This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the Basic Orientation on Liberal Democracy

    Basic Orientation on Liberal Democracy – Legazpi City

    Legazpi, Albay

    REPORTER 1: Ma’am, first is, could you explain more doon sa sinabi mo sa speech mo about turncoatism.

    VP LENI: About?

    REPORTER 1: Turncoatism ng mga political ano. Ano ba talaga ang dapat gawin?

    VP LENI: Ako, pinu-push ko talaga iyong electoral reform law, kasi kapag ang political parties natin hindi malakas, hindi din siya magbi-bring about ng strong institutions. Dapat sana dine-develop natin iyong isang framework kung saan iyong mga political parties, ang pinaglalabanan mga paniniwala. Sa atin, walang ganoon, kasi wala tayong prohibition against political turncoatism, so nagiging convenience lahat, political convenience lahat iyong consideration paglipat ng party. Kapag tiningnan natin iyong mga bansa na very strong iyong political institutions, makikita natin kung ano iyong… ano iyong rule nila on turncoatism. Halimbawa, pumunta kami sa South Africa, pumunta kami sa Germany. Doon, kapag in-elect ka, kung ano iyong partido mo, obligasyon mo to stay in the party. Kapag lumipat ka ng party during your term, matatanggal ka sa posisyon. Kapag lumipat ka ng party during your term, may mga ibang mga bansa na bawal kumandidato sa susunod na eleksyon.

    Ito, tinuturuan ng disiplina, pinipilit na hindi basta-basta iyong pagsali. Dahil mayroong ganitong regulation, iyong pagsasali sa political parties pag-iisipan na talaga. Hindi gaya ngayon, kung nasaan iyong Pangulo, doon lahat. Kung ano iyong political party ng Pangulo, nandoon lahat. Hindi magandang practice siya kasi parang tino-tolerate natin na hindi prinsipyo iyong papairalin. Iyong sa atin, very personality-oriented. Hindi siya nakakatulong sa pagpapalakas ng institusyon.

    REPORTER 1: Dapat ba ibalik iyong dalawa, two-party system? Anong idea niyo doon?

    VP LENI: Ako kasi, whether ibalik iyong two-party system, whether mas tingin ba natin mas maganda iyong multi-party system, ako, palagay ko secondary iyon. Iyong mas primary consideration talaga, iyong palipat-lipat. Para sa akin, pag-usapan nang maayos. Pag-aralan kung ano talaga iyong magwo-work sa atin. Pero definitely ibawal talaga iyong turncoatism, kasi parang mine-make na mockery niya iyong political parties. Ngayon, hindi na mahalaga.

    Tingnan natin iyong mga kumandidato ngayon, tingnan natin iyong line-up. Isang line-up, iba’t ibang partido. Gustong sabihin, kumakandidato na hindi mahalaga kung ano iyong tinatayuan ng bawat isa. Ang mahalaga lang kung ano iyong… kung sino iyong namumuno. Hindi siya maganda kapag ganiyan.

    REPORTER 1: Related po ito sa turncoatism, kasi may move ngayon, may clamor na i-abolish na raw o i-ano iyong party-list group.

    VP LENI: Party-list system. Iyong sa akin kasi, unang una, dapat ang maging tanong, bakit ba nasa 1987 Constitution iyong party-list system? Kaya siya nandiyan para bigyan ng pagkakataon iyong mga marginalized sectors na ma-represent din sila sa Kongreso. Sila iyong mga tao na walang capacity na mag-participate sa political exercise. Sila iyong hindi mananalo sa regular elections, kasi iyong mga kalaban, iyong mga powerful, mga mayayaman. So binibigyan sana ng, parang, isang mechanism, na iyong mahihirap puwede ding makilahok. Pero ang problema, naabuso iyong batas. Tinake advantage siya noong mga powerful pa din. Ang nangyari ngayon, kapag nag-term limit na, o may isang family member na wala nang space para sa kaniya na maging district representative, magfo-form na siya ng party-list system, na parang hindi naman honest na representation ng sektor na tinatayuan. Kung naaalala natin, halimbawa si Mikey Arroyo, anak ni Pangulo, ang nire-represent niya, parang mga security guards. Hindi naman siya galing sa sektor na iyon. Kapag tiningnan natin ngayon sino ba iyong mga party-list na congressmen— Hindi ko nilalahat, kasi mayroon namang iba na talagang mga karapat-dapat, pero marami from among them, galing pa din sa mga mayayaman, galing pa din sa mga powerful, na hindi iyan iyong dahilan kung bakit mayroon tayong party-list system.

