This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo and Quezon City Mayor Joy Belmonte

    Interview with Vice President Leni Robredo and Quezon City Mayor Joy Belmonte

    Day 1 of Vaccine Express in Quezon City

    VP LENI: Umikot kami ni Mayor. Nagpapasalamat tayo sa QC government kasi iyong lahat na vaccine supplies ay galing sa kanila tapos iyong team nila nandito to supervise. Iyong kabutihan sa lugar na ito, napakaluwag so marami talaga tayong elbow room para sa registration, para sa—iyong buong proseso hanggang monitoring. So nagpapasalamat din tayo sa Robinsons Novaliches for providing us with a space.

    Q: So, Mayor, paano po tayo naka-come up ng ganitong klaseng vaccination?

    MAYOR JOY BELMONTE: Ito po ay proyekto po ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo. Napakasuwerte lang po ng lungsod ko na nabilang po kami sa mga naging beneficiaries po ng Office of the Vice President.

    Q: So aside from this, Mayor, ano po ba iyong mga areas na puwede nating gawan ng vaccination—

    MAYOR JOY BELMONTE: Marami. Marami ditong malalaking parking lots at open spaces na puwede pang gawan ng Vaccine Express, ano. Kaya siguro makikiusap na lang tayo—pag-apela sa atin pong Pangalawang Pangulo na kung gusto pa nila, welcome na welcome sila dito sa Quezon City dahil napakarami po nating mamamayan na nangangailangan pang magpabakuna.

    Q: Sa tingin niyo po ba, Mayor, may sindikato sa pagdagsa ng mga vaccination sites, gaya noong sa Las Piñas at saka sa Manila?

    MAYOR JOY BELMONTE: Ay, hindi po para sa akin na sagutin iyang tanong na iyan. Siguro po si Chief, PNP Guillermo Eleazar po ang tanungin natin kung may ganoong klaseng ganap.

    Q:  VP, napansin po natin na napaka-seamless noong flow mula sa pagpasok, mula sa registration, pagbabakuna hanggang sa matapos iyong—

    VP LENI: Monitoring, oo. Ako, ito kasi credit talaga to the QC government. In fact, pinost ko ito several times sa Facebook page ko. Kahit iyong kami, nag-register lang kami online, kahapon iyong aking second dose pero from the first dose to the second dose, talagang seamless. Totoo na kami iyong nasa ground pero hindi namin ito magagawa without them. So sa atin, makikita natin sa bandang doon, iyon iyong registration, napakadali noong parang step-by-step kasi napakaayos din ng database nila. So hindi mahirap for us. Kung napapansin niyo, pagpasok dito iyong registered na naka-lanyard na. So iyon iyong aming sign na ito, babakunahan. Hanggang sa monitoring, pagbigay natin ng post-vaccination kit, pagbigay natin ng incentive, madali rin for us kasi napakaayos ng sistema.

     

    Q: VP, and mayor na rin, baka may masasabi po kayo sa possibility na ma-extend daw po ang ECQ na to five weeks? Kailangan po kaya iyon?

     

    VP LENI: Ako, ewan ko kay Mayor kasi mas alam ni Mayor iyong nangyayari on the ground, pero sa akin, parati namang sinasabi natin na lahat na desisyon, dapat naka-base sa datos. Kailangan ba talaga? Kasi iyong isa namang tinitingnan, ito iyong pino-propose ng ibang mga experts na hindi naman kailangan na buong Metro Manila o buong Metro Manila bubble iyong i-extend ang ECQ. Puwede iyong mga small bubbles, doon lang talaga sa mga areas na kailangan. Pero again, araw-araw tinitingnan natin iyong datos.

     

    Sabi ko nga kay Mayor, despite Delta, parang napakaayos din ng numbers ng QC ngayon. And iyong nagkukuwentuhan kami kanina, kinukuwento sa akin ni Mayor how the city prepared sa pagdating ng Delta. So makikita natin iyon. Makikita natin sa datos na ramdam iyong preparasyon. So iyon lang naman iyong lagi natin ine-emphasize: na kung ano man iyong mga policies, dapat parati siyang naka-base sa datos para hindi tayo nagkakamali.

