This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo DYHP 612 RMN Cebu

    Interview with Vice President Leni Robredo DYHP 612 RMN Cebu

    Host: Atty. Ruphil Bañoc

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Hello, magandang umaga. Kumusta po kayo, Ma’am?

    VP LENI: Magandang umaga, Atty. Ruphil, magandang umaga po sa lahat ng nakikinig sa atin ngayong umaga dito sa Cebu.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Maayong umaga. So this is the second time na ma-interview kita in person, ano, face- to-face. Noong una, tatakbo ka bilang Bise Presidente. Nagpunta kayo dito, at mayroon akong mga issues na tinanong. Tapos pagkatapos noon, hanggang Zoom na lang tayo.

    VP LENI: Oo nga, eh.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Dahil sa pandemic. So ngayon—

    VP LENI: Iyong huli natin na interview, Zoom na lang.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Zoom na lang. Iyong mga ginawa mo para sa Cebu tungkol po sa COVID response. Salamat pala, VP Leni, sa mga—number one, iyong mga boarding houses para sa mga front liners at saka iyong mga shuttle buses. Oo. I remember nag-interview ako sa iyo via Zoom na lang.

    VP LENI: Oo nga eh.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: So ngayon didto na tayo, ano? Second time, mga kaigsunan nato na-interview si VP Leni live dinhi sa suki ninyo. So kumusta po ang pagtanggap ng mga Cebuano? Ano ang mga activities niyo kahapon pala, VP Leni?

    VP LENI: Napakarami, Atty. Ruphil. Ang pinaka-sadya ko talaga kung bakit ako pumunta one day early kahapon kasi may kasal ngayon eh. May kasal ngayong umaga. Ay, ngayong hapon. Pero kahapon, ang pinaka-sadya ko magpasalamat. Kasi ‘di ba marami kaming binababa na mga projects dito? Pero—lalo na iyong COVID response—hindi namin iyon magagawa kung wala iyong mga volunteers na mga taga-dito. So kahapon, iyong first batch of volunteers mineet namin. Ito iyong mga SK federation of Cebu. Sila iyong tumulong sa atin sa lahat ng COVID response operations natin—mga shuttle buses, mga dorms. Mineet din natin iyong mga negosyante na mga taga-Cebu na noong COVID, noong panahon ng COVID, sila din iyong tumutulong sa atin. Halimbawa, gumawa tayo ng ferry service from Olango to Mactan. Cebuano din iyong nagpahiram sa atin ng ferry. Mayroong Cebuano na nagbibigay sa atin ng gasolina para sa mga buses. Mayroong mga Cebuano na nagbibigay ng mga pang-relief operations natin. So pinasalamatan natin sila. Iyon iyong first part.

    Pero iyong second part, nag-turnover tayo ng mga projects. Marami na kaming projects dito sa Cebu mula 2016. Napag-usapan na nga natin ito dati. Pero noong, kahapon, nag-turnover kami ng financial grants sa 65 or 67 na mga taga-Cebu. Iba-iba ito. Mayroong—iyong dalawang grupo, sewing communities. Iyong isa namang grupo ito iyong mga Bantay Banay volunteers na... Noong pandemic kasi, in-expand namin iyong aming livelihood assistance na training program, tapos dito sa Cebu, marami tayong recipients. Halimbawa, iyong dalawang sewing communities, ito iyong partners natin na nagtahi ng mga PPE sets para sa mga medical frontliners. So tinulungan natin sila, binigyan ng cash grants at saka training para mag-expand iyong kanilang negosyo. Hindi na lang PPE sets, pero alam mo iyon, magkaroon sila ng kapital, magkaroon sila ng mas maraming kaalaman. Kasi noong panahon talaga ng COVID ang daming kahirapan na pinagdaanan, lalo na sa mga maliliit na negosyante.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Tayo po, VP Leni, ay live pala tayo sa sister station natin ng iFM, 93.9 iFM naka-live din tayo ngayon, hook-up ano, para ma-ano rin itong mga listeners natin. So kumusta po iyong pag-iikot ninyo ngayon may kaibahan noon dahil sa...

    VP LENI: Ibang-iba. Actually Atty. Ruphil, ibang-iba iyong sitwasyon ngayon kung iko-compare mo sa 2016 na kampanya. Kasi noong 2016 na kampanya ‘di ba admin kami? So kapag pumupunta kami sa lugar, kausap namin iyong mga local officials. Tapos iyong mga local officials, sila iyong nag-iipon ng mga tao. Pero ngayon, baliktad. Baliktad ngayon kasi iyong tao iyong nag-oorganize.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Oo, iyon ang kaibahan, ano?

    VP LENI: Oo, iyon iyong kaibahan. Tapos ano pa eh... halimbawa, kahapon, marami kaming nadaanan na mga billboards all over Cebu pero hindi naman kami naglagay. Tapos kagabi nameet ko iyong mga volunteers na naglagay ng billboards. Tapos kung nakita natin, ang daming mga ribbons, ang daming mga tarpaulin, iyong mga tao naka-uniform, iyong mga t-shirts depende kung anong grupo. Lahat sa kanila iyon. Hindi iyon—traditionally kasi parang nanggagaling sa kandidato eh. Ngayon talagang lahat talaga ordinaryong tao. Tapos maraming mga tao na sa siksikan sa crowd, biglang may ilalagay sa kamay ko na akala ko sulat, pagbukas ko mayroong contribution na hindi naman ito nanggagaling sa mga mayayaman. Ito iyong mga simpleng tao na siguro hirap din sa hanapbuhay pero gustong tumulong. Ito iyong nakakapag—parang ito iyong nakakapa-spesyal sa lakad natin ngayon. Kasi hindi namin ito pinag-daanan ng 2016.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Iyong 2016, Madame VP Leni, grabe ang suporta ng mga Cebuano sa inyo. Overwhelming support.

    VP LENI: Oo naman. Alam mo, kung hindi dahil sa Cebu, hindi ako nanalo.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Oo. Sa tingin ninyo, maaasahan ba iyong the same support or more than iyong nakuha ninyo sa 2016?

    VP LENI: Ako, ayaw ko kasing gamitin iyong word na aasahan eh. Kasi pag aasahan, parang entitled ako. Para naman sa akin, kailangan kong pagtrabahuhan. Kailangan kong pagtrabahuhan, pero kung ang sukatan kasi iyong nakikita ko ngayon, mas grabe ngayon. Mas grabe ngayon compared noon kasi ngayon kahit siguro iyong nawala sa amin iyong support ng maraming mga politiko kasi wala na ako sa admin, pero ang kapalit naman nito ano talaga, spontaneous at saka organic iyong tulong ng tao. And iyon iyong nakakapa-excite sa amin. Nakakabigay ng parang energy para gumalaw talaga ng mas masipag.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Oo dahil iyong sa record, kung—if I'm not mistaken, iyong support ng mga Cebuano sa iyo'y nagbigay ng mga 600,000 votes.

    0VP LENI: 600,000 plus, plus votes sa Cebu province at saka sa Cebu City. Ang laki talaga ng pinanalo ko dito.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Oo, 600,000 votes iyong nabigay ng mga Cebuano, while iyong second, iyong si Bongbong Marcos ay mga 100,000 votes lang.

    VP LENI: Malayo. Malayo.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Malayo ano? So iyan ang support ng mga Cebuanos. But sa ngayon—at least alam mo naman iyan na hindi ka na admin ngayon, although iba, magkaiba talaga iyong local politics—

    VP LENI: Ibang iba.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Iba, at saka iba iyong sa ano... hindi ka ba bothered na iyong mga sinabi mo noon, iyong mga officials sila nag-prepare, pero ngayon parang ilan na lang natira ba na mga elected officials?

