This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo RMN DYHP 612 Cebu

    Interview with Vice President Leni Robredo
    RMN DYHP 612 Cebu


    Gab 0:00:00 to 0:12:20
    [START 0:00:00]

    VP LENI: Good morning Attorney Ruphil. Good morning po sa lahat na nakikinig sa atin ngayong umaga dito sa Cebu.

    RUPHIL BAÑOC: Okay. So, si ma'am Leni, [Speaks in Cebuano 00:07 - 00:17]. VP Leni, kumusta po? Tatlong linggo na po mula nang nagsimula 'yung campaign period. Kumusta po ang pag-iikot ninyo?

    VP LENI: Actually, sobrang– sobrang masaya. Hindi namin ine-expect na ganito. Ibang-iba siya compared sa iba naminng mga takbo. Kasi 'yung iba naming takbo mas conventional style of campaigning. Ngayon, pag pumupunta kami, volunteers na lahat nag-prepare, nag-asikaso and pag kasali pala 'yung volunteers sa lahat, ibang-iba 'yung energy.

    So, kahapon ay nasa Bukidnon ako. Bago ako pumuntang Cebu, nasa Bukidnon ako. The other day nasa Lanao Norte ako saka MisOr. 'Yung before that Panay Island. Nag-ano na din ako, nag Bataan-Zambales, Laguna-Batangas tapos Bicol. Lahat, as in, wala ni isa na mga politiko 'yung nag-organize. Ito– ito lahat talaga volunteers.

    RUPHIL BAÑOC: Very challenging ngayon as compared last time when you ran for Vice President.

    VP LENI: Iba 'yung challenges niya Attorney Ruphin. Kasi 'yung first time, ano ako e, admin candidate. So, kumbaga pupunta ka sa lugar, ayos na lahat dahil 'yung governor, sa iyo, 'yung [inaudible 1:26] sa iyo. Pero walang volunteers noon na gaya ngayon.

    Ngayon naman, siyempre because of our numbers, wala pa masyadong mga local officials. Pero 'yung volunteers are more than making up na wala sila. Kasi ang energy iba.

    RUPHIL BAÑOC: Anong feeling mo ma'am na, nakita kita na– maraming mga broadcast nakita ko rin, talagang sila nag aano–

    VP LENI: Masigasig

    RUPHIL BAÑOC: Oo. Sila ang gumagasta– gastos ano?

    VP LENI: Sila 'yung gumagastos. Sila 'yung nagpapagod. Hindi naghihintay saka– sa official campaign team. Ang– ang kabutihan unang-una, invested masyado 'yung mga tao. 'Yung pangalawa, 'yung creativity talaga lumalabas eh. Kasi halimbawa, noong 2016 na pag-run ko, very– kami ang magpapaimprenta ng tarps, ipapadala namin sa mga lugar. Ngayon kanya-kanya. Kaya kapag nakita mo iba-iba 'yung color, iba-iba 'yung shade ng color ng pink, iba-iba 'yung design ng mga tarpaulin dahil sila-sila 'yung nagpapa imprenta. 'Yun 'yung kagandahan ngayon.

    RUPHIL BAÑOC:So iba ang feelings mo noon.

    VP LENI: Iba. Iba.

    RUPHIL BAÑOC: Sa ngayon ano?

    VP LENI: Sobrang iba. Sobrang iba. Ano siya, siyempre mas gusto natin mas maraming local officials kasi mas mapapadali. Pero at the same time hindi kasi matatawaran 'yung volunteers eh. Ito 'yung mga– ito 'yung kind of support na hindi mo nabibili. Ito 'yung kind of support na ine-earn mo kaya ang– siguro nakita mo naman na kahit pagpasok ko dito sa labas. ang aga-aga pero nandiyan na sila, naghihintay. Ganoon talaga 'yung ano, 'yung passion talaga saka commitment nila nandiyan.

    RUPHIL BAÑOC: [inaudible 3:05] 'yung sa ibang ano din, parang hakot lang 'yung crowd nila eh.

    VP LENI: Noong 2016, actually parang ganoon kasi hindi mo din ma-blame 'yung mga local officials kasi 'yung papa attend-in nila ng rallies talagang, talagang sinusundo nila, pinapakain, binibigyan ng pamasahe para pumunta sa rallies. Pero ito sa amin ngayon, wala. Walang ganoon. Merong mga volunteers na nagpapahiram ng van, nagpapahiram ng truck. Pero ano talaga ito, hindi siya systematic na kailangan mong hakutin 'yung tao para pumunta. Ito organic, kanya-kanya silang punta. Kaya pag nakita mo 'yung mga rallies namin, grabe 'yung wild na wild ang mga tao, para siyang party. Para siyang party kasi lahat sila nagpagod eh.

    RUPHIL BAÑOC: Tapos they are moved by their own ano, noh?

    VP LENI: Grabe. Grabe. Makikita mo ito– 'yung parang very palpable 'yung energy. Noong 2016, hindi ganito. Meron naman mag mag– mag aano sila palakpak pag nagsalita ka pero 'yung hindi siya masyadong interactive. Ngayon, grabe.

    RUPHIL BAÑOC: Anong mga activities niyo ngayong sa Cebu?

    VP LENI: Pagkatapos nito ay may apat kamng lugar na pupuntahan. Hindi pa namin mauubos 'yung buong probinsya pero punta kami ng Talisay, punta kami ng Argao sa south, punta kami ng Toledo.

    RUPHIL BAÑOC: Okay.

    VP LENI: Merong mga People's Assembly doon. Pero pagkatapos noong tatlo na pupuntahan namin, may grand rally mamaya sa PHINMA.

    RUPHIL BAÑOC: Oh, okay.

    VP LENI: Doon 'yung grand rally for Cebu City. Again ano ito, lahat ito volunteer driven. 'Yung nag-asikaso ng lahat, volunteers. 'Yung mga local officials mas ano, mas bisita natin.

    RUPHIL BAÑOC: Nakita ko 'yung post ni Attorney [Paul Abrado 4:55]. Nagpaprenta sila ng t-shirts for Leni dahil may rally daw sa Toledo.

    VP LENI: Oo. Ano talaga, ganoon talaga ngayon. Kanya-kanyang paimprenta kaya makikita mo, iba-iba talaga 'yung design. Sa akin first time eh. First time na naranasan ko 'yung eleksyon na ganito. Kasi marami na rin akong eleksyon na dinaanan kasi 'yung asawa ko laging nagkakandidato, walang ganito. First time talaga siya na 'yung mga tao talaga– kahit 'yung mga headquarters? Halimbawa dito sa Cebu, meron tayong ilang headquarters, lahat iyon sa volunteers. Walang funding from us, walang help from us, sila talaga 'yung nagru-run ng lahat.

    RUPHIL BAÑOC: Talagang nakaka-overwhelm noh?