     

    Q: Hindi niyo pa nakikita, Ma’am, na kailangang i-extend na o pag-aralan pa muna or…

     

    VP LENI: Tingin ko too early para sabihin. Kasi halimbawa kahapon, 12,000 plus iyong new cases. Ang positivity rate ang taas-taas—21%. Iyong sa akin, sa positivity rate pa lang nagpapakita na na we are not testing enough. So iyong sa akin, tingnan doon saan ba tayo hindi nagte-test enough kasi iyong datos naman kung saan dapat mag-test, kung saan nakikita iyong karamihan sa transmission. Maraming puwedeng gawin while naka-ECQ tayo at sinabi ko na ito ilang beses na iyong testing, iyon iyong Step One. Kapag napakataas ng positivity rate, kailangan iyong aim natin mapababa siya to less than 5%. And mapapababa siya to less than 5% if we test enough.

     

    Q: VP, baka may reaksyon din po kayo doon sa COA report na P67 billion iyong mga deficiencies sa DOH sa COA audit report. Ano po ang reaksyon ninyo?

     

    VP LENI: Actually, ako nakita ko pa lang iyong balita about it. Hindi ko pa napapag-aralan iyong detalye at humihingi na ako ng pag-aaral ng detalye sa aming policy team. Pero kung ano man iyon, iyon iyong nakakasayang. Iyon iyong nakakasayang kasi parati nating sinasabi na wala tayong pera, kulang iyong—hindi natin mabibigyan ng ayuda iyong lahat dahil kulang iyong pera, hindi natin nabibigay kaagad iyong hazard pay para sa mga health workers dahil kulang iyong budget. Kulang pa rin iyong—iyong PhilHealth hindi pa rin nababayaran iyong ibang mga ospital dahil kulang iyong budget. Kung totoo ngang maraming hindi nagastos, malungkot ito. Malungkot kasi gustong sabihin may pera pero hindi siya nagamit or hindi siya nagastos nang tama. And on top of it, alam natin na marami tayong utang ngayon. So iyong tanong, bakit tayo mangungutang kung marami palang pera na hindi nagagastos? Kasi kapag nag-utang tayo, every day na inutang natin iyong pera nagbabayad tayo ng interes. Pero again, sabi ko nga ang nakita ko pa lang iyong mga news articles. Pag-aaralan natin kung ano iyong detalye no’n.

     

    Q: Baka po si Mayor may response doon sa ECQ extension possibility?

     

    MAYOR JOY BELMONTE: Alam mo naman kami dito sa local government units, sumusunod lang naman kami sa utos sa amin ng IATF. Pero kung kami ay hihingian ng rekomendasyon dito sa Quezon City, ang akin pong sigurong ire-rekomenda number one, hindi muna ngayon, ano. Let’s wait for the latter part of the ECQ kasi maaga tayong nag-lockdown ngayon kumpara doon sa unang ECQ this year na kung saan ang taas-taas na ng bilang at saka pa lang tayo nag-lockdown. Ngayon, pataas pa lang nag-lockdown na tayo. So I hope that that comes for something, ano. Tapos pangalawa, nagbabakuna tayo ngayon. So isa sa mga magagandang trends na nakita natin dito ay ang kaunti na ng namamatay, very few deaths, ano. Pati na rin sa hospitalization, bagama’t napupuno na ang ating mga ospital, hindi katulad ng dati na talagang nagpa-panic na kaming lahat. Ngayon ay mayroon pa kaming oras para magdagdag ng kama, kumuha pa ng ventilators, high-flow oxygen at medyo napaghandaan po natin itong Delta variant na ito, ano. So para sa akin, kung mae-extend, hindi ko pa alam. I think, katulad ni VP, let’s wait for the second week of the ECQ to see kung iyong ating mga efforts ay magbe-bear ng fruit.