    VP LENI: Sa akin kasi ano siya eh, parang good and bad. Good sana na kakampi mo iyong mga local officials kasi parang bawas sa... kapag kakampi mo kasi iyong local official, siya na iyong mag-oorganize on the ground. So iyon sana iyong mabuti doon. Pero ngayon nga, baliktad na hindi naghihintay sa kung sino iyong leader. Iyong mga tao mismo iyong nag-o-organize, na tingin ko maganda ito kumpara doon sa mas traditional, mas conventional. Kasi ito, parang iyong tao ngayon hindi na lang siya supporter. Parang siya invested sya sa kampanya. Gusto ko sabihin, iyong buy-in ng tao parang laban nya ito eh, hindi lang dahil nandito sya dahil susuportahan ako. Hindi na ganoon eh. Tingin ko ito iyong parang what makes the campaign special, kasi iyong mga tao sobra talagang passionate. Nakita namin iyon kahapon. Halimbawa, everywhere we go may mga taong naghihintay na ano talaga, hindi ko ito naranasan ng 2016.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: So iba ang feeling mo ngayon, Ma’am?

    VP LENI: Ibang-iba. Ibang-iba.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Dahil sometimes pud no, pag mga local officials contact mo, sometimes parang pinepeke nila ang [inaudible]… Sometimes lang.

    VP LENI: Alam naman natin iyon kasi hindi mo din naman ma-blame iyong local officials eh. Kasi paminsan, kapag i-a-assign mo ng magkaroon tayo ng big rallies, so siyempre iyong mga local officials parang pressured sya na punuin iyong, halimbawa iyong gymnasium. Pero ngayon walang ganoon. Nagkukuwento nga iyong ibang... mayroon din naman kasi akong mga kaibigan na mga local officials na kausap natin kahapon. Kahit sila nagsasabi na iba ngayon, kasi ngayon hindi kami kailangan mag-ipon ng tao, kasi iyong tao nagagagalit pa sa amin.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Spontaneous, ano?

    VP LENI: Oo, spontaneous, at saka—

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Nakita ko rin iyon, Ma’am, iyong ano... ilang linggo na, at lalo na kahapon, iyong mga sasakyan ba, na naka-pink ba.

    VP LENI: At saka ano, iba iyong energy. Parang kapag iyong 2016 kasi, mas tradisyunal, parang ordinaryong kampanya. Ngayon iba. As in lahat ng pinuntahan namin, grabe iyong pagka-desidido ng mga tao.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Tapos iyong number of vehicles na nakasali doon sa caravan, iyong iba pinaliit na nila iyong number. But nakita naman natin na ang dami pala.

    VP LENI: Hindi, at saka ano... Actually, bago ako dumating nakiusap na ako na i-limit natin kasi Friday morning kahapon, ‘di ba? Sabi ko magagalit sa atin iyong mga tao kapag naka-cause tayo ng traffic. So ang compromise nga namin, iyong iba hindi na sasama, maghihintay na lang sa, parang may mga hintayan points. Iyon naman iyong nangyari kahapon, pero hindi pa din maalis iyong ibang sumama pa din. Pakiusap ko iyon na huwag nang sumama, parang huwag na nating masyadong pahabain kasi...

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: But you cannot stop your supporters, really. Kami nakita namin kahapon ang dami talaga.

    VP LENI: Actually hindi ko alam na sumusunod sila. Kasi ang usapan nga namin hindi na susunod sa caravan, maghihintay na lang sa mga points. Tapos pagdating namin sa Archbishop's Palace kahapon, pagtingin ko sa likod ang haba pala namin. So sabi ko sumunod pa din pala sila. Pero actually mga very respectful. Gusto ko sabihin, wala namang pasaway. Lahat lang talaga gusto maki-isa.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Iyong, although itong mga local officials naman, you cannot rely them sa mga ano naman, dahil mayroon siyang sariling laban. So if you will count the local officials, parang hindi naman iyon ganoon dahil iba talaga iyong mag-takbo ka ng national post. Dito sa local man, ano lang iyong mga mayors mayroon silang problema minsan sa sarili nila.

    VP LENI: Lalo na kapag may laban. Parang, tingin ko mas makakabuwelo silang tumulong sa national kapag walang masyadong laban. Pag unopposed o hindi matindi iyong laban. Pero kapag grabe kasi iyong laban on the ground, maiintindihan mo din naman. Maiintindihan mo na syempre iyong priority nila iyong laban nila.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Pero dito sa Cebu parang okay iyong reception ng mga tao dahil alam natin 2016 grabe iyong support sa inyo. Tapos ngayon kahit wala na iyong ibang mga elected officials, pero galing na talaga sa tao iyong support ba. So spontaneous.

    VP LENI: Oo ang layo. Malayo talaga iyong parang spontaneity ng mga tao.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Saan mo ma-attribute kaya yang ano, Ma'am? Dahil iyong mga Cebuano parang talagang gusto ka na suportahan?

    VP LENI: Ako tingin ko iyong ngayon, actually kami mismo nagulat kami.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Dahil ba ang Cebu ay parang posisyon nitong country or ano kaya?

    VP LENI: Actually ano sya, karamihan naman kasi sa Cebu mga discerning na botante eh. Kasi kahit noong 2016, admin candidate ako, maraming local officials dito na hindi naman ako sinupport. Ibang kandidato iyong sinupport. Pero ganoon pa din kadami iyong nakuha kong boto. So I think iyong mga tao dito, siguro factor iyong local official na tumutulong. Pero iyong mga tao mismo, nagde-decide base sa kanilang assessment. So ngayon, marami ako actually nakausap na supporters kahapon. Iba-iba iyong kanilang dahilan, tapos ang...ito nga, iyong striking karamihan ng nakakausap ko, ang pakiramdam talaga nila laban nila ito. So tingin ko, kaya ganito iyong energy, ganito iyong passion ngayon kasi nararamdaman nila kung gaano kahalaga iyong 2022 elections. So ganoon sila kadesidido ngayon.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Iyong acceptance sa mga Cebuano sa iyo, ganoon ba rin sa ibang parte ng bansa sa pag-iikot ninyo?

    VP LENI: So far, iyong mga napuntahan namin—ang mga napuntahan ko kasi Bicol, Tarlac, Batangas, kagagaling lang namin sa Batangas, ganoon din. Hindi ko lang alam, kasi may mga lugar talaga na medyo, medyo may problema tayo. Halimbawa, sa northern Luzon. Although nakikita ko ngayon, wala tayong inaasahan na masyadong tulong doon. Pero nakikita ko ngayon, maraming mga lugar sa Northern Luzon na mayroon ding mga initiatives na sarili. So hindi ko alam kung magta-translate ito sa better showing natin for the elections. Halimbawa, pumunta din ako sa—just after filing, pumunta ako ng Cagayan de Oro, Bukidnon, Iligan, tsaka Marawi. Sobrang ganda ng reception. Iyong Marawi hindi ako masyadong nagulat kasi ano iyon, eh, ang dami naming ginagawa sa Marawi because of the seige. So parang iyong mga tao doon, pamilya para sa amin, eh. Pero iyong halimbawa, iyong Iligan, halimbawa Cagayan de Oro, halimbawa Bukidnon, hindi naman kami masyadong—although nanalo ako sa Bukidnon, nanalo ako—pero ngayon same na iyong tao iyong nagsa-start. Hindi politiko iyong nagsastart, pero iyong tao iyong nagsastart ng mga initiatives.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Pero, Ma’am, sa survey ng SWS at Pulse Asia, iyong rating ninyo ay nasa upos. Pero ang good news naman diyan, nagsimula ka sa upos na rating, pero tuloy-tuloy iyong trend niya, pataas. Iyong iba diyan, nagsimula sa taas, nagdive naman na iyong iba. So iyong sa inyo, good news yan dahil tuloy-tuloy iyong pagtaas niya. Based sa survey ah, na nakita ko. Saan i-a-attribute kaya yan, iyong tuloy-tuloy na pagtaas sa rating ninyo?

