This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at RMN Davao

    Interview with Vice President Leni Robredo at RMN Davao
    Serbisyong Straight to the Point, RMN Davao


    MYCELL GALVE: VP Leni, magandang umaga po.

    VP LENI: Magandang umaga, magandang umaga po sa lahat ng nakikinig sa atin ngayong umaga.

    MYCELL GALVE: Yes po, ang dami dami po ninyong naikot na mga lugar para sa kampanya po pagka-pangulo VP Leni. Ang taas po ng energy ninyo, kumusta naman po ang pagtanggap ng ating mga kababayan tuwing darating po kayo sa kanilang mga lugar?

    VP LENI: Actually, totally unexpected. Hindi namin inaasahan lalo na doon sa ibang mga lugar na akala namin ay hindi masyadong maraming suporta. Parati kaming nagugulat na napakarami 'yung talaga nagpapahayag ng pakikiisa sa atin. Ngayong umaga, nandito ako sa Digos, kagabi nasa Tarlac ako, noong isang gabi nasa Nueva Ecija. Ano naman ito, bahagi ito ng ating pag-iikot. Mamaya-maya pagkagaling dito sa Digos, lilipat ako sa Tagum. Talagang sinisipagan namin kasi kaunting araw na lang 'yung natitira before the elections.

    MYCELL GALVE: Opo. Welcome to Davao po VP Leni.

    VP LENI: Maraming salamat.

    MYCELL GALVE: Higit po sa 137,000 na tao ang dumalo sa PasigLaban People's Rally. Napuno ang Emerald Avenue, at mga kalapit na kalye. Ano po ang reaction ninyo noong nakita ninyo na ganito karami ang mga sumusuporta po sa inyo VP Leni?

    VP LENI: Actually 'yung Pasig sobrang gulat kami noon. Inaasahan naming maraming tao, pero hindi namin inaasahan na talagang maglalampas siya ng 100,000 kasi 'yung una 'yung aming-- 'yung aming tinitignan lang 'yung buong Emerald Avenue, mapupuno siya ng tao pero hindi ganoon kasiksik. Pero during the night itself, talagang kahit 'yung mga streets na katabi niya, punong-puno na din and humihingi sana kami ng paumanhin kasi hindi namin napaghandaan na maglagay ng LED screens saka ng sound system doon sa mga streets kung saan ang overflow ang tao. Pero ano naman, 'yung mga tao kahit hindi na nila nakikita at naririnig, hindi sila umalis. Nanonood sila sa Facebook live pero nandoon pa din sila sa vicinity. So parang celebration talaga siya, masayang masaya.

    MYCELL GALVE: Opo. 'Yung Office of the Vice President napaka-active po sa iba't ibang programa na tumutulong sa mga nangangailangan po sa buong bansa. Sa amin po dito sa Davao, VP Leni, anuano po 'yung mga proyekto ng Office of the Vice President?

    VP LENI: Dito sa Davao del Sur tumulong tayo ng mga nakaraang earthquake saka noong pandemic. Halimbawa noong earthquake, nagpadala kami ng team dito. Nagkaroon ng relief operations sa Hagonoy, sa Kiblawan, sa Malalag, sa Matanao saka sa Padada. Ito, siguro mga two weeks siguro nandito 'yung team namin para very regular 'yung relief operations na nangyari.

    Tapos noong pandemic ay tuloy-tuloy din 'yung pagbigay natin ng mga PPE saka mga medical supplies sa 13 na institutions, sa Davao-- dito sa Digos, sa Malalag saka sa Padada din. Tapos recently nagpadala tayo ng antigen test kits. Nagkaroon tayo ng requests from the National Meat Inspection Service diyan sa Davao City. Tapos nagkaroon tayo ng–nagkaroon tayo ng– nag-sponsor ang opisina namin 'yung tinatawag namin na Angat Buhay Youth Peace Advocate Summit na kung saan nag-imbita tayo ng mga iba't ibang mga youth groups. Meron tayong mga nag-participate from Davao City and Davao del Sur.

    MYCELL GALVE: Yes po. VP Leni kung kayo po ang magiging susunod na pangulo ng Pilipinas, ano ano po ang mga top priority ng isang Leni Robredo sa kanyang administrasyon?

