This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo Nagavax Express

    Interview with Vice President Leni Robredo Nagavax Express

    Q: Ano po ang naging participation ng Office of the Vice President dito sa ginagawang vaccination sa Naga?

    VP LENI: Iyong ginagawa po natin ngayon parang extension ito ng programa namin na Vaccine Express. Ang pinaka-problema lang po namin wala talaga kaming access sa supply. Wala kaming access sa supply sa bakuna. So while puwede namin itong gawin kahit saan, magagawa lang namin if may partnership with the LGU. So iyong pinaka-una po naming Vaccine Express ay sa City of Manila. Noong pinresent namin kay Mayor Isko iyong proposal, um-oo kaagad siya. So nagawa namin iyon sa City of Manila. Naka-apat kaming araw doon—dalawang araw for the first dose tapos dalawang araw din for the second dose. Iyong second dose natapos kami noong Wednesday. Tapos noong this week, nabigyan ako ng information na may parating sa Naga na 6,000 doses so tinext ko si Mayor Nelson. Sabi ko, “Mayor, may darating na 6,000 doses ng Johnson & Johnson. Baka puwede kaming tumulong sa pag-deploy ng vaccines.” So si Mayor um-oo kaagad. Kapag um-oo kaagad iyong Mayor, madali na for us. So hindi lang um-oo kaagad pero noong gabi mismong um-oo si Mayor, nag-meeting na kami with sina Allen, sina Bibith ng City Hall, pati iyong team namin pinadala na namin agad dito para planuhin iyong deployment. Ang ano natin, pinakamataas na goal, na iyong 6,000 maubos natin this weekend. Sana mangyari kasi ang pinaka-problema lang namin paminsan iyong iba naka-register na umaayaw pa. So iyong suggestion ko nga na if by tomorrow may mga seniors na hindi pa, ano ito, hindi pa nababakunahan, puntahan na sa bahay. Kasi ang ano naman natin, ‘di ba, may Delta variant na kasi.

    Ang pinaka-goal sana natin maunahan natin iyon. Ang pinaka-problema talaga ng LGU, supply. Sa Manila, medyo malaki iyong supply pero iyong provincial cities, hindi lang Naga pero all over, marami talaga na iyong problema ay supply. Halimbawa iyong last na punta ko rito siguro mga three, four weeks ago, may dumating na 5,000 pero bago magpadala ng susunod, kailangan munang ubusin iyon. So iyong pinaka-problema, naiinip iyong mga kababayan natin kasi, “matagal na kaming nag-register bakit hindi pa kami nababakunahan?” Actually iyong problema kasi, paunti-unti iyong dating. Tapos iyong problema rin, parang hindi napapakialaman ng LGU kung sino iyong babakunahan kasi DOH iyong nagsasabi. So halimbawa ngayon ang allowed lang, apat na categories—iyong A2 seniors, iyong A3 ay persons with co-morbidities, tapos iyong A1.4 yata o A1.6 at saka A1.8, ito iyong mga interns, mga clerks na nagdu-duty sa ospital. Tapos iyong A1.8 naman iyong mga OFWs na may deployment na in the next four months. So iyong problema nito, halimbawa sa akin—I am sure sa city mas marami—pero sa akin may magme-message na, “OFW kami. Puwede bang masama na?” Ang problema wala sa amin iyong policy, eh. Ang sa amin talaga deployment. Talagang kailangan din iyong LGU din sumunod sa DOH kasi kung hindi sila sumunod, baka hindi nila tayo padalhan ng sumusunod. So marami rin tayong… Noong nag-announce din kami—nag-announce kami kasi naghanap kami ng volunteer doctors at saka nurses, ang dami ring nagte-text na mga LGUs na, “Kami rin. Kami rin.” So iyong message ko rin, readyng-ready kaming pumunta as long as may partnership kami kagaya ng city. Kasi kung walang partnership with the LGU, wala talaga kaming access sa supply. So kaya lang namin ito magagawa sa Naga, kasi iyong Naga iyong nagsabi na kami iyong bahala sa supply. Pero kung walang supply, hindi rin namin magagawa. So after nito, mag-iiwan kami ng team. Any LGU sa Bicol na gusto sa aming maki-partner, willing kaming pumunta. Sa Manila naman, ang susunod namin sa August 5. Sa Quezon City naman, for jeepney drivers. Kasi iyong sa Manila, specifically for TODA. TODA at saka mga Grab drivers at saka iyong mga messengers. So iyon, natapos na namin. Pero ito, dahil five locations tayo, Mayor, ano? Five locations tayo, hopefully… hopefully maubos natin iyong 6,000. Bakit kailangan nating maubos kaagad? Kailangan nating maubos kaagad kasi the soonest na mabakunahan iyong mga kababayan natin, mas magiging safe na tayo. Pangalawa, baka mas mabigyan tayo kaagad ng panibagong supply kapag na-demonstrate natin na kaya nating i-deploy kaagad iyong vaccines.