    VP LENI: Iyong pag-VP ko kasi, nagstart talaga ako bottom. Anim kaming kandidato, nag-start ako pang-anim eh. Pero tingin ko sipag kasi—

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Iyon ang na-experience niyo?

    VP LENI: Oo, noong 2016, talagang hindi ako kilala noong nag-umpisa ako. At least ngayon, ngayon mas mataas-taas iyong pagsisimulan ko, eh.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: So hindi bago sa inyo na magsimula sa ano…

    VP LENI: Ang tingin ko mas mahirap noong 2016 kasi talagang nagpapakilala pa lang ako. Ngayon naman kilala na ako. Tingin ko iyong mahirap ngayon kasi dahil sa mga fake news, kasi mas grabe ngayon iyong use ng social media. Inabuso talaga iyong social media. Kapag tiningnan mo iyong Facebook, iyong YouTube, pati TikTok, ang daming mga kasinungalingan na nandoon na siyempre iyong tao kapag iyon iyong nakikita, pinapaniwalaan niya. Iyon iyong mahirap ngayon. Pero as far as pagpapakilala, kilala tayo. At saka siguro, Atty. Ruphil, iyong kabutihan din para sa akin, consistent kasi iyong ginawa ko over the years, eh, so hindi ko kailangan depensahan iyong sarili ko. Halimbawa, kapag panahon kasi ng eleksyon lahat magpa-promise. Halimbawa, I am sure kapag pumunta rito iyong mga kandidato sasabihin nila, “Mahal ko iyong Cebu. Ang dami kong plano para sa Cebu.” Pero parati namang ang tanong, noong hindi ka pa kandidato, anong ginawa mo for Cebu, ‘di ba? So sa akin, hindi iyon sa akin problema. Hindi ako kailangan na magkunwari na ganito kasi talagang—halimbawa since 2016 until the present, ang dami naming proyekto sa Cebu. Very familiar ako sa mga lugar, very often akong nandito. So parang hindi ako pumunta dito just to campaign. So sa akin, iyon iyong advantage ko ngayon compared to 2016. Iyong 2016, kailangan ko talagang i-prove na, ‘di ba, kasi wala pa akong track record, eh. So ngayon—

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: So at least hindi nakapa-discourage sa inyo iyong kapag simula, iyong numbers…

    VP LENI: Actually, consideration siya kasi hindi ko binalak tumakbo, ‘di ba. So sinasabi ko noon—kasi ano talaga, eh, nakikita ko kung ano iyong epekto ng pagtitira sa akin, iyong fake news. So sabi ko, “Hindi na ako kakandidato kasi ang daming taong napapaniwala.” Pero iyong numbers mismo na numbers, ang experience ko ang magpu-prove otherwise, eh. Nagsimula ako sa 1%. Noong 1% ako, Atty. Ruphil, iyong mga nangunguna noong nasa 40% plus.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Oo, grabe talaga, ano.

    VP LENI: Oo, at saka kapag tiningnan mo every election sa atin, iyong mga nangunguna sa surveys, iyon iyong mga hindi nakaka… Tingnan lang natin noong 2016, ‘di ba. Halimbawa, si President Duterte noong 2016, kung hindi ako nagkakamali parang pang-apat lang siya sa surveys, eh. Until ano iyon, until siguro March? Kasi late siyang nag-file. So hindi ko masyadong sure kung kailan siya tumaas pero parang until March, pang-apat siya. Tapos noong umakyat siya, pangatlo siya, pangalawa. Pero nag-peak lang talaga siya halos mag-eeleksyon na, eh. Actually, halos pareho kami. Ako, kung siya pang-apat, ako pang-anim.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Grabe, ano. So hindi bago sa inyo.

    VP LENI: Hindi, hindi. Sanay ako sa mahirap na laban. Kahit noong kumandidato ako first time. Noong kumandidato akong first time sa Congress noong 2013, ang kalaban ko malakas na political dynasty. Kulelat din ako sa surveys noon. Pero tingin ko kasi, Atty. Ruphil, ang advantage ko rin, masipag talaga ako. Masipag talaga ako. So nadadala talaga sa sipag, hindi makasabay sa pace ko iyong iba, eh. Halimbawa noong 2016, tinrack ito ng media, eh, sa lahat ng kandidatong national, including iyong mga senatoriables, ako iyong nakapunta sa pinaka-maraming lugar. At tingin ko, iyong sipag nanggagaling sa gusto ko kasi iyong ginagawa ko, eh. So hindi sa akin chore. Hindi iyong napipilitan lang ako dahil kampanya kasi kahit hindi kampanya, ganito na iyong pace ko. Iyon siguro iyong advantage ko sa kanila.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Bakit kaya sa—parang na-notice ko ba sa academe, malakas ka sa mga ano…

    VP LENI: Siguro kasi mas discerning ang tao. Siguro iyong mga professionals… Nakita namin iyon halimbawa kahapon, grabe iyong pagka-active ng mga doctors. Pati iyong mga lawyers, actually iyong mga lawyers mami-meet ko sila today. Sila kasi nakikita rin nila iyong fake news pero alam nila kung ano ang totoo. So, iyon din iyong tulong na hihingiin ko sa iba kapag nababasa—kasi halimbawa, ang pinaka-number one na sinasabi sa akin, “Bobo iyan,” o ano iyan, “wala iyang nagawa.” Hindi naman totoo. Pero kapag ano ka kasi, kapat wala kang idea, paminsan maniniwala ka, eh. So I think, iyong professionals, alam kasi nila, eh kasi hindi sila—parang, hindi nila pinapaniwalaan kaagad kung anong nababasa nila. Halimbawa iyong doctors, tinatanong ko may kasama ako kagabing doktor na sobrang active niya. So tinatanong ko, “bakit kaya ganito iyong doctors ka-active?” Kasi hindi lang dito, eh, pati sa Bacolod pagpunta namin. Pagpunta namin sa Tarlac, pagpunta namin sa Batangas, grabe iyong Doctors for Leni. So ang sabi nila, “kasi nakita namin during the pandemic. Nakita namin during the pandemic na ikaw lang talaga iyong nag-asikaso sa amin.” So ito iyong mga taong marunong mag-assess dahil personal iyong kanilang experience sa leadership.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Mahirap lang doon iyong mga professionals na ano, iyong mga tao naniniwala kaagad minsan. Anong feeling mo, VP Leni, iyong sabihan na—well, imposible naman ito, ekonomista, graduate ng UP, abogada, my goodness tapos sabihin na bobo. Anong reaksyon mo doon? Anong ma-feel mo?

    VP LENI: Actually sa akin, natawa ako kasi kapag tiningnan mo, kami kasi dinissect namin iyon. Akala talaga ng ang daming supporters ng ibang kandidato totoong bobo ito kasi may mga pinapakita silang mga videos ng interview ko. Halimbawa iyong isa, may pinakita sila na nagko-compute ako. Kaya sinabi nila na bobo ako kasi iyong computation ko raw ng 4x40 [equals] 1,600. Siyempre kung ang 4x40 = 1,600 talagang mahina ka. Pero ang hindi nila alam na spliced iyong video. Ang sinabi ko, 10x4x40 equals 1,600. Inalis nila iyong 10. Ang natira lang iyong 4x40. So ang tao naman, paniwalang-paniwala. Sasabihin ng tao, “ang bobo niya ganito iyong sinabi niya.” Tapos ang dami pa, actually, Atty. Ruphil na mga interviews ko na pinutol nila. Noong nakita ko siya—matagal na ito, eh, many years ago, noong nakita ko siya natatawa ako na hindi ko naman iniintindi, pero mali pala iyon. Iyong kasalanan namin kasi hindi namin kinorrect nang mas maaga. So ang daming naniwala. Ngayon pa lang na kandidato na ako, ngayon pa lang lumalabas iyong version ng video na hindi spliced. Iyong tunay na version ng video. Halimbawa, iyong isa kong sinabi na tawang-tawa iyong—parang pinagtatawanan ako ng mga supporters ng kalaban na sinabi ko raw na, “I have three daughters and all of them are girls.” Siyempre nakakatawa iyon, ‘di ba, parang iisipin mo, “Ang bobo naman nito. siyempre daughters, girls.” Pero actually, pinutol nila iyon. Ang sinabi ko sa interview, “Iyong tatlo kong anak na babae, lahat Papa’s girls.” Iyon ang sinabi ko. So, alam mo iyon, na namamanipulate sila, eh. So sa akin, sino ba iyong lugi? Hindi naman ako kasi hindi naman totoo iyon, eh. Pero ang lugi, iyong napapaniwala niyo.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: So nare-realize niyo na kapag may fake news na ganiyan, dapat i-counter kaagad?

