This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the Second Run of Vaccine Express in Manila

    Interview with Vice President Leni Robredo at the Second Run of Vaccine Express in Manila

    Cultural Center of the Philippines Complex

    Q: Ayon, Ma’am, kumusta po? Pangalawang ano na po ito, ano, second dose na bale nila?

    VP LENI: Ito, second dose na nila. Nagpapasalamat tayo sa City Government of Manila at saka iyong mga TODA. Iyong mga TODA associations kasi before this, sinabihan namin na baka puwedeng i-make sure na, alam mo iyon, na alam talaga nila kasi ‘di ba iyong record maraming hindi nagse-second dose. So ngayon, parang okay naman iyong turnout. Mas mabilis ngayon kasi iyong dating matagal na pre-screening wala na iyon ngayon kasi second dose na so pinapakita lang nila iyong cards nila o sa phone nila na proof na ngayon iyong schedule ng second dose so mas tuloy-tuloy siya. Iyong ano lang talaga kasi malakas iyong ulan, eh karamihan naka-motor. So iyon talaga iyong worry natin. Pero iyong hintayan nila doon sa kabila, buti may tent din kasi iyong last na—iyong first dose natin iyong tents for volunteers lang. So buti naisipan natin na maglagay ng another tent na hintayan kasi ang lakas nga ng ulan this morning.

    Q: Ma’am, i-e-expand ba ito sa ibang city and iyon nga, may supply ano ba kasi medyo problemado din sa supply. Kahapon sa Manila, marami pong nakapila na hindi po nakakuha. Ano pong mga plano?

    VP LENI: Actually kausap na namin iyong Quezon City government. Gagawin namin ito first week of August. Para naman ito sa mga jeepney drivers. So pina-plantsa lang namin iyong detalye. Tapos yesterday, kahapon lang, nakakuha kami ng request from Naga City Government. May darating silang 6,000 na doses ng J&J—iyong Janssen. So gusto nila, parang mabilisan iyong deployment kasi ang daming naghihintay. So nagpadala na kami ng team doon. Inaareglo na ng Friday, Saturday. Iyon naman iyong Vaccine Express sa Naga. Ang target namin na maubos this weekend iyong 6,000. Kasi iyong problema sa amin—and I think pareho rin sa ibang lugar—parang iyong supplies, parang dumarating sila in trickles. So iyong mga tao medyo impatient na iyong iba, medyo nag-aalala iyong iba. Halimbawa last month, parang may darating na 5,000. Kapag naubos na iyong 5,000 at saka may darating na another 5,000. So iyong waitlist talaga ng mga nagregister, ang haba na. So iyong ngayong weekend, nag-call tayo for volunteers last night. As of this morning, marami nang nag-volunteer na doctors at saka nurses. So very confident kami na baka iyong 6,000 maubos na namin this weekend—sa Naga iyon.

    Mayroon tayong—actually mayroon tayong natatanggap na requests. Halimbawa, iyong—naano kasi ito in public sa Twitter. Nilagay ni Congressman Rufus Rodriguez iyong request. Nagkaroon na kami ng several meetings with them. Iyong isang meeting nandoon ako mismo at saka si Cong. Rufus. Ang pinaka-problema talaga supply. So while ready na kami, naghihintay kami ng supply. So marami ding—ang iba kasi ang akala nila may supply kami so nagre-request sa amin. So parati naming ine-explain na ready kami anytime as long as magkaroon kami ng access sa supply. Eh sa probinsya talaga iyon iyong problema.

    Q: Ma’am, papaano po iyong paghahati-hatian na bakuna. Do you think problema pa rin ito sa ngayon o na-a-address na?

    VP LENI: Actually hindi ko siya masagot kasi wala naman akong inside information. Pero I would presume na tinitingnan nila iyong population, tinitingnan nila ano iyong degree ng transmission doon kasi kung ako magpapadala, siyempre priority ko iyong mga lugar na mataas iyong transmission. Pero sa akin kasi ngayon very crucial na mapabilis natin tutal mabilis namang supply na dumating, mapabilis iyong deployment ng vaccine dahil sa Delta variant. So iyong sa akin, kung kaya nating unahan, unahan natin. Although nakita naman natin sa experience ng Indonesia na hindi talaga deterrent iyong—ang gusto kong sabihin, nami-minimize niya pero kung mahahawa ka o hindi, hindi talaga—ang bakuna parang nape-prevent niya lang iyong severity. So dapat iyong pagbabakuna comes with education din sa tao na kahit nabakunahan na, kailangan iyong minimum health protocols nasusunod pa rin.