     

    Q: Ma’am, sa tingin niyo ba kailangan na payagan na talagang bumili ng bakuna nang sarili iyong taumbayan?

     

    VP LENI: Actually, iyong City Government tinutulungan ko na kasi halimbawa iyong City Government, matagal na silang nag-appropriate ng funds para bumili. Ang problema hindi pa pinipirmahan until now ng national government iyong ating purchase. So nagpapatulong nga iyong—nagpapatulong si Mayor, si City Admin Frank Mendoza—nagpapatulong sa akin mag-follow-up at pina-follow-up ko. Iyong pinaka-problema kasi natin as of now, lahat pa dadaan ng national government. Parang tripartite lagi iyong pagbili. Kasi halimbawa, kami, puwede kaming mag-appropriate ng funds pambili pero kailangan naming dumaan sa national government at doon talaga iyong parang bottleneck. Naiintindihan naman namin kung bakit ito kailangang gawin kasi ‘di ba emergency ano palang, emergency authorization. Kapag emergency authorization kasi, government-to-government pa lang ang puwedeng mag-usap. So ang problema, kapag government-to-government, hindi puwedeng LGU to another foreign government, kailangan LGU, national government. So iyong purchase ng city, 50 million na—nag-appropriate ng…

     

    MAYOR NELSON LEGACION: Iyong doses, 50,000.

     

    VP LENI: Fifty thousand doses iyong in-appropriate. Ang laki na sanang tulong noon for the city, ‘di ba. Kung mabigay na sana iyon, magkaka-herd immunity na siguro tayo in no time. Pero hindi pa pinipirmahan ng national government iyong request ng city so iyon talaga iyong nakakaabala. Pero sa akin, basta lang may supply, hanap tayo ng lahat na creative means para ma-deploy kaagad. Kasi una, problema na nga iyong supply. Kapag nandiyan na iyong supply, mayroon pa ring hesitant. So para sa akin, parang tulong-tulong na lang lahat.

     

    Q: Ma’am, last week, iyong Solid Leni for President sa Bicol—

     

    VP LENI: Akala ko sa bakuna lang? [laughs]

     

    Q: More than—ang expected na participants natin—10,000 sa Facebook and Zoom. Ano po ba talaga ang plano sa national?

     

    VP LENI: Ako, ano naman ako, very honest ako since the very start na hanggang ngayon wala pang desisyon. Wala pang desisyon kasi madali lang sabihin na kakandidato akong presidente o hindi ako kakandidatong presidente. Pero marami kasing considerations. Iyong consideration number one, iyong viability. Alam natin—alam natin na hindi mataas iyong number natin sa survey. Marami tayong mga supporters na nagsasabi, “kung iyong pag-VP mo nga nag-umpisa ka na 1% kinaya mo, puwede namang kayanin pa rin ngayon.” Pero ang daming factors na kailangan i-consider. At iyong pagpe-presidente, hindi iyon madali kasi kailangan mayroon kang resources, kailangan iyong organization mo maayos. Pero sa akin naman, sobrang pasalamat ako sa volunteers. Pasalamat sa volunteers, sa supporters, kasi ngayon na busyng-busy kami sa COVID response operations, sila ang dami na ring ginagawa. Actually, since last year, nakakarating na sa akin pero last year kasi sinasaway ko nang sinasaway. Parang sinasabi ko lagi na, “nasa gitna tayo ng COVID. Ano ba iyan? Huwag na muna iyang mga Leni for President.” Pero ngayon, noong nagpaalam sila sa akin ulit early this year, sabi ko, “puwede naman kayong mag-organize pero puwede ba na iyong activities natin responsive pa rin sa COVID situation?” So maraming mga nag-organize na gumagawa ng mga feeding programs, gumagawa ng mga community pantries, so okay iyon sa akin. Iyong lagi ko lang na pakiusap, huwag naman iyong nakikita natin na usual na umiikot sa Pilipinas ang sadya magpataas ng numero. Kasi tingin ko, hindi siya maganda ngayong panahon ng COVID.

