This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at Metro Laylayan visit in Muntinlupa

    Metro Laylayan visit Southville 3, Muntinlupa City

    Q: Ma’am, ano po, bakit po natin ginawa itong event na ito sa Muntinlupa? VP LENI: Ito kasi parang… parang—Kung naaalala, noong nag-launch kami ng Angat Buhay noong October of 2016, pinupuntahan namin iyong mga malalayo at mahihirap na mga communities all over the Philippines. Pero iyong isang realization na parang napapabayaan iyong mahihirap din na communities dito sa malapit. So last year, ni-launch namin iyong Metro Laylayan. Pero ito, medyo iba siya sa Angat Buhay in the sense na iyong focus talaga nito jobs saka livelihood. Parang… parang ito, isang venue lang siya para mabigyan ng pagkakataon iyong mga mahihirap na mga residents dito na magkaroon ng access sa trabaho. Halimbawa, dito sa Muntinlupa, 15 na partners natin iyong pumunta, 400 jobs iyong available. Iyong 400 jobs na iyon, kung… kung mag-qualify iyong mga mag-a-apply, parang plus-400 families iyong natulungan natin. Tingin kasi natin talagang mas sustainable iyong trabaho na tulong, although pumipili tayo ng mga select na families na tinutulungan—binibigyan ng cash assistance, binibigyan ng bigas, binibigyan ng groceries—pero tingin kasi natin mas sustainable iyong trabaho. Kaya kung hindi ako nagkakamali, pang-anim o pang-pito na itong lugar sa Metro Manila [na nabisita namin], at iyong jobs na naibigay natin, ano na, substantial na. Iyong… iyong pinakaninanais lang natin, na parang paigtingin ito in the sense na iyong mga una kasi nating labas, kahit maraming jobs na available, kaunti iyong nagku-qualify. Kaya ngayon, iyong ginagawa natin, bago pa man tayo pumunta, tinatanong na natin iyong kinakailangan, para kung kulang sa community iyong magku-qualify, pati iyong training na required, kami din iyong magpo-provide. Q: Kumusta naman, Ma’am, iyong feedback? Kasi pang-pito niyo na nga ito. Anong balita natin sa community? Ganoon po talaga ang preferred nila, na jobs? VP LENI: Preferred talaga nila jobs. Siguro sunod sa jobs, talagang marami iyong nag-e-express ng desire na, ano talaga, permanente ng bahay at lupa. Halimbawa iyong barangay na pinuntahan natin ngayon, relocation area siya. Ito, parang iyong source ng inaalala ng mga residents, wala pa sa kanila iyong title. Pero ina-assure natin sila, since NHA na relocation site ito, ina-assure natin na kanila na iyong lupa. Pagkatapos nilang maghulog ay mapapapunta din sa kanila iyong title. Pero iyong family na pinasok natin iyong bahay, nagkukuwento siya na talagang better off na sila ngayon kaysa noong parang informal settlers pa lang sila, kasi noong informal settlers sila, nasa danger zone, kapag umuulan daw bumabaha, hindi komportable. Pero at least ngayon, mayroon sila 36 square meters na house and lot na tinitirikan. Q: Ma’am, tungkol naman sa Senate hearing kahapon. Can we get your reaction lang—a lot of the resource persons, maraming mga former justices, were telling the lawmakers na mas okay ang Con-Con? I know you’re for Con-Con din, pero can we get a statement lang? Dapat bang makinig dito iyong mga lawmakers natin? And also, some of them were saying that it’s obvious na minamadali talaga sa House. VP LENI: Iyong sa akin kasi, iyong Senate hearing na nangyari kahapon, parang relief para sa marami sa atin. Kasi iyong pag-aalala nga natin, kapag talagang minadali, hindi binigyan iyong ordinaryong mamamayan na pag-aralan kung ano iyong mga inihahain na panukala, at marinig iyong kanilang boses. Pero iyong ginawa sa Senate kahapon, na talagang nagkaroon ng hearing, iyong hearing public, marami tayong nakasaksi kahit wala tayo doon nang personal—napanood sa television, napakinggan sa radyo—malaking bagay iyon para mapaabot natin kung ano iyong… parang kung ano iyong… pakiramdam natin doon sa mga inihahain. Iyong mga resource persons kahapon, tingin… tingin natin nakapaimportante iyon, kasi ito iyong kabahagi mismo ng mga sumulat ng ating Saligang Batas, at