    Pero kung iyong tanong, dahil ba dito kailangang i-abolish? Ako, ang paniniwala ko hindi. Ang paniniwala ko kailangang baguhin iyong sistema, kasi iyong paniniwala ko, iyong intent maganda, eh. Pero baguhin iyong sistema, na hindi sana nasi-circumvent noong mga powerful iyong party-list system mismo. Siguraduhin na iyong mga na-e-elect na party-list representatives, talagang representative ng mga mahihirap.

    REPORTER 2 [in Bikol]: Ma’am, mapapagos, mapapagos, Ma’am, an Liberal Party digdi sa Bicol, lalong lalo na ngunyan an kadatnan po sa mga incumbent, kapartido po kang administrasyon. Ma’am, sa Albay particularly, Ma’am, paano ta po mapapakusog, mapapataraw an Liberal Party para po maging an masunod na gobernador, miyembro kang Liberal Party?

    REPORTERS: Tagalog po.

    VP LENI: Tagalog. [laughs] Iyong sa akin, ako, admittedly mahirap iyong at this time. Mahirap kasi wala tayong batas na ini-istriktuhan iyong mga kandidato na mamili ng partidong pinaniniwalaan niya talaga. Pero ito, ako, ang ideal sana maipasa na iyong batas laban sa turncoatism. Ang ideal sana, maipasa na iyong electoral reform law, para sumisikip, sumisikip iyong avenues na naaabuso. Pero kahit wala pa iyon, sa paraan na kaya natin puwede nang pag-umpisahan. Magandang halimbawa iyong Naga. Magandang halimbawa iyong Naga kasi iyong turnaround ng progress ng Naga, nangyari na parang dinefy niya iyong formula. Ano ba iyong pag-defy ng formula? Hindi siya kalinya ng administrasyon, minority siya na political party, pero nangyari iyong pagbabago dahil pinagkaisahan ng tao. Sana dito ganoon din. Sana dito magkaisa iyong tao sa isang movement na, parang, pinapaburan iyong mga kandidato na truly nagre-represent sa kanila. Hindi siya madaling gawin, pero hindi din imposible, kasi mayroon na tayong examples. Sana lang ma-inspire iyong mga tao sa examples na nakita natin sa paligid, gaano man kakaunti sila. Pero proof pa din na kapag ginusto, kayang maabot.

    REPORTER 3: Ma’am Leni, na-mention niyo po kanina iyong walo lang iyong in-endorse for senator ng Liberal [Party]. So magkakaroon po kayo ng mga guest candidates pa sa darating na halalan?

    VP LENI: Isa siya sa mga pinag-uusapan pa, kung papayag na magkaroon ng guest candidates. As of now, iyong mga discussion mukhang hindi magkakaroon ng guest candidates. Iyong shortlist na pinagpilian ay 18 or 19. Actually, marami din iyong sumusulong within the party na gawin siyang 12. Pero isa ako doon sa nakipaglaban na walo lang, kasi gusto talagang… parang, to send a strong message na hindi popularity iyong magiging basehan sa pagpili sa eleksyon na ito. Na kahit against all odds, iyong pagkatao saka paniniwala pa din iyong dapat na magandang batayan. Ano ito, dangerous na risk. Pero sa akin kasi, parang, worth the risk, if only to prove a point na puwede naman itong gawin, basta naniniwala lang tayo. Kaya ngayon, mas ine-encourage ng partido iyong paghanap ng volunteers, kasi talagang walang pera iyong partido. Walang pera iyong partido to support its candidates. Iyong mga kandidato mismo, walang pera, except for a few. Iyong sa atin, iyong na-inspire nga kami, kasi first 24 hours na nag-call for volunteers, more than a thousand kaagad iyong nag-sign up. Siguro kapag dinala ito sa mga localities, mas makakadagdag. Parang, iyong gusto nating subukan ngayon, parang people’s campaign, na iyong tao, hindi iyong pulitiko, ang magdadala ng kapanalunan ng kandidato.

