil nga inanunsyo ni Senator Gordon na siya ay positibo sa COVID. Iyong pag-uusap ba nila ay via Zoom ni VP Leni? Tinatanong niya, or nag-usap talaga? At kung sakali man...

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Si Senator Gordnon na nag-test positive siya… Pero dahil nagpunta si VP Leni sa Naga noong weekend, siya ay nag-undergo din ng test, ng antigen test so negative naman. Right now nag-undertake siya ng RT-PCR test at hinihintay namin ang resulta pero so far wala. Kailangan niyang mag seven-day quarantine. So ngayon naka-quarantine siya and so far iyong resulta naman ng antigen test ay negative. Malaking pasasalamat [audio skipped]. Si VP Leni gustong mangyari iyon dahil si Hidilyn nga isa sa mga Istorya ng Pag-asa champions namin. Na-feature siya doon sa program ni VP Leni before [audio skipped]. Kung sakali man si VP Leni would look very much forward to that dahil magkakilala na sila at dati pa siyang supporter talaga ni Hidilyn.

     

    JOVE FRANCISCO: Okay. With that, magte-thank you na muna kami sa iyo. At saka ka na namin ulit kukulitin, Barry kapag malapit na. Maraming, maraming salamat.

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Jul 29, 2021