This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the Bantay Familia 19th Anniversary

    Bantay Familia 19th anniversary Naga City Hall

    Q: Ma’am, updates lang sa PNR and sa airport issue? VP LENI: PNR, nagre-request pa din tayo ng pangalawang briefing. Kung naaalala natin, iyong pinakaunang briefing, napakarami pa ding mga tanong na hindi nasasagot. Sumulat… sumulat iyong city officials, sumulat din tayo, requesting for another briefing, para iyong mga tanong noong [unang] briefing na hindi nasagot, finally masagot na. Kasi mayroong… mayroong kuwestiyon doon sa bakit from PPP (public-private partnership), na nakaplantsa na sana, nilipat ng ODA (official development assistance), tapos ngayon parang hindi tayo mabigyan ng timetable na maayos. Hindi din ma-explain iyong dahilan kung bakit binago iyong arrangements. So sana mapagbigyan iyong ating hiling for a second… second briefing. Iyong sa airport, sumulat na din tayo. Iyong sitwasyon niya, wala sa budget ng 2017, wala din sa budget ng 2018 iyong dating airport, pero may nakita tayong budget noong 2017-2018 for another airport. Iyong airport na iyon, nasa San Jose Partido. Iyong atin lang hinihinging kasagutan: Bakit hindi natin alam na mayroon na palang bagong airport sa Partido? Bakit walang budget iyong Naga Airport ngayon? Bakit isang napakalaking proyekto, hindi nagdaan ng RBC, hindi nagdaan ng NEDA (National Economic and Development Authority)? Hanggang ngayon wala pa din tayong kasagutan. Hiningi natin sa ating mga senador na itanong ito sa final budget hearing. Tinanong ni… Tinanong ni Senator Frank Drilon. Ang explanation sa kaniya ng DOTr (Department of Transportation), kaya wala sa 2017-2018 budget iyong Naga Airport kasi may na-download na funds na hindi pa nagagastos. Iyon iyong sagot sa kaniya, pero sa atin wala pang official na sagot. Pero hindi nasagot iyong bakit may bagong airport na may bagong budget. Sumulat din tayo kay Presidente, pero wala pang sagot iyong ating sulat. Q: Ma’am, iyong PET (Presidential Electoral Tribunal), nandito ngayon. Ano iyong wish natin? Ano iyong nakikita natin na sana mangyari? VP LENI: Iyong… Tayo kasi, mas gusto natin na sa lalong madaling panahon matapos na iyong proseso. Kasi ginagamit iyong proseso para magsabi ng mga hindi naman totoo. Ang unang balita, sinasabi na ayaw daw nating magpa-recount. Hindi iyon totoo. In fact, naging very cooperative tayo sa lahat. Pangalawang balita, mayroong mga anomalyang nangyayari. Iyong mga sunud-sunod naman na mga desisyon ng Supreme Court, pinapakita naman noon na hindi iyon totoo. Confident naman tayo na walang dayaan na nangyari dito sa Camarines Sur. So sa atin… Sa atin, hindi na ako nakikialam doon. Pinabayaan na natin iyong ating mga abogado na sila iyong mag-asikaso, just to make sure na walang mangyaring untoward sa pag-retrieve ng ballots. Nasa best interest natin na matapos na siya sa lalong madaling panahon para hindi nagkakaroon ng avenue si Bongbong Marcos na patuloy na papaniwalain tayo sa mga bagay na hindi naman totoo. Iyong nais natin sa lalong madaling panahon matapos na ito, makapagdesisyon na ang Supreme Court, kasi sigurado tayo na iyong lalabas sa mga balota na titingnan, iyon din iyong lumabas noong eleksyon kasi wala namang dayaan na nangyari. Q: Ma’am, walang representante si Ferdinand Marcos Jr. kanina. Walang abogado [na pumunta sa retrieval of ballot boxes]. What does that tell you? VP LENI: Marami naman kasi siyang sina— Unang una, siya iyong may request nito. Hindi tayo. Siya iyong may request na magkaroon ng recount, siya iyong pumili sa Camarines Sur na gawing pilot province. Hindi tayo. Siya iyong nagsabi dati na ang dami niyang testigo, na wala naman. Ako, asahan na kung lahat na… lahat na gimik gagawin. Kung napapansin natin, iyong binubuo naman niya na kuwento over the last weeks, biased iyong PET. Gusto kong sabihin, kung talagang interesado siyang lumabas iyong katotohanan, bakit wala siya dito, na siya iyong nag-request nito in the first place, ‘di ba? Kaya nandito iyong mga abogado natin kasi gusto nating i-ensure na iyong ni-request niyang proseso magiging malinis. At obligasyon niyang magpadala ng representatives niya dito kasi, gaya ng sabi ko, siya iyong may kagustuhan nito, hindi tayo. Q: Ma’am, iyong team niyo daw pupunta ng Albay bukas? VP LENI: Actually iyong team namin nasa Albay na since Saturday. Nandoon na iyong team natin sa Albay since Saturday. Nagbibigay na tayo ng relief goods at patuloy na magbibigay. Iyong kahapon dinecide ko lang na magpunta ako tomorrow kasi naging grabe kahapon. Iyong eruption medyo nilakihan—iyong nangyari kahapon, nilakihan na iyong danger zone to eight… eight… eight kilometer radius. So gustong sabihin lumobo na iyong numero ng mga evacuees, at siguradong iyong mga pangangailangan lumobo din. As of this morning, iyong report sa atin, mayroon nang 36,000 na inilikas. Gustong sabihin iyong ating mga evacuation centers talagang ano na iyon, punung-puno na. Gusto nating tingnan ano pa ba iyong kailangan, ano iyong… ano iyong mga request. Gusto din nating tingnan iyong mga gustong mag-donate, kasi kanina marami tayong kausap na pinakikiusapan natin na tumulong na, kasi baka hindi kayanin ng pamahalaan na solohin. Iyong mga tanong sa atin, puwede pa bang bumili doon mismo para wala nang transport cost, so iyon iyong mga gusto nating… gusto nating ma-find out bukas. Gusto din nating makausap iyong local government officials. Magkakaroon ng briefing sa atin bukas si [Albay] Governor [Al Francis] Bichara. Gusto din nating makausap iyong mga mayors ng mga lugar na affected, kasi gusto nating malaman galing sa kanila ano ba iyong pinakakailangan as of this time. Iyong opisina namin, ang initial na pinadala mga pagkain, mayroong hygiene kits na inasikaso kasi baka… hindi natin alam kung gaano katagal sa evacuation centers. May papadating nang mga bigas. May papadating na din na mga banig. Pero gusto pa din nating malaman kung ano iyong sitwasyon on the ground. Kaya pupunta ako bukas. OVP: Okay, thank you! Q: Thank you, Ma’am. VP LENI: Thank you! Salamat! – 30 –

    Posted in Transcripts on Jan 22, 2018