Interview with Vice President Leni Robredo Day 1 of Vaccine Express in Manila City
[RECORDING STARTS] VP LENI: Magbakuna muna tayo kasi ang dami pang problema. Wala namang nagbago: wini-wish pa rin natin na isa lang pero kailangan iyong pagtrabahuan. Pero ano kasi, eh, ang dami natin ngayong inaasikaso. Lalo iyong opisina namin, ngayon sa Bicol nag-set up na rin tayo. Galing na tayong Tuguegarao and Palawan. So sa Bicol nagsa-spike ngayon so nagse-set up na rin tayo. So ano talaga kami, manipis kami ngayon dahil sa dami ng ginagawa.
REPORTER 1: I understand, Ma’am, busy po pero may deadline po ba kailan kayo mag-a-announce? [laughs]
VP LENI: Iyong sa akin kasi siyempre iyong deadline natin at the very latest end of September. Pero marami tayong kailangan trabahuin sa pulitika rin. Kasi kung gusto natin na isa lang talaga iyong—makabuo ng isang unity ticket, maraming trabahong kailangan gawin. So ang problema, hindi tayo maka-concentrate na grabe dahil nga—dahil sa iyong mga, halos araw-araw namin nasa COVID-19 response operations talaga. Pero kailangan nang isingit-singit siya, iyong pag-work on it. So hopefully… hopefully marami iyong mag-agree na to come together para mapag-usapan. Isang bagay iyon na tina-trabaho ko ngayon. Pero mayroon pa tayong until September to do that. Pinagdadasal natin na makarating tayo sa puntong iyon.
REPORTER 2: Ma’am, sundot ko lang, may Laban ng Masa din kay Walden Bello. Paano ba iyan? Kasi ang oposisyon sana unified daw talaga pero with this, ano pong masasabi niyo roon?
VP LENI: Iyong sa akin, sana lahat… sana lahat ang isipin kung ano ang makakabuti sa bayan. Mayroong—hind naman mawawala—mayroong mga kagustuhan iyong kaniya-kaniyang grupo. Pero iyon naman iyong essence ng unity, ‘di ba. Iyong essence ng unity na kung willing ba tayong i-set aside iyong differences para mahanap natin iyong solusyon na pinakamakakabuti sa bayan.
REPORTER 3: Ma’am, I have a question, sorry: when we speak of crisis, especially during this pandemic, we see the critical role that women play, right? I mean, it’s never been harder for women, for mothers, and how important is it that women play a greater role in responding to the crisis and also in leadership that their voices are heard and not dominated by male leadership voices?
VP LENI: Nakikita kasi natin iyan kung gaano siya kahalaga in countries where women play critical leadership roles. Makikita natin how responsive their policies are and that’s our wish for the country: na sana iyong mga kababaihan mabigyan ng mas maraming boses. Kasi actually, women are bearing the brunt of this pandemic na hindi nakikita ng lahat. Pagdating sa education ng mga bata, pagdating sa balancing, iyong hanapbuhay at saka pag-asikaso sa mga anak nila, sa—
Tinitiis nila na marami iyong—mas maraming kababaihan iyong nawalan ng trabaho ngayon. So iyong opisina namin, talagang ni-reassess namin iyong aming programs. Ni-reassess namin iyong aming budget. We’re allocating more funds now for livelihood subsidies—livelihood subsidies not just for women pero pati mga lalaki. Pero nakikita namin na mga kababaihan talaga iyong nag-a-avail.
REPORTER 3: Gaano ka-importante, Ma’am, iyong role ng leadership ng women na every decision-making process may female leadership na nandiyan at the forefront, making decisions in behalf of, not just women, but also children, minorities, LGBTQIA+. You know, we see that women are much more sensitive when it comes to decision-making process. We see that in your projects. Do you feel that there is a need for female voices and that leadership?
VP LENI: Sobra. Sobra. Kami, karamihan sa mga projects namin we’re dealing with mostly women and we have noticed na kapag babae iyong binibigyan ng boses, iyong pinakamaliliit na detalye, nabibigyan ng pansin. Siguro ang dahilan diyan because also of the roles that they are playing in our everyday lives na hindi nakikita ng mga kalalakihan. It’s not that women are better pero siguro women are more sensitive, women are more… parang they give more premium to the littlest of details dahil sila iyong nakakakita, eh.
REPORTER 3: Yeah, and they define strength differently.
VP LENI: Yes, and hindi lang. Pinapakita according to studies na iyong mga kababaihan tend to underestimate themselves. So because of that, they are more consultative. They listen more dahil tingin nila iyong inadequacies actually nagagamit siya for good, in the sense na kapag iyong leadership mas consultative, mas inclusive, iyong klase ng policies na nagagawa niya, mas empowering din.
REPORTERS: Thank you, Ma’am! Thank you, VP.
- 30 -