17 August 2016
Q: On her first 50 days as VP
VP Leni: Halo siya ng excitement tsaka impatience lalo na sa housing. Nakita ko na sobrang daming kailangang gawin. Marami kang gustong gawin pero marami ding challenges. Iyong isang challenge is that HUDCC is a coordinating council, hindi siya department kaya marami kaming hindi nagagawa.
Pero exciting din in the sense na dahil alam mo marami kang gagawin at maraming challenges napipilitan kang magthink out of the box.
Iyong kagandahan nito, ang mga kasamahan ko sa gabinete very supportive, si Presidente mismo very supportive, kaya tingin ko ang gusto naming magawa, magagawa namin in the next six years.
Q: On her programs in HUDCC
VP Leni: Iyong pinakauna talaga, tapusin iyong isang komprehensibong plano para sa pabahay. For the longest time kasi maraming programa pero hindi klaro ang direksiyon.
Ngayon kailangan talaga ng isang polisiya at mukhang nagkakatugma kami doon ni Presidente. Nagkakatugma kami in the sense na pareho ang paniniwala namin at nabibigya ng masmaraming tulong iyong mga mahihirap talaga. Pangalawa, mas in-city.
Hindi iyong mag-rerelocate kami sa labas. Kasi in the past few years marami ang mga ni-relocate sa labas na hindi nagiging successful. Ngayon, ang paniniwala namin ang priority ay in-city, if possible on-site na ayusin talaga.
For the most part, ang ginagawa lang ng opisina talaga mass housing, ang sabi ko ang pangalan ng opisina natin housing and urban development so kailangan ang plano hindi lang housing kundi pati development ng community.
Pinapalitan namin ang mindset. Iyong mindset before, basta nakapagpagawa ka ng bahay ok na iyon, sa amin hindi.
Dapat kapag nakapagpagawa ka ng bahay, naiahon mo na rin sila sa kahirapan kasi kung nagawan mo nga sila ng bahay hindi naman sila naalis sa kahirapan, hindi iyon accomplishment.
So pareho ang aming paniniwala. Kahit maraming balakid, magiging posible.
Q: Statement on the death anniversary of Sec. Jesse
VP Leni: Tomorrow 4th death anniversary ni Jesse kaya nagpaalam ako kay Presidente na I will be here until today lang at kailangan kong bumalik sa Manila ngayong hapon kasi tonight I need to catch the bus pauwi sa amin kasi alas siyete ng umaga iyong misa para sa asawa ko.
Kasi iyong August 18 has been declared by the City of Naga as Jesse Robredo day.
So kailangan talagang nandoon ako sa amin. Kaya nag-paexcuse ako, ginawa ko na trabaho ko, nag-present ako sa cluster namin.
Iiwan ko staff ko, sabi ko nga masyadong timing sa summit I would have wanted to stay until tomorrow pero kailangan ko na bumalik ngayong hapon.