    VP LENI: Oo, dapat i-counter. Iyon iyong mali talaga namin kasi siguro for four years, ang ugali kasi noon, hindi totoo huwag nang pansinin. Huwag nang i-dignify. Ang problema, kapag hindi mo kasi kinorrect, naniniwala iyong mga tao. So since 2019, kino-correct na namin pero saturated na kasi iyong social media, eh. Ang daming fake accounts. Ngayon, hindi na lang fake accounts pero bumibili sila ng mga existing accounts na kino-convert nilang sa kanila. Tapos ito, lahat siya parang channels para i-distribute iyong fake news. Kapag ganoon, sino ba iyong kawawa? ‘Di ba iyong kawawawa iyong naniniwala?So ang sinasabi ko nga—ang sinasabi ko roon sa architect ng propaganda: “Hindi naman sa akin iyong kasalanan niyo, eh. Kasalanan niyo sa supporters niyo kasi iyong supporters niyo napapapaniwala niyo sa mga bagay na hindi totoo.” Pero ito, kapag discerning kasi, iyong nag-iisip o naghahanap ng “totoo kaya ito o hindi,” sila iyong hindi naniniwala, ‘di ba. Kaya ang dami ngayon—halimbawa mga estudyante…

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Mabuti na-explain mo iyan, Ma’am. Kahit ako mismo hesitant maniwala sa bobo ka raw. At least na-explain mo na ngayon.

    VP LENI: Kapag tiningnan mo, Atty., kami kasi tiningnan namin, eh, ano iyong—bakit ang daming mga taong naniniwala na bobo ako? Sa YouTube at saka sa TikTok, ang dami nilang video ko na interview na pinapakita nila. Pero dinoktor, eh. Dinoktor iyong mga videos. So akala ng tao, ganoon talaga iyong sinabi ko. Ang problema kasi ngayon, medyo high-tech. Ang dali na lang i-alter, ‘di ba.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Ang dali lang noon. Gagawin lang—mag-fabricate sila ng stories.

    VP LENI: Gaya noong 4x40 = 1,600, tinanggal lang nila iyong umpisa noon, 10, eh. So sa amin noong napanood namin iyon, parang, bakit mo papansinin na katawa-tawa? Parang hindi naman siya importante. Pero nagawan nila ng kuwento, eh. So ngayon, iyong mga supporters naman namin, sumusubok lumaban. Pero dahil organic tayo, wala naman tayong mga fake accounts, eh, siyempre hindi natin masabayan sila kasi sila ang daming fake accounts, eh. So iyong distribution nila, nasa-saturate nila iyong social media. So everywhere I go, iyon iyong pakiusap ko sa supporters, na sana tumulong kayo na i-correct kung ano iyong mga fake news. Kasi kung ang eleksyon na ito ang kandidato mananalo based sa kasinungalingan, kawawa iyong Pilipinas.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Iyong mga army of trolls, they can make and break a person ba.

    VP LENI: At saka ano talaga, parang tine-take advantage noong kandidato iyong pangangailangan ng pera ng tao. Na very toxic na ngayon, eh. Halimbawa, kapag may taong nag-come out in the open. Halimbawa iyong mga artista, may mga nakakakuwentuhan ako na kapag nag-post sila about me, puputaktehin sila. So ito, pinuputakte sila kasi mayroong ano, mayroong direktor na ilalagay iyong link kanilang, tapos sasabihin na atakihin nang atakihin ito, ‘di ba. Parang para sa akin, nakakabuti ba siya sa bansa natin? Hindi, eh. Kasi sabihin natin na matalo—halimbawa sabihin matalo ako sa eleksyon dahil naniwala iyong mga tao sa kasinungalingan, sino ba iyong… sino iyong ano, sino iyong lugi? So sa akin, okay lang naman sa akin na maglaban-laban kami. Pero sana, huwag gagamit nang kasinungalingan. Halimbawa, magpo-post sila ng pictures. Ang daming tao sa rally ng ganito tapos makikita mo fake iyong picture. Halimbawa last week ba iyon, last week ba iyong pinost na picture na grabe iyong tao sa kampanya ng kandidatong ito! Ayon pala iyong picture galing sa Thailand many years ago.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Ng protesta sa Thailand.

    VP LENI: Oo, protesta sa Thailand. Pero alam mo iyon, sino iyong lugi? Ang lugi iyong naniwala. So ‘di ba kasalanan mo iyan doon sa naniwala? Ang point ko lang, ang lugi ba ako na ako iyong parang pinagtawanan ng tao na, “Oh, nilangaw iyong kaniyang ano kasi ito ang daming tao.” Hindi, eh. Para sa akin, hindi ako iyong lugi. Ang lugi iyong pinapapaniwala. Kaya lagi ko itong inuulit na, maawa naman kayo sa mga supporters niyo na paniwalang-paniwala sa mga bagay na hindi totoo. So siguro, iyong mga nakikinig sa atin na marami naman dito sa Cebu na mga thinking voters, eh, iyong mga estudyante, ang iba nga kahit hindi nakapag-aral pero hindi basta-basta naniniwala, iyon iyong mabuti. So sana, sana i-identify talaga nila iyong mga sites na fake at huwag na silang pupunta doon. I-block na nila kasi otherwise, nai-influence iyong pagdedesisyon nila.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Iyon din iyong hirap sa ngayon, ano.

    VP LENI: Oo, madali kasi, eh. Alam mo noong traditional media pa kasi, ‘di ba, alam mo iyan, Atty., kasi nasa media ka…

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Tapos may mga ethics din kami. Sa ngayon…

    VP LENI: May accountability kayo, eh. So kayo, kahit pa—halimbawa may nagpasa sa iyo ng tsismis na ikakasama ng tao, kahit galit ka doon sa tao, hindi mo iyon sasabihin hanggang hindi mo siya chine-check.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: I-verify muna.

    VP LENI: ‘Di ba. Ive-verify mo kasi kung hindi mo i-verify tapos kasinungalingan pala, eh maaapektuhan iyong career mo. Pero ngayon hindi ganoon, eh. Ngayon, walang accountability kasi kahit nga fake account ka, kahit anonymous ka, kahit ano puwede mong i-post nang hindi ka magiging accountable. So naabuso talaga. Maganda naman sana na iyong technology natin ay nagiging advance. Pero parang nalalaruan niya kasi, eh, nilalaro niya iyong psyche ng tao. And tingin ko, kasalanan iyon sa taumbayan, eh.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: So at least nalinaw na, VP Leni, na iyong mga video na ganoon, mga talagang iano ka ba, bobo ito.

    VP LENI: Oo, kasi sina-splice nga nila. Pero tingnan nila iyong mga sites din ng mga supporters kasi iyong buong video nandoon. Iyong mga sinasabi kong buo, pino-post na ngayon ng supporters. Makikita mo na spliced talaga iyong—iyong pinaka-uso talaga iyong 4x40. [laughs] 4x40 = 1,600 pero ang totoong video, 10x4x40.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Pati iyong three daughters lahat girls.