    So ngayon, iyong sa Naga ginuide namin—mayroon kasi doon parang civil society group ang tawag Tarabangan Kontra COVID. Very comprehensive iyong programa doon. Iyong first phase para siyang preventive. Ang gusto kong sabihin, nag-aano kami, nagwe-webinar kami sa mga opisina. Ino-audit iyong mga opisina kung tama ba iyong flow ng hangin, kung iyong ventilation ba tama. Kasi tingin ko very important iyong prevention kasi gaya sa amin sa probinsya, totoo na iyong cases namin sobrang baba compared sa iba pero iyong bed capacity din ng mga ospital namin mababa. So kahit mas mababa iyong kaso, may problema kami sa hospital occupancy. So maraming mga aral, maraming mga aral like sa CamSur iyong problema ng DOH na regional hospital namin, maraming nagpapa-confine na mild cases dahil hindi pinapayag iyong home quarantine. So maraming mga adjustments na ginagawa. Iyong mga LGUs naman nag-a-adjust. I think ngayon pinaka-strongest link pa rin talaga iyong mga LGUs, eh. Kasi from our experience, parang iyong LGU talaga iyong nagpapakita ng capacity na maging creative sa mga gagawin. Nakikita naman natin iyong Quezon City, iyong Manila, mayroon na sila ng mga panggabi—panggabi na vaccination. Iyong ibang mga lugar halimbawa Mandaluyong, Pasay, mayroon na rin silang mga drive-through. So tingin ko iyong sikreto talaga sa pagbilis ng deployment—iyong LGU iyong tingin ko iyong deployment niya wala masyadong problema pero iyong supply, iyong supply talaga.

     

    Q: Ma’am… Ma’am, pasensya ka na, Ma’am, magso-SONA na pala. Kayo ho ba ay invited?

     

    VP LENI: Invited ako pero in-inform kami na Zoom lang ako. Okay lang naman iyon. Even last year, hindi rin ako naimbita na maging physically present pero nag-attend din ako ng Zoom and ngayong year, na-receive kasi namin iyong invitation kahapon yata or the other day. So kinonfirm namin kasi iyong isang staff ko received a message na Zoom lang ako. Kinonfirm namin kahapon and kinonfirm nga na Zoom ako. And tingin ko naman walang difference, eh, kasi pareho lang naman na SONA iyon, eh.

     

    Q: Ano ho ba ang aasahan niyo dito sa last SONA ni Pangulo?

     

    VP LENI: Iyong sa akin, maging very honest about iyong situation sa bansa ngayon. Kasi sa panahon ng pandemic, hindi naman kailangan na mag-paint ng napakagandang picture, ‘di ba. Ang para sa akin, mas mabuti mas honest assessment kung ano iyong kakulangan, ano iyong problema, papaano natin gagawin, para iyong tao mas na-a-appease siya sa kaniyang mga pag-aalala. Mahirap kasi na sasabihin mo all is well pero iyong nararamdaman ng tao iba, ‘di ba. Mas mabuti pang sabihin na nasaan ba talaga tayo. Halimbawa, pagdating ng vaccine supply, nasaan ba talaga tayo? Kasi ngayon naman, iyong nasa isip ng halos lahat na tao iyong COVID at saka iyong effects niya, iyong pagbuhay, ‘di ba, iyong kabuhayan—ano ba iyong plano? Ano iyong plano natin dahil ang daming nawalan ng trabaho? Ang ine-expect ko sasabihin how do we move forward? Ano iyong balak na jobs generation? Iyong sa akin tingin ko iyong mga tao kakaiba ito at saka iyong last year na SONA, eh. Kakaiba ito at saka iyong last year kasi nasa gitna tayo ng matinding krisis. So tingin ko iyong tao ang ine-expect niya iyong mas realistic na assessment, mas honest assessment, ano iyong nangyayari, ano iyong balak nating gawin para matawid natin iyong mga kahirapan na pinagdadaanan natin.