     

    Q: Ma’am, kung mag-a-announce kayo, kailan talaga? Specific date, Ma’am?

     

    VP LENI: Ay, wala pa. Wala pang specific date pero ang filing kasi I think hanggang October 8 kung hindi ako nagkakamali. So iyon iyong deadline ko para sa sarili ko. Pero iyong usapan namin ng mga kasama, by September kailangan nang upuan, tingnan iyong lahat na factors na kailangan i-consider. Pero ngayon, nakikita ko rin sa Facebook, eh. Nakikita ko sa Facebook na sobrang active na ng mga volunteers at gusto ko sa kanilang ipaabot na very appreciative ako. Very appreciative ako sa ginagawa. Seryoso kong pinag-iisipan. Pero ang sa akin lang talaga, hindi ko hahayaan na para maka-get in the way siya sa ginagawa natin for COVID. So kung may mga extra time, okay nang upuan. Pero gaya ngayon na busy tayo sa Vaccine Express, ito na muna.

     

    Q: Ma’am, sinasabi August 18 may announcement daw na magaganap?

     

    VP LENI: Wala, wala. [laughs]

     

    Q: Ma’am, isa na lang, reaksyon daw ho natin, Isko-Pacquiao tandem. May reaction ho ba kayo?

     

    VP LENI: Ako, kung Isko-Pacquiao malakas iyon. Malakas iyon kasi kung numbers ngayon iyong pagbabasehan. Pero para kasi sa akin sobrang aga pa. Kahit malapit na iyong filing, sobrang aga pa para magkaroon na ng ganoon. Gustong sabihin, iyong experience ko noong 2013, iyong experience ko noong 2016, ang dami pang puwedeng magbago.

     

    Q: Iyong ginagawa po ng Pangulo pamumulitika ba—iyong banat niya kay Pacquiao, iyong banat niya sa inyo?

     

    VP LENI: Baka siya iyong tanungin natin. [laughs]

     

    Q: Madam, iyong VP-Isko sa national? Inyo pong reaksyon?

     

    VP LENI: Ako kasi, ewan ko lang kung nagbago na pero iyong balita ko dati, hindi kino-consider ni Mayor Isko mag-VP. Pero sabi naman ni Mayor Isko, wala pa siyang desisyon. So baka huwag natin siyang pangunahan? Huwag natin siyang pangunahan kasi isa rin si Mayor Isko na busy—nakita ko siya sa partnership namin ano rin siya, eh, nagre-raise din siya for herd immunity so grabe rin iyong concentration nila sa COVID response. Ako, tingin ko medyo pareho kami na hindi masyadong natututukan iyong 2022 kasi ang dami pang problema na inaasikaso.

     

    Q: Ma’am, pero open ka sa Isko Moreno—

     

    VP LENI: Sabi mo last na? [laughs]

     

    Q: Open kayo, Ma’am?

     

    VP LENI: Mahirap sabihin kasi siguro iisipin natin iyong tandem kung nakapag-decide na ako anong kakandidatuhan ko, ‘di ba? Kasi tingin ko iyong tandem will come next pero magdedesisyon muna kung kakandidato ba pagka-pangulo o hindi.

     

    Q: Ma’am, gusto pa rin niyo ho ba iyong local, iyong una niyong statement na hindi niyo inaalis iyon?

     

    VP LENI: Oo naman. Kayo ang nakakakilala sa akin dito. Alam niyo naman na happy tayo sa lokal. Pero gaya ng explanation ko sa lahat, may obligasyon kasi ako sa national. Ang gusto kong sabihin, VP pa ako hanggang next year. So, maraming nagsasabi rito sa lokal na, “dito ka na magbabad.” Hindi puwede. Hindi puwede kahit gusto ko. Alam niyo naman na kapag nandito ako, relaxed ako. Happy ako rito. Pero ang obligasyon ko kasi para sa buong bansa, eh. So iyong sa akin, iyong atensyon na binibigay natin dito pareho lang sa atensyon na binibigay natin sa ibang lugar kung saan may projects iyong Office of the Vice President. So gustuhin ko man na magbabad na rito, hindi ko talaga kaya. Pero lagi siyang option.

     

    Q: Ma’am, may grupo po na nagpapalakas ng Liberal Party dito sa CamSur. Okay lang sa inyo?