    VP LENI: Sobra. Sobra, and 'yun 'yung nakakapag-pasaya ng kampanya. Hindi ka napapagod, Nilu-look forward mo 'yung mga assemblies kasi doon mo nakikilala 'yung mga taong talagang nagpapagod for you. Kaya ano ito, hindi ko inaasahan.

    RUPHIL BAÑOC: 'Yung simula, maraming [nag-uuri 5:55] sa rating ninyo dahil malayo. Ngayon, umakyat sa– nag ah, consistent ang pag-akyat niya. Anong mga factors diyan VP Leni?

    VP LENI: Marami din naman. Halimbawa, kaya tayo masyadong mababa noong umpisa kasi hindi pa tayo nagsisignify na kakandidato ako.

    RUPHIL BAÑOC: Parang you were so hesitant na mag-announce ano?

    VP LENI: At saka ang plano ko talaga, hindi kumandidato.

    RUPHIL BAÑOC: Oo, so–

    VP LENI: So, 'yun 'yung number one. Number two, 'yung kalaban talaga natin from 2016 nagkakampanya na.

    RUPHIL BAÑOC: Oo. Nag-prepare na.

    VP LENI: Naka-set up na ng makinarya. Ano na talaga, preparado na, may pera. Pero 'yung run ko kasi noong 2016, ganito din eh. Come from behind talaga ako. Actually noong 2016 mas malala. Kasi 'yung 2016 parang I started at one or two percent. Unti-unti siya, small climb. Tapos nagkaroon ng reversal, mga end March, early April. Ngayon 'yung tinitignan natin ganoon din. Kasi 'yung– dito kasi parang may bandwagon effect dito sa atin eh. Na maraming tao 'yung nandoon sa kabila pag ramdam nila na ito 'yung mananalo. Ito 'yung mataas 'yung numbers pero ‘yung 2016 ganoon din.

    Pero pag 'yung tao nararamdaman niya na may laban, pinipili na niya talaga 'yung kung sino sa palagay niya makakabuti sa kanya. So, 'yung importante lang naman sa amin, maka-ikot. Sobrang sipag naman namin. Maka-ikot to as many places as possible para personal kang napapakinggan ng tao.

    RUPHIL BAÑOC: Pero posibleng nafi-feel na ng taong bayan ngayon 'yung laban ninyo dahil, in fact, if I'm not mistaken, 47 cabinet members of Arroyo's administration are now expressing their support para sa inyo.

    VP LENI: Actually unprecedented din kasi maraming mga groups ngayon na nagpapadala– saka ang kabutihan nito, unsolicited. Maraming mga groups ang nagpapadala ng endorsement na hindi namin inaasahan. Halimbawa, itong mga former– former cabinet officials ang nag-umpisa niyan, cabinet officials ni President Ramos.

    RUPHIL BAÑOC: Oo.

    VP LENI: Nagpadala sila ng– ininvite nila ako to a Zoom meeting. Hindi ko alam na mage-endorse. Tapos after the Zoom– during the Zoom meeting, doon nila sinabi na they will becoming up with a statement, an endorsement. So, malaking bagay siya.

    Marami pang ibang mga grupo. Halimbawa 'yung mga past presidents ng Philippine Bar Association, mga abogado, mga kasama natin. SIyempre nakaka– 'di ba pag colleagues mo 'yung nag-rerecognize sa iyo, nakaka-humble siya kasi alam mo na hindi naman basta-basta magbibigay ng endorsement. Tapos 'yung kahapon nga, 'yung– 'yung mga cabinet officials ni President GMA. Before that, meron– meron din 'yung mga UN, mga Filipino UN workers. Meron 'yung mga former DSWD officials. Malaking bagay kasi may recognition na kung ano 'yung ginawa na natin at ano 'yung aspiration para sa bansa.

    RUPHIL BAÑOC:Parang consistent 'yung pag-aano ninyo?

    VP LENI: Tuloy-tuloy. Nakakagulat nga eh. Parang one after the other.

    RUPHIL BAÑOC: Oo. Dahil noon, malayo ba 'yung ibang kandidato nasa una. Pero ngayon nandiyan ka na.

    VP LENI: Actually 'yung pag number two ko, nagulat kami noon. Kasi, parang mga unang survey number six yata ako. Tapos a month after ako nag-declare, number two na. Hindi namin inaasahan kasi 'yung target namin, mag number two ako by Feb, by March. So by November, nag number two na ako. Totoo na malayo pa 'yung ihahabol pero from experience naman, ano siya, basta ma-sustain lang natin 'yung ganitong klaseng commitment ng mga tao, kayang-kaya.

    RUPHIL BAÑOC: Sa tingin ninyo with the number of days na natira bago mag eleksyon, kayang kaya pa VP Leni?

    VP LENI: Kayang-kaya kasi kung nakaya ko nga noong 2016 na hindi ako kilala masyado, nakaya ko noong 2016 na wala akong ganitong klaseng volunteers, 'yung pag turn around nangyari April. Ako– ako, very hopeful ako ngayon kasi iba talaga. Iba 'yung, iba 'yung investment ng mga tao ngayon sa kampanya.

    RUPHIL BAÑOC: Totoo noh? Dito sa Cebu ay talagang naka-suporta sa inyo. In fact last election, ang layo ng ano, o. Sa tingin ninyo, ma-maintain ninyo 'yung support ng mga Cebuanos?

    VP LENI: Ako, sana. Sana hindi lang ma-maintain pero sana madagdagan pa. Kasi alam mo, 'yung 2016 kasi noong pumunta ako dito, wala pa akong akong ebidensya ng capacity ko. Parang– parang 'yung pagtiwala sa akin ng tao dito, tiwala na naka base sa hope. Pero ngayon kasi, 'yung pagbalik ko, marami na akong ginawa for Cebu eh. Maraming marami akong projects for Cebu. Marami kaming mga existing projects. Hindi lang during– kasi during the pandemic, 'yun 'yung mas celebrated kasi, meron kaming shuttle buses, merong kaming mga dormitories, 'yung mga swabbing saka mga, ano ito, mga PPE sets. Pero puwera kasi niyan, from 2016 noong nanalo ako, tuloy tuloy 'yung projects namin dito. Halimbawa sa San Remigio meron kaming mental health program. Nagpatayo kami ng facility. 'Yung ano mismo, 'yung buong programa ay kabahagi kami.