    VP LENI: Oo, iyong “I have three daughters and all of them are girls” pero ang sinabi ko, “all of them are Papa’s girls.” ‘Di ba, ang gusto kong sabihin, alisin lang nila isang salita, tatawanan ka na ng tao sa kabobohan mo. Pero, sino ba iyong lugi? Iyon nga iyong point ko, eh. Sino iyong lugi? Ang lugi, kayong naniwala.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Pero iyong background mo, VP Leni, ano, since ano iyong na-remember ko na lang si Sec. Robredo galing sa Cebu noong… baka isa iyon sa mga reasons, ano, dahil nagserbisyo siya sa mga Cebuanos bago nangyari iyon?

    VP LENI: Actually kaya sinasabi ko, Atty. Ruphil, na very sentimental lagi sa akin kapag bumibisita ako sa Cebu, kasi iyong last na pinuntahan ng asawa ko dito bago bumagsak iyong eroplano niya. Galing siyang Cebu, eh. So kapag kasama ko nga iyong mga bata na pumupunta kami rito, pinupuntahan namin iyong mga lugar na huli niyang pinuntahan. Halimbawa, I think, a few years ago, siguro two years ago dito kami nag-Holy Week. Pinuntahan namin iyong Consolacion kasi isa iyon sa mga huling pinuntahan ng asawa ko. Iyong groundbreaking ng parang training camp ng mga pulis doon. Pagpunta niya rito noong 2012, groundbreaking pa lang, noong bumalik kami tapos na siya at nagagamit na. So para sa akin, parang hindi maaalis iyong koneksyon sa Cebu dahil doon.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Pero tingin niyo, Madam Leni, hindi tulad ng ibang politiko na naging mayor. Pagkatapos ng term niya, iyong asawa naman papalit. Tapos—ganoon si Sec. Jesse, mayor sa Naga pero—bakit ganoon? Hindi kayo…

    VP LENI: Nag-mayor siya for three years—three terms pala. Nag-term limit siya. Actually, noong nag-term limit iyong asawa ko, pine-petisyon ng supporters niya na ako iyong pumalit. Pero iba kasi iyong paniniwala namin, eh. Ang paniniwala namin, Atty. Ruphil, dapat nabibigyan iyong ordinaryong mamamayan na gustong magsilbi ng pagkakataon. Kung ako iyong pumalit—so parang walang galawan sa baba, ‘di ba. Kaya sa amin, mayroon sa aming tricycle driver na naging councilor. Iyong pinapakita sa amin, hindi lang iyong palit-palit ng posisyon ang pare-parehong pamilya, pero iyong hindi gumagastos sa eleksyon. Naging ano siya sa amin, naging kultura na hindi mo kailangan—kasi ngayon ang nangyayari kahit gusto mong magsilbi, dahil wala kang pera, hindi ka na lang kakandidato kasi hindi ka naman mananalo. Sa amin, hindi ganoon, eh. Sa amin, wala sa aming tinatawag na mga last hour. Pero ang dami kasing lugar na last hour. Sa amin walang ganiyan. Sa amin, talagang ang pinaka-kapital mo lang sipag. So iyong asawa ko huminto after ng three terms tapos bumalik ulit.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Buti hindi ka na-tempt na ikaw naman. Iyon talaga ang mangyari, eh.

    VP LENI: Paniniwala namin…

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Dahil sure winner ka na dahil asawa mo ang mayor.

    VP LENI: Hindi, ang paniniwala, Atty. Ruphil, na isa lang sa pamilya dapat ang may posisyon. Halimbawa kahit noong magvi-VP na ako, siyempre iva-vacate ko iyong aking congressional seat. Iyong mga supporters ko gusto iyong panganay kong anak iyong pumalit. Pero ako ang policy ko kasi—hindi ko naman hahadlangan iyong anak kong pumasok sa politika, eh. Kasi pinanganak siya nasa politika na iyong tatay niya. Hindi ko siya hahadlangan, pero hindi siya pumasok hanggang nakaupo pa ako. At saka hindi ko ipapamana iyong puwesto. So sinabi ko sa anak ko, “Kung mayroon kang interes, magsabi ka na. Kasi kung may interes ka, hihinto na ako pero hindi puwede ka sa puwestong iva-vacate ko. Kailangan magbabad ka roon sa atin. Kailangan magbabad ka bago ka magkandidato kasi hindi puwede na parang mamanahin mo lang iyong supporters.” Ano naman iyon, kaniya-kaniyang paniniwala.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Pero sa tingin ko, iyong prinsipyo niyo, hindi ba hunger ng power ba wala. Tapos iyong pagtakbo mo sa congressman, iyong history mo sa—parang every time mayroong ano, parang hesitant candidate kayo?

    VP LENI: Kasi ang laking sakripisyo kasi, Atty., eh. Malaking sakripisyo sa pamilya iyong pagpasok sa politika. Halimbawa ako, ang mga kapatid ko, Atty., mga OFW, eh. So sa magkakapatid, ako lang iyong nandito. So sa akin, noong wala pa ako sa politika, mas madalas kaming magkita-kita. Kasi alam mo iyon, pag nag-Christmas, ako iyong pumupunta. Pero ngayon, parang lahat nagmamadali. Halimbawa, kapag ordinaryong mamamayan ka, iyong Saturday-Sunday mo, pahinga. Pero pag pulitiko ka, iyon iyong busiest days, eh, iyong Saturday-Sunday. Kasi iyon iyong nag-aasikaso ka ng mga constituents. So—tapos hindi naman ganoon kataas iyong suweldo. Nadadalhan ka pa kasi marami sa iyong hihingi ng tulong. So kung hindi ka naman kumukuha, kung hindi ka naman halimbawa, tumatanggap ng mga extra, mahirap talaga siya. Kasi para sa pamilya na, nadadalhan ka pa. Kaya tayo laging hesitant, kasi ang dami mong igi-give up, eh.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Iyong tumakbo ka bilang congressman, hesitant ka, pero iyong mga taong taga doon sa inyo—

    VP LENI: Pineople power ako. [laughter]

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Sila na ang nagsabing tatakbo ka. Tapos pagka-Vice President, alam ko rin na naghingi ka ng how many days for your discernment dahil…

    VP LENI: Actually, ano, iyong VP, mas iba iyong circumstances. Iyong VP, ang consideration noon, iyong partido, eh. Kasi, ano iyon, mayroon kaming presidential candidate pero iyong choices for VP, umayaw. Hindi ako iyong first choice, hindi ako iyong second choice. Pero noong umayaw kasi iyong mga tinitingnan, isa na ako sa mga ano parang in effect—hindi naman in a bad way—pero in effect, parang ikaw iyong magfi-fill ng gap. So dati, ang mahirap noon sa akin, kasi ang plano kasi, one term lang ako sa Congress tapos babalik na ako sa pagka-abogado. So iyon iyong dilemma para sa akin. Pero parang duty to Party kaya um-oo ako. Iba iyong consideration. Iyong consideration noong Congress, kamamatay lang kasi ng asawa ko, tapos nag-away-away iyong on the ground, naitulak ako, iyon iyon. Iyong pag-VP naman, Party. Itong pag-Presidente, iba din.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Iyong sa VP mo muna, Ma’am, hindi ka first choice na—oo. Ano’ng feeling mo?

    VP LENI: Hindi. Ano naman, actually, pinagdadasal ko nga noon na tanggapin ng first choice. O tanggpain ng second choice. Kasi ako, third choice yata ako.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Parang destined ka talaga maging VP.

