Episcopal Coronation and Enthronement of La Purisima Concepcion Pequeña
Immaculate Conception Parish, Naga City
ABS-CBN: Vice, plano po natin—tulong, assistance—para doon sa mga typhoon victims, especially dito sa Bicol Region?
VP LENI: Bukas papunta ako ng Albay [at] Sorsogon. Hopefully kapag nakaya pa, pati Masbate. Kasi nandito na iyong teams namin since the day after the typhoon. Pupuntahan namin iyong mga coastal areas kasi mukhang iyon iyong pinakana-grabe. Bukas, the entire day, iyon iyong pupuntahan. Pero maiiwan pa siguro rito for the rest of the week iyong ibang—o may dadating na mga bagong teams. Kasi iyong iba kasing lugar, hindi pa nararating dahil sa kahirapan ng access sa kanila. Hopefully by next week, better na.
Hindi pa kumpleto iyong datos, pero gusto pa din nating puntahan, aside from Bicol Region, iyong iba pang nasalanta. Siguro Northern Samar, Mindoro Oriental, tapos kanina nabasa ko pati Cagayan grabe din iyong flooding. So iyon iyong mga titingnan natin; tatapusin lang natin iyong Bicol.
———
BOMBO RADYO: Ma’am, for the— Hindi naman po tayo nangungulelat sa SEA Games po, ano, pero gusto lang po namin—
VP LENI: Hindi tayo nangungulelat; in fact tayo iyong namamayagpag.
BOMBO RADYO: Your message po?
VP LENI: Parang sa atin kasi, naipagpatuloy natin iyong tradisyon na iyong host country, siya talaga iyong nangunguna. Pero pagpapakita ito na kapag nabigyan ng maayos na pagkakataon, sapat na training, sapat na suporta, mas maraming opportunities iyong ating mga kababayan, talagang iyong pag—iyong chance na makapag-compete with the best hindi lang sa Southeast Asia, pero the best in the world, kaya. Kaya tayo naman, nagpapasalamat tayo sa lahat na mga nagdala ng bandila natin dito sa SEA Games—pati na iyong mga coaches, pati iyong mga families na malaki iyong sakripisyo. Nagpapasalamat tayo sa pagbibigay sa atin ng karangalan, at pinagdarasal natin iyong patuloy na paghusay nila sa larangan ng sports. Siguro after this, ang titingnan natin iyong Olympics. Pero masayang pagkakataon para sa atin, kasi nabigyan ng pagkakataon iyong mga kababayan natin na mapakanood nang live ng mga kompetisyon. Tingin ko napakalaking bagay nito kasi hindi ito taon-taon na nangyayari.
BOMBO RADYO: In the remaining days, Madam, what can you—message po sa ating mga athletes?
VP LENI: Ano na lang ito, apat na araw na lang until the end of the SEA Games. Ito, siyempre, nagpapahayag tayo ng pakikiisa—pakikiisa sa kanila sa nalalabing apat na araw. Ang pagpaabot natin ng ating dasal, ang pagpaabot natin ng ating good luck sa kanila, at pagpaabot na din ng congratulations. Unprecedented iyong numero ng gold medals na nakuha natin dito, so talagang ganado tayo. Hindi lang gold. Pati silver, pati bronze. At lahat na lumahok at nagdala ng ating bandila.
REPORTERS: Thank you po!
– 30 –