    Halimbawa sa Tuburan, nagpalagay tayo ng water system para sa mga coffee farmers. Sa Carcar saka sa Naga, nagpagawa tayo ng parang bagsakan center. Marami nang pinagawa na hindi– ‘yung 2016 wala– walang ganyan. Pero ngayon, marami nang tao hindi nakakaalam kasi ginawa natin iyon very quietly eh. So so para sa akin, pag nagsabi ako na hindi ko papabayaan ang Cebu, meron akong resibo. Pag sinabi ko na andiyan ako in the most difficult times, meron akong resibo. Kasi, during the height of the pandemic, ‘yung grabe dito, talagang nagpadala kami ng buong team. Noong typhoon Odette, Cebu was one of the first places that I visited. Nag-iwan kami ng team dito, nag relief operations for more than a month, na 'yung team namin na nandito, walang Christmas, walang New Year. Talagang tuloy-tuloy 'yung relief operations bawat– bawat ano ito, bawat bagyo, bawat sunog, meron kaming relief operations dito. So, para sa akin mas madali ngayon kasi pag nagsabi akong ganito 'yung plano ko for Cebu, meron akong resibong gagawin ko. Dati kasi ano lang, alam mo iyon, parang dati pinapaniwalaan lang ako dahil they are taking my word for it. Pero ngayon papaniwalaan nila ako kasi may ebidensya ako.

    RUPHIL BAÑOC: Oo. Tapos 'yung support galing talaga sa– mga sincere supports from the people?

    VP LENI: Sa baba talaga. And tingin ko ito is what makes the fight most valuable.

    RUPHIL BAÑOC: Oo.

    VP LENI: Na 'yung tao nagdedesisyon na maging involved, not because gusto lang nila ako, pero 'yung recognition na alam nila na napakahala ng eleksyon na ito kasi klaro naman kasi ngayon. Hindi siya dati na mga eleksyon na pipili ka lang kung sino 'yung napupusuan mo. Pero ngayon kasi 'yung choices klaro na dapat nakabase siya sa ano ba 'yung nire-represent namin? Halimbawa ako, klaro sa ak– klaro sa tao na ang nire-represent ko good governance kasi pinakita ko 'yun with the work that I do. And pinapakita ko na hindi ko pinapabayaan, lalo 'yung mga pinakamaliliit. Kaya 'yung good governance doon talaga nata-translate na pag mabuti 'yung pamamahala 'yung pinaka nahihirapan ay puwede mong maabot. So, klaro naman 'yun as against 'yung siguro 'yung ating katunggali na alam din natin kung anong klase 'yung pamunuan saka politika na nirerepresent niya. So, ngayon parang battle siya of that, hindi lang siya battle of personalities. So, battle kung anong klaseng governance saka politika 'yung pinapangako namin sa tao.

    RUPHIL BAÑOC: Oo. Parang meron kayong rematch ngayon.

    VP LENI: May rematch pero ibang-iba 'yung circumstances ngayon. Ibang-iba 'yung circumstances kasi differently situated na ako. Hindi gaya noong umpisa na baguhan ako. So, parang I have so much to prove na hindi ko pa napo-prove. Ang dala-dala ko lang noon noong kumandidato ako noong 2016 'yung long years ko as an NGO worker, working with the most marginalized. Pero ngayon as VP kasi, pinakita ko na na ano 'yung magagawa ng malinis at mabuting pamamahala. Kasi ang– siyempre konti ang– mandate namin maliit, 'yung budget namin maliit, pero hindi siya naging sagabal sa klase ng trabahong gusto namin gawin.

    RUPHIL BAÑOC: Oo despite sa budget ng OVP na hindi– talagang ano 'yung budget, pero during the pandemic hindi malilimutan ng mga Cebuanos 'yung mga nagawa ninyo dito sa Cebu.

    VP LENI: At ito, Attorney Ruphil, gusto ko magpasalamat kasi hindi naman namin ito magagawa kung wala 'yung cooperation ng private sector dito sa Cebu. So, halimbawa noong in-operate namin 'yung shuttle buses, marami kaming tulong na nakuha from business people to run the bus. Halimbawa, nagkaroon tayo ng shuttle service from Olango to Mactan. Ano 'yun, 'yung ferry noon pahiram ng negosyante dito. Nag-provide tayo ng mga dormitories for front liners, ang dami nag-pitch in na kung sosolohin namin siguro hindi namin makakaya 'yung tulong of that magnitude. Pero dahil ang daming tumutulong, 'yun talaga 'yung pinaka konsepto natin how– what governance is all about. 'Yung– na 'yung lider should be inspiring para 'yung mga tao nahihikayat na mag-ambag, parang mag-share ng whatever they have, resources, talent, para maging bahagi sila ng solusyon.

    RUPHIL BAÑOC: Dito sa Cebu City, alam naman natin ‘yung mga local politicians walang hindi mismo magpa– maggustong ma-klaro sila, anong sinusuportahan, 'yung iba. Pero si– 'yung BOPK, si Mayor Tommy Osmeña ay talagang naka-express ng support

    VP LENI: Oo, very– actually, nagpapasalamat tayo kay Mayor Tommy saka kay Margot kasi early on, naguumpisa pa lang ako, nagpahayag na sila. Nagpahayag na sila ng suporta. Naiintindihan naman natin 'yung– 'yung sitwasyon ng iba kasi iba nga yung kalagayan ngayon because of the political climate. Halimbawa, si Vice Governor Junjun Davide has always been with us from day one. So, ito din 'yung mga tao na inaasahan talaga natin na will carry the torch habang wala kami.

    RUPHIL BAÑOC: Oo, oo.

    VP LENI: Malaking bagay din na may local politician na kabahagi ng team kasi marami ding aasikasuhin politically na siyempre kadalasan outside the ambit ng volunteers. Pero 'yung tingin ko naman, mapapakita natin this time na 'yung decision-making is not– is not to the politicians alone. Pag ang tao pinakita niya na magdedesisyon siya kahit pa iba 'yung dala noong kanyang nasa taas, mapapakita natin kung asan talaga 'yung kapangyarihan. And– sa democracy, kapangyarihan nasa kamay talaga ng taumbayan. So, hopefully 'yun 'yung mapakita natin with this elections.

    RUPHIL BAÑOC: Saka hindi rin malilimutan ng mga Cebuanos 'yung public service na ginawa ng asawa ninyo, si Former Secretary Jesse Robredo, bago siya namatay– [overlapping]

    VP LENI: Oo naman saka – [overlapping]

    RUPHIL BAÑOC: – galing siya sa Cebu at that time.

    VP LENI: Saka alam niyo, Attorney Ruphil, kaya ganoon ka-special 'yung Cebu para sa amin kasi dito nga nanggaling 'yung asawa ko before the plane crash. So, parang may permanent connection sa pamilya namin na mga Cebuano 'yung huli niyang nakasama. 'Yung mga Cebuano 'yung huli niyang nakasama, in fact pagkamatay niya ay pumunta ako dito. Pumunta ako dito, sineek-out ko 'yung family noong pilot kasi taga-dito sila. Pinuntahan namin ng mga bata 'yung mga places na pinuntahan niya. Halimbawa, galing siya sa Consolacion on that day so, pumunta tayo sa Consolacion. Parang ni-relive nami 'yung mga last moments niya. 'Yung training camp noong PNP sa Consolacion, 'yun 'yung pinuntahan niya.

    RUPHIL BAÑOC: Pinangalan ba 'yun sa– [overlapping]

    VP LENI: -- Oo.