     

    Q: Mayor, tomorrow, magwa-one week na tayo under ECQ. Kahit papaano ba may nakikita na tayo na positibong epekto na nasa ECQ tayo?

     

    MAYOR JOY BELMONTE: Sa amin alam mo, based on comparison doon sa unang ECQ, hindi ganiyan kabilis ang pagtaas. Kasi doon sa unang ECQ, umabot po kami ng more than 1,200 a day positive cases. Ngayon po nasa 500 pa lang po ang Quezon City. While that is high, noong pinag-aralan po natin iyong rate of increase, hindi po ganoon kabilis iyong steep—iyong climb, hindi po pataas. So, I hope—hindi ako statistician—but I hope that means something positive for us.

     

    Q: VP, gaano po kahalaga na mabakunahan po itong mga riders po natin at saka mga drivers and bakit sila po iyong pinaka-main na target po para sa Vaccine Express po?

     

    VP LENI: Iyong exposure kasi ng ating mga drivers talagang malaki. Iyong exposure nila sa mga customers, sa mga restaurants na binibilhan nila ng pagkain, sa pang-araw-araw na pakikibaka nila sa paghanapbuhay, grabe iyong exposure. So tayo, masaya tayo na nabibigyan sila ng pagkakataon na ganito kasi at least, mas kampante. Mas kampante kasi iyon nga—noong kakuwentuhan natin si Mayor earlier at saka iyong Philippine Medical Society, nagsasabi sila na while iyong—while malaki pa rin iyong transmission, iyong degree of severity hindi na pareho noong dati. Gustong sabihin, nakikita natin na iyong mga bakuna working. Marami pa rin iyong, ano ito, nahahawaan pero karamihan daw ay asymptomatic sabi noong mga doktor natin ngayon. Karamihan ay mild symptoms. So kapag iyong mga drivers natin, sabihin natin na mahawaan pa rin sila, at least hindi na magiging grabe iyong symptoms. Hindi na magiging severe kasi alam naman natin na sa mga drivers, every day na hindi sila makakatrabaho, iyong pamilya nila hindi makakakain. So ano talaga, ngayon nga kakuwentuhan ko sila. Tinatanong ko na, “mag-aano pa rin ba kayo, magde-deliver pa rin ba kayo pagkatapos nito?” Sabi nila, “may baon na kami, Ma’am, na paracetamol kasi kapag sumama iyong pakiramdam namin iinom kami. Kung hindi naman kailangan magpahinga, hindi kami magpapahinga.” So nakikita natin na bawat oras na nagtatrabaho sila, napakahalaga para sa pagbuhay ng pamilya nila. So kailangan talaga silang proteksyunan.

     

    Q: Ma’am, last question, Vice, may mga mungkahi na po ngayon na bakunahan na rin iyong mga bata dahil maraming—for the first time—maraming mga bata iyong nao-ospital. Iyong iba nagiging kritikal. Sa tingin niyo ho ba eh tamang panahon na talaga para mabakunahan na rin iyong mga kabataan?

     

    VP LENI: Ako kasi hindi ako health expert. Hindi ako health expert so iyong kaalaman ko nakabase lang sa kung anong nababasa natin. Marami na ngayong mga pag-aaral na ginagawa [sa] safety at saka efficacy ng pagbakuna sa mga bata. So iyon iyong hinihintay natin. Pero totoo na napakarami na ngayong mga bata na nahahawaan and nakakatakot iyon kasi kung hindi sila bakunado, ano iyong chances na sila tuloy iyong magiging severe cases ngayon. So sa atin, hinihintay natin kung ano iyong magiging… ano iyong magiging resolution ng IATF, ng mga ahensya ng pamahalaan na sila iyong magbibigay ng go-signal na magkaroon na ng bakunahan para sa mga less than 18 [years old]. Iyon iyong hinihintay natin ngayon.

     

    REPORTERS: Okay. Thank you, VP Leni! Thank you, Mayor!

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Aug 12, 2021