16 September 2016
Georgina Hernandez
Spokesperson, Office of the Vice President
Q: Statement of VP Leni on alleged plot of LP to impeach Duterte?
Georgina: Tungkol po sa paratang ni Senator Cayetano kahapon, naglabas po ng pahayag si VP Leni Robredo na she is offended by Senator Cayetano’s accusations to the Liberal Party at personal nga pong nabanggit ang kanyang pangalan, ikinalulungkot po ni VP Leni na nadadawit siya sa usapang ito.
Paano naman po magiging posible ito kung kaalyado po ng LP ang administrasyon sa Kamara at kakaunti lamang po ang miyembro ng LP sa Kamara.
Sa aming panig, tingin po namin na napakamalisyoso po ng naging pahayag at pagtatanong ni senador Cayetano dahil wala naman pong sapat na basehan ang kanyang mga paratang.
Itong bagay na kanyang pinaparatang ay walang katotohanan dahil paulit-ulit pong nililinaw ni VP Leni na hindi makakabuti sa bansa ngayon na magkaroon ng gulo sa pulitika at ang pinakatinatamaan po sa ganitong bagay ay mga mahihirap kaya di po ito sinusuportahan ni VP Leni.
Q: Tingin po ba ni VP Leni na tapos na ang panahon ng pagpapalit ng Pangulo through impeachment proceedings…
Georgina: Sa ngayon po nirerespeto ni VP Leni kung anumang proseso ang mayroon. Sa ngayon ang pinag-uusapan naman po sa Committee on Justice ay ang tungkol sa extrajudicial killings kaya sana po iyon lamang ang tutukan at huwag na dalhin sa iba pang mga topics na wala naman pong kinalaman.
Q: Sa kasalukuyan wala hong pagbabago ang pangalawang pangulo in her support of President Duterte, tama ho ba iyon?
Georgina: Sa amin po tama ho iyon at kami po ay nagnanais na sana magtulungan at magkaisa ang ating mga senador upang malaman ang katotohanan na may kinalaman doon sa pinag-uusapan sa Senate Committee on Justice at bahagi po ito ng tungkulin at serbisyo ng ating senador sa publiko at sana huwag magkaroon ng malisyosong paratang laban sa ating pangalawang pangulo dahil tahimik po siyang nagtatrabaho upang gampanan ang kanyang mandato bilang HUDCC Secretary at bilang pangalawang pangulo.
Q: Ano po ang kanyang stand on extrajudicial killings?
Georgina: Ang sa kanya po dapat nating tignan ito at alamin kung sino ang dapat managot kaya dapat ituloy natin ang pinag-uusapan sa Committee on Justice upang malaman natin ang katotohanan at nananawagan siya sa publiko na patuloy na magbantay kung sino ang nasa likod ng extrajudicial killings dahil hindi po siya sumasang-ayon sa bagay na ito.