Interview with Vice President Leni Robredo
Iloilo River Esplanade, Ride with Leni Event
Iloilo City, Iloilo
REPORTER 1: Ma’am, kamusta? Kamusta po ‘yung bike ride ninyo muna?
VP LENI: So, sobrang enjoy kasi hindi ako, hindi… dahil nakatira ako sa condo, hindi ako masyado nakakauwi sa Naga. Ang tagal na noong last bike ko. Tapos masayang tingnan na parang ‘yung lifestyle ng mga tao dito nabago dahil, dahil sa existence nitong bike lanes. Ito ‘yung pinapangarap ko sa buong Pilipinas, lalo na sa Metro Manila, na nakita natin ‘yung need talaga nito during the pandemic. Sana, sana magawa natin ‘yung nagawa ni Iloilo, ng Iloilo in many other parts of the Philippines.
REPORTER 2: Ma’am, ano lang, ano ba ang kahalagahan na ang isang Presidente ay physically fit?
VP LENI: Well, ano kasi, may obligasyon tayong manilbihan sa taong-bayan in the best way we can. Sa akin, mula noong nag-Vice President ako, talagang nag-exert ako ng maraming effort to make sure that I’m healthy dahil kung nagkakasakit ka it takes you away from your work eh. So, so ito, kaya ako inggit na inggit dito sa, sa Iloilo, kasi feeling ko lang, kung mayroon nang ganito malapit sa tinitirhan ko, siguro mas healthy pa ako.
REPORTER 3: Ma’am, todo ang suporta sa inyo ng mga bikers, even in other areas, iba’t ibang biking groups. May mensahe po ba kayo sa kanila?
VP LENI: Ako, gusto kong paalala sa kanila o gusto kong i-assure sila na kaisa nila ako. Kaisa nila ako sa advocacy na ‘yung mga daan natin ay gawing friendly para sa not just for bikers, but for people na gustong maglakad, for regular commuters, kasi hindi lang ito tipid pero nakaka, nakakabago talaga siya ng, nakakabago siya ng ano ‘to, ng pang-araw-araw mong ginagawa. Marami namang lugar sa buong mundo na ang tao sanay maglakad. Tayo, kahit, kahit sandali, malapit lang ‘yung pupuntahan, parati tayong nakasakay kasi hindi friendly ‘yung streets natin for pedestrians, and ‘yun ‘yung pinapangarap natin. ‘Yun ‘yung pinapangarap natin na sana ‘yung streets natin, maging more friendly sa pedestrians, sa bikers, kasi ang dami talagang benefits eh. Nakita natin kanina, parang dito sa Iloilo, naging lifestyle na ng mga tao na either nagba-bike o naglalakad dito sa Esplanade dahil may lugar. So kung, kung ang ibang lugar mayroon ding ganitong nilaan na space para sa kanila, ay, I’m sure mas maraming maeengganyo.
REPORTER 4: Ma’am, are you planning na gayahin ito sa ibang lugar sa ano?
VP LENI: Actually, matagal ko na siyang plinano, pero hindi talaga siya ganoon kadali. Halimbawa, noong nasa Congress ako, noong Congress ako noong dinala ko dito ‘yung city officials ng Naga. Kasi ‘yung center ng city namin sa Naga ay Bicol River. And ‘yung dream ko sana, pareho noong dream nina Sen. Frank dito, na maging sentro din ng buhay ng tao ‘yung river. ‘Yung kulay ng river dito, noong inayos, nag-iba. Pag tiningnan natin, hindi na siya, hindi na siya parang murky ngayon pero bluish na siya, at nagkukwento ‘yung mga tao dito na ‘yung mga isda diyan, nabubuhay na ulit ang mga isda, malalaki. So ako, ‘yun ‘yung dream ko. ‘Yung Congresswoman ako sa Naga, ay, sa Camarines Sur, inumpisahan na namin. Inumpisahan na namin na maglagay ng seawall kasi ‘yung erosion grabe, pero ‘yung, hanggang doon pa lang kami. Hanggang doon pa lang kami sa pag-ayos ng mga seawall kasi hindi din madali makahanap ng funding, lalo noong nasa Congress ako kasi very limited naman ‘yung mahihingian. Pero ‘yung, ‘yung, ‘yung paglagay ng Esplanade na ganito, ‘yun ‘yung hindi pa namin nagagawa. At dahil marami talaga siyang kaakibat na problema, ‘yung ano, ‘yung incursion sa easement ay kailangan talaga political will eh. Pero dito sa Iloilo pinakita niya na basta nagkakaisa ‘yung mga leaders, mas madaling i-exercise ‘yung political will.
REPORTERS: Salamat po. Thank you, ma’am.
VP LENI: Okay, salamat, salamat.
- 30-