This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo and Senator Kiko Pangilinan

    Interview with Vice President Leni Robredo and Senator Kiko Pangilinan

    Visit to Cavite

    Open Court, Brgy. Tramo-Bantayan, Binakayan, Kawit, Cavite

     

    REPORTER 1: Ma’am, any message to the donors of these food trucks and these lugaw feeding programs? Ma’am, what can you say doon sa mga supporters niyo na nag-o-organize ng ganitong initiative?

    VP LENI: Overwhelmed talaga kami. Itong food trucks na ito, nakita ko na iyong pictures nito a few days ago and ayaw nga nilang sabihin kung sino iyong donor, kung saan galing iyong truck. Basta ang sinabi lang nila ano ito, mga supporters na nag-aambagan, na pinakamahalaga hindi lang supporter ko as a candidate pero pakiramdam talaga nila laban nila ito. And sa akin, iyong nakakagaan ng loob sa lahat, kasi iyong pagsu-suporta pinapakita sa mga productive na bagay. Kaya itong food truck na ito, iyong kanilang plano dito dalhin talaga siya sa pinakamahihirap na communities para makapagsilbi at makapagbigay ng—hindi lang mapawi iyong gutom pero makapagbigay ng pagmamahal sa maraming tao rito sa Cavite.

    REPORTER 2: Ma’am, follow-up okay lang po? Ma’am, on lugaw—ito po ay isang termino na ginagamit po talaga ng mga bashers, mga trolls pero ano na po ba iyong ibig sabihin ng lugaw in the coming elections? Ano pong ibig sabihin ng lugaw ngayon na mayroon tayong mga ganitong klaseng proyekto? Sa inyo, Ma’am, in-embrace niyo na rin ba iyong tawag na lugaw? Ano po bang masasabi niyo rito?

    VP LENI: Ako, mula naman noong umpisa in-embrace na natin. Pero iyong kabutihan nito nitong eleksyon na ito, kasi parang naging symbolic siya—naging symbolic siya sa compassion, naging symbolic siya sa pagbabayanihan, naging symbolic siya sa pagkakaisa hindi lang ng supporters pero ng community talaga.

    REPORTER 3: VP, Sen. [Kiko], I think muling na-drag iyong issue ng Ayungin Shoal. The Chinese government is demanding our government to remove the BRP Sierra Madre po sa Ayungin Shoal, saying na kanila raw iyon. Kayo, Ma’am, how will you take that?

    VP LENI: Ako, sinabi ko na ito noon, sinabi ko na rin ngayon: na iyong facts, hindi naman siya debatable. Hindi naman ito subject to opinion kasi mayroon nang ruling—mayroon nang ruling iyong arbitral tribunal. Kaya nga lagi nating inuulit-ulit na kung covered na siya ng ruling ng arbitral tribunal, hindi naman tayo kailangang makipag-debate. Klaro na bahagi ito ng ating EEZ at mayroon tayong sovereign rights over dito. Dapat iyong enjoyment ng resources doon ay exclusive para sa mga Pilipino.

    REPORTER 2: Senator Kiko?

    SEN. KIKO PANGILINAN: Well, sa atin, usapin din ito ng food security dahil iyong West Philippine Sea napaka-rich na source ng isda. In fact, iyong mga isda, malamang, na ini-import natin galing sa China, galing doon, eh. Kaya dapat talaga ipaglaban natin ito dahil atin ito. At ito ay makakatulong talaga sa pagkain at gutom na pinoprotektahan natin iyong ating exclusive economic zone at iyong fisheries, iyong mga isda diyan, at ibang resources, sa atin dapat iyan.

    REPORTER 2: Follow-up, sorry. Sir, sa Senate po ba may nababalitaan po ba kayo or may moves po ba na, I don’t know, magpasa ng resolution for this? Ano po ba ang—

    SEN. KIKO PANGILINAN: Actually, nag-file ako ng resolution na imbestigahan ng Senado iyong precisely anong epekto nito sa ating mga mangingisda dahil napakalaki ng source ng income lalo na diyan sa Zambales, Pangasinan, ang kinukuha dito sa West Philippine Sea na dati rati kapag lumuluwas sila mga P1,000, P5,000 ngayon, wala dahil nga dito’y tinataboy sila doon sa ating traditional fishing grounds.

    REPORTER 4: Follow-up lang. Ay, puwede bang follow-up? Kay VP. Iyon nga, although may statements naman po ang military, ang DFA tungkol sa Ayungin Shoal, pero wala po ba kayong concerns na baka pagbigyan ng Duterte administration iyong demand na iyon?

    VP LENI: Klaro naman iyong mga naging statement ng administrasyon at iyon ay na-a-appreciate natin. Iyong atin lang na inaasahan, sana maging very consistent tayo para iyong boses talaga natin pinapakinggan. Kasi nakikita naman natin, eh—nakikita naman natin na kapag consistent tayo nagba-back off naman. Kapag consistent tayo sa posisyon natin, nakukuha natin iyong tulong at cooperation ng ibang mga bansa at ito naman iyong pinaglalaban natin from the very start.

    OVP: Marian?

    REPORTER 5: VP, ano pong reaction po niyo dito nga po sa COMELEC Second Division na decision po denying nga po iyong nauna na nilang mga order o iyong mga calls to recall nga po itong extension ng deadline kay BBM sa kaniyang disqualification case? Ano po iyong masasabi niyo po doon?

    VP LENI: Inaabangan natin. Inaabangan natin kasi ngayon maraming debate tungkol diyan. Maraming debate na halimbawa, sa bahagi ng Second Division, ang sinasabi nila ni-relax nila iyong sarili nilang ruling in the interest of due process. Iyong mga iba namang nagsasabi na ito ay pagbibigay ng—pag-o-over-extend ng hand ng COMELEC para pagbigay ang isang kandidato. Pero tayo, kailangan tayong maging masigasig. Kailangan tayong maging masigasig sa isyung ito kasi ano naman ito, eh, continuing pa ang isyu until hindi natin nalalaman kung papaano iyong resolution. Pero parati naman nating pinaglalaban na sana pantay iyong pag-treat natin sa lahat. Kung ano iyong extension na binibigay, hindi lang dito sa isyung ito, pero kung ano iyong privileges na binibigay sa isang kandidato, dapat sa iba ganoon din.

    OVP: Okay, thank you very much, VP.

    REPORTERS: Thank you!

    VP LENI: Salamat!

     

     

     

    - 30- 

    Posted in Transcripts on Nov 25, 2021