This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo on RMN Koronadal

    Interview with Vice President Leni Robredo on RMN Koronadal
    DXKR 639 RMN Koronadal

    REI LEGARIO: This time, nasa linya po natin ngayon si Vice President Leni Robredo. Good morning po VP Leni. Good morning po sa inyo. Welcome sa RMN Koronadal South Central Mindanao po.

    VP LENI: Ayan. Good morning Rei, good morning po sa lahat ng nakikinig sa atin sa RMN Koronadal.

    REI LEGARIO: Yes. So, ang dami niyo pong naikot na mga lugar para sa kampanya niyo sa pagka-pangulo, VP Leni. Ang taas na po ng energy ninyo ano? Kumusta naman po ang pagtanggap ng ating mga kababayan tuwing darating kayo sa lugar nila?

    VP LENI: Okay lagi, Rei. Actually doon tayo kumukuha ng energy. Ngayon– kagabi dumating kami dito sa GenSan, mamaya nandiyan kami sa Koronadal. Papunta kami Kidapawan ngayong umaga. So, halos– halos 'yung buong linggo umiikot tayo. Ang kabutihan lang nito Rei, everywhere we go meron talagang volunteers na matagal nang nagtatrabaho para sa atin. Kaya, sila 'yung nag-aasikaso ng lahat. Halimbawa, 'yung activity natin dito sa GenSan saka 'yung activity natin sa Kidapawan, activity natin sa Koronadal, lahat volunteers 'yung nag-asikaso. Dito kami kumukuha rin ng energy kasi lahat na– lahat na events talagang sobrang grabe 'yung involvement saka 'yung engagement noong mga supporters natin.

    REI LEGARIO: I see. Okay. So, ano-ano po ang naging mga proyekto ng Angat Buhay or OVP dito sa South Cotabato, VP Leni?

    VP LENI: Dito sa South Cotabato, medyo marami-rami, Rei. Aside from doon sa mga tulong natin during the pandemic. Halimbawa, 'yung pandemic kasi tuloy tuloy 'yung pagpadala natin ng mga PPE sets saka mga medical supplies sa karamihan sa mga ospital diyan sa Koronadal, dito sa GenSan and the rest of South Cotabato. Meron din tayong mga projects sa Lake Sebu. Sa Lake Sebu meron tayong isang weaving community na tinutulungan– parang three times akong nakabalik doon dahil tinututukan natin sila.

    Nagkaroon din tayo ng mga classrooms na pinagawa sa Polomolok saka Tampakan. Ang partner natin dito AGAPP Foundation. Pinuntahan ko ito, Rei, noong nag inauguration. Tapos meron tayong naging programa para sa mga magsasaka saka sa mga out of school youth sa Tampakan. Ito 'yung training for integrated farming biosystems. Ano din, marami tayong– meron tayong mga Community Learning Hubs sa area. Ginawa natin ito noong panahon ng pandemic na nagsara 'yung mga eskwelahan. Ang pinaka ideya ng Community Learning Hub, Rei, na merong mapupuntahan 'yung mga bata na nangangailangan ng gadget saka ng mga tutors na pag hindi ito available sa bahay nila.

    So, ito Rei, ano ito– 'yung Angat Buhay program kasi ng OVP nagco-concentrate tayo sa mga rural communities. O kaya kadalasan pag sa cities ang intervention natin, pag merong sakuna, gaya ng mga bagyo, noong lindol saka pandemic.

    REI LEGARIO: Ah okay okay. So, usaping magsasaka po tayo VP Leni ha. Anong maaranibg programa ng gobyerno para sa mga magsasaka upang hindi na sila mangutang ng puhunan na pambili ng mga farm inputs na naka– nagpapa lubog sa kanilang mga posibleng kita sa pagsasaka? Lalong lalo na dito sa amin sa South Cotabato farmers, maraming farmers po dito sa amin.

    VP LENI: Oo. Ang pinaka problema talaga ngayon, Rei, number one ang taas taas ng presyo ng input. Lalo 'yung abono. Parang nagsimula ito 700 plus, ngayon almost 3000 na. Halos wala nang kinikita 'yung mga farmers natin. 'Yung sa akin 'yung short term bigyan sila ng ayuda, pero 'yung mas long term dapat talaga actively mag-produce na tayo ng sarili nating abono.

    REI LEGARIO: I see.

    VP LENI: Kasi 'yung– 'yung large part ng abono natin iniimport pa natin, so apektado talaga tayo ng world prices. So, ito 'yung number one. Pero 'yung number two, meron kaming programang ongoing sa opisina namin, Rei, na nagbibigay kami ng financial assistance– financial grant, hindi pautang, grant. Pero 'yung tulong hindi ito natatapos sa pagbigay ng pera. ‘Yung tulog pati capacity building ng mga farmers. Tapos ito tututukan sila every step of the way hanggang sa mag-harvest sila ng kanilang produkto. Tapos gobyerno din 'yung naghahanap ng market para sa kanila.

    REI LEGARIO: I see.