    RUPHIL BAÑOC: – 'yung asawa ninyo?

    VP LENI: Kasi kaya siya pumunta doon dahil ground-breaking. So, noong bumalik ak– nag-ano kami dito nag-Holy Week kami dito I think 2017– 2018? O 2018 yata kami nag-Holy Wee– pumunta kami doon ng mga bata. Kasi tapos na, 'yung ground-breaking niya tapos na. So, 'yung 'yung koneksyon namin with Cebu. Pag sinasabing Cebu, nae-equate talaga namin siya with my husband.

    RUPHIL BAÑOC: Oo. So, ngayon ang ginawa mo lang double-time ka lang sa campaign ninyo dahil tingin ko naniniwala ka, VP Leni, na kung para sa iyo 'yan, para sa iyo talaga.

    VP LENI: Oo naman–

    RUPHIL BAÑOC: – because I– na-observe ko sa inyo from the very start kahit sa local politics, you were hesitant talaga na pumasok sa politika. In fact, mayor 'yung asawa ninyo pero hindi man lang kayo local official doon.

    VP LENI: Hindi, hindi. In fact, dina-draft ako ng mga leaders ng asawa ko kasi dalawang beses din nag-term limit 'yung asawa ko. He was mayor for six terms, so, after the third term palabas na siya, ako 'yung hinihingi ng mga leaders na suma– ano 'yun, mag-substitute sa kanya. Pero sinabi ko na never akong papasok sa politika. Tingin ko kasi hindi naman– ang gusto kong sabihin, gusto ko ng public service pero hindi naman kailangan 'yung elected position para mag-render ng public service. So, 'yun 'yung pagtingin ko about it for many years. Pero namatay kasi 'yung asawa ko, nagkaroon ng need. So, nag-step in ako hoping na parang transistion lang ako. Transition habang inaayos ng grupo na kinabibilangan niya 'yung– alam mo 'yun, nawalan ng lider eh. Pero tingin ko kasi 'yung Vice Presidency, 'yung Presidency, destiny 'yun na– pero pag sinabi mong destiny, kailangan gawin mo din 'yung lahat ng kaya mong gawin basta tama. So, 'yun naman 'yung ginagawa ko ngayon. Ang kaya kong gawin magsipag, 'yun 'yung ginagawa ko.

    RUPHIL BAÑOC: Kaya ikot-ikot ka?

    VP LENI: Oo naman. Hindi puwede kasing kinokontra natin 'yung politika ng pera tapos gagamitin din natin. Hindi puwede 'yun.

    RUPHIL BAÑOC: Oo, oo.

    VP LENI: So, ako sobrang– sobrang lucky din ako. Sobrang mapalad ako na 'yung tao may tiwala. Kasi kung walang tiwala ang tao, wala talaga kaming masasandigan with our numbers now. Ganoon talaga 'yung politika, pagmababa pa 'yung numbers mo, walang masyadong local officials na tumataya sa iyo. Pero hindi siya maganda kasi di ba dapat 'yung pagtataya sana paniniwala, di ba?

    RUPHIL BAÑOC: Oo.

    VP LENI: Hindi 'yung expectation na kung sino 'yung uupo. Pero ako very, very confident ako na pagmasustain itong klaseng volunteerism ay malaki 'yung pagkakataon.

    RUPHIL BAÑOC: Now, isa po sa mga problema ng ating bansa ang kawalan ng trabaho. Kung kayo'y pinalad na maging Pangulo, paano niyo po matutulungan ang problemang ito, VP Leni?

    VP LENI: Actually, ang trabaho 'yun 'yung centerpiece ng ating programa, sa paniniwala na sa trabaho nag-uumpisa lahat. Meaning to say, pag may trabaho mapapaaral mo 'yung mga anak mo. Pag may trabaho, maayos 'yung buhay mo, magkakaroon ka ng bahay. Pero sa akin kasi 'yung trabaho kailangan– kailangan siyang– hindi siya ayuda na– alam mo 'yun?

    RUPHIL BAÑOC: Oo, oo.

    VP LENI: Na kung bibigyan ka ilang kilong bigas, happy ka na. Hindi eh. Dapat 'yung pamahalaan, binibigyan kang pagkakataon makahanap ng dekalidad na trabaho para mabuhay ka with dignity. 'Yung– alam mo 'yun kung lumalapit ka every time may kailangan ka, parang bumababa 'yung pagtingin mo sa sarili mo. So, ang klase ng trabahong gusto natin tutukan, 'yung trabaho na hinahanda natin 'yung mga tao na 'yung skills nila mabagay doon. Halimbawa, galing ako dito sa Cebu I think two months ago. Kausap ko 'yung mga BPO's. Ang kinukwento nila, ang dami nilang available na trabaho pero walang nagka-qualify. So, para sa akin gobyerno ang dapat 'yung nagpo-provide noon. Gobyerno 'yung nagsisiguro na nare-retool 'yung mga tao, naa-upskill para 'yung trabahong available, puwede silang makapasok.

    Tapos 'yung number two, buhayin talaga 'yung mga industries. Halimbawa, 'yung maritime, 'yung ship building. Kasi 'yung Cebu, napakalaki ang ship building yard dito na ang daming ine-employ na tao. Ang dami na, alam mo 'yun, na hindi na kailangan mangibangbansa kasi meron nang trabaho available. 'Yung tech– 'yung technology napakalaki 'yung opportunity natin, basta ma-provide lang natin 'yung tamang infrastructure for it. 'Yung manufacturing, ganoon din. Sobrang huhusay ng mga Pilipino! Sa Cebu na lang– sa Cebu na lang 'yung furniture, 'yung iba pang mga export quality na mga produkto. Pag mag-invest lang talaga 'yung pamahalaan na 'yung maayos 'yung manufacturing, ang daming opportunities.

    Halimbawa, sa agriculture, 'yung agriculture meron kami ditong partner na 'yung– ewan ko kung narinig mo na, 'yung Lamak? Lamak Vegetable Growers? Sila ngayon tumutulong sa amin para gayahin namin 'yung nangyayari dito. So, para sa akin ang dapat na role ng gobyerno hanapin ang opportunities sa trabaho tapos siya 'yung magsiguro na 'yung napupunta sa tao 'yung trabahong available. Hindi 'yung ang daming dadayo dito, di ba? Ang daming dadayo, kukunin 'yung trabaho para sa pi– na para na sana sa Pilipino.