    VP LENI: Siguro may mga—may mga decision ang taas, nalalaman natin, later na lang, eh. Kasi paniwala ko naman, iyong pag-Presidente at saka pag-VP, destiny iyon. Marami tayo nakita in the past na sobrang tagal nang naghahanda pero hindi nabibigyan ng pagkakataon. Mayroon naman walang maghahanda, pero naitulak, sila tuloy iyong nananalo.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Pero ngayon, sa presidential ano ngayon, alam ko parang wala ka nang plano. Kaya iyong rating mo, mababa sa simula. Pero iyong nag-start na, tuloy-tuloy na iyong pagtaas.

    VP LENI: Wala talaga akong plano. Halimbawa, ang example ko, Atty. Ruphil, lagi akong nandito sa Cebu dahil ang dami naming partners. Hindi nga alam ng mga taga dito na pumupunta ako lagi. Kasi una, binawalan ko iyong staff namin na maglagay ng mga tarpaulin sa pagpasok– pagpunta ko. Wala kang makikita na ina-announce namin kung anong ginagawa namin. Parang iyong ginagawa namin, nalaman na lang noong nag-pandemic. Iyong first four years, ano talaga ako, hindi ko ina-announce iyong pagpunta ko kasi trabaho talaga iyong ano ko. Pero siguro kung inambisyon ko na—kung right from the very start, inambisyon ko na na magpi-presidente ako, siguro iba iyong ginawa ko.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Every galaw, may picture iyan.

    VP LENI: Hindi lang. Pipiliin namin kung saan ang pinakamaraming tao, doon kami magbubuhos. Halimbawa dito sa Cebu. Iyong pinakamalaking project namin sa Cebu, sa San Remigio. So, ‘di ba, San Remigio hindi naman ganoon kalaki na lugar. So bakit kami—pagpunta ko doon, ang layo pa. Every time pupunta ako sa San Remigio, malayo. So parang magsi-spend ka ng too much time sa isang lugar na kaunti lang naman iyong boto. Halimbawa, marami kaming pinupuntahan, sabihin natin– Mayroon kaming community sa Siayan sa Zamboanga Del Norte, ang liit. Ang liit na community, mahirap na bayan, mahirap puntahan. Pero punta kami nang punta doon. So siguro kung pag-presidente lang ang iniisip ko, bakit naman ako pupunta sa Siayan, ‘di ba? Magbubuhos na lang ako ng project sa Metro Manila, kasi tipid sa oras, ang daming tao.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Pero kilala ang OVP na may maganda at maayos na programa sa COVID response, limitado iyong pondo. Paano mo na-manage iyan?

    VP LENI: Sa akin kasi, pag-umpisa ko pa lang sa OVP, wala kaming pera, ‘di ba? Wala kaming pera, limited ang mandato. Gumawa kami ng programa, iyong Angat Buhay, na ang dami naming private partnerships. So for four years, ang ginagawa na namin, private partnerships. So noong tumama iyong COVID, wala pa din kaming pera pero sanay na kami. Sanay na kami, mayroon na kaming partners, sanay na kami—ako mismo nagdu-duty. So ako, very hands-on ako. Ako, ang duty ko pa—ang duty ko pa, midnight hanggang umaga para makapahinga na iyong staff. So sa akin, dahil tutok na tutok ako, tapos ang staff, sanay na sanay na sila sa ginagawa nila, ang bilis naming maka-respond. Halimbawa, kapag may lumindol ngayon na may damage, bukas, nandiyan na kami. Halimbawa, may bagyong paparating. Wala pa iyong bagyo, nandoon na kami, naka-preposition na iyong aming goods. Halimabwa, iyong nawalan iyong public transport sa Manila, the following day, mayroon na kaming shuttle. Kaya namin iyon kasi ginagawa na namin siya.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Ano nakapag-ga– Sa ngayon, Ma’am, dahil kita ko iyong pagka-congressman mo, pagka-VP mo, ang tao ang nag-ano sa iyo, “Tumakbo ka na, Ma’am.” Ngayon, ano ang naka-trigger sa iyo tumakbo sa bilang presidente?

    VP LENI: Actually, kasi for two months since July, July, August at saka part ng September, ang nilalakad ko sana, ma-unify iyong mga kandidato. So marami ako mga Presidential contenders na kinakausap, kinukumbinse na “magkaisa tayo, isa lang na ticket.” Actually, iyong September na, dalawa na lang sana iyong kandidato iyong aking kimukumbinsi na magsama sila. Kasi kung magsama sila as president and vice president, hindi na ako kakandidato, tutulungan ko na lang sila. So, iyon iyong pinagkaabalahan ko. Sabi ko, kung ako iyong kakandidato, mas gusto ko yata, lokal. Kasi iyong kasiyahan ko talaga, Atty. Ruphil, constituency work. Pero iyong malapit na iyong filing, nag-crumble iyong mga talks. May umayaw, may hindi sumunod sa usapan. So sa akin, parang naisabak ako sa isang corner na wala na iyong mga nilakad ko. Tapos na-nominate pa ako ng 1SAMBAYAN. Hindi ko iyon inaasahan. Kaya sabi ko, bakit ako ino-nominate, ang baba naman ng aking numbers. Pero ako iyong ni-nominate. So parang sunod-sunod siya, na parang confluence of events tapos bigla na lang,kandidato na ako. Pero noong nag-decide na ako, wala akong expectation na ganito iyong reception ng tao. Kasi sanay na ako in the last five and a half years, maraming mga local official na ayaw makitang kasama kami. Maraming mga tumutulong pero parang ano lang, back door na tulong. Tapos sanay naman kami na mga tao naniniwala sila na masama kaming tao. Nag-file lang talaga kami parang to fulfill a duty. Pero after the filing, doon kami nagulat na grabe. Na ang dami na tao na ina-appreciate pala nila iyong ginagawa namin. So ang laking bagay noon for us.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Ang sunod na Presidente gusto ng taong bayan na ma-solve itong problema ng drugs. At second, galing tayo sa pandemic, kailangan maka-recover. Dahil iyon ang ano nila sa iba, “Build build build daw, sino magpaptuloy nito, kaya ba ni VP Leni iyan?” parang ganoon.

    VP LENI: Alam mo, halimbawa, drugs–

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Dahil baka pag si VP Leni ang maging Presidente, baka babalik ang mga drug lords. Anong plano mo, Madam?

    VP LENI: Ako, i-base natin sa datos. I-base natin sa datos, Atty. Ruphil. Kasi ako, na-appoint akong ICAD co-chair, 18 days lang ako nandoon, pero nabigyan ako ng pagkakataon na makita—makita iyong records, makita iyong datos. ‘Di ba iyong promise na three to six months, wala na? Pero nakita natin, last week lang nga, may malaking huli sa Davao. Ang dami nang namtay na tao. Ang gusto kong sabihin, failure. Failure kasi ang dami nang namatay, pero ang dami pa rin na drugs. So noong nasa ICAD ako, ang isang nakita ko, pinapatulan kasi natin iyong mga maliliit, eh. Kahit pa ang dami mong hulihin na mga maliliit, kung hindi mo hinuhuli iyong malalaki, hindi naman ito mahihinto. Kapag tiningnan mo, sobrang hina natin sa supply constriction. Ang gusto kong sabihin, sa pag-control ng pagpasok ng supply, 2017, 2018, 2019, ang estimate, 1% lang ng supply iyong nahuhuli natin. So sa akin, talagang failure iyong drug war pag ang pinapatulan natin, iyong street-level enforcement.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Okay.

    VP LENI: Kahti pa i-tokhang mo nang i-tokhang iyong tao, hanggang may drugs na available sa market, talagang addiction iyan, eh, ‘di ba? Kapag addiction, talagang handa kang magnakaw, handa kang pumatay para lang maka-score, ‘di ba? So iyong sa akin, ang dapat nito– Halimbawa, iyong corruption sa mga ports, papaano mo hahabulin iyong mga big-time? Sa akin, iyong paghabol ng big-time, number one, corruption. Hindi nahahabol iyong mga big-time kasi binabayaran iyong mga kailangan mag-habol sa kanila.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Kaya ba iyan ni VP Leni considering na babae at baka hindi takot iyong mga drug lords?