marami tayong makukuha na kaliwanagan para sa kanila kung ano iyong intensyon. Kasi ‘di ba ganoon naman iyong Saligang Batas—parang sinasabi natin na iyong Saligang Batas kasi, dahil ito na iyong pinaka-framework ng ating gobyerno, kailangan siyang parang nag-e-evolve. Kaya iyong pagkasulat sa kaniya hindi masyadong detalyado, kasi dapat iyong interpretasyon sa kaniya nag-e-evolve over time. Pero nakita natin kahapon kung ano iyong intensyon ng mga sumulat nito. Parang… Ang isa din na parang pinaintindi sa atin kahapon, kung gaano kahalaga ang Saligang Batas. Hindi siya kagaya ng ordinaryong batas na madaling isulat at madaling palitan. Ang Saligang Batas, ang intensyon nito, ito ang permanenteng… parang ito iyong permanenteng framework na ginagalawan nating lahat. Hindi siya puwedeng palitan nang basta-basta. Hindi siya puwedeng madaliin. Iyong kabutihan ng public hearings, nabibigyan tayo ng pagkakataon na ganoon. Sana ipagpatuloy kasi parang iyong resolution na approved sa House of Representatives, hindi masyadong… hindi natin alam iyong mga particular na amendments na isinusulong. Sana itong sa Senado maging avenue siya para malaman natin ano ba iyong each and every provision ng Saligang Batas ang gustong palitan. Pangalawa, iyong lumabas kahapon: May pangangailangan bang palitan? Ay. May pangangailangan bang pagpapalit? Kasi kung papalitan, gustong sabihin hindi na siya umuubra para sa atin. Pangatlo, kung papalitan man, ano iyong proseso na pagdaraanan? Kasi sa ilalim ng Saligang Batas, may tatlong proseso: iyong Constitutional Convention, iyong Constituent Assembly, saka iyong direct people participation (People’s Initiative). Iyong ako, from the very start, parating doon ako sa Constitutional Commission, kasi binigyan doon iyong mga tao ng pagkakataon na pumili kung sino iyong mag… mag… magre-represent sa kanila doon sa Komisyon. Pangalawa, iyong mga Constitutional Commission members, nakatutok talaga sa… sa pag-frame ng Saligang Batas, at hindi siya nakahalo sa ibang trabaho. Iyong pinag-aalala natin sa Constituent Assembly, totoong… totoong mas makakatipid tayo, pero iyong ating mga mambabatas, maraming ibang ginagawang trabaho na baka… baka hindi matutukan iyong pagpasa ng mga amendments, na tingin natin napakahalaga nito. Kaya parang… parang kung ang pagpipilian iyong bilis at tipid, doon pa din tayo sa paraan na ma-e-ensure na talagang matututukan at mabibigyan ng boses iyong mga mamamayan. OVP: Last question. Q: Kung saka-sakali ho na papalitan na iyong ating Saligang Batas, payag ho ba kayo na iyong mga nakapuwesto ngayon ay hindi na pupuwedeng tumakbo sa susunod? Sapagkat ang lumalabas kasi, parang papalitan nila para sa sarili nilang kagustuhan. Pero kung ang mangyayari ay iyong mga magpapalit ng Saligang Batas ay madi-disqualify na to run for an office, hindi ho magkakaroon ng doubts ang tao. VP LENI: Ako… ako, payag ako noon. Ang hindi lang po ako payag, na ang ipapasa ngayon ang pakikinabang din kung sino iyong [mag]papasa. Halimbawa, kami ngayon iyong mga nakaupo. Kung ang ipapasang Saligang Batas sasabihin na wala na kaming term limits o wala nang eleksyon, parang… hindi… hindi ito tama kasi magkakaroon ng impresyon iyong mga mamamayan na kaya iyon ipinasa, para mabenepisyuhan kami. Kung mayroong magbebenepisyo nito, dapat iyong mga susunod na mahahalal, hindi kami, kasi napakahalaga sa atin iyong tiwala ng mga tao sa kaniyang… sa mga namumuno sa kaniya. Kapag wala iyong tiwalang iyon… hin… hindi na ito iyong tunay na representasyon. Kasi kaya nga tayo naghahalal kasi iyong hinalal natin iyon iyong magdadala ng boses natin. Pero kung iyong inaasahan natin na magdadala ng boses natin, may binalga doon sa kasunduan na pinag-usapan natin dati, iyong nabubuwag nito iyong institusyon. At sa demokrasya, ang paniniwala natin ang pinakamahalaga iyong lakas ng mga institusyon ng pamahalaan. OVP: Okay, thank you, Ma’am! Thank you, members of the media! VP LENI: Thank you! – 30 –

    Posted in Transcripts on Jan 17, 2018