This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo in Iloilo

    7 January 2016

    Q: Purpose of Lambunao visit

    VP Leni: Magandang umaga po sa inyong lahat. Bago po magpatuloy, pagbigay galang lang po sa dalawang governors na andito. Napakapalad ko po na sinamahan ako ng dalawa ngayong umaga. Governor Arthur Defensor at Gov. Tony, dati ko pong kasamahan sa 16th Congress. Kasama ko din po ang bunso kong anak ngayon dahil wala pa siyang pasok kaya naisama ko.

    Iyong Lambunao po magla-launch kami ng tatlong partnership projects under our Angat Buhay program. Mayroon po kaming 50 adopted LGUs under Angat Buhay, isa po doon ang Lambuano. Ito po ay anti-poverty partnerships with local governments and private corporations.

    Marami pong, I’m not just sure kung tama po ang pagka-alala ko, 11 lahat ang nag-pledge ng partnerships for Lambunao but today we’re launching three.

    Isa po doon ay project for farmers, ang isa ay nutrition at feeding program, at pangatlo ito po sabi ni Mayor matagal na itong dream maglagay siya ng parang play centers in every barangay.

    Nakahanap po kami ng partner for him na makapaglagay ng play centers in every barangay. Iyon ang ila-launch ngayon.

    Q: Ilan po ang beneficiaries sa Lambunao?

    VP Leni: Hindi ko po alam ang exact number pero ang first program na farmers, ano iyon all across the municipality. Hindi siya concentrated sa isang barangay lang. Iyong play centers po, lahat ng barangay lalagyan. Iyong feeding programs hindi ko din alam ang exact number pero ito ang mga severely malnourished, iyong mga identified na stunted children.

    Q: After Lambunao?

    VP Leni: Wala na po. After Lambunao iyon na ang last kong engagement in Iloilo. Pero I think I have another for next month, pero for another activity na.

    Q: On appointment of Mocha Uson

    VP Leni: Sa akin iniiwasan kong mag-comment kay Mocha Uson kasi ako ang favorite character niya. Baka iyong biases ko lumabas.

    Si Pangulo naman mayroon naman siyang karapatan na pumili ng gusto niyang nandiyan. Pero iyong appointment mismo kay Mocha hindi ko na lang. Sorry, ayaw ko nang mag-comment kasi marami na kaming engagements in the past.

    Q: Planong pag oust kay PDD, ikaw daw ang head?

    VP Leni: Ito pong oust Duterte, siguradong hindi ako kasali. Kung mayroon mang ganyang plano. Unang-una sinasabi na kasali ako doon dahil sumama ako sa mga rallies against him. Iyon po hindi totoo. Misinformed si Presidented doon.

    Parang kung naalala ninyo, first week of December binawalan ako mag-attend ng Cabinet meetings.

    Before hindi ko alam kung anong dahilan, pero when the President was interviewed last Christmas, sinabi niya na I was part of rallies to oust him. Iyon po wala iyong katotohanan – wala akong sinalihan na kahit anong rally. In fact I was invited to the November 25 and 30 rallies against the burial of former President, pero hindi po ako sumali doon dahil in deference sa Pangulo natin dahi miyembro ako dati ng Cabinet.

    Ngayon po, ako naniniwala ako na hindi makakabuti sa bansa natin na gumawa na naman tayo ng mga oust the President movement.

    Ang sa akin po, ang pag criticize ko ang pagnanais noon, na pakinggan tayo ng ating Pangulo tungkol sa mga bagay na we feel so strongly about, gaya ng extra judicial killings. Pero iyong pag criticize kasi pagpuna, hindi iyon tantamount to tanggalin siya .

    Q: On special attention to Russia and China

    VP Leni: Ang akin kasi tingin ko iyong makakabuti sa bansa natin na mag-cultivate ng friendship with other countries aside from the US. Tingin ko para iyon sa ating lahat na sinusubukan nating dagdagan ang mga kaibigan ng Pilipinas.

