This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview at Sama Bajaus Housing Community

    27 April 2017

    Brgy. Bakod Bayan, Cabanatuan, Nueva Ecija

    Q: Eto po sa kabila ng isang napakainit na araw at tinamaan na naman tayo ng matinding temperatura dito, andito po kayo at dinalaw ninyo ang mga depressed na barangay ng Bakod Bayan. Ano po ang purpose ninyo bakit sa kabila ng pagiging abala, dinalaw niyo po sila? VP LENI: May utang ako sa kanila. Kailangang March 27 naka-schedule akong pumunta, naghintay sila, naghanda, pero nagkasakit ako. Kaya eto iyong araw na puwedeng singitan ng isang pagbibisita dito, kaya pumunta ako. Pero mahalaga kasi iyong pagpunta ko. Kasi partner community namin ito sa aming Angat Buhay Program. Meron kaming inumpisahan na proyekto kasi iyong pinakareklamo nila dito ay yung drinking water. Kaya naglagay tayo ng mga poso, partner natin iyong naglagay sa kanila nangayon kahit papano maiibsan iyong problema nila. Pero ayaw nating huminto sa pagtulong na ito. Kanina iyong ka-meeting ko iyong mga kalamansi farmers. Ni-link pa natin sila sa mga partners na pwede tumulong sa kanila pero eto kasi iyong essence ng ating Angat Buhay Program. Na pumunta doon sa mga nangangailangan, pakinggan iyong kanilang hinihingi at hanapan ng tutulong sa kanila.

    Q: Ma’am, lundag naman tayo dito sa ASEAN Summit. Puwede po bang malaman namin ano ang role niyo? Ano po ang gagampanan niyo para sa ASEAN Summit? VP LENI: Iyong ASEAN Summit kasi napakalaking opportunity nito para sa Pilipinas kasi eto iyong, hindi lang ito pagkakataon na palakasin natin iyong relasyon natin sa mga karatig bansa pero pagkakataon din para mailagay natin sa kalendaryo o mailagay natin sa listahan iyong agenda na mahahalaga satin. Iyon din iyong role ko bukas. Bukas ako mag-aattend. Isa ako sa mga speakers, ang pag-uusapan inclusive growth. Particularly iyong pagtulong sa mga maliliit na negosyante. Tingin ko napakahalaga nito lalo na kasi magkakaroon na tayo ng ASEAN integration. Mahalaga na siguruhin natin na iyong maliliit na negosyante, hindi masasagasaan ng mga malalaki. So iyong pag-uusapan bukas, ano ba iyong kailangan gawin ng mga gobyerno para mabigyan ng proteksyon iyong mga malilit. Tapos ano naman ipapamulat sa malalaki na hindi porke malaki sila wala silang responsibilidad na tulungan iyong mga maliliit. So ito iyong ating itinitulak na sa tingin natin, relevant masyado sa sa conference na ito. Na parang hindi lang pag-uusapan kung paano yayaman iyong lalo ng mayayaman. Pero pag-uusapan na kung lalo kang yumayaman, mas malaki din iyong obligasyon mong tulungan iyong mas maliit.

    Q: Bago po dumating ang mga ASEAN leaders dito sa bansa para doon sa gagawing meeting para sa leaders, may nagsampa ng kaso laban sa Pangulong Duterte sa International Criminal Court at sabi naman ng Malacañang ito’y paninira lamang. Gusto lang po naming malaman ang saloobin ninyo dito? VP LENI: Sa stage na ito, parang mahirap pang komentuhan iyong detalye niya. Unang-una kasi wala pa namang complaint. Parang iyong finile yata isang communication palang na hinihingi sa prosecutor na mag-imbestiga. So ito, siyempre tayo lalo tayo na public officials sa Pilipinas parang mas ninanais natin na tayo sana iyong mag-resolve ng mga problema sa atin. Pero meron namang ipinaglalaban na kaya nag-file ng kaso kasi hindi natin nireresolbahan on our own. Kaya sinasabi kong parang premature para pag-usapan kasi unang-una hindi pa naman parang wala pang aksyon. Wala pang aksyon iyong prosecutor kung bibigyan niya ngang saysay iyong hininging imbestigasyon. Palagay ko meron ng findings iyong prosecutor at mayroon ng complaint na iaangat, parang mas nasa posisyon na tayong mag komento.

