This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of VP Leni with ABS-CBN Naga

    Visit to Caramoan & Yellow Boat of Hope Foundation turnovers

    Sitio Lipata, Caramoan, Camarines Sur

    Q: VP, ano po iyong realization sa pag-ikot niyo po sa mga ganitong lugar?

    VP LENI: Ako, talagang ginagawa kong practice iyong pinupuntahan talaga iyong lugar, kasi ito lang iyong paraan para makita mo iyong tunay na sitwasyon. Parang mahirap kapag ano lang, solicitation. Mahirap kapag pinapaalam lang. Pero iyong pupunta ka talaga… Gaya ngayon, iyong pagpunta ko, may dalang tulong iyong ating partners, iyong Yellow Boat of Hope (Foundation). Pero pagpunta ko, nakita ko mas marami… marami pang… marami pa talagang kailangan, so, siguro kung hindi ako pumunta, hindi ko alam. Kaya kahit sa staff namin, ginagawa kong requirement na talagang bumababa on the ground.

    Q: Paano nare-realize iyong ganitong mga projects, VP?

    VP LENI: Ito kasi sa amin, wala naman kaming masyadong pondo for programs, so iyong mga projects, talagang nare-realize siya through partners. Iyong lahat halos na ginagawa namin, private funds. Halimbawa ngayon, iyong boats courtesy ni… sina Doc Anton (Lim), Yellow Boat of Hope Foundation. Halimbawa, iyong mga solar lamps, courtesy of Beagiver. Iyong School-in-a-Bag—iyon, napakahalaga… ano siya, may mga laptop, may TV, may mga tablet, may ano siya, may mga programs for learning—bigay iyon ng Smart Corporation. Bawat boat na iikot sa mga isla, mayroon noon. Iyong mga teachers, kasama sa training, iyong mga gagamit. Bale iyong mga bata na nasa malalayong isla, nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral kahit sobrang lalayo. Iyong school building na in-inaugurate natin ngayon, galing din sa Yellow Boat of Hope Foundation. Iyon, i-o-occupy siya ng Kinder hanggang Grade 3, pati ALS, pati iyong mga TESDA trainings. Noong wala pa ito, iyong mga bata, kahit as young as preschool, naglalakad two hours each way every day para makapag-aral. Iyong gusto nating i-project, iyong grade school, high school, magkaroon na dito, kasi halimbawa iyong high school, three hours away iyong lakad each way, so marami ditong mga bata, hindi na nagha-high school kasi napaka-inaccessible.

    So… Parang kapag pumupunta ka kasi sa lugar, dagdag nang dagdag iyong nakikita mong pangangailangan, pero iyong… marami kaming partnerships nina Doc Anton, sa Yellow Boat of Hope, talagang iyong pinaka-greatest need, nandoon din sa mga pinakamalalayong lugar, kasi siya din iyong hindi accessible sa government help.

    Q: Babalik po kayo dito, VP?

    VP LENI: Babalik ako, pero hindi ako puwedeng bumalik nang hindi ko pa dala iyong ibang tulong, kasi sisingilin ako. Halimbawa, wala ditong kuryente, buong bayan—ay, buong sitio. Walang potable water. Sina Doc Anton, naglagay na ng water tank, pero hindi pa siya potable. So ang request nina Doc Anton, kausapin namin iyong DOST para maglagay ng, parang, filtration system. Magre-request din sa DA para maging possible iyong paggawa ng mga vegetable garden, para may— Nakita natin iyong mga bata, parang stunted sila, hindi normal iyong height saka weight. So marami tayong… maraming targets. Pero basta pinagtutulung-tulungan, walang imposible.

    Q: Thank you, VP!

    VP LENI: Thank you!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Dec 15, 2018