This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo at the Ahon Laylayan Koalisyon NCR Assembly and Covenant Signing

    Ahon Laylayan Koalisyon NCR Assembly and Covenant Signing

    UP Bahay ng Alumni

    REPORTER 1: Siguro iyong reaction po muna sa SWS Survey. Medyo dalawa pa lang iyong pasok. Ano pong masasabi niyo?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, iyong mga survey, parang gabay—gabay kung saan ka mas hindi pa kilala, gabay kung paano mo gagawin iyong iyong kampanya. Kaya sinabi ko kanina na naaalala ko din noong ako iyong kandidato, kasi noong ako iyong kandidato, parang iyong mga kandidato din natin ngayon: tinitingnan ng lahat na walang pag-asa, hindi masyadong pinapansin dahil mababa sa surveys. Pero sa campaign period, nakaya namang humabol. Ako, naaalala ko, nakahabol ako mag-e-April na. Ngayon, ano pa lang naman, kapapasok pa lang ng February, marami pang oras para magpakilala. Confident naman ako na kapag nakilala iyong mga kandidato natin, talagang natatangi naman sila kumpara sa iba.

    REPORTER 2: Ma’am, sa measles po, nag-declare po ng mga measles outbreak. Sinabi niyo po kanina sa FEU na ang naging problema po is iyong pagkatakot ng mga tao na magpa-vaccinate. So ano po iyong panawagan niyo sa mga tao or sa gobyerno para po ma-address iyong problema sa measles?

    VP LENI: Iyong sa akin, iyong pinakaunang panawagan, sana naiiwasan iyong mga irresponsible na mga comments saka accusation, na nakaka-erode ng tiwala ng tao sa kung ano iyong dapat nilang gawin, lalo na pagdating sa health ng mga bata. Itong vaccination na ito, parang— Halimbawa, iyong measles, ano na tayo, eh, maganda na iyong numero natin at papunta na tayo doon sa eradication. Tapos dahil sa mga irresponsible na mga accusations, mga buhay ng ating mga kabataan iyong itinataya. Sana iyong ganito kahalagang mga concerns, hindi dapat napupulitika, kasi kapag pinasukan ng pulitika, iyong tao naman karamihan, ang pinapaniwalaan iyong napapanood o naririnig. Kapag mayroong mga irresponsible na tao na binabahiran ng pagduda iyong effectivity ng isang bagay na matagal nang na-test, parang unfair ito sa ordinaryong pamilyang Pilipino.

    REPORTER 3: Ma’am, on the part of the OVP, how can your office help in addressing the outbreak?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, limited din iyong aming… limited din iyong aming capacity para iwasan ito. Iyong sa amin, iyong mga Angat Buhay communities, iyong education, iyong pagtulong sa mga health concerns, marami kaming— Isa sa mga six thematic areas ng Angat Buhay ay health, universal healthcare. Patuloy naman iyong aming interventions saka tulong sa mga munisipyong nangangailangan nito. So far, iyong mga munisipyo kung nasaan kami, wala pang ganitong problema. Pero iyong sa amin lang, iyong pagtulong na ma-educate iyong mga tao, na huwag papaniwalaan basta-basta iyong mga paninira, huwag paniwalaan basta-basta iyong mga bagay na hindi naman totoo. Kasi, halimbawa, iyong vaccination, napakahalagang bagay, pero dahil nabahiran siya ng pulitika, maraming mga magulang ang natatakot na pabakunahan iyong mga bata. Iyong sa akin lang, dapat pagtulung-tulungan ng lahat, para mabawi iyong kasamaan na dulot noong mga irresponsible na comments.

    REPORTER 1: Ma’am, you mentioned na may mga irresponsible na officials. Can we directly blame PAO chief Persida Acosta, who kept on filing Dengvaxia cases?

    VP LENI: Ako, iyong sa akin kasi, ayaw ko siyang maging word war. Iyong para sa akin, hintuin iyong finger-pointing, pero mag-move forward at maghanap ng solusyon. Maraming mga tao iyong naging cause nito. Pero hindi kasi ito iyong panahon para magsisihan, eh. Hayaan na natin iyong mga authorities na sila iyong gumawa ng imbestigasyon kung sino iyong mga taong nagpa-erode ng tiwala ng tao dito, pero dapat mas hanapan natin ng strategy para mabawi iyong kasamaan na nangyari.

    OVP: Okay, last question?

    REPORTER 2: Last na lang, Ma’am, related po sa event ngayon: Marami pong mga sectoral groups na nag-express po ng support sa inyo. Ito po ba iyong magiging strategy natin sa campaign, na mga grupo po from the urban poor and ibang sectors ang kasama natin sa kampanya?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, matagal na iyong opisina namin na may engagement sa kanila. Hindi ito, parang, finorm because of the elections, pero ito ay isang bagay na ginagawa na namin before. Siguro iyong pinakabago lang dito, iyong mga sectors na katuwang namin, nag-form na talaga tayo ng coalition para lumakas iyong boses. Alam natin na iyong panahon ngayon, mahirap umasa ng support sa mga nakaupo, mahirap humingi ng support sa maraming mga pulitiko. Pero ito kasi, pagkakataon para ipakita ng mga sektor na ang tunay na kapangyarihan, nasa kanila. Pagkakataon ito para iparinig iyong boses. Kasi iyong aking paniniwala, iyong pagbabago talaga, nasa tao, wala naman sa pulitiko. Iyong pagbabago, wala naman sa lider, nasa tao. So ito, kapag na-realize noong lahat na nasa koalisyon kung gaano kalaki iyong kanilang kapangyarihan, kung gaano ka-empowered iyong bawat isa sa kanila, iyong pagbabagong ipapakita natin, nabibigyan ng pansin sila, dahil malakas iyong boses nila. Iyon iyong parati nating pinapaintindi: na dapat hindi tayo nadidismaya na walang malaking pulitiko ang gustong tumulong sa atin; ipakita natin na iyong boses natin, mas malakas pa kaysa sa pinakamalakas na pulitiko.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Feb 05, 2019