    So halimbawa, 'yung pandemic marami nawalan ng trabaho. Ang paniniwala natin doon, dapat sana 'yung gobyerno the moment na nawalan ka ng trabaho, ready na 'yung unemployment insurance. Meron naman tayo ngayon, Attorney Ruphil, meron tayong unemployment insurance, ngayon kasi two months, fifty percent ng salary. Ang proposal natin, at galing ito kay Congresswoman Stella Quimbo, na dapat 'yung unemployment insurance three months na eighty percent ng trabaho 'yung makukuha mo. Pero on the third month pag patapos na 'yung– pag patapos na 'yung three months na wala ka pang trabaho dapat gobyerno 'yung magbigay ng trabaho. And madalli 'yun. Madali 'yun kasi ang daming– ang daming mga ginagawa 'yung gobyerno na puwede niya i-contract out sa mga tao. So, para sa akin 'yung gobyernong mas proactive, gobyerno mas pro-active na talagang ang number one priority niya hanapbuhay para sa lahat. Dahil pag may hanapbuhay ang lahat, ang daming problemang mare-resolve.

    RUPHIL BAÑOC: Talking of BPOs VP Leni because you are, you have just mentioned about BPOs, kumusta 'yung proposal ninyo sa mga BPO na kailangan silang magkaroon ng special precincts to allow the BPO workers to vote?

    VP LENI: Actually, marami na tayong finile sa COMELEC na mga petition and one of them, 'yun nga, 'yung petition ng mga BPO industry. Hanggang ngayon wala pa tayong natatanggap, wala pa tayong natatanggap na approval or denial of the same, naghihintay kami. Other than that, nag-file din kasi kami ng exceptions sa medical assitance program natin sa Covid response initiatives namin wala pa. So hopefully in the next– in the very near future lumabas na, kasi kailangan na kailangan na talaga.

    RUPHIL BAÑOC: Okay, so [Cebuano 00:25:29 - 00:25:58] maging Pangulo ka, papaano natin proteksyonan ang ating mga youth dahil itong problema talaga itong droga VP Leni?

    VP LENI: Ako kasi, tututukan natin 'yan. Kailangan 'yung kampanya sa drugs with the same vigor na ginawa ngayon, pero hindi kasi ako naniniwala na 'yung strategy natin ngayon effective. At kaya ako hindi naniniwala, kasi 'yung datos sinasabi na hindi siya ganoon ka-effective in the sense na andami nang namatay, andami nang pera 'yung nagastos, pero 'yung problema sa drugs andiyan pa din. Dapat matuto tayo sa experience ng ibang bansa. Alin ba 'yung mga bansa na nagkaroon ng successful na drug programs? And ang proposal ko nito, ito nakasulat 'yung proposal kasi after noong ako ang nag ICAD chair, nagkaroon ako ng parang in depth na analysis kung nasaan 'yung problema.

    'Yung number one na problema natin, supply constriction. Gustong sabihin, hinahabol nang hinahabol 'yung mga small-time na users pero hindi antin nahahahabol 'yung mga big-time na mga tumutulak. So para sa akin, dapat i-shift 'yung attention sa mga big-time na tumutulak kasi, kung tyinatyaga natin 'yung mga maliliit, hindi natin nagugulo 'yung buong drug trade kasi mga street level enforcement, pakonti-konti ito eh. 'Yun 'yung number one, na supply 'yung tutukan, 'yung mga big-time 'yung habulin.

    'Yung number two, kailangan talaga natin amiyendahan 'yung ating batas. Kasi 'yung batas, hindi niya masyadong– hindi na siya masyadong naglalagay ng differentiation na meron kasing tinatawag na occasional users. Meron naman talagang drug users na drug addicts, tapos merong mga tumutulak. Para sa akin, 'yung tumutulak should be dealt with the most severity. Meaning to say, kung tumutulak ka, talagang dapat ano ka eh, dapat parusahan. Pero halimbawa, 'yung occasional na drug use, dapat iba 'yung programa para sa kanila para hindi na sila mahulog sa addiction. 'Yung mga drug addicts naman, rehabilitation 'yun eh. Anong nangyayari ngayon? Dahil walang delineation, lahat sila nasa kulungan. Lumalala pa 'yung problema ng iba. 'Yung kulungan nagiging sobrang congested. Pangalawa, 'yung dating mga occasional users lang nagiging addicts dahil hindi naaayos sa kulungan, pinagsasama-sama mo lahat. Tapos pag nakita natin 'yung drug trade sa loob ng kulungan, talagang bilyon. Kasi 'yung mga big-time nandoon, eh ginagamit na nila 'yung mga maliliit na sila 'yung mga katulong sa pag, ano 'to, patuloy na kanilang negosyo. So para sa akin, dapat meron tayong tinatawag na community-based rehabilitation. Para sa akin, 'yung community-based rehabilitation, i-strengthen 'yun. I-strengthen 'yun para 'yung mga occasional users, doon mahulog. Tapos 'yung mma drug addicts ay institutional rehabilitation 'yun. Kailangan talaga ng tulong hanggang sa psychologists saka sa psychiatrists, kailangan ng tulong. Pero 'yun nga, bakit natin hinahayaan na i-lump lang silang lahat na magkakasama sa kulungan, na lalong lumalala 'yung problema pag hindi natin ito ginawa ng paraan?

    Sinabi ko din na 'yung leadership noong ICAD, ilipat sa dangerous drugs board. Ngayon kasi nasa PDEA siya eh. Ano 'yung kaibahan noong PDEA? Ang PDEA kasis enforcement lang eh. So hindi masyadong natututukan 'yung rehabilitation phase na para sa akin, dapat holistic 'yung programa. Pag sinabing holistic 'yung programa, whole of nation approach talaga siya na 'yung lahat na ahensya na makakapag-provide ng services sa mga na-involve sa drugs ay dapat isang boses lang.

    RUPHIL BAÑOC: VP Leni, based on my observation lang, base on observation ko at sa iba, during the 2016 election parang ganito eh, parang tinutukan ni Presidente Duterte 'yung kampanya against drugs at 'yung taumbayan parang gusto na nilang ma-solve 'yung problema na 'yan.

    VP LENI: Kasi dati talaga, grabe naman eh.

    RUPHIL BAÑOC: 'Yung advertisement niya sabi niya, My God I hate drugs. Nag-surge 'yung rating niya, that's my observation. Dahil ang tao, gusto talagang i-ano. Ngayon, sa mga kandidato bilang Presidente, ikaw lang babae. Kaya mo ba Bise, bilang isang babae, na solusyunan ito?

    VP LENI: So, sa akin kasi Attorney Ruphil I think you will agree with me na wala naman sa gender eh. Wala sa gender. 'Yung mga nanay na lang natin sa bahay. Di ba 'yung mga nanay sa bahay, mga babae 'yun pero 'yung mga nanay sa bahay sila 'yung mga pinakamalalakas.

    Gusto kong sabihin, kung gender lang naman pag-uusapan, hindi matatawaran 'yung lakas ng isang babae kasi kaya niyang pagsabay sabayin 'yung lahat, kaya niyang magdisiplina, kaya niyang nagtatrabaho sa labas ng bahay, nagtatrabaho sa loob ng bahay. Pero setting that aside, lahat kasi kami magcla-claim kami na kaya namin eh di ba? Lahat kami, lahat na kandidato. Wala namang kandidato magsasabing hindi ko 'yun kaya. Pero at the end of the day, papaano kami papaniwalaan ng tao? Paniniwalaan kami ng tao dahil sa track record namin. Di ba, ano ba 'yung track record namin?