    VP LENI: Ito talagang pinaka una, 'yung sisiguruhin na 'yung pamahalaan, 'yung institutions natin ay malakas dahil kailangan natin tutukan 'yung lahat na damage during the pandemic. Alam natin na during the pandemic, napakaraming nawalan ng trabaho. So, 'yun talaga 'yung magiging tutok ng ating programa at least in the first year, na mabalik 'yung–makabalik sa trabaho 'yung mga kababayan natin tapos asikasuhin na talaga, lalong lalo na 'yung education saka health. Halimbawa 'yung education, dalawang taon na hindi nakapag– hindi nakakapasok 'yung mga estudyante. Pero even before the pandemic, hindi na maganda 'yung status ng education system natin in the sense na lagi tayong mababa sa mga international assessment programs. So, aasikasuhin natin 'yun. Making sure naasikaso natin 'yung mga teachers, para 'yung quality of education nakakapag-compete tayo. Kasi kung hindi natin maasikaso 'yung quality of education, 'yung skills saka 'yung preparation ng mga estudyante natin, talaga 'yun 'yung nasasakripisyo.

    Tapos 'yung pangalawa din, 'yung health. During the pandemic, na-expose 'yung kakulangan ng health system natin. Meron tayo nitong nilatag na mahabang programa na meron tayong target. Hindi lang 'yung pagpalagay ng mga additional hospitals pero making sure na at par tayo sa international standards pagdating sa halimbawa, sa hospital bed-to-population capacity, 'yung number of health workers to population capacity. Tapos making sure na lahat na region merong tertiary hospital. Making sure na lahat ng mga provincials at mga highly urbanized cities at least may Level 2 hospital. Tapos making sure din na 'yung mga barangay health centers natin saka mga rural health centers equipped. Kasi ito talaga 'yung-- ito 'yung pinaka unang line of defense na pinupuntahan ng mga tao pag kailangan nila 'yung serbisyo ng gobyerno sa kalusugan.

    MYCELL GALVE: Opo. Dito tayo sa ating mga farmers VP Leni. Anong maaaring programa ng gobyerno para sa mga magsasaka upang hindi po sila mangutang ng puhunan pambili ng farm inputs na nagpapalubog sa kanilang posibleng kita sa pagsasaka?

    VP LENI: Grabe 'yung pinagdadaanan ng farmers natin ngayon dahil napaka mahal ng inputs. Halimbawa 'yung abono, dati binibili nila 'yung isang bag ng abono ng mga 800 pesos, ngayon halos 2000 pesos na ito. Kaya ang nangyayari, ang cost of production nila napaka-taas. Hindi sila nakakapag-kompetensya sa napakaraming import. So, pag tayo 'yung naka-upo, sisiguraduhin natin na 'yung ini-import lang natin 'yung kailangan. Para hindi nadedehado 'yung mga magsasaka natin, 'yun 'yung number one.

    'Yung number two, dodoblehin natin 'yung budget ng ating agricultural sector. Kasi pag tinignan natin ngayon 'yung budget, nasa 1.7 Billion lang na napakababa niya-- napakababa niya kung ikumpara natin sa mga katabi natin na bansa. So 'yung proposal natin, doblehin ito, magiging 3.4 Billion. Pero 'yung pag-asikaso natin nito talagang buhusan ng tulong sa post harvest facilities. Halimbawa, mga cold storage facilities, post-- 'yun nga, 'yung post harvest facilities, 'yung mga farm to market roads, tapos mag-local production na tayo ng abono para hindi tayo naaapektuhan ng changes sa world prices. Kayang kaya naman natin. Kayang kaya natin na mag-locally produce ng abono. Tapos 'yung equipment talaga, i-modernize na. I-modernize na 'yung mga equipment ng mga magsasaka natin dahil hanggang hindi ito minomodernize, parating mataas 'yung cost of production nila. Pag mataas 'yung cost of production nila, talagang-- talagang ang bibilhin ng mga kababayan natin 'yung mga imported dahil mas mura ito. So, para sa akin kailangang makapag kompetensya sila with imported. Tapos 'yun, hindi natin ibubuhos sa market 'yung imported na mga bigas saka mga agricultural produce dahil dehado nga 'yung mga magsasaka natin.