     

    VP LENI: Siyempre kapag pagpapalakas ng Liberal Party, parati iyang welcome. Hindi lang sa CamSur pero all over the Philippines kasi iyon naman iyong naging problema ng Liberal Party, ‘di ba. Noong hindi na Liberal Party iyong presidente, parang halos naubos. Ang natira na lang talaga kami na kakaunti—sina Mayor, kami. So anyone na magpapalakas ng partido, lagi iyong welcome kasi hindi naman iyon para sa akin, eh, pero para iyon sa pagsusulong ng mga pinaniniwalaan ng partido.

     

    Q: VP, SONA na po ni President Duterte sa Lunes. Ano po iyong mga gusto nating marinig?

     

    VP LENI: Ako, sa akin, dapat iyong awareness nasa gitna tayo ng pandemic. So nasa gitna tayo ng pandemic at dapat ma-address iyong mga concerns, ma-address iyong mga takot na nararamdaman ng mga kababayan natin. So hindi ito kapareho noong mga nakaraang SONA—except siguro iyong SONA noong 2020—hindi ito kapareho in the sense na hindi makukuntento iyong tao na sasabihin lang iyong achievements. Kasi iyong SONA naman—lalo na iyong valedictory SONA—iyong valedictory SONA kasi parang ano iyan, eh, parang summary na ng lahat mo na nagawa since 20—since the start of your term. Pero ngayon na nasa middle tayo ng pandemic, mahalaga na marinig natin sa Pangulo na iyong honest assessment kung nasaan ba tayo ngayon. Kaya ko sinasabing honest assessment kasi tingin ko, hindi nakakatulong. Hindi nakakatulong sa tao na marinig niya na sobrang okay tayo pero ang pakiramdam niya hindi. Dapat, ma-address niya na totoong marami tayong problema pero ito iyong plano nating gawin. Iyong tao, ma-a-appreciate iyon na may honest assessment sa sitwasyon pero mayroon ding nakalista kung ganito iyong problema, ganito iyong gagawin. Kasi kapag sinabi nating, “we’re okay. Nalampasan na natin ang pandemya. Ang husay natin.” Makakadagdag iyon sa uncertainty, eh. Saka makakadagdag siya sa anxiety, na sasabihin, “bakit sinasabi niyang okay na tayo pero hindi pala?”

     

    Q: Madam, invited kayo sa SONA ni—

     

    VP LENI: Invited po ako. In fact, I think last week pa namin na-receive iyong invitation. Tinanong namin several times iyong staff na naka-assign. Tinanong several times kung invited ba ako personal o invited ba ako ng Zoom. Ang laging sagot Zoom lang pero sinabihan ako sa office—kasi wala ako sa office noong Tuesday-Wednesday dahil sa Vaccine Express, kahapon in-inform ako ng chief-of-staff namin na may dumating daw na bagong invitation. Na iyong bagong invitation daw sinabi na nagkamali yata sila. Hindi pala ako invited sa Zoom, invited pala ako personal. So ako, sabi ko, sige, invited ako personal, mag-a-attend ako sa Monday. Pero noong binasa nila iyong requirements ng mga attendees, ang isa sa mga requirements kailangan fully vaccinated na. Hindi pa ako fully vaccinated. Iyong second dose ko August 11 pa. So pinapasulatan ko sa chief-of-staff namin to inform them na hindi pa ako fully vaccinated.

     

    Q: VP, kung i-a-assess po natin iyong presidency ni President Duterte the past few years, ano po iyong puwede nating maging assessment?

     

    VP LENI: Iyong assessment kasi masyadong mahaba iyon. Masyadong mahaba iyon. Pero iyong sa akin, ayaw ko kasing parang nag-a-assess tayo, parang lumalabas kini-criticize natin kasi hindi naman iyon iyong purpose ng ating assessment, eh. Ang purpose parati ng assessment, para may gawin. Ang gusto kong sabihin, para kung mayroong problema, solusyonan iyong problema. So para sa akin talaga, dapat iyong buong focus natin COVID. Kapag sinabi kong COVID, hindi lang iyong sakit pero iyong lahat na epektong dala nito. Halimbawa, iyong capacity ng mga hospitals, last year pa tayo nag-umpisa, are we doing something about it, ‘di ba? Iyong capacity ng hospitals? Kasi halimbawa dito sa atin sa Bicol, totoong mas mababa iyong cases natin compared sa ibang lugar pero mas kaunti din iyong hospital capacity natin. So puwedeng nagkakaroon lang tayo ng cases na sabihin natin 50 a day, ang laki na noon considering na iyong hospital capacity. So sa akin, ano ba iyong ginagawa towards that end? Iyong pangalawa, education. More than a year na na wala sa klase iyong mga estudyante, ano bang ginagawa natin doon? Alam natin na iyong mga teachers natin talagang nado-doble iyong trabaho ngayon kasi gagawa ng modules, etc. etc. So para sa akin, mas iyong pag-assess ano ba iyong ginagawa para maibsan—maibsan iyong epekto ng COVID at saka ano ba iyong ginagawa para siguraduhin na huwag na tayong magkaroon ng third surge pa kasi baka hindi natin kayanin.