    VP LENI: [laughter]

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: “Okay lang iyan, babae,” parang ganoon ba.

    VP LENI: Noong lalaki, natakot ba sila, ‘di ba? Iyon naman ang tanong, eh.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: [laughter]

    VP LENI: Madali lang sabihin kasi iyong society natin, ang tingin sa babae, mahina. Pero iyon nga iyong tanong ko. Number one priority iyong drugs nitong administrasyong ito, lalaki iyong nakaupo. Pero natakot ba iyong drug lords sa pagpasok ng—siguro ang natakot iyong mga maliliit na, alam mo iyon, iyong mga maliliit na paunti-unting gumagamit, natakot kasi sila ang hinahabol. Pero iyong–

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: So ano ang plano mo, Ma’am? Para safety iyong mga ordinaryong people ba na kung ikaw ang makaupo, mabigyan ng pagkakataon maging Presidente, hind sila matatakot nitong mga—

    VP LENI: Iyon iyong– Ako, sa akin talaga, ang priority ko, alisin iyong supply. Talagang siguruhin na hindi nakakapasok dito sa atin. Tapos siguruhin na pag may nakakalusot, iyong penalties, ano talaga, extreme talaga iyong penalties na ibibigay. Pero ito kasi, dapat tintingnan natin iyong addiction bilang health problem. Kasi kailangan mong i-rehabilitate iyong tao na hindi na siya pabalik-balik. Kasi nakikita natin, halimbawa sasabihin natin, “Mabuti naman iyong mga adik sa barangay namin, naubos na.” Pero maaalis iyan, for some time, babalik din, ibang tao na. Kasi iyong supply, nandiyan. So hanggang hindi natin inasikaso, hindi maaalis iyong problema natin sa drugs. Marami nang leksyon. Marami nang leksyon galing sa ibang bansa. Halimbawa, itong mga Mexico, Venezuela, Colombia. Ang iba dito, pumatay din nang pumatay pero hindi talaga nila nahinto. Pero sino ba iyong mga bansa na considerably ano sila, considerably ano ito, naging successful iyong kanilang anti-drug war. Halimbawa, Portugal. Iyong Portugal, ano, compared sa ibang bansa, ang ganda ng nangyari sa kanila. Pero nang-patay ba sila? Hindi. Ang ginawa nila, whole of government apporach sa drugs. Talagang ang hinabol talaga nila iyong mga big-time, pero iyong mga small-time, iyon iyong nag-provide talaga sila ng maraming prevention at saka rehabilitation.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Now, dito tayo, pandemic. Dahil magka-problema tayo, ang Duterte adminstration may mga iiwang problema sa susunod na administrasyon. Kapag bibigyan ka ng pagkakataon mag-Presidente, paano ito?

    VP LENI: Actually, nilahad na namin ito. Noong two weeks ago, nagkaroon na kami ng video na pinresenta namin iyong Kalayaan sa COVID plan. Nasa website na namin iyong detalye nito, lenirobredo.com. Noong Monday, nagkaroon kami ng presscon about this, na hinati namin iyong areas of concern sa tatlo. Iyong pinaka-area—iyong first area of concern, health. Ang dami talaga natin kailangang gawin as far as iyong health is concerned. Kabahagi na diyan iyong kakulangan ng hospital beds, kakulangan ng equipment, iyong kulang na suweldo sa mga frontliners kaya nag-aalisan iyong mga frontliners, iyong pag-invest sa gamot, sa bakuna, etc. Iyon iyong number one. Iyong number two naman, economy. And kapag sinabi nating economy—

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Paano tayo makabangon? Ngayon dito tayo sa—bagsak tayo ngayon.

    VP LENI: Alam mo paano tayo makakabangon? Number one, dapat ma-control na iyong transmission. Kasi kung bubuti tayo, sasama, bubuti, sasama. Talagang hindi tayo makakabangon. So dapat talaga, number one, mahinto na iyong transmission. Iyong number two, talagang ang gobyerno, dapat magbuhos ng pera para tulungan iyong mga maliliit na negosyo, negosyante. Halimbawa, iyong mga MSMEs. Ito iyong mga, iyong mga maliliit. Dapat hindi ito pautang. Dapat bigyan ng pera ng pamahalaan iyong mga maliliit on the condition na hindi sila magtatanggal ng tao kasi grabe iyong unemployment ngayon. Iyon iyong pangalawa. Kapag sinabi kasi nating economy, nandoon na iyong gutom, nandoon iyong trabaho, ‘di ba? Pangatlo iyong education. Ika-second school year na na hindi pumapasok iyong mga bata. So ang unang—ang unang sinasabi natin, huwag naman tayo gumawa ng one-size fits all policy. Actually, last year, sumulat na ako sa DepEd about this. Na sa mga areas na no transmission o low transmission, mag-face-to-face na. Kahit na hindi everyday, pero dapat sana kahit once or twice a week, ang mga estudyente, may teacher na nakakausap. Kasi talagang marami naman iyong mga magulang hindi–nasa trabaho, o hindi din nakapag-aral, papaano tutulungan iyong mga bata? Sa mga areas naman na very high ang transmission, dapat one is to one iyong gadget at saka iyong internet connection para hindi naiiwan iyong mga bata. Tapos pangalawa, dapat maglagay ng community learning hubs. Ngayon, nakapaglagay kami 58 all over the country. Na sa mga batang kahit high iyong transmission doon, kung kailangang kailangan niya ng tulong galing sa tutor, may pupuntahan siya. Tapos iyong community learning hubs, may gadgets, may internet connection for teachers and students. Na kung kinakailangan nila, mayroon silang pupuntahan. So para sa akin, iyon iyong unang hakbang sa education. Pero iyong pangalawang hakbang, mas pang long-term. Kahit hindi pa nagpa-pandemic, sobrang kulelat na tayo sa mga student assessment—sa mga student assessment na mga survey. Lagi tayong last sa Math, sa English, sa Science. Kapag tiningnan natin, ang baba kasi ng budget natin sa education. Iyong international standard, 6% ng GDP. Tayo, 3% lang, kalahati lang. Hindi tayo nag-spend masyado for teacher training. So ang mga teachers kailangan iyan suportahan. Iyong pangalawa, iyong classroom sizes natin, ang lalaki. Iyong pangatlo, pag tiningnan natin iyong ginagagastos natin per student, sobrang layo sa ginagastos ng iba–ibang mga bansa. So ang daming puwedeng gawin. Iyong COVID hindi lang siya health. Iyong COVID ano siya, parati kong sinasabi na dahil sa complexity ng problema, dapat all hands on deck. Ngayon kasi, parang walang konduktor. Parang nagkakaniya-kaniya. Iyong mga departments, nago-operate sila [in] silos. Parang walang coherence sa ginagawa. Iyong agriculture, opportunity.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Napakadami ko pang tanong, Ma’am, ano? Sana babalik ka dito.

    VP LENI: Oo naman. Sigurado akong babalik.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Dami ko pang mga tanong pero alam kong napaka-busy ka. Pero kaunti na lang. What’s your plan for Cebu kung manalo kang Presidente?