    MYCELL GALVE: Yes po. VP Leni, kung kayo po ang mananalo susunod na pangulo ng Pilipinas, ano po ang unang una ninyong gagawin in response to COVID-19 situation po na hanggang ngayon, we are still battling this situation po?

    VP LENI: Ako, pag tiningnan kasi natin ngayon, ano ba 'yung nangyayari sa ibang bansa? Halimbawa, 'yung China saka Hong Kong, grabe 'yung kaso ngayon. 'Yung Hong Kong halimbawa, sobrang taas ng, ano niya, hindi lang ng infections pati 'yung mga namatay. Pag tiningnan natin kung bakit, dahil napakababa ng vaccination rate niya. Mababa 'yung vaccination rate sa Hong Kong kahit available 'yung bakuna dahil naging kampante 'yung tao kasi mababa dati 'yung kaso. So sa aking, pag tiningnan natin dito sa atin, nasaan ba tayo pagdating sa bakuna? Halimbawa, 58% pa lang ng population natin ang naka two doses, tapos 16% pa lang ang naka-booster. So pag ako nakaupo, sisisguraduhin ko na at least ma-hit natin 'yung target. Ang targer natin at least 77 million Filipinos ang naka first two doses na saka naka-booster.

    Gustong sabihin nito, kulang pa tayo ngayon ng mga 13 million na kailangan bakunahan. Kailangan natin itong bilisan para maiwasan natin 'yung second surge. 'Yung pangalawa, nailatag na actually namin ito at available na ito sa aming website, lenirobredo.com. 'Yung 'yung papaano ba natin mabi-beef up 'yung ating healthcare system. Di ba pagdating sa COVID, 'yung testing, yung tracing saka 'yung, ano ito, 'yung treatment, kailangan talagang ayusin. Example lang nito, 'yung contact tracing. Hanggang ngayon, two years after the pandemic, wala pa tayong centralized na contact tracing na app. Kanya-kanyang lugar, may kanya-kanyang app. So, kailangan na natin itong i-centralized. Kailangan nating, meron na lang isang common na data base para napaplano natin 'yung pag-asikaso ng– alam mo 'yun? 'Yung pag-asikaso ng lahat na COVID response initiatives sa buong bansa.

    Tapos 'yung treatment naman, aasikasuhin natin na every region, merong molecular labs na at sufficient. Every region, sisiguraduhin natin na accessible 'yung testing. Kasi ito 'yung naging problema natin lalo na 'yung first year. Lalo na 'yung first year ng pandemic, mahirap makapag-access ng libre o mura na testing 'yung ating mga kababayan. Tapos 'yung treatment, ito 'yung sinabi ko kanina. Maraming mga lugar na kulang na kulang pa talaga 'yung availability, hindi lang ng hospital beds, hindi lang ng health frontliners pero ng hospital mismo. So kailangan itong tutukan.

    MYCELL GALVE: Yes po. VP Leni Women's Month po ngayon, Marso. Happy Women's Month po sa inyo.

    VP LENI: Happy Women's Month.

    MYCELL GALVE: Ano po ang pakiramdam VP Leni na kayo lamang ang nag-iisang babaeng kandidato pagkapangulo?

    VP LENI: Ito, para sa akin very significant kasi ito. Noong tumakbo akong VP, ako din lang 'yung babae pero significant siya in the sense na kahit marami na tayong gains as far as women empowerment is concerned, very patriarchal pa talaga 'yung society. Pag babae ka na nakiki-slug it out in a man's world, karamihan sa mga tao, ang tingin pa din sa babae, mahina. Halimbawa, ngayon maraming sa mga focus group discussions, marami ‘yung nagsasabi na hindi ko siya iboboto kasi babae siya. So sa akin, hindi lang siya politika pero sa marami pang ibang bagay na sana dumating 'yung panahon na ang pagtingin sa babae as capable as lalaki, na ang pagtingin sa babae, na kayang kaya niyang harapin 'yung mga kahirapan na kailangan nating harapin, at hindi siya dehado dahil lang babae siya. Kailangan patuloy tayong magpu-push back. Kailangan 'yung pamahalaan, patuloy na nag-iinvest sa mga activities na magle-lead to empowerment of women.

