This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo in Bulan, Sorsogon

    24 October 2017

    Dialogue with fisherfolk at Sabang Beach, Bulan, Sorsogon

    Q: Vice, magtatanong lang po. VP LENI: Sige. Q: Ano pong gusto natin sabihin sa mga recipients ng project natin dito sa Bulan, Sorsogon? VP LENI: Ito kasi, nagiging posible lang ito hindi dahil sa pondo ng opisina namin—dahil wala kaming pondo to implement programs—pero nagiging posible ito dahil sa partnerships with the private sector. Kaya iyong lahat na tulong na naibaba natin sa Bulan, galing iyon sa mga partners natin. At iyong pagbisita natin ngayong umaga, dalawang dahilan. Iyong unang dahilan, para personal na makausap iyong mga recipients, at dalhin, bitbitin iyong kuwento nila para sa mga partners na nagbigay. Kasi iyong mga partners hindi pa nakakapunta dito, pero ipapakita namin iyong mga retrato, ipapakita namin iyong videos, ishe-share namin iyong kuwento. Pero pangalawa, kausapin din iyong mga residents—kanina ginawa natin iyon—saka iyong mga local officials, ano pa ba iyong mga kailangan? Walang pangako na maibibigay iyong pangangailangan, dahil ito, hinihingi lang rin natin. Pero sa abot ng ating makakaya, iyong nalalaman natin na puwedeng maitulong, iyon din iyong hihingiin natin. Gaya kanina, nakuwentuhan tayo na napaka-abundant pala ng supply dito ng walwal… Q: Lawlaw po… VP LENI: Lawlaw… Dahil abundant dito iyong supply ng lawlaw—ito iyong ginagawa na sardinas—titingnan natin kung may mayayaya tayo na private investor na maglagay ng canning company dito. O kung hindi, iyong government-owned na port, malagyan ng facilities, para iyong nilalabas dito, may value-added na, kasi mababa iyong presyo, so ano din— Pero iyong kabutihan naman nito, kahit gaano kakaunti, may mga buhay na nababago, gaya noong mga kuwento kanina. Pagkatapos nito, lilipat kami sa munisipyo. May kasama kaming isang partner. Iyong aming partner nasa maritime industry. Pinropose namin sa kanila iyong possibility na i-link up sila with a senior high school. Kasi ganoon naman iyong konsepto ng senior high, na ma-link sana sila sa existing na industries para mayroong pagkakataon na hindi lang immersion ng mga estudyante sa realities ng trabaho, pero iyong possible na employment, lalong lalo na para doon sa mga hindi na makakapag-aral ng college. Kaya iyon iyong gusto nating i-explore sa meeting na ito. Q: Ma’am, itanong ko na rin po, ano po iyong reaksyon ninyo dito sa bagong tayo na organization ni Mayor Sara Duterte na ni-launch kahapon? Parang katapat daw po doon sa opposition na existing? VP LENI: Lahat naman may karapatan na magtayo ng mga movements na mayroong ina-advocate. Hindi ko masyadong alam iyong advocacies noong movement, pero tingin ko kasi nakakabuti para sa bansa natin na iyong mga taong may pare-parehong paniniwala, naggugrupo. Kasi ito naman, kahit— Halimbawa sa mga magsasaka, mangingisda, parati nating pino-promote iyong pag-o-organize. Kasi sa pag-o-organize lang lalong napapalakas iyong boses. Kapag may gusto tayong ipahiwatig na pakiramdam, mas malakas iyong boses kapag nag-organisa. Tingin ko naman kapag nagamit sa tama iyong lahat na organisasyon, makakabuti para sa nakakarami. Q: Pero she’s saying na puwede pong… ini-invite niya kayong mag-join? VP LENI: Tayo naman, parati tayong open to joining, as long as pareho iyong mga paniniwala. Q: Okay… Ma’am, itanong ko na din. Kasi parang pinirmahan na ni President Duterte iyong resignation ni [Comelec chairman Andres] Bautista. Immediately na pinagre-resign na po siya. Makakaapekto po ba iyon