This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of Radyo Singko with Georgina Hernandez

    21 July 2016

    Georgina: Magandang umaga po G. Orly at sa lahat po ng inyong mga tagapakinig.

    Q: Ok. Lumabas iyong survey ng Pulse Asia and there’s a sizeable majority trust in terms of trust for Vice President Robredo, ano ba ang reaksyon po ninyo? Ano ang reaksyon ng Vice President?

    Georgina: Lubos pong ikinagagalak ni VP Leni ang kanyang trust rating na nasa 62% dahil siyempre inaalala po niya na siya’y talagang nagsimula sa 1% noong nagsimula po siyang mangampanya at noon pong eleksyon ay nakakuha siya ng 35.1% at kaya naman po nakita natin na halos dumoble po kaagad ang bilang po ng mga tao na nagtitiwala at naniniwala po sa kanyang kakayahan bilang pangalawang pangulo at 62% na.

    Q: Ito’y ano ha, regardless of geographic location yata at saka socio economic status.

    Georgina: Opo. Tama ho. Kaya po itong tiwala na nakuha niya po at 62% ay sisikapin po niya talaga na matugunan po ang expectation ng mga tao at nananawagan din po siya na patuloy po tayong magkaisa para magawa natin ang mga dapat nating magawa

    Q: Ok. Ang issue sa kasalukuyan, well of course it’s always basically economic, ano? So kasama na rin diyan iyong peace and order. Mayroong reports ngayon na nagsasabi na hinihingi ng Vice President at paimbestigahan o imbestigahan iyong tinatawag na extrajudicial killings. Ito ba’y nangangahulugan na mayroong pagkakaiba ang pananaw ng President at Vice President sa handling ng problema nang droga sa ating bansa?

    Georgina: Hindi naman po natin masasabing mayroong pagkakaiba talaga dahil sumusuporta pa rin po si VP Leni sa laban sa droga. Ngunit ang gusto lang po natin ay mapanatili ang rule of law dahil nga po lubos na po siyang nababahala doon sa dami ng mga taong namamatay sa maikling panahon at hindi natin tinatanggap ang pagkakaroon ng kultura ng takot at pagpatay sa ating lipunan at sana po ay ma-imbestigahan ang mga killings, ang mga extra-judicial killings na nakikita dahil bagamat sila po ay namatay, ngayon po ay wala na silang pagkakataon na mapagtanggol ang kanilang sarili sa harap ng isang hukom.

    Kaya bilang isang abugado ay gusto pa rin po niya talaga na maiharap sa batas kung sino ang mga dapat maiharap sa batas na may kinalaman sa droga.

    Q: Sino sa ano ang suggestion ninyo ang dapat mag-imbestiga dito sa extrajudicial killings sa kasalukuyan?

    Georgina: Siyempre po may mga nakalaan naman pong mga proseso at institusyon ang ating pamahalaan. Nandiyan po ang kapulisan, nandiyan po ang ating hukom at dapat po ay galangin natin kung ano po ang mga regular na institusyon na nandito sa ating bayan.

    Q: Pero in this particular case with the extrajudicial killings, for example kung ang pulis din ang magiimbestiga, sa kasalukuyan ay mayroong mga nagsasabi na, the police is actually part of this particular process and they have been given the authority to use firm moves para matigil na itong problema ng droga. Saan po ba kayo nag-iisip magkaroon ng imbestigasyon? Is this the legislature? Or saan po ba?

    Georgina: Sa ngayon po ay hindi pa po talaga napag-uusapan ang bagay na iyan at isang haka-haka rin po ang sinasabi natin na baka kasali po rito ang ilang mga kabahagi ng ating pamahalaan.

    Kaya hangga’t hindi rin po naman napapatunayan iyon ay gusto nating respetuhin kung anoman ang mga nakalaang institusyon kasama po ang ating hukom.

    Q: Mayroong National Police Commission o NAPOLCOM, na siyang nag-iimbestiga rin sa mga pulis kung sila ay nagkakaroon ng mga kaso. Ito po ba ay isa sa mga e-erase kung saan niyo iniisip magkaroon ng imbistigasyon?

    Georgina: Tama ho. Maaari naman hong matingnan din po ng NAPOLCOM ang bagay na iyan at ito po ay labas naman sa kung ano ang maaaring gawin ng ating Pangalawang Pangulo kaya maaari po sigurong isangguni sa ibang mga sangay ng pamahalaan tulad ng DILG.