    Halimbawa, 'yung mga kababaihan na araw-araw nakikibaka. Nag-aasikaso sa asawa at mga anak, nag-aasikaso sa household pero at the same time, dapat meron pa din siyang opportunity to earn for herself. Kasi ito 'yung nakakadagdag sa dignidad, ito 'yung nakakadagdag sa confidence ng kababaihan sa sarili niyang kakayahan.

    MYCELL GALVE: Yes po. Kung kayo po ang mananalo VP Leni, ano ang magiging kaibahan ng inyong administrasyon sa nagdaang panunungkulan? How will you describe the leadership of Leni Robredo?

    VP LENI: Ako, ito na 'yung pinaniwalaan natin from the very start na unang una, we put a lot of premium on empowerment. Meaning to say, dapat merong mga mekanismo na 'yung tao, nakakapag-participate siya directly in governance. Halimbawa, 'yung paglagay ng mga people's council sa lahat na antas ng pamahalaan. Meaning to say, kahit hindi ka elected official, 'yung mga sektor meron siyang boses. Meron siyang boses sa paggagawa ng mga polisiya, 'yun 'yung number one.

    Number two, 'yung premium din pagdating sa korapsyon. Sisiguraduhin natin na 'yung mechanism, in place din para mahirap 'yung corruption to thrive. Ito, a lot of emphasis on transparency. Meaning to say, 'yung isa sa mga iniisip kong pinakaunang executive order na gagawin ko, 'yung Full Disclosure Bill na naglalayon na lahat na government offices, obligadong i-post publicly 'yung lahat na transaction na pinapasukan niya. 'Yung lahat na binibili niya, lahat na kontratang pinapasukan niya. Kasi ang paniniwala natin, the more transparent government is, 'yung mas less din 'yung incidents ng corruption. Tapos 'yung accountability of public officials. Meaning to say, dapat nakikita ng tao na hindi nagto-tolerate ang pamahalaan ng hindi paggawa ng tama. Aasikasuhin na 'yung mga nagkakasala talaga, mabilis napaparusahan kasi pag hindi mabilis napaparusahan, parang mas lalo lang na-eencourage 'yung tao na gumawa ng hindi tama kasi marami naman nakakalusot.

    MYCELL GALVE: Yes po, maraming salamat po VP Leni sa oras ninyo. Maraming mga taga Davao nakikinig po ngayon sa ating programa, ano po ang inyong mensahe para sa kanila?

    VP LENI: Maraming maraming salamat din sa pagbigay sa akin ng pagkakataon na makausap 'yung mga kababayan natin dito sa Davao. Ako po, masayang masaya ako na nakabalik ako. It is not very often na nakakapunta ako kahit po maraming programa kami dito, mas 'yung teams namin 'yung on the ground. Ako, in the last six years, few times lang ako nakapunta dito dahil 'yung bulk po kasi ng Angat Buhay Programs namin, nandito sa Mindanao pero in some other parts of Mindanao. Pero ngayon pong nakabalik ako, makakausap ko 'yung mga partners namin na matagal na naming nakausap. Makakusap 'yung mga volunteers na matagal na nagsasakripisyo para makatulong. Ako lang po, 'yung assurance ko sa lahat na nakikinig na ito, aasikasuhin natin 'yung lugar ninyo in the best way possible.

    Halimbawa, hindi natin tiningnan 'yung politika. Right after po noong 2016, kahit malaki 'yung talo ko dito sa Davao Region, pag kinakailangan 'yung tulong natin, talagang nagbubuhos tayo ng tulong everytime may sakuna, nandito tayo during the pandemic, nandito tayo. Pag tayo po binigyan ng pagkakataon, ganoon pa din na sa atin, pantay pantay 'yung pagtingin natin sa lahat na lugar dito sa Pilipinas basta kinakailangan 'yung suporta ng pamahalaan, nandiyan tayo.

    MYCELL GALVE: Opo, maraming salamat po VP Leni sa oras ninyo sa amin dito sa RMN Davao at maligayang paglilibot po dito sa Davao, magandang umaga po.

    VP LENI: Maraming salamat.

    MYCELL GALVE: Maraming salamat Vice President Leni Robredo.

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Mar 24, 2022