     

    Q: VP Leni, speaking of post-pandemic Philippines, Ma’am, three months na lang po filing na po of candidacies and napansin po natin mas lumakas iyong mga volunteers group calling for your presidential run. So may we know po nasaan na po tayo sa discernment process? We understand it’s a very difficult decision to make.

     

    VP LENI: Mahirap siyang desisyon pero ako naman, while sobrang busy tayo with everyday concerns, naiintindihan ko iyong agam-agam ng maraming tao and hindi naman siguro tama na sabihin na hindi ko sineseryoso. Ang sinasabi ko lang, sineseryoso ko and nandoon tayo sa prosesong tingnan. Pinakamahalaga siguro ano iyong viability—ano iyong viability ng run. Kasi ang tingin ko kasi napakahalaga noong 2022 elections na hindi naman dito nagma-matter kung ano iyong ayaw mo o gusto mo, eh, ‘di ba. Gusto ko lang sabihin—gusto ko lang ito i-clarify kasi marami tayong supporters na naiinip na, “ano na, kailan ka magdedesisyon?” Parang ang gusto ko lang sabihin, iyong factors na involved sa pagdedesisyon para lampas na tayo sa “gusto ko ba ito o hindi?” pero ano ba iyong makakabuti. Ano iyong makakabuti hindi para sa akin pero anong makakabuti para sa bayan? Makakabuti ba na ako iyong tumakbo? Makakabuti ba na mag-suporta ako sa iba? So ang daming… ang dami actually na parang moving parts na kailangan i-take into consideration.

     

    Pero having said that, iyong hinihingi naman ng ating supporters—at nagpapasalamat ako, nagpapasalamat ako sa tiwalang binibigay sa atin and for a very long time, sinasaway ko talaga sila. Lalo na noong last year na nasa kasagsagan tayo ng pandemic, ang daming mga supporters na gustong mag-organize. Tingin ko kasi, parang mali sa panahon. Ang gusto kong sabihin, alam ko naman na iyong eleksyon nasa, parang it’s just around the corner. Pero para ang pagka-busyhan natin iyong kampanya, parang kasalanan sa Diyos iyon, eh. So for a very long time, sinasaway ko sila. Ngayong taon ang sabi ko, “okay, puwede naman kayong gumalaw pero puwede ba iyong pakiusap ko kung gagalaw kayo, parating nandoon sa daan na tumutulong pa rin sa nangangailangan.” So ayaw ko iyong maglalagay ng mga tarpaulin para ipakilala ako sa mga tao, alam mo iyon. Karapatan naman ng mga supporters na gawin iyong gusto nilang gawin pero para sa akin, responsibility ko na paalalahanan sa kanila na nasa gitna pa tayo ng pandemic. And happy naman ako kasi nakikita ko sa Facebook na parang karamihan naman sumusunod. Ang gusto kong sabihin, marami sa kanila nagfi-feeding programs, parang iyong direksyon naman ganoon. So—

     

    Q: Ano po iyong masasabi niyo doon sa mga supporters na nagsasabi na there’s more reason for you to run now kasi after the death of the late former president Noynoy Aquino, parang ikaw na lang talaga daw, Ma’am, iyong kayang magbalik ng ganoong klaseng decent and good kind of governance after the Duterte administration.

     

    VP LENI: Ako naman nagpapasalamat ako. Nagpapasalamat ako na ang tingin nila ako iyon. And ako, hino-honor ko rin naman iyong sinasabi nila. Pero iyong sa akin lang, wala namang iisang tao lang na may monopoly ng good intentions, ng decency, ng husay, wala naman. So ang pakiusap ko lang, moving forward, mas maging bukas. Gusto kong sabihin, huwag nating sasabihin na tayo lang iyong maayos. Mas maging bukas. Totoo na maraming differences with other, ano ito, contenders. Pero sa panahon na ganito, ang pakiusap ko puwede ba ang tingnan natin hindi iyong differences pero puwede bang ang tingnan natin iyong commonalities. Kailangan ng bayan natin na magkaisa tayo kasi pinakamtinding krisis itong pinagdaanan natin siguro after the second World War, ‘di ba. So iyong sa akin, iyon iyong parati kong sinasabi sa kanila. In fact, may mga bumibisita sa opisina ngayon. Ang purpose para kumbinsihin akong tumakbo. At parati kong sinasabi na parang hindi naman—hindi personal convenience. Hindi personal convenience iyong factor kung bakit ayaw ko or bakit gusto ko. Parating ano iyong makakabuti.

