Opening Ceremonies of Angat Buhay Young Leaders in Government Fellowship
Estancia de Lorenzo, San Mateo, Rizal
ADRIAN AYALIN OF ABS-CBN NEWS: Ma’am, iyong tungkol lang doon sa ano, iyong Dito Telecommunity, iyong probe ng DND. Any concerns doon sa gagawing probe ni [Defense] Secretary Lorenzana?
VP LENI: Ito iyong tungkol sa installations?
ADRIAN AYALIN OF ABS-CBN NEWS: Yes, Ma’am.
VP LENI: Ito kasi, mayroong mga defense experts na nagpahayag ng pagkabahala. Nakakagulat din iyong sinabi na hindi alam ni Secretary Lorenzana, pero mayroon na siyang approval from the leadership of AFP. Iyong sa akin lang, baka makakabuti sa atin na pakinggan iyong concerns ng mga nakakaintindi dahil marami ngang mga bansa ang—mas simple ito—na nag-aalalang huwag gamitin iyong technology na maaring gamitin para mag-fish ng information galing sa kanila, tapos tayo, i-a-allow natin sa loob pa ng military installations.
Pero sa akin… sa akin, nag-e-express din tayo ng pagkabahala. Pero iyong hinihiling lang natin sa leadership ng military na sana… sana pag-aralan nang mabuti. Sila iyong nasa best position to be able to assess. Magtitiwala tayo na magde-desisyon sila nang maayos; pero iyong pangamba kasi nandiyan.
Hindi tayo nag-a-accuse, pero iyong pangamba parating nandiyan, dahil na rin sa gawain na ilang beses na naipakita na talagang maraming pagkakataon na iyong information gathering iyong sadya dito sa atin, so how much more ngayon na sa loob siya ng military installations.
ADRIAN AYALIN OF ABS-CBN NEWS: Mas maganda ba, Ma’am, na ilabas—na sa labas na lang ng military installations, military—
VP LENI: Iyong sa akin kasi, siyempre iyong pangamba mababawasan, iyong pangamba mababawasan kung sa labas. Pero iyong sa akin, iyong military iyong nasa best position para mag-assess. Hindi lang na ilabas pero iyong bansa nga totally hindi pinapayagan na maglagay ng installations, para hindi magkaroon ng pagkakataon na makuhaan tayo ng mga information na later on, magagamit laban sa atin. So iyong sa akin lang, iyong pakiusap na sana hindi padalos-dalos; sana pag-aralan nang maayos. Sana iyong best interest ng nakararami iyong isaalang-alang.
ADRIAN AYALIN OF ABS-CBN NEWS: Thank you, Ma’am!
-30-