    Sa mahihirap na sitwasyon ba sa bansa natin, asan kami? Kasi 'yun lang naman 'yung magiging basehan eh, track record. Pag sinabi mong matapang ako kasi lalaki ako, ang tanong ko sa iyo, 'yung bumabagyo, asan ka? Namigay ka ng konting klilo ng bigas tapos kinalimutan mo na sila. Pero pag tiningnan 'yung trabaho namin sa opisina, hindi kami umaalis sa isang lugar na hindi pa ayos. So para sa akin, 'yun 'yung strength eh. 'Yung strength 'yung papaano mo dini-deal 'yung mahihirap kasi kung mahirap na tapos nawawala ka na, papaano na kung Presidente ka?

    RUPHIL BAÑOC: Kung makita natin 'yung problema sa Colombia, 'yung sa Mexico ng droga, talagang kailangan i-deal mong problema na 'yan. Kailangan walang korapasyon, dahil kung korap 'yung leader talagang, oo.

    VP LENI: Wala talaga, ako sa akin Attorney Ruphil, ang korapsyon siya talaga 'yung nagiging dahilan kung bakit nagpo-proliferate ito eh. Kasi hindi naman siya magpo-proliferate kung 'yung mga officials tasked with the mandate, ginagawa 'yung trabaho nila. Pero ang iba kasi would choose to look the other way eh and korapsyon 'yun. Pag tiningnan natin 'yung experience ng ibang mga bansa, hindi malayo na ganoon din tayo. Pipikit ka na lang, lagi kang may dahilan kung bakit ka tumatanggap dahil lahat naman sila, tumatanggap din.

    So ito, kinakailangan ito isang decisive na pamumuno na malinis. Pag sinabi kong malinis, walang record ng korapsyon. Kasi oras na may record ka ng korapsyon, wala ka nang moral ascendancy di ba? Papaano mo sisiguraduhin na lilinisin mo 'yung buong burukrasya kung ikaw mismo, hindi malinis. So sa akin, papaano ba natin maiiwasan 'yung korapsyon? Unang una dapat buksan natin 'yung mga proseso, maging transparent. Para ang tao, alam niya kung may nangyayaring hindi maganda. Kasi pag hindi transparent, ang dami ng mga– nakita naman natin 'yung Pharmally di ba? At the height of the pandemic, nakaiisip pang mangurakot nang napakadaming bilyon.

    Pero nakalusot 'yun kasi hindi alam ng tao eh. Pero kung alam ng tao 'yung nangyayari, alam ng tao kung magkano 'yung binibili ng pamahalaan na mga gamit kung may overpriced ba, 'yung tao 'yung magiingay eh. So, sa akin, ang mapa-promise ko talaga 'yung transparency cornerstone 'yun ng good governance saka 'yung accountability. Pero at the same time, 'yung paglagay ng mga mekanismo para 'yung tao can directly participate in governance, kasi 'yun lang paraan para ma-dissuade 'yung mga tao na magurakot dahil may nanonood sa kanya.

    RUPHIL BAÑOC: Speaking of corruption, ikaw ang isa sa mga pinaka-credible diyan dahil wal kang record, background mo malinis VP Leni. Kung mabigyan ka ng pagkakataon, ikaw may credibility to solve dito sa problemang drugs dahil corruption ay nakaano eh, intertwined eh sa problema na 'yan. Pero talagang credible ka VP Leni pero hindi kaya, papaano mo gagawin na hindi ka magkamali na mag-appoint ng mga official diyan dahil okay 'yung record mo eh. Ang problema sa iba ba, baka doon ang korapsyon?

    VP LENI: Hindi, ano talaga, dapat talaga ang number one na basehan ng pag-appoint, 'yung capacity saka 'yung linis, hindi 'yung political affiliation. Kasi oras na naga-appoint ka ng tao dahil ito 'yung kabayaran mo sa utang ng loob, tapos na tayo lahat. Ganoon naman 'yun eh, kadalasan 'yung mga nasa may appointing power, ang ina-appoint niya 'yung malapit sa kaniya, 'yung ina-appoint niya 'yung nagkautang siya ng loob kasi noong election tinulungan siya. Ako definitely, hindi ko 'yun gagawin. Ako ang gagawin ko, pagupo na pagupo ko, magkukumpuni ko ng isang parang multisectoral na grupo na sila 'yung mga magve-vet ng mga nominees sa mga posisyon. Kasi paminsan, na-appoint mo na saka mo lang nalalaman na meron pala itong record, mahirap 'yun.

    Dapat number one, mahusay sa field niya. Number two, malinis. Pero 'yung number three, 'yung capacity talaga to lead kailangan nandiyan eh. Kasi merong mga mahuhusay na hindi okay na managers, nagkakagulo 'yung departamento. So sa atin, meron naman tayong mga parang pool na ngayon dahil from 2016 naman, lagi kaming may briefing sa on policy, so 'yun 'yung paguumpisahan pero hindi ako maga-appoint definitely ng tao dahil lang sa kakilala ko o dahil taga doon sa amin o dahil amy utang na loob ako.

    Sa Office of the Vice President, pinakita ko 'yan. Sa Office of the Vice President, kahit sobrang liit lang ng aming organisasyon, wala ni-isa na ako 'yung nag-appoint. 'Yung lahat na hiring sa amin, lahat na promotion, isang board ang gumagawa na hindi nga ako tinatanong. 'Yung sa akin, mas ministerial kung sino 'yung pinili nila, 'yun 'yung pipirmahan kong appointment.

    RUPHIL BAÑOC: Do-double check na lang 'yan sa inyo ano?

    VP LENI: Ano talaga ito, actually wala akong discretion. Pag merong bakanteng posisyon, ina-advertise namin publicly. 'Yung lahat ng mga applicants ay ini-interview noong board. 'Yung vetting ginagawa noong board. Pagkatapos noon ay magpapadala sila sa akin kung sino 'yung number 1.

    RUPHIL BAÑOC: Tinanong ko 'yan dahil credible ka naman eh. Corruption issue walang bahid ng corruption, malinis si VP Leni. Ang problema diyan baka ang ituro mo PNP Chief.

    VP LENI: Alam mo lalo na sa uniformed personnel, talagang kailangan i-professionalize natin na ang pagpipili ng head ‘yung pinaka deserving. Kasi sa uniformed services naman meron silang sarili na hierarchy ‘di ba? ‘Yung seniority, ‘yung husay, dapat ‘yun ‘yung basis. Hindi ‘yung sino ba sa palagay ko, ‘di ba ‘yung personal. Hindi dapat ‘yun eh kasi pag ginawa mo ‘yun, sina-sakripisyo mo ‘yung buong institusyon.