    VP LENI: Kasi karamihan Rei lalo na 'yung maliliit na mga farmers, grabe 'yung pagod nila pero 'yung mga bumibili ng kanilang produkto, sobrang bagsak 'yung presyo. Parang hindi sila nakaka-command ng mataas na presyo kasi unang una, kaunti lang naman 'yung quantity nila. Pangalawa, ano talaga parang at the mercy sila ng mga middlemen.

    REI LEGARIO: Tama po 'yan. Correct. Correct.

    VP LENI: So ngayon rey ang ginagawa namin, kami yung kausap pero kami yung naghahanap ng institutional buyers. Halimbawa, meron kaming isang programa sa Camarines Sur na partner naming 'yung Chamber of Commerce, na ang usapan na namin Rei, 'yung mga pangangailangan ng mga ospital, restaurant, jail, 'yung hotel, imbes na binibili pa nila sa mga malalaking mga negosyante, sa mga maliliit na farmers na bibilhin.

    REI LEGARIO: I see.

    VP LENI: So direkta, hindi na dadaan sa mga middlemen. So, nakaka-command ng mataas na presyo, siguradong bibilhin 'yung kanilang produkto basta tinulungan namin sila na 'yung quality maayos. Ang laki ng [inaudible] ng kita ng mga farmers. So, ito replicable ito, Rei, sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.

    REI LEGARIO: I see. Okay. So, isa pa rin po na usaping kontrobersyal ano. Ano pong masasabi ninyo sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at ano po ang maimungkahi ninyong solusyon dito? Kasi parang ngayon na yata nag start 'yung oil price big time, ngayong araw po.

    VP LENI: Ngayon. Ngayong araw. Ito Rei, 'yung dinagdag ng gasolina more than P7.00, dinagdag ng kerosene more than P10.00, 'yung diesel P13.00. So, imagine mo eh wala pa tayong dagdag pamasahe. Kaya malulugi talaga 'yung mga ano natin, mga drivers saka mga operators. 'Yung short term kasi nito Rei, kailangan 'yung ayuda, 'yung parang 'yung extension ng Pantawid Pasada natin dati. Pero ngayon kasi hindi siya, hindi puwedeng 'yung bibigyan natin 'yung dati lang. Kailangang lakihan natin 'yung base. Kasi halimbawa, 'yung dati, hindi doon kasali 'yung mga TODA, hindi doon kasali 'yung mga delivery riders. Eh ngayon apektado din sila eh.

    REI LEGARIO: Oo. Tama.

    VP LENI: Apektado din sila so dapat kasali sila. Tapos dapat kaagad, huwag ng patagalin, ibigay na kaagad kasi otherwise wala talaga silang kakainin.

    Pero 'yung mas long term nito, Rei, kailangan pag isipan na natin, gaya noong ginagawa sa maraming mga bansa sa Europe, na mag si-shift na talaga sila sa mga e-vehicles, e-trikes, e-jeeps, para hindi na sila dependent sa gasolina. Kasi pag dependent sa gasolina, gaya ngayon na meron pang giyera sa Ukraine saka sa Russia, apektado talaga tayo ng world prices.

    Tapos 'yung pangalawa, pag nag shift tayo dito puwede natin itong pag planuhan na 'yung production sa atin na. Una, mas mura, hindi na tayo mag i-import. Tapos dagdag trabaho pa pag tayo 'yung gagawa. Kaya naman natin eh. Kaya tayong gumawa ng mga e-trikes, kayang gumawa ng mga e-jeep para 'yung mga madi-displace ay merong trabahong mapupuntahan.

    Tapos ano talaga, ito Rei, matagal ko na itong pinu-push, mula pa noong, even before the pandemic, na pag-isipan na natin na service contracting ang style ng mga driver. Hindi na sila boundary system pero sweldo talaga.

    Kasi pag boundary system, apektado talaga sila. Gaya ng pandemic, walang mga biyahe, wala silang kita. Pero pag, ito nga kung naalala mo Rei, may mga physical distancing tayo, hindi natin pinupuno 'yung mga sasakyan eh lugi talaga sila. Pero kung service contracting ito, swelduhan sila, assured tayo na lagi silang may kita.

    REI LEGARIO: Okay so, mga panghuling mensahe po natin para sa ating mga kababayan dito sa South Cotabato, at sa City of Koronadal, VP Leni.

    VP LENI: Unang una, gusto lang po nating magpasalamat sa lahat na naging partners natin dito. 'Yung mga communities po na hindi lang tinulungan pero naging bahagi ng ating programa. Hindi po namin magagawa 'yung aming mga proyekto kung [audio cut]. Tapos 'yung pangalawa Rei, gusto ko lamang mag imbita, meron po tayong events ngayong araw. Una sa Kidapawan, mamayang hapon po sa– early afternoon sa Koronadal, tapos pagka gabi dito po sa GenSan. Iniimbitahan po natin 'yung ating mga supporters. Open naman po ito sa lahat. Meron po tayong pagtitipon. Kung saan po kayo pinaka malapit, welcome po kayo.

    REI LEGARIO: Thank you so much Vice President Leni Robredo. Good morning.

    VP LENI: Maraming salamat.

    [END]

     

     

    Posted in Transcripts on Mar 15, 2022