    Q: Sa kasalukuyan, iba-iba ang mga estimated na dami ng mga napapatay pero more or less it’s some put it already in the 300 level at nakita naman natin na bago pa man umuupo si Pangulong Duterte ay mayroon nang mga nangyayaring pagpatay. Vigilante style, summary executions. Ano po ba ang pananaw ni Vice President sa issue na ito?

    Georgina: Ang nakikita niya ho rito ay iyong malawak na kultura ng pagpatay at kawalang respeto sa karapatan ng isang tao na mabuhay kaya po maliban po sa mga logal na aksyon na maaaring gawin upang tingnan ang mga killings na nangyayari at mabigyan ng hustisya kung sino man po, lahat po ng mga namatay at ang kanilang mga pamilya ay may panawagan din po talaga siya sa publiko na huwag po tayong lumabag sa karapatang pantao na bawat isa.

    Kung mayroon po tayong nais i-report na may mga kinalaman sa droga ay idaan po sa tamang pamamaraan katulad po ng pag-rereport po nito sa ating pamahalaan.

    Q: Dahil napaka-problematic ng ating criminal justice system, maraming nag-iisip and this is shown by the votes that President Duterte had in the last election na mayroon talagang pangangailangan ng pagpapakita ng pwersa at lakas ang gobyerno. Pero ang pagbabalanse ng karapatang pantao at iyong pangangailangan ng decisive strokes para matakot itong mga gumagawa ng masama, eh isa sa mga masasabi natin, one of the most difficult tight rope walks that the government has to do. Iyan ba ay isinasaalang-alang niyo rin sa panawagan ng pangalawang pangulo na magkaroon ng imbestigasyon sa tinatawag na extrajudicial killings?

    Georgina: Opo. Tama po. Binabalanse din natin iyong pangangailangan ng reporma sa pamahalaan at sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

    At sana sa panahon na ito na tayo ay nasa proseso pa lamang ng pagrereporma ng ilang mga institusyon ay huwag pong balewalain ang buhay ng bawat tao dahil napakahalaga po nito. At huwag gamitin na panakot para sa ibang mga tao.

    Q: Ok. Sa isang banda naman, kamusta ang nagiging trabaho ng Vice President doon sa housing? How’s it moving?

    Georgina: Tuloy tuloy po ang pagpupulong po ni VP Leni sa iba’t ibang mga stakeholders na may kinalaman po sa issue ng pabahay at nagkaroon na po siya ng pagpupulong kasama ng mga urban poor group upang malaman ang kanilang mga sitwasyon lalong lalo na iyong mga programa noong nakaraang taon.

    Saan ito natapos? At ano pa ang kailangang mga tugunan sa lalong madaling panahon? Mayroon na rin pong mga pag-uusap sa loob ng HUDCC at hinihintay po na mabuo ang team HUDCC dahil po nakaupo pa po sa posisyon iyong…ah, naka-hold over position pa po iyong ating mga dating opisyal at staff sa HUDCC.

    Pero binubuo na rin po ang aming team upang agad-agad pong makapagsimula ng pag-serbisyo sa publiko.

    Q: Ang focus niyo ngayon ay nasaan ba? Nandoon sa pinaka-problematic? Meaning, the number of housing, iyong back log sa housing lalo na sa lower economic area, hindi ho ba?

    Georgina: Opo. Agad pong nalaman ni VP Leni ang housing gap sa atin. Nakita niya na may 1.4 million housing gap at pinag-aaralan po kung papaano po ito agad na matutugunan.

    Maryoon pong mga may kinalaman sa disaster rehabilitation, mga shelter construction matapos ang mga sakuna.

    Mayroon din naman hong mga relokasyon sa mga urban areas kaya po may mga pag-aaral at konsultasyon na ginagawa.

    Siyempre bilang coordinating council, ang HUDCC ay hindi naman talagang direkta rin na makakapagpatupad ng proyekto. Kaya may mga ugnayan din po na ginagawa sa mga key-shelter agencies.

    Kasama po dito ang national housing authority at ang social housing finance corporation at iba pang mga ahensiya katulad ng DILG at DSWD na nagpapatupad din ng mga programa na may kinalaman sa pabahay.

    Q: Maraming salamat Geo Anne. Thank you very much Georgina Hernandez, Spokesperson ni Vice President Leni Robredo.

    Posted in Transcripts on Jul 21, 2016