    RUPHIL BAÑOC: [Atsaka namin 37:42] VP Leni isa ‘yung problema talaga ‘yang drugs eh.

    VP LENI: Totoo. Totoo.

    RUPHIL BAÑOC: Isang problema ‘yan. So we will expect ka na kung maging Pangulo ka-

    VP LENI: Tututukan talaga natin.

    RUPHIL BAÑOC: Tutukan niyo ‘yan.

    VP LENI: ‘Yun ‘yung mapapangako ko kasi may programa na kami ngayon eh.

    RUPHIL BAÑOC: Oo, oo.

    VP LENI: Mapapangako ko, may programa na kami ngayon. Sisiguraduhin natin ‘yun ang magli-lead ng- mag li-lead ng buong kampanya ay hindi lang mahusay pero talagang may moral ascendancy dahil walang korapsyon na [inaudible 38:05]

    RUPHIL BAÑOC: Next administration ang problema ngayon na dahil galing tayo sa pandemic, galing tayo sa ang daming mga calamities like Odette dito sa Visayas, kailangan tayo ng leader na kaya niyang mabigyan ng- ma lead ang country sa economic recovery. Ano ang-

    VP LENI: Marami tayong kailangang gawin. In fact, as soon as I filed my certificate of candidacy, nilabas na namin ‘yung Kalayaan sa Covid Plan, Maraming component ‘yun, ang isa nga ‘yung pagbabalik ng trabaho sa mga tao para ‘yung ekonomiya ay mabuhay ulit. Tapos ‘yung pagtutok sa health saka sa education. ‘Yung education natin ang laki ng problema natin kasi hindi pa nagpapandemic, kulelat na tayo.

    RUPHIL BAÑOC: Oo.

    VP Leni: Kailangan talaga noong quality of education asikasuhin na natin. ‘Yung health naman ganoon din. In fact, as early as now, tinitingnan na namin ano ba ‘yung mga kailangan kasi grabe ‘yung hindi pagkapantay-pantay. In areas like Metro Manila, Cebu, Davao, walang problema masyado sa facilities. Pero all over the country grabe ang problema natin. So aasikasuhin natin ‘yun, ‘yun ‘yung first phase noon.

    Pero ‘yung second phase kasi, ang laking bagay ng tiwala sa leadership para sa investments na papasok. Kasi kung ang business community saka international community, wala namang tiwala sa leadership, na hindi sila mabibigyan ng level playing field– gaya ngayon bagsak ‘yung ating FDI, ‘yung ating mga foreign direct investments kasi maraming pangamba. Maraming pangamba about sa stability ng– hindi lang ng leadership pero ng ekonomiya. So kailangan ‘yun ‘yung pag trabahuhan natin. Madali lang magsabi na bibigyan ko kayo ng trabaho, pero ang trabaho will come kung inayos mo ‘yung gobyerno.

    RUPHIL BAÑOC: Oo.

    VP LENI: Kasi pag hindi mo naman inayos ‘yung gobyerno papaano ka makakapagbigay ng trabaho, wala namang papasok na investment.

    RUPHIL BAÑOC: May problema talaga tayo sa Covid, talagang mag recover tayo sa econnomics ano.

    VP LENI: Marami tayong ihahabol.

    RUPHIL BAÑOC: May nagsasabing ito ang kandidatong piliin ko dahil kaya niyang ipagpatuloy ‘yung PPP, ‘yung Build Build Build. Kung mabigyan ka ng pagkakataon ano ang opinyon mo diyan. Kaya ba ang PPP, Build Build Build na matuloy tuloy ‘yan?

    VP LENI: Actually, pag simula pa lang ng 2016, ina-advocate na natin na ipagpatuloy ‘yung PPP. Kaya lang nag shift kais tayo eh, ginawa natin na ODA. ‘Yung ODA kasi ano ‘yun utang, utang ng pamahalaan. Ang paniniwala natin dapat mas PPP ‘yung priority kasi ‘yung PPP hindi maglalabas ng pera ‘yung gobyerno, private sector ‘yung maglalabas, ‘yan ‘yung number one.

    Ang number two ‘yung Build Build Build, okay ang Build Build Build, pero para sa akin dapat strategic ‘yung mga– dapat strategic ‘yung, ano ito, ‘yung mga projects na pinagkakagastusan antin. Meaning to say nag mga itatanong diya, pag ginawa ba natin ito what does this mean to the community? ‘Yung rural development ba masi-spur, ‘yung countryside ba mabibigyan ng mas malaking pagkakataon? Halimbawa ‘yung sunod na haharapin natin na problema, tubig. So a large part of ‘yung Build Build Build dapat ‘yung pag-asikaso ng water supply. Mawawalan na tayo ng supply ng kuryente, dapat asikasuhin na natin ‘yun.

    So, sa akin, maraming mga projects na siguro hindi nakikita na visible pero ‘yun ‘yung ipa-prioritize kasi dapat naghahanda na tayo sa mas malaking problemang padating in the future. So ‘yung water, ‘yung energy, ‘yung public transport kailangan tutukan natin ‘yan kasi hindi solusyon ‘yung pagawa ka lang ng pagawa ng mga daan na bawat pagawa mo ng daan dumadami din ‘yung sasakyan. Para sa akin dapat tutukan natin ‘yung mass transport kasi equalizer ito. Equalizer ito sa mga kababayan natin, ‘yung mga malalayong tinitirhan. Kung maayos ‘yung mass transport hindi na sila kailangang mag board and lodging dito sa city kasi madaling pumasok. So para sa akin priority ang Build Build Build, pero dapat strategic ang mga programa.

    RUPHIL BAÑOC: Ano ang plano ninyo para sa Cebu, VP Leni, pag manalo bilang pangulo?

    VP LENI: Ang dami kasing opportunities dito sa Cebu. Gustong sabihin, ang location pa lang ng Cebu ang ganda. Di ba? ‘Yung port ng Cebu ang ganda. Ano ba ‘yung mga opportunities dito, halimbawa number one opportunity dito ‘yung manufacturing, saka ‘yung maritime, ‘yung, ano ito, ‘yung ship building. Kailangan ang pamahalaan mag provide ng infrastructure para ito ay lalong mag flourish. Halimbawa ‘yung tech. Ang daming mga tech companies na pwedeng maaya– ngayon marami nasa Cebu, pero pwedeng maaya pa dito pag naglagay tayo ng maayos na infrastructure for tech. Pag nagawa kasi natin ‘yun, ‘yung mga tao hindi na kailangang pumunta pa ng Maynila para maghanap ng trabaho. Pero dini-disperse na natin ‘yung development kasi pag na-disperse natin ‘yung development, mas magiging mabuti for all of us.

