23 August 2016
Q: Ano po ang reason natin ng visit sa Cebu?
VP LENI: Actually mag-aattend ako ng isang event, iyong Filipina Network movement mamaya pero minabuti ko na habang nandito ako bumisita ng isang housing community.
At dahil cine-celebrate natin ngayong month iyong Community Mortgage Program, pumunta kami rito dahil ito iyong handa na na bigyan ng titles.
Q: Gaano karami po?
VP LENI: Ngayon po twelve, sila iyong fully paid na. If I am not mistaken, 83 lahat. Iyong mga titles nito nasa asosasyon na pero iyong mga individual titles na pinamigay today 12.
Ang usapan, every time na may nag-fufully paid na household, ibibigay na agad iyong title.
Q: Clarification po, Barangay Luz lang po iyan?
VP LENI: Opo.
Q: On the 93-1 housing issue in Cebu.
VP LENI: Sa ngayon kasi sobrang dami pa ng problema. Kami bago dumating sa mga, bago namin galawin ang mga individual controversies sa mga projects, gusto muna naming i-streamline ang mga proseso para umaandar na siya lahat.
Iyon ang dahilan ng pagbisista namin ngayon. Ito ay parang symbolic na signing ng MOU between HUDCC, SHFC and HLURB na may agreement to cut down documentary requirements.
Dati 27 ginawa ng nine.
Gaya ng sabi ko kanina, ang average length ng pagproseso ng mga dokumento for socialized housing is two years ang target namin ay 15 to 30 days lang. Hindi pa kami kuntento kasi gusto namin ipasok lahat ng housing agencies kasi ngayon hindi pa namin kasama ang NHA, hidni pa namin kasama ang Pag-IBIG, hindi pa namin kasama ang mga mortgage agencies.
Para sa lahat mag-apply, pumupunta na lang sa HUDCC. HUDCC na lang iyong government to government hindi na iyong gagastusan masyado ng mga nag-aapply.
One side of the spectrum lang ito. Gusto naming gumawa ng one-stop shop para lamang sa kabila, iyong mga nag-aapply na investors for socialized housing.
Kasi ngayon ang sinasabi ng karamihan, nawawalan sila ng ganang pumasok sa socialized housing kasi hindi business friendly ang proseso. Bago sila mabigyan ng permit, 2 years minsan 4 years kaya ngayon gagawa kami ng bagong one-stop shop, iyong pinakamaiksi na time na pag-asikaso.
We should come up with a Citizen’s Charter sa lahat ng housing sectors. Lahat ng services nandoon – fees, requirements at processing time nandoon.
Q: Kailan po kaya iyan?
VP LENI: Ang target namin within the year. Ang problema namin ngayon, maraming agencies ang hindi pa na-aappoint ng pangulo. Ngayon pinag-susubmit ng courtesy resignation ng pangulo ang lahat ng government appointees so marami iyong bakanteng opisina.
Hindi kami maka-proceed kung kulang pa ang tao. Hopefully by September nakapag-appoint na ng tao para makasimula na kami. Hopefully October 1, puno na iyong lahat ng shelter agencies within one month malalabas na namin ang Charter.
Q: Will you be actively involved in the resolution of the 93 – 1 issue?
VP LENI: Oo naman. Hindi actively involved gaya ng parehong magnitude ng LGU pero nandito si Mayor Tommy Osmena, pero sa akin dahil housing ito, lahat ng puwedeng itulong, itutulong.