     

    Q: Pero, Ma’am, sinasabi rin kasi ng mga supporters ninyo, iyon nga, iyong kabila, iyong mga non-opposition nag-iikot na. Anong masasabi niyo roon?

     

    VP LENI: Sa akin kasi—para sa akin, hindi iyon sa kung sino ang naunang mag-ikot, eh. Kasi iyong dalawa kong takbo… Bago pa lang naman ako sa politika—iyong first takbo ko iyong 2013, second kong takbo 2016, pareho last minute ako. Hindi ko sinasabi na dahil iyon iyong pattern, iyon iyong gagawin ko rin. Pero tingin ko kasi napaka-insensitive natin. Napaka-insensitive natin sa pinagdadaanan na kahirapan ng mga kababayan natin kung sa gitna ng pandemic, ang naisip natin iyong umikot para sa 2022 elections.

     

    Ang gusto kong sabihin, for the past four years—at alam niyo ito—for the past four years umiikot ako dahil iyong communities namin karamihan sa kanila nasa malalayong lugar. Pero iyong ngayong pandemic, hininto ko nga iyon. Umiikot pa rin ako pero ni-limit ko dahil nga sa pandemic. Halimbawa, ako, tingin ko mula noong last year nag-start iyong pandemic. Parang dalawang—ay hindi naman dalawang probinsya—mas marami naman pala because of the bagyo pero other than iyong ikot ko sa bagyo, ang naaalala ko lang na inikutan ko lang talaga siyempre doon sa amin sa Bicol at saka sa Iloilo dahil marami kaming projects doon. Pero other than that, hindi ko nga nagagawa iyong dati kong ginagawa, ‘di ba. Dati kong ginagawa, three days a week nasa probinsya ako. Ngayon, hininto ko iyon kasi iyong trabaho nandito, eh. Ang gusto kong sabihin, nakikita niyo naman kung ano iyong ginagawa ng opisina namin. Kung ganito iyong ginagawa ng staff namin tapos ako umiikot para sa politika, anong klaseng lider ako, ‘di ba?

     

    So sa akin, siguro while naka-una na iyong karamihan, para sa akin aasikasuhin ko muna iyong trabaho. Kung ang gustong sabihin niyan hindi ako—hindi tataas iyong numero ko, ‘di bale na, basta ginawa ko iyong trabaho ko kasi VP naman ako hanggang June 30 pa next year, eh. Hindi naman gustong sabihin na dahil nagpe-prepare na ako sa politika, hihinto na ako sa trabaho ko para mag-prepare kasi binotohan ako hindi naman hanggang 2021 lang, eh, pero hanggang 2022. So iyong sa akin, iyon naman iyong ine-explain ko. Iyon iyong ine-explain ko sa mga supporters na medyo naiinip. Kaya sinasabi ko, “kung gusto niyong maglakad, pagtulungan na lang natin sa kaniya-kaniya niyong mga communities. Eh ‘di gawa rin kayo ng kung anong makakatulong.”

     

    Q: Ma’am, iyong sa sinasabi ni President Duterte po, ano, siya raw po ay tatakbo ng VP at siya raw po ay may immunity from suit. Ito po ba ay totoo sa inyo pong paniniwala at saka ano po ang reaksyon niyo rito, Ma’am?

     

    VP LENI: Alam mo, ayaw kong makipag-debate sa legality. Pero sa akin, kung halimbawa tumakbo siya, manalo siya, ang wish ko lang sa kaniya sana hindi niya pagdaanan iyong pinagdaanan ko habang VP ako.

     

    Q: VP, speaking of unity, outside of the Vaccine Express project, may talks na po ba kayo ni Mayor Isko. Because we know na kayo pong dalawa iyong top presidential bets na fino-float for opposition po. May ganoon na po ba kayong coalition talks?