    Q: Itatalon ko lang po mula sa International Affairs, ibabalik ko lang po dito. Kasi kaninang umaga’y nananawagan ang COMELEC Chairman sa mga magpaparehistro sa barangay at SK eleksyon na hanggang sabado nalang po ang deadline, kayo po ay pabor sa kabila nung posisyon ng administration na suspendihin muna o ipagpaliban. Pabor ba kayo ituloy itong demokratikong proseso ng pagluluklok ng mga leader sa barangay? VP LENI: Ako pabor ako na magkaroon ng eleksyon. Hindi ako pabor na i-aappoint. Dahil inaalis sa kamay ng ordinaryong tao yung pagpili. Pagi-aappoint lang kasi parang palakasan ang mangyayari. Mas mahalaga para sa akin ay ang lahat ng tao ay magkaroon ng pagkakataon marinig iyong boses nila kung sino ang gusto nilang mamuno sa kanila. Parang hindi ako pabor na basta na lang sasabihin na ito na iyong kapitan ninyo. Ang mangyayari niyan, magpapalakasan. Kung i-popostpone or hindi yun ang isa pang tanong. Kasi parang ako dati advocate ako na i-postpone. Pero parang unfair sa mga kakandidato na sabihin matutuloy, hindi matutuloy, matutuloy, kasi hindi naman basta basta iyong eleksyon diba? Ang eleksyon pinapaghandaan iyon. Kung napakaiksi ng panahon para maghanda parang hindi iyon magkaturungan din para sa mga tatakbo. Pero sa akin kung itutuloy, sabihin na kung itutuloy o hindi. Hindi iyong araw-araw nag-iiba iyong sinasabi. Pero sigurado ako na kontra ako sa appointment. Talagang doon ako sa eleksyon. Kasi tingin ko dapat iyong mandato hindi nanggagaling sa iisang tao lang iyong mandato dapat nanggagaling sa kung sino iyong pamumunuan nila.

    Q: Ma’am mukhang na misunderstood na binatikos iyong proposal niyo tungkol doon sa decriminalize ng paggamit ng droga. Puwede niyo po ba ikuwento sa amin kung paano ba talaga iyong proposal ninyo? VP Leni: Iyong tumitira kasi sa proposal tingin ko headline lang iyong binasa, hindi binasa iyong balita. Kasi iyong balita hindi tayo nag-propropose na i-decriminalize. Iyong proposal natin pag-aralan iyong iba’t-ibang best practices sa buong mundo. Parang ang sinasabi natin makakatulong siguro sa atin kung makakuha tayo ng mga leksyon galing sa karanasan sa iba’t ibang mga bansa. Kasi kung titingnan natin, ano ba iyong mga karanasan ng iba’t ibang bansa patungkol sa paglaban sa problema sa illegal na droga. Iyong mga bansa na gumamit ng karahasan hindi naging matagumpay iyong kampanya. Ang mga examples nito ay Columbia, Venezuela, Mexico, Thailand, lahat na ito dumaan din sa napakaraming patayan. Pero kinalaunan hindi din nahinto iyong problema sa iligal na droga. Sino iyong mga bansa na naging matagumpay iyong kampanya? Iyong pag-mention ko ng Portugal, isa lang iyong Portugal sa kaunting mga bansa na naging matagumpay ang kampanya sa droga. At ano iyong ginawa sa Portugal? Ang ginawa sa Portugal, dinecriminalize niya hindi ni-legalize, dinecriminalize niya iyong drug use. Binaliktad kasi iyong balita. Parang sinasabi na parang sinusulong natin na gawin na legal iyong paggamit ng droga. Malayong malayo iyon sa katotohanan. Ang sinasabi lang natin na ibahin iyong penalties doon sa tumutulak at sa mga gumagamit. Kasi pag halos pareho iyong sphere ng penalties na ginagalawan parang imbis na natutulungan mong ma-rehabilitate, imbis na natutulungan mong magbago parang ini-expose mo pa siya sa mas malalang mga problema. Hindi ko sinasabi ganun iyong gagawin kasi iba naman iyong kultura dito sa atin iba iyong karanasan natin. Pero ang sinasabi ko lang na baka makatulong sa atin pag-aralan iyong mga leksyon galing sa ibang bansa.

    Posted in Transcripts on Apr 26, 2017