Interview with Vice President Leni Robredo
Masbate City
REPORTER: Okay, ma’am. First off po muna, can we get your reaction sa announcement ni Senator Bong Go na mag-wiwithdraw na raw siya sa presidential race?
VP LENI: Karapatan niya naman iyon. Karapatan niyang magdesisyon kung ayaw niya nang ituloy iyong kanyang candidacy.
REPORTER: Ano po ang nakikita niyong effect noon sa inyong candidacy?
VP LENI: Kami kasi iyong lakad namin hindi naman relative to other candidates, eh. Iyong lakad namin, tuloy-tuloy lang kami. Hindi naman kami apektado ng mga nag-sa-substitute, umaalis. Sa amin, klaro sa amin kung ano ang dapat naming gawin.
REPORTER: Alright, thank you.
REPORTER 2: Ma’am, [inaudible] dito sa lumalabas sa mga survey?
VP LENI: Na ano iyon?
REPORTER 2: Iyong lumalabas sa survey po na pumapangalawa lang kayo. Ano pong reaksyon niyo?
VP LENI: Sobrang nag-cecelebrate na nga kami na pangalawa na ako. Kasi alam mo naman na iyong mga naunang surveys ay nasa may panghuli ako. At napakalaking jump iyong past six weeks sa aming ranking sa presidentiables.
REPORTER 3: Ma’am, iyong sa face shield payag po si Presidente na ibalik kung sakali magkaka-Omicron.
VP LENI: Ito kasing face shield dapat naka-base sa science. Ano ba iyong sinasabi? Ano ba iyong WHO—sinabi ng WHO na hindi ni-rerecommend na gawing mandatory siya. So sa akin, anuman iyong desisyon, kailangan naka-base sa ano ba iyong pagtingin ng experts tungkol dito. Okay?
REPORTERS: Okay, Ma’am. Salamat.