     

    VP LENI: Mayroong mga initial na exploratory talks, not just with Mayor Isko. Not just with Mayor Isko but with some other contenders. Hindi ko na muna sasabihin kung sino-sino kasi wala akong authority to say pero nandoon kami sa usapan na exploratory na ano ba iyong mga commonalities natin na puwedeng pag-agreehan natin and willing ba tayo na umupo para, alam mo iyon, para magkaroon lang ng—hindi pa nga common candidate, eh. Wala pa tayo doon, eh, pero mas i-explore pa lang, marami ba tayong, iyong mga sa mas mahahalagang bagay ba nagkakaintindihan tayo? Ang gusto kong sabihin, maraming issues: halimbawa, ano iyong stand mo sa corruption, ano iyong stand mo sa karapatan—iyong human rights violations? So mas nandoon pa lang kasi tingin ko mahalaga iyon. Iyong eleksyon hindi lang naman ito kakampi ako sa iyo kasi convenient sa eleksyon, pero kakampi ako sa iyo kasi kahit mayroon tayong pagkakaiba, iyong mga mahahalagang bagay nagkakasundo tayo. So nandoon pa lang. And ako, masaya ako sa mga initial na talks with all the others. Kasi ano naman, eh, ramdam ko na iyong desire naman na iyong para sa bayan nandoon. So sa akin, habang ina-allow natin iyong mga supporters natin na gawin din kung ano iyong tingin nilang nararapat.

     

    Tayo naman, bukas tayo sa lahat. Iyon din iyong hiling natin sa—para wala munang judgments. Ano na muna,  magbukas tayo kasi papaano natin malalaman kung may pagkakasunduan tayo kung ayaw nga natin makiusap, ‘di ba. So nandoon tayo sa stage na iyon kaya lang, ina-admit ko kasi na kulang talaga iyong panahon dahil halos iyong everyday namin nasa COVID-19 response operations. Pero tina-try naman namin na masingit-singit siya. Halimbawa, this week, marami talagang inaasikaso. Iyong mga nakaraang buwan at saka weeks, ganoon din. Minsan naka-quarantine pa tayo kasi na-expose. So ano talaga, kakaiba talaga iyong panahon ngayon.

     

    Q: Ma’am, going back to COVID, Ma’am, question ko lang po, kumusta po iyong pag-access ng vaccine supply ng national government?

     

    VP LENI: Wala kami—wala kaming access sa vaccine supply. Nagkakaroon lang kami ng access kapag may partnership kami with LGUs. Halimbawa dito sa Maynila, kaya naging posible itong Vaccine Express kasi when we proposed to Mayor Isko, um-oo kaagad siya. Ang sinabi niya, “Sige, kami ang bahala sa supply. Kami ang bahala sa deployment ng vaccines.” So dito ang arrangement si Mayor Isko sa supply. Iyong lahat na mga jabbers, mga doktor, mga nurses, amin iyon, mga volunteers. Iyong sa traffic kay Mayor Isko iyon. So talagang partnership siya.

     

    Q: Pero, ‘di ba, iyong access sa vaccine supply ng national government, kumusta po iyong attempt po doon nila?

     

    VP LENI: Actually, hindi ko masasabi na attempt. Nagtatanong kami—nagtatanong-tanong kami kung puwede kaming magkaroon ng access kaya lang ngayon kasi walang extra supply. So naiintindihan naman namin iyon na siyempre iyong priority, iyong mga LGUs. So kami naman, hindi naman namin parang pinipilit iyong sarili namin na, “kami bigyan din kasi ganito…” So kami, best route talaga sa amin iyong partnership with LGUs and tingin namin kasi responsibility din namin na tumulong sa deployment. Kasi tingin ko, doon tayo medyo nagkukulang ngayon. Ang gusto kong sabihin, kapag tiningnan natin iyong numbers, hindi pa tayo fast enough para marating natin iyong herd immunity. Sa akin, mas mabuting target natin iyong herd immunity kasi kapag binababaan nang binababaan iyong target, tayo rin iyong lugi, ‘di ba. So kami naman, whatever we can do to help na mas mapabilis siya, willing kami. So iyong mga nagtatanong na, “puwede bang dalhin iyong Vaccine Express?” Laging sagot namin, “Yes, basta magkaroon kami ng access sa supply nila.”

     

    REPORTERS: Okay. Thank you, Ma’am!

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Jul 20, 2021