    VP LENI: Iyong Cebu kasi, ang ganda ng location niya, ‘di ba? Ang Cebu, puwede talaga siya maging logistics hub. Puwede siyang—ang daming mga opportunities dito. Halimbawa, iyong ship building. Although may mga malalaking ship builders dito, pero parang kulang ng suporta sa pamahalaan. Na opportunity siya, not just for Cebu, but for the country. Kung talagang tutulong iyong gobyerno para iyong environment para sa negosyo, maayos. Ano iyong problema natin ngayon, bakit mababa iyong mga pumapasok na investments? Mababa iyong pumapasok na investments kasi iyong climate natin for business, hindi ganoon ka-desirable. Number one, ang taas ng kuryente, ‘di ba? Compared sa ibang mga bansa, sobrang taas ng kuryente natin. Dapat solusyunan natin iyon. Kasi hanggang hindi natin nasosolusyunan, lalo na kung manufacturing, pipiliin maglagay sa labas hindi sa atin kasi magiging lugi sila sa atin. Pangalawa, iyong stability ng political climate. Kapag hindi stable iyong political climate, ang negosyante, hindi siya bubuwelo na—Hindi siya buwelo na mag-invest kasi hindi niya alam ano mangyayari after a few years. Pangatlo, iyong corruption. Pag hind natin naayos iyong corruption, aayaw sa atin iyong mga investors dahil doon. So iyong sa akin kasi, iyong Cebu kasi pag pumasok iyong investments sa Pilipinas, iyong Cebu is a very natural choice. ‘Di ba, it’s a natural choice kasi iyong infrastructure nandito. Iyong malaking airport, mayroon tayong international airport dito. Iyong ports natin, okay. Pero pati nga iyong ports natin, kailangan natin i-upgrade. Kasi iyong ports natin hindi kaya iyong, ano ito, maramihan na cargo, iyong bulk na cargo kasi hindi designed for that. So ang daming kailangan ibuhos. Pero ito iyong one side. Pero another side nito, iyong quality of life ng tao. Kasi, halimbawa, maraming BPO industries sa Cebu, pero may mga requests kaming natatanggap. Halimbawa, iyong request iyong mas convenient na access sa facilities. Halimbawa, marami iyong mga single parents na walang naiiwanan sa kanilang mga anak, hindi sila makapag-trabaho. Halimbawa, marami sa kanila ang galing sa probinsya, pumapasok dito kasi nandito iyong opportunity. Pero nauubos iyong kanilang panggastos sa rent. So sa akin, kailangan with progress naaasikaso iyon. With progress naaasikaso na sisiguruhin na iyong mga nagtatrabaho dito, iyong quality of life ay napapangalagaan pa din. Pero gaya ng sabi ko kasi, Atty. Ruphil, lahat kami magsasabi dahil kandidato kami, ang dami naming plano para sa Cebu. kasi eleksyon, eh. Pero ang point ko nga, sino ba sa amin, kahit hindi pa kandidato, tumutulong na sa Cebu?

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Iyong may track record na.

    VP LENI: Oo naman.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Bakit sa lahat ng color, pink iyong pinili ninyo?

    VP LENI: Actually, hindi ako iyong pumili ng pink. Kapag tiningnan mo iyong video ng acceptance ko, naka-blue ako. Naka-blue ako noon kasi marami nagsasabi na—

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: So sino ba ang pumili nito? Feng shui mo ba? Favorite color mo ba?

    VP LENI: Actually, ang feng shui ko, blue. Pero iyong araw na maga-announce ako, naka-blue ako. Pati mga anak ko, naka-blue. Ang daming mga supporters na pumunta sa office, naka-pink. So kami iyong sumunod. Kami iyong nag-adjust. Parang iyong pink, naging symbol siya ng volunteers.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Ah, okay. Iyong si Trillanes at si Binay, magkaaway pero kaya mo islang napag-unite. Anong ibig sabihin?

    VP LENI: Ako, talagang pinagpaguran ko. Pinagpaguran kong kumbinsihin iyong mga kasama ko na i-set aside ang differences. Kasi sinasabi ko na kapag nabigyan tayo ng pagkakataon, kailangan na mag-unite tayo ngayon pa lang na kampanya. Kasi hindi ako makaka-govern nang maayos kung maraming nag-aaway. So iyong sa akin, actually, maraming conflict sa loob. Halimbawa, si Senator Leila at saka si Senator Gordon. Mayroon silang past.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Pero na-unite mo sila.

    VP LENI: Ang kabutihan ngayon, lahat sila willing to set aside differences and magtrabaho para sa bayan. Ako kasi, paniniwala ko, magbe-benefit ang bayan kung ang naninilbihan sa kaniya iba-iba iyong pinanggalingan. Iba-iba iyong—iba-iba iyong points of view, iba-iba iyong pinagdaanan. Kasi mas magiging mabuti iyong polisiya kapag, alam mo iyon, hindi lang iyong mga kapareho mong pinanggalingan iyong nag-uusap. Kasi magiging very limited. Parang magiging very myopic iyong view on things. Pero kung iba-iba iyong pinanggalingan, iba-iba iyong partido—kaya nga independent ako, eh. Kaya independent ako kasi gusto kong ma-achieve iyong kahit iyong mga kasama ko, magkakaiba ang pinanggalingan, nag-desisyon na, “uupo tayo sa isang la mesa, kung mayroon man tayong– Kung hindi natin gusto ang isa’t-isa, kung mayroon tayong hindi pagkakaintindihan, willing tayong isang tabi iyan para sa bayan.”

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: Ang dami ko pa sanang tanong pero alam kong napaka-busy mo. Iyong mensahe mo na lang sa mga nakapakinig sa atin ngayon sa DYHP RMN Cebu at saka i-FM, at saka sa sa mga listeners sa social media.

    VP LENI: Sa akin lang, pasasalamat. Iyong aking mensahe sa mga Cebuano, Atty. Ruphil, pasasalamat. Maraming dahilan bakit ako kailangan magpasalamat. Number one, gaya ng sabi ko, hindi ako mananalo noong 2016 kung hindi dahil sa napakalaking suporta na binigay sa akin ng Cebu. Gaya ng sabi ko kanina, more than 600,000 votes iyong nakuha ko dito, as against sa aking opponent.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: 100,000 lang.

    VP LENI: Napakalayo. Iyon iyong number one. Number two, from 2016 until the present, marami kaming proyekto dito sa Cebu. pero hindi lang iyon dahil sa amin. Dahil sa mga local partners namin, at napakarami nila. Hindi namin magagawa iyong aming mga ginawa, lalo noong COVID, lalo noong COVID response. Halimbawa, iyong aming mga shuttle services, dahil iyon sa SK Federation ng Cebu na tumulong sa amin at saka sa partners. Maraming salamat sa lahat nagpaabot sa amin ng assistance in terms of support sa trabaho namin. And ngayon na eleksyon, hindi pa naman official campaign period, pero kahapon, mula sa pagdating ko sa airport, hanggang sa natapos ako kagabi, late na, iyong tao grabe talaga.

    So sa akin po, sana po malaman niyo na iyong pinakita niyo sa amin na pagmamahal, iyon po iyong nagbibigay sa amin ng lakas. Iyon po iyong nagbibigay sa amin ng energy. Kaya sa lahat po ng nakiisa sa amin kahapon, at saka lahat ng makakasama namin today, nagpapasalamat po ako. Babalik po ako. Babalik po ako dito sa Cebu pag oras na ng kampanya para pormal na hingiin ang inyong tulong. Pero ako po, between now and that time, isa lang po iyong hinihiling ko sana sa inyo, tulungan niyo po kami sa pagsugpo ng kasinungalingan, ng lahat na disinformation. Kasi kawawa iyong bayan natin kung ang 2022 elections, ang magiging basehan nito iyong lahat ng disinformation na nasa paligid natin.

    ATTY. RUPHIL BAÑOC: VP Leni, maraming dalamat. Daghang salamat sa pagbisita mo dili sa ato sa Cebu.

    VP LENI: Daghang salamat! Maayong aga ulit sa mga tagapakinig natin. Atty. Ruphil, maraming salamat!

    • 30 -

    Posted in Transcripts on Nov 13, 2021