Visit to Pagamutan ng Dasmariñas
Dasmariñas, Cavite
REPORTER 1: Good morning, Ma’am! Hindi ba mahirap? Hindi ba mahirap for you? Hindi ba nagko-conflict with the… sa trabaho natin?
VP LENI: Napakahirap. Napakahirap lalo na kasi talagang mag-uumpisa sa umpisa na ipapakilala iyong mga kandidato. Pero para kasi sa akin napakahalaga noong senatorial elections for 2019 kasi pagkakataon ito para sa atin na maglagay ng mga talagang deserving na mga kandidato sa Senado. Napakaraming mga mahahalagang mga batas na ihahain between 2019 and 2022 na para sa atin, mahalaga para sa kinabukasan ng lahat, na iyong ilagay natin iyong paniniwala, iyong pag—iyong proteksyon talaga ng karapatan ng bawat Pilipino.
REPORTER 1: Marami pa po bang mga lakad or mga campaign na kayo on your own?
VP LENI: Susubukan nating i-singit-singit sa trabaho. Gaya nito, talagang naka-set aside ito para mag-ikot ako dito sa Cavite. Bukas mayroon din akong lakad pero ano kasi, hindi rin makabuwelo kasi siyempre priority iyong—priority pa rin iyong trabaho. Pero kapag every time na mayroong extra day, talagang ang promise ko—ano lang naman ito, tatlong buwan lang—iyong promise ko talagang isa-sakripisyo na kasi tingin ko para naman ito sa taumbayan.
REPORTER 2: Iyong MATHGRAD na mnemonic, bukod ba sa nagfi-fit lang iyong letters, may significance din ba?
VP LENI: Actually, wala naman. Naghanap lang kami ng mnemonic device na madaling tandaan kasi talagang… Iyong pinaka-challenge talaga ng Otso Diretso: marami sa line-up iyong bago, marami iyong mga first time na kumakandidato. Ganoon din ako eh. Ganoon din ako noong una kong pagkandidato kaya alam ko iyong pakiramdam na talagang mag-e-extra effort ka para magpakilala.
Iyon iyong disadvantage nila kumpara sa karamihan sa mga kandidato for the Senate. Kasi karamihan kumandidato na for a national post so mayroon nang name recall, kilala na sila. Ito, talagang mag-e-extra time, extra energy ka para ipakilala. Pero sa akin naman, tingin ko kasi kapag kinilala lang sila ng mga tao, mga karapat-dapat talaga. Hindi mo dapat ikahiya kasi mga deserving talaga.
REPORTER 2: Ma’am, iyong debate ng Otso versus Hugpong tingin niyo matutuloy pa ba? Medyo payag doon si Mayor Sara basta daw parang may rules, aayusin ng COMELEC—
VP LENI: Ako… ako, sana matuloy. Dahil iyong mga debate naman, ito iyong pagkakataon para makita ng mga botante side by side iyong mga kandidato at maintindihan kung saan sila tumatayo pagdating sa mga issues. Kasi kung hindi debate, paminsan dinadaan sa kanta, dinadaan sa sayaw, na hindi mo… Parang napakahirap botohan iyong kandidato na hindi mo alam kung saan siya tumatayo pagdating sa mga mahahalagang issues na kailangang harapin. Iyong debate sana pagkakataon na sa isang entablado, nakikita ng mga tao kung ano iyong pagkatao, ano iyong mga paniniwala ng mga bobotohan nilang mga kandidato.
REPORTER 2: Ma’am, medyo nababatikos iyong Hugpong ngayon dahil parang mas sumasayaw raw, kumakanta, ano po ang tingin niyo doon?
VP LENI: Ako kasi sa tingin ko hindi naman masama kumanta saka sumayaw. Hindi naman iyon masama kasi na-e-entertain iyong tao. Pero sana mas malalim pa doon. Sana pagkatapos sumayaw, pagkatapos kumanta, sabihin kung ano iyong tinatayuan kasi dine-deserve ng taong malaman iyon. Kung popularidad lang kasi iyong pagbabasehan, ultimately ang kawawa din iyong taumbayan. Kasi kapag nakaupo na, nasaan na sila? Iyon naman iyong pinu-pursue natin na sana maliban sa personalidad ng bawat kandidato, malaman iyong paniniwala.
OVP: Okay. Thank you po.
VP LENI: Salamat!
-30-