    Halimbawa dito sa Cebu, noong kausap ko ‘yung mga BPOs, ang daming mga BPO workers na taga ibang lugar na nahihirapan sila kasi while nag e-earn sila dito, kailangan nila ng– kailangan nila na mag board and lodging, iniiwan nila minsan ‘yung kanilang mga anak sa parents hindi nila nakikita. ‘Yung quality of life nagsa suffer. Pero kung nagpo-provide tayo ng infrastructure for it, meaning to say halimbawa ‘yung mga tech hubs, kung magpo-provide tayo ng maayos na housing, maayos na transportation, hindi na sila kailangang mamroblemang ganoon.

    Pag dinisperse naman natin sa mga– sa labas ng city, kasi ngayon ‘yung concentration di ba Mactan, ‘yung Lapu-lapu, Mandaue, ‘yung mga malalapit sa City. Pero ang laki pa ng Cebu eh. Ang daming opportunities papunta sa North, papunta sa South, na pag meron lang maayos na infrastructure madi-diffuse natin. So ‘yung mga taga South hindi na kilangang pumunta sa Cebu kais meron nang– meron nang isang center pa kung saan ‘yung trabaho available. So ‘yun ‘yung opportunities dito na kailangan natin– kailangan nating mag invest. Kailangan nating mag invest, ‘yung gobyerno ‘yung mag i-invest kasi para naman ito sa kapakanan ng mga kababayan natin.

    RUPHIL BAÑOC: Ang dami ko pang mga tanong VP Leni pero alam kong napaka-busy ninyo. Ang mensahe ninyo sa nakikinig sa ating broadcast sa DYHP RMN Cebu, sa buong Visayas at Mindanao, naka-hook up din sa atin ngayon ang ating sister station na 93.9 IFM, nakikinig sila sa atin ngayon, at saka sa mga social media followers natin, ano po ang mensahe ng ating VP Leni?

    VP LENI: Sa akin po unang una gusto kong magpasalamat. Gusto ko pong magpasalamat sa lahat, sa lahat ng mga supporters at volunteers na nagtatrabaho ng grabe para lang po makatulong sa ating kampanya. Utang ko po sa inyo ‘yung lahat ng nangyayari, lalo po dito sa Cebu saka sa mga karatig na mga lugar. Na kahit– dahil isa lang ‘yung katawan ko hindi ko mapuntahan lahat, kayo talaga ‘yung nagsu-surrogate para sa akin. ‘Yun po ‘yung first part. Pero ‘yung second part ‘yung pakiusap ko lang po sa mga nakikinig sa atin ngayon, na sana maramdaman natin kung gaano– ma-realize natin kung gaano kahalaga ng eleksyon ngayon.

    RUPHIL BAÑOC: Oo lalo na sa social media, 1.1– tingnan mo ‘yung ano live nating viewers.

    VP LENI: Oo nga. Oh ‘di ba. Ang eleksyon na ito hindi lang ito mas gusto ko siya kasi ganito, pero ang eleksyon na ito ang magde determine kung saan papunta ‘yung bansa natin in the next six years. Anong klaseng governance. Hindi lang ito– sana ‘yung desisyon ay hindi nakabase sa false information kasi ‘yung fake news ngayon grabe eh. Grabe ang fake news.

    RUPHIL BAÑOC: Biktima ka ng fake news, kailangan mo–

    VP LENI: Number one. Pero sa atin sino ba ‘yung lugi? Ako ba ‘yung lugi? Ang gusto ko sabihin, pag naniwala tayo sa fake news hindi naman ako ‘yung lugi. Ang lugi taumbayan. Nagdedesisyon tayo base sa kasinungalingan. Kaya sa atin naman maraming facility kung totoo o hindi ang nababasa natin. Sana mag exert tayo ng effort para doon. Ang nakasalalay dito buhay, hanapbuhay, kabuhayan ng mga kababayan natin na pag nag elect tayo ng mga officials na luma at bulok na klase ng politika ‘yung bitbit nila, anong pagbabago ‘yung aasahan natin? So dapat ang pinipili natin sino ba sa mga kandidato ‘yung nagre-represent ng ating dreams at aspiration para sa bansa? And ano ba ‘yung dreams and aspiration natin, na ‘yung mga naiiwan ay naakay paakyat. Hindi lang ‘yung dati nang mayayaman, yayaman pa lalo. Pero ‘yung mainspire natin ‘yung mayayaman na– di ba, parang i-moderate ‘yung kanilang– ‘yung kanilang mga kita para matulungan ‘yung mga nasa baba.

    Ginagawa na natin ‘yun ngayon sa Office of the Vice President. Pag nabigyan tayo ng pagkakataon ‘yun ‘yung klase ng kulturang gusto nating ma-develop, na ‘yung mga mayayaman sila ‘yung nagbibigay ng tulong sa mga mahihirap. And pag tulong hindi po ito ‘yung ayuda kasi ang ayuda pag binigyan ka ng lima, sampung kilong bigas hindi nga isang linggo, ubos na ‘yan. Pero ‘yung gusto po nating ibigay sa inyo de kalidad na trabaho, de kalidad na trabaho na ito ‘yung magpapaaral samga anak ninyo, ito ‘yung magbibigay sa inyo ng bahay na tutuluyan niyo, ito ‘yung magsisiguro na pag nagkakasakit kayo, hindi hadlang ‘yung kahirapan para maka-seek kayo ng serbisyong pang medikal. So ‘yung aspiration ng bawat Pilipino dapat ganito. Hindi ‘yung nagpapallit lang ng mukha at pangalan ng politiko, pero pareho pa din ‘yng pamamalakad. Walang mangyayari sa atin.

    RUPHIL BAÑOC: Si Atty. [inaudible 48:09] Good morning I’m listening gyud hope to see VP Leni tonight sa grand rally.

    VP LENI: Yes, oo. Invited po natin lahat sa grand rally sa Phinma tonight.

    RUPHIL BAÑOC: Tonight.

    VP LENI: Oo tonight. Ngayon po ‘yung mga nasa Talisay, sa Argao, sa Toledo, I hope to see you there po mamaya. Nagyon. Actually magsisimula yata kami ng lunch time after ng mga meetings natin dito sa Cebu City hanggang mamaya na ‘yan na gabi. So apat na parang– tatlong mini rallies at isang grand rally. So sana po magkita kita tayong lahat.

    RUPHIL BAÑOC: Atty. [inaudible 48:44] ang daming mga lawyers–

    VP LENI: Oo. Actually pagpunta ko dito ‘yung last time, mineet ko ‘yung mga Lawyers for Leni. Very organized sila. Nagkaroon ako ng time na makasama sila and nagpapasalamat ako. ‘Yung mga Doctors for Leni sobrang active din. Talagang nakakagulat na ganito ‘yung coming out ng buong community para tumulong.

    RUPHIL BAÑOC: VP Leni, maraming salamat sa pagpunta mo in person dito sa station natin. At tuloy tuloy lang ‘yung ano–

    VP LENI: Ako magpapasalamat Atty. Ruphil, always a privilege na binibigyan niyo kami ng oras. Maraming Salamat.

    [END 49:21]

    Posted in Transcripts on Feb 24, 2022