Ahon Laylayan Koalisyon Municipal Planning Session
Labo, Camarines Norte
OVP: Ma’am, si Sir Rod po from DWBL.
REPORTER 1: Ma’am, saglit lang po sa GMA ulit.
VP LENI: Mayroon ka pang naiwan?
REPORTER 1: Yes po. Ma’am, kumusta po iyong mga ginawa nating event sa CamNorte?
VP LENI: Iyong dito kasi binalikan namin iyong inorganisa namin noong early this year. Nag-organize kami ng mga Ahon Laylayan Koalisyon. Ang Ahon Laylayan Koalisyon, coalition ito ng mga representatives ng iba’t-ibang mga sektor. Pero iyong pinaka-buod niya, maging platform ito para malaman namin ano ba iyong mga issues ng bawat sektor at turuan namin kung paano sila sabay-sabay na hinahanapan ng mga solusyon iyong kanilang mga problema. Ito, actually, patterned ito after the Naga City People’s Council na nakita namin na all through the years, iyong empowering the basic sectors, napakahalaga niya para mahanapan ng mga solusyon iyong mga issues ng bawat sektor. Iyong mas traditional kasing relationship, magsasabi iyong sektor ng problema niya, sosolusyonan ng leadership.
Ngayon, iba iyong modelong pinapakita natin—ang modelong pinapakita natin gusto nating i-develop iyong mga leaders ng mga sektor, tapos patungo ito sa empowerment para sila iyong nagdedetermine ng anong daan iyong gusto nilang itahak. So kami, ang magiging role namin, kami lang iyong nagtuturo ng convergence, kami iyong naghahanap kung sino iyong mga asosasyon, iyong mga opisinang puwedeng tumulong sa kanila. Pero iyong self-determination nasa kanila na.
So hopefully… ito iyong second step noong organizing, iyong first time na pumunta kami dito nag-organize kami. Ito, second time parang needs assessment pero iyong third time, paghaharapin na iyong mga sektor at saka mga sa mga opisinang makakatugon sa kanilang mga pangangailangan. Okay? Thank you!
REPORTER 2: Ma’am, ano po ang tugon niyo, Ma’am, doon sa mga magsasaka partikular po itong sa niyog po?
VP LENI: Kailangan talaga ng malaking tulong ng mga magni-niyog. Mahabang panahon na pinaglaban iyong Coco Levy pero iyong sinasabi lang natin, ito iyong panahon na pinaka-kailangan nila ito dahil bagsak-presyo ngayon ang kopra. Talagang kahit saan ka pumunta, umiiyak iyong ating mga magtatanim ng niyog. Pero ito, hanapan sana ng… hanapan ng mas long-term na tulong, hindi lang ng local government units pero ng national government ano ba—hindi lang sa subsidy pero ano ba iyong… papaano ba nila itatawid iyong lahat na kahirapan ng mga magni-niyog. Hindi sapat iyong share lang ng Coco Levy, pero iyong kinakailangan, isang solid na programang hindi lang siya seasonal, hindi lang nagtutugon sa problema ngayon, pero papaano ba maitatawid iyong kahirapan nila. Kasi over the years, isa sila sa pinakamahihirap—ang mga farmers.
REPORTERS: Thank you, Ma’am!
VP LENI: Thank you!
-30-