This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo at the Caltex Fuel Your School Bicol launch

    Office of the Vice President

    July 11, 2017

    Caltex Fuel Your School Bicol Naga City

    Q: Reaction lang po regarding sa preliminary conference ng electoral protest ni Sir Bongbong Marcos? VP LENI: Ano naman iyon, pinapaubaya natin sa Supreme Court iyong proseso. Iyong preliminary conference, ginagawa naman siya sa lahat na kaso, kaya ano iyon… Hindi puwedeng i-discuss iyong merits ng kaso dahil sub judice iyon, pero ipinapaubaya na natin sa Supreme Court.

    Q: Confident kayo? VP LENI: Oo naman. Alam naman natin na isa sa mga kinuwestyon na probinsya iyong Camarines Sur. Alam nating lahat na taga-dito na walang ganoon na nangyari.

    Q: Mayroon ba tayong preparation na ginagawa? VP LENI: Iyong preparation kasi parati iyong katotohanan, eh. Basta hawak natin iyong katotohanan, hindi naman tayo kailangang matakot.

    Q: Ano po iyong tulong ng OVP sa Ormoc quake? VP LENI: Kausap natin, kausap na natin iyong provincial government of Leyte, saka iyong mayor ng Kananga. Sinasabi nila ang kailangan ng tao doon shelter materials, kaya iyon iyong itutulong ng Opisina, shelter materials iyong dadalhin. Ang isa pang ino-organize natin ngayon among our Angat Buhay partners, iyong pag-provide ng psychosocial services. Dahil noong nagkaroon ng earthquake sa Surigao, ito iyong nakitang isa sa mga kailangan, kaya magpo-provide din tayo ng ganoon sa Ormoc at saka sa probinsya ng Leyte.

    Q: Vice, reaction po sa five-year extension on martial law sa Mindanao? VP LENI: Bago kasi pag-usapan iyong martial law, pag-usapan muna kung ano na talaga iyong nangyayari. Kahapon may nag-propose ng extension. Iyong military nagsabi na masyadong mahaba iyon. Siguro pakinggan natin iyong mga opisyal na may hawak ng impormasyon ng anong tunay na kalagayan bago pag-usapan ang anuman na extension.

    Q: Ano pong recommendation ninyo… To recommend… Iyong recommendation for rehabilitation of the Marawi area? VP LENI: Iyong sa akin, mayroon na si Pangulo na parang inilagay na rehabilitation committee. Iyong sa akin lang, tingin ko mahalaga na sa team na magpaplano ng rehabilitation, kabahagi doon iyong mga taga-Marawi mismo. Iyong hindi tayo iyong magpaplano para sa kanila, pero iba… Bigyan sila ng boses sa pagpaplano para— Ito naman iyong mahalaga sa lahat ng gagawin ng pamahalaan, na pinapakinggan kung sino iyong makikinabang. Tingin ko mahalaga dito na mabilis iyong rehabilitation, dahil mataas iyong emosyon ng maraming tao, so mahalaga na mabilis. Mahalaga na maibalik kaagad sa normal. Mahalaga na maalis iyong mga dating pangamba ng mga tao.

    Q: [Question in Bicolano; response was re: underspending issue] VP LENI: Iyong budget ng OVP na pinag-uusapan, 219 thousand*… Ito iyong budget for financial assistance.

    Q: 219…? VP LENI: 219 million, I mean. 219,963,000. Iyon iyong budget ng OVP for financial assistance for 2016. Iyong na-disburse doon ay 130 million. Of the 219 million, ang na-disburse ay 130,693,993. Doon sa 130 million— Hindi, mali pala, sorry! Ang released pala is 151 million. Of the 219 million, ang released pa lang is 151 million. Of the 151 million, ang nagastos na doon ay 130 million. So kung titingnan natin, ilan ba iyong na-disburse galing doon sa na-release… Hindi siya masyadong mababa. Almost 90 percent, 86 percent. At tiningnan namin iyong records, talagang nagkaroon ng pag-slow down iyong financial assistance noong first half ng 2016, kasi election year. Dahil election year, nagkaroon ng medyo pag-slow down. Pero ‘pag June, tuluy-tuloy. Actually ngayon, nahihirapan nga kaming maghabol kasi iyong lines sa naghihintay, umaasa ng financial assistance, napakahaba. Kaya, in fact, iyong order ko last week na mag-assign na ng additional na tao para tumulong, kasi hindi talaga kinakaya ng tao namin iyong pagproseso ng lahat ng request. Pero confident kami na ano iyon, ma-u-utilize nang maayos. Ano lang talaga, una, kailangan lang ma-disburse—ma-release, I mean—iyong rest of the budget. Tapos pangalawa, kailangan talagang maghabol nang kaunti. Dahil iyong 2016 kasi, pumasok ako July na. Iyong first half, hindi pa naman ako.

    Q: So hindi pa naman pala nare-release… VP LENI: Hindi pa. Ang nare-release pa lang is 151 out of 219.

    Q: What’s the problem? Doon sa DBM? VP LENI: [overlapping response] Actually wala… Ah, tingin ko kasi na-affect noong eleksyon, eh. Na-affect noong eleksyon kasi alam naman natin na kapag panahon ng kampanya, parang nagso-slow down talaga iyong lahat dahil marami iyong bawal, marami iyong— Tingin ko iyon iyong naging dahilan. Pero iyong abala, sa release. Pero iyong disbursement, maraming nangangailangan, kaya sigurado na ma-u-utilize iyon.

    Q: Reaction niyo po doon sa Piso Para sa Laban ni VP? VP LENI: Iyon kasing advice namin sa mga gustong tumulong, dumiretso sa Supreme Court. Hindi kami tumanggap ng diretsong… Maraming nag-o-offer ng donations na diretso sa akin, pero hindi namin tinanggap nang diretso kasi mayroong prohibition. Mayroong prohibition iyong mga government officials na tumanggap ng donations from private citizens. Kaya sinabi namin na kung may ganoong initiative, mas mabuting magpaalam ng Supreme Court, kung tatanggapin ng Supreme Court. Ngayon, ang pagkaintindi ko, nag-file sila ng motion sa Supreme Court na tanggapin iyong kanilang donation, pero naghihintay pa yata ng resolusyon.

    Q: Thank you, Ma’am!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jul 11, 2017