Quezon City Reception House
Q: Ma’am, ano pong masasabi niyo doon sa statement niya na ‘maraming maganda, maraming rape’?
VP LENI: Ako, hindi lang bilang babae pero bilang tao, kahit anuman na… kahit anuman na statement na kasalanan ng babae iyong rape, hindi iyon nakakatawa. Kailangang i-protesta natin. Alam natin na hindi iyon tama. Mayroong rape kasi may rapist, hindi may rape dahil may magandang babae. Sineseryoso natin itong isyu na ito. Hindi ito isang bagay na parang kibit-balikat lamang. Hindi dapat pinaglalaruan iyong isyu. Hindi dapat na ginagawang biro.
Q: Iyong pag-invoke po sa freedom of speech? Tama po ba iyon?
VP LENI: Iyong freedom of speech, parating may limitasyon. Hindi dapat ginagamit ito para mambastos ng kahit sinuman. Hindi ito dapat ginagamit para i-disrespect iyong bawat Pilipino.
OVP: Okay? Thank you very much.
– 30 –