2018 Annual Conference of the Asian Group for Public Administration (AGPA)
University of the Philippines’ National College of Public Administration and Governance, Diliman, Quezon City
OVP: Okay, ready.
Q: Hi, Ma’am! Any reaction to the [Memorandum Order] number 32? Sabi prelude daw ito to martial law.
VP LENI: Iyong sa akin, kung ang purpose ng MO ay para i-augment iyong kapulisan saka iyong sundalo on the ground, agree tayo doon. Pero kailangang i-assure iyong tao na ito lang iyong purpose ng MO—iyong augmentation. Iyong sa akin kasi, dapat hindi… hindi mag-stop doon sa pag-augment. Pero gaya sa amin sa Bicol, iyong sunod-sunod na ambush, nangyari lang parang in the last year or so… so bakit— Ang sabi noong mga nakausap kong mga opisyal ng kapulisan, insurgency ito. So iyong tanong: bakit ba lumakas ito ulit?
Tingin ko kasi dapat balikan iyong dahilan kasi iyong pag-augment, hindi siya sapat. Hanggang hindi naku-quell iyong insurgency, marami lang tayong mga buhay ng ating mga sundalo at kapulisan iyong ibubuwis. So iyong sa akin, while okay na i-augment iyong mga kapulisan, dapat iyong pinaka-dulo nito, i-resolve iyong insurgency saka i-assure iyong tao na hindi ito prelude to Martial Law pero talagang augmentation lang iyong kailangan.
Q: Ma’am, kasama po kasi doon iyong Bicol doon sa—
VP LENI: Kasi nga sunod-sunod iyong ambush sa amin. In fact, kararating ko lang last night. The other day binisita ko iyong mga pulis na wounded. Hindi iyon iyong first ambush of the month, pangatlo yata iyon. And in the previous months, marami ding mga ambush. So talagang iyong insurgency na for quite some time parang okay na, parang nabuhay ulit ngayon. Kaya nga sinasabi ko na alamin kung bakit at iyon iyong i-resolve.
OVP: Okay? Okay, thank you, Ma’am. Salamat po.
VP LENI: Okay? Okay. Thank you!
– 30 –