    REPORTER 4: Ma’am, ilang volunteers ang kailangan to mobilize for LP for this midterm elections?

    VP LENI: Sa akin, as many as possible. Sa akin, iyong volunteers naman as many as possible, na dapat nagmu-multiply. Pero ito iyong volunteers na hindi lang numbers, pero sinisiguro na ito iyong volunteers na naniniwala, kasi iyong paniniwala, iyon iyong nagbibigay ng energy. Mahirap iyong volunteer by name lang, pero wala namang paniwala. Mas mabuti iyong hinihikayat iyong tao na maintindihan kung ano iyong sinasalihan niya.

    Iyong pinaka-example ko nito, ako mismo, kasi noong nagsimula ako noong 2016, 1% lang ako. Sa anim na kandidato, pang-anim ako. Wala namang mag-aakala na mayroon akong chance manalo. Pero dahil pinagkaisahan, pinagpaguran, naging matagumpay. So walang dahilan para hindi maulit iyong miracle na nangyari noong 2016 ngayong 2019.

    REPORTER 5: Ma’am, reaction po natin sa paglaki ng utang ng Pilipinas po?

    VP LENI: Iyong sa akin, parating— Ang utang by itself hindi masama, kung iyong utang nagagamit para lalong mapalago iyong ekonomiya. So iyong paniniwala ko, iyong dapat tanong ng bawat mamamayan: Bakit ba lumaki? Saan napunta? Kasi kung iyong pinuntahan ng utang, para sa mga bagay na mas makakadala ng progreso, okay iyon. Pero kung… halimbawa, baka maulit iyong panahon noong Marcos years, na iyong utang napupunta sa bulsa ng mga cronies, paano natin iyon babayaran? Kung naaalala natin, long after napatalsik natin si Marcos sa puwesto, binabayaran pa din natin iyong utang na hindi naman bansa iyong nakinabang. So iyong sa akin, mas maging discerning sana iyong tao. Kung umuutang, lumalaki iyong utang, saan ito napupunta? Kasi halimbawa napupunta ito sa mga kalsada, napupunta ito sa mga tulay, doon sa mga lugar na mahirap maabot, ito iyong mabuting utang, kasi iyong expected na returns nito mas malaki kaysa doon sa utang. Pero kung iyong utang mapupunta nga sa korapsyon, kung iyong utang mapupunta doon sa mga bagay na iyong returns hindi naman mas marami sa kaniya, dapat hindi natin ginagawa.

    REPORTER 5: Sa ngayon, ano nga pong assessment natin?

    VP LENI: Ito, dine-demand kasi natin ngayon sa pamahalaan na maging transparent. Dine-demand natin sa pamahalaan na maging transparent, malaman natin kung saan siya napupunta. Maraming sinasabi na Build, Build, Build. Maraming sinasabi na iyong mga proyektong galing sa China. Pero sana alam ito ng taumbayan, kasi mahirap mag-comment kung— Gaya sa amin, nahihirapan kami maghanap ng data. Kaya iyong sa akin lang, iyong parati nating dine-demand, transparency, para maging accountable naman iyong mga tao. Halimbawa, iyong mga pledges ng China before, ano na ba iyong nangyari? Ano na ba iyong… ano na iyong updates noon? Halimbawa iyong PNR. Iyong PNR, mga taga-Albay, mga taga-Camarines Sur, ang tagal nang hinihintay ito. Hindi tayo nabibigyan ng klarong update kung ano ba iyong dapat na asahan.

    REPORTER 5: Iyong Bicol International Airport.

    VP LENI: Iyong international airport, hanggang ngayon wala pa din. Kami, iyong Naga Airport. Masuwerte nga iyong Legazpi kasi maganda na iyong airport [laughter], pero iyong Naga Airport, hanggang ngayon wala pa din. Ang tagal na naming nagde-demand ng transparency about that, kasi hindi inaayos iyong Naga Airport, pero may bagong airport na bini-build. Iyong mga ganoon. Iyong demand for transparency sa government transactions, mahalaga iyon para i-make accountable iyong lahat. So iyon iyong dine-demand natin until now. From Day 1, iyon iyong dine-demand natin.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Oct 27, 2018