sa ongoing case niyo with Bongbong Marcos? VP LENI: Ako sana hindi naman. Sana hindi naman. Lalo na kasi iyong Supreme Court, dinismiss naman iyong first cause of action. Iyong first cause of action ni Bongbong Marcos, parang sinasabi niya na naging madumi, maraming pandaraya sa nakaraang eleksyon. Parang iyong pag-dismiss sa first cause of action, parang sinasabi niya na hindi iyon totoo. So walang epekto iyong— Tingin ko walang epekto iyong resignation. Siyempre iyong parati na lang pangamba na dahil sa history ng mga Marcoses, parating pangamba sana hindi gumawa ng maduduming paraan para makamit iyong puwesto. Ito naman iyong parating—iyong parating kinakabahan. Kung dadaanin lang kasi lahat sa tama, wala naman tayong dapat ipangamba. Pero dahil Marcos iyong ating kalaban, maraming history ng pandaraya, kinakabahan tayo. Sana hindi siya umubra. At sana hindi siya payagan ng taumbayan. Kasi kung payagan siya ng taumbayan, parang iyong pinakipaglaban natin nang napakatagal na panahon, parang mababasura lamang. Q: Okay po… Last question na lang, Ma’am: Anong recommendation natin sa pinaplanong rehabilitation sa Marawi after nitong sinabing tapos na iyong war? VP LENI: Actually, ito, iyong aming team, palipad papuntang Marawi bukas kasi makikipag-meeting na sa rehabilitation team. Tingin ko crucial na ayusin, i-organisa, iyong rehabilitation. Hindi puwedeng kaniya-kaniyang trabaho. Ako tingin ko, whether gobyerno ka or whether private organization, isa lang iyong command para napaplano iyong mabuti. At parating limited iyong resources, para napapag-usapan kung sino iyong gagawa ng alin. Pero sana… sana pakinggan iyong boses ng mga taga-doon. Mahalaga na sang-ayon sa paniniwala nila, sa kultura nila, sa kagustuhan nila iyong pag-rehabilitate. Kasi sila naman iyong makikinabang. Sila din iyong magdudusa kung mapasama. Mayroon tayong mga recommendations. Isa sa mga nakikita natin na sana i-consider ng rehabilitation team, na iyong ruins noong bakbakan, sana ma-preserve. Sana ma-preserve iyon, dahil ito ay parang monumento ng kagitingan at, ‘di ba, ng pakikipaglaban, hindi lang ng mga sundalo natin, pero ng mga residente ng Marawi. Ito rin ay magsisilbing aral—aral ng lahat—tungkol sa terorismo, tungkol sa, ‘di ba, hidwaan. Aral na magsisilbing parang ano, parang warning sa ating lahat, na hindi na maulit iyong lahat na pagkakamali na nangyari in the past. Sana maisipan na mayroong alternative na iyong maaapektuhan doon sa war area mabigyan ng ibang lugar. Pero sana ma-preserve. Kasi ano ito, eh, parang mga monumento din sa ibang bansa na mahalaga sa pag-aral ng kasaysayan na kapag pumupunta doon, nakikita kung ano iyong remnants ng bakbakan. Q: Ma’am, last question na lang: Dito po sa nangyari dito sa Marawi, may pagkukulang ba iyong gobyerno? VP LENI: Tingin ko kasi hindi perpekto lahat. Maaaring may pagkukulang, maaaring wala. Pero tingin ko para sa ating lahat, makakabuti na parang moving forward na—paano maiiwasan iyong mga pagkakamali, at paano magkakabuklud-buklod lahat. Kasi ito naman iyong pinaka-essence ng lahat, eh. Iyong pinaka-essence ng lahat, sa panahon na kagipitan gaya ngayon, walang lugar para tayo ay mag-away-away pa. Marami nang away na pinagdaanan. Ngayon na tutulungan natin iyong Marawi, sana iyong mga tutulong nagkakasundo din. Isantabi muna iyong pulitika, isantabi muna iyong pagdududa sa isa’t isa. Magkaisa muna para mas lalong mapabilis iyong pagtulong na makabangon muli iyong Marawi. Q: Okay, thank you po! VP LENI: Thank you!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Oct 23, 2017