     

    Q: Ma’am, politics dito sa Naga, Ma’am. Ano hong sitwasyon dito sa local? Si Mayor?

     

    VP LENI: Mayor, may tanong tungkol sa politics sa Naga. [laughs] Hindi, ako iyong tinatanong. Sa akin, sinabi ko na ito kay Mayor, sinabi ko na ito sa mga kasama na laging ang interes natin na una, mas maging unifying. Gustong sabihin, kahit kasi saan na nag-aaway-away, ang lugi iyong taumbayan. So ang request ko hindi lang kay Mayor pero ang request ko sa mga kasama, na as much as possible, tutal matagal pa naman iyong eleksyon, mas mag-unify kaysa nag-aaway na—kasi kapag nag-aaway, hindi solusyon iyong hinahanap, ‘di ba. Kapag nag-aaway, hindi solusyon iyong hanap kundi siyempre, hindi naiiwasan na nagbabatuhan. So lalo na kung iyong nag-aaway-away, galing lang naman sa isang grupo. So sa akin, hindi pa ako nawawalan ng pag-asa—ayan, nakikinig si Mayor. Hindi pa ako nawawalan ng pag-asa na mag-unify. Pero having said that, kailangan—hindi lang ito for Naga pero kahit sa national—iyong maging bukas, maging bukas sa puna, maging bukas sa, ano ito, iyong room for improvement. Kasi wala namang perpekto, eh. Lahat naman nagkakaroon ng problema. Iyong sa akin lang, dapat mas solusyon iyong hinahanap, hindi problema.

     

    Q: Ma’am, last po, Senator De Lima for governor?

     

    VP LENI: Maganda iyan. Maganda iyan pero hindi ko pa—since the pandemic, hindi ko pa nabibisita si Senator Leila. Dati binibisita ko siya from time to time pero since the pandemic, hindi ko pa siya nabibisita so hindi ko siya matanong kung bukas siya diyan. Ang alam kong huli niyang announcement ay magse-senator pero maganda ring tanungin natin kung bukas siya doon sa possibility na to run for governor. Ngayon ko lang actually iyan narinig pero ano iyon, alam naman natin kung gaano ka-capable.

     

    Q: Ma’am, iyong isang grupo ng mga abogado nag-usap-usap tungkol kay De Lima for governor.

     

    VP LENI: Ako, siguro magta-try ako na pagbalik ko sa Manila makausap ko siya para personal na tanungin siya kung bukas siya. Kung bukas siya sa pag-run for governor.

     

    Q: Ma’am, if we can assess the presidency of President Duterte, scale of 1 to 10 po?

     

    VP LENI: Nako, mahirap iyan. Ako, ayaw ko maging unfair. Siyempre iyong lens na ginagamit ko iba sa lens na ginagamit ng iba. Pero iyong sa akin lang, hindi opinyon ko o hindi opinyon ng iba iyong makakapag-assess pero ano iyong outcomes, ano iyong impact ng mga ginagawa. Hindi natin mahihiwalay iyong pandemic sa buong six years kasi iyong pandemic, bahagi iyon ng six years, eh. So ang parating tanong, papaano ba nag-respond? Parati namang kapag nag-a-assess tayo, parating may baseline, ‘di ba? Parating may baseline. Halimbawa, noong nag-umpisa siya noong 2016, nasaan iyong ekonomiya natin? Halimbawa, foreign direct investments, iyong GDP natin, iyong inflation, dumagdag ba iyong mga negosyo, dumagdag ba iyong kita ng tao, parati namang mas mabuti na mas data-driven iyong assessment. Kasi kung hindi data-driven na opinyon lang, siyempre ang opinyon depende sa kung sino iyong nagsasalita. So para sa akin, ayaw kong maging unfair. Ayaw kong maging unfair pero ang sina-suggest kong maging basehan ng assessment, iyong datos.

     

    REPORTERS: Ma’am, salamat po! Salamat po.

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Jul 23, 2021