2nd SHS Commencement Exercises of Gainza National High School
Gainza, Camarines Sur
ABS-CBN: VP, reaction lang po doon sa sinabi ni President Duterte na sususpendihin niya iyong writ of habeas corpus?
VP LENI: Ito kasi, dalawa iyong sinabi niya: magde-declare ng revolutionary government saka suspension ng writ of habeas corpus. Ito kasi, parang nagkokontra ito sa bawat isa. Kasi iyong declaration ng revgov, ano iyon, unconstitutional. Kapag nagsabi niyang idedeklara nang revgov, gustong sabihin, parang, ina-abandon niya iyong oath niya sa Konstitusyon. So gusto bang sabihin, ina-abandon din niya iyong Presidency? Iyon iyong number one.
Iyong suspension of writ of habeas corpus, very clear dito iyong Constitution—hindi ito dinedeklara na wala iyong circumstances na required under the Constitution: kailangan either may rebellion, may invasion, o may lawless violence. Ito iyong tanong: mayroon ba tayong ganoon? Kasi kung mayroon tayong ganoon, gusto bang sabihin walang kontrol iyong pamahalaan? Kung ako iyong tatanungin, wala iyong circumstances na magwa-warrant para mag-declare ng suspension of the writ of habeas corpus.
ABS-CBN: Ma’am, sinabi naman po ni Mayor Inday Sara na walang basehan itong threat na ito.
VP LENI: Si Mayor na iyong nagsabing walang basehan. Talagang wala.
ABS-CBN: Okay. Reaction naman natin, VP, doon sa— Teka, nawala ako. Wait lang, VP.
VP LENI: Sige lang.
ABS-CBN: Ayon. Iyong narcolist, VP? Opo. Reaction lang po doon?
VP LENI: Ano sa narcolist, Rizza?
ABS-CBN: Wait lang, VP, ha.
VP LENI: Sige lang.
ABS-CBN: Nawawala iyong recorder ko… Okay, iyong narcolist po na sinasabi nila, na ito nga po, mayroong mga involved na mga mayors. Kailangan daw ba itong ilabas o hindi na?
VP LENI: Iyong sa akin kasi, paulit-ulit ko na itong sinabi in the past, na kung mayroong ebidensya laban sa mayors or kung kanino man na involved sila sa drugs, bakit hindi kasuhan? Bakit idadaan sa lista-lista? Iyong problema kasi sa lista-lista, una, parang nagta-trial by publicity ka. Kung mayroon ka talagang ebidensya, kasuhan para nasa proper forum, para iyong kinakasuhan, mayroon ding pagkakataon na depensahan iyong sarili nila.
ABS-CBN: Iyong paglabas po, VP, ng video na nagsasabi na nili-link iyong pamilya Duterte sa illegal drugs?
VP LENI: Pareho, pareho iyong aking sagot: very serious iyong accusations, mas mabuti ilagay sa proper forum. Mahirap kasi itong narcolist nakalista, o video, o nilalagay sa social media, kasi wala tayong basehan kung ito ba ay totoo o hindi. Mas mabuti na iyong mga persons concerned, sagutin iyong accusation. Pero iyong pinakamabuti talaga sa lahat, i-file ito sa proper forum, para mayroong independent na imbestigasyon, mayroong paglilitis na maririnig, iyong tatanggap ng ebidensya maririnig kung ano Iyong depensa ng nasasakdal. Pero mas mabuti sa tamang proseso.
ABS-CBN: VP, dito po tayo sa mga graduates. Ano ba ang pinakamabuti—Sir, isa na lang po—pinakamabuti na gawin nila: magtrabaho muna o ipursige pa rin iyong kolehiyo?
VP LENI: Ako kasi, kaniya-kaniya, kaniya-kaniyang circumstances. Iyong iba na hirap magpa-college, okay naman na magtrabaho na, kasi iyon naman iyong pinakasadya ng K-12—na iyong mga hindi makakapag-college, hinahanda na sa pagtatrabaho. Gaya dito sa Gainza, mayroon siyang mga track na nakahanda na iyong mga estudyante. Iyong kinukuwento ni Principal, iyong kanilang dumaan doon sa electrical track, handang handa na magtrabaho at nakapasa lahat sa TESDA. Ako kasi, whatever iyong route na ite-take, basta paghusayan.
ABS-CBN: Thank you, VP!
– 30 –