    Iyong pinakaworry ko lang, baka ginagawa natin iyon at the expense of our friendship with stable allies in the past.

    Ako wala akong problema for us to maintain close relations with China and Russia, pero sana not at the expense of parang severing our ties with other allies.

    Q: On Angat Buhay program, ilang LGUs po sa first batch? Meron pa po bang second batch?

    VP Leni: Meron po. Ang first batch po natin ay 50. Ang pinakaunang plano noon ang pagpilli ng 50, ay iyong 50 poorest municipalities.

    Pero minabuti po namin na haluan nito ng hindi exactly poorest pero nangangailangan pa din ng tulong.

    Naging malaking bahagi ng pagpili iyong pagka-progressive ng local chief executive. Kasi inisip namin na since ito ang pilot, mahalaga na mag-succeed ang partnerships ng LGUs at saka private sector. Kasi ayaw namin na madala iyong mga private sector partnerships.

    So iyong pagpili sa Lambunao is not only because mahirap ang Lambunao, but also because nakikita na very progressive din ang local chief executive doon si Mayor Jason. Dito sa Iloilo, may isa. Doon sa amin sa Camarines Sur, mayroon ding isa. Mayroon ding mga lugar lalo na iyong mahihirap na probinsya na medyo ilan ang napili, pero balak namin iyong second batch, pipiliin uli on October.

    Kasi ang first batch ni-launch noong October 10. Ang balak namin, October 10 namin of next year mayroon ding second batch.

    Q: Priority partnerships under this program

    VP Leni: Actually marami siya, across the board. Mayroon kasing five areas of advocacy. Ang first education, with particular emphasis on Kto12. Iyong pagkabit noong nasa senior high school, into college or employment.

    Ang pangalawa health pero with particular emphasis on maternal health.

    Pangatlo, nutrition and feeding programs, with particular emphasis also on stunted children.

    Fourth, rural development kung saan mas tinitingnan namin ngayon ang pagdevelop ng farmers into entrepreneurs. Mayroon tayo ngayong gustong i-develop na model. Ito iyong model na sinimulan ng Jollibee Foundation sa San Jose City in Nueva Ecija. Ito ang farmers gusto natin siya ikabit sa stable market already. Halimbawa iyong partnership ng Jollibee at ng San Jose City. May inaalagaan na farmers ang Jollibee, ang tinatanim nila mga onions. Pero ang produce nila, guaranteed sale na sa Jollibee.

    Ngayon, nag-launch tayo ng similar program doon naman sa Tampakan, South Cotabato. Iyong mga partners natin, Nestle, mga multinational companies. Pero ito na ang gusto nating i-develop. Kasi nakikita natin ang isang kahirapan, iyong mga farmers natin kahit may produce sila hindi sila yumayaman. Ang yumayaman ang mga middlemen. Gusto sana natin alisin ang middlemen at ikabit na ang mga farmers sa malalaking korporasyon na bumibili.

    Marami tayong nilalapitan na very open na magkaroon ng partnerships. Mayroong isang kumpanya na tinitingnan niya ang coco sugar sa Quezon naman. Basta mga linkages siya. Iyong sa Tampakan, cocoa iyon at coffe. Ito ang gusto natin i-develop.

    Ang panglima, women empowerment kung saan ang mas tinitingnan natin economic empowerment of women. Parang pareho ang konsepto niya ng rural development pagdating sa farmers. Ang tinitingnan natin pag sinabing economic empowerment of women, bigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan hindi lang na i-train sila with regards to particular skills, pero hanapan na ng linkages. I-train siya doon sa mayroon nang market. Hindi iyong ite-train siya tapos wala pa lang ready market. Kasi napapansin natin, marami na ginastos ang gobyerno sa trainings, pero hanggang training lang. Hindi siya kinakabit sa market. So ngayon binabaliktad natin, naghahanap tayo ng market. Iyong market na nahanap natin, saka natin hahanapin iyong mga kababaihan na ite-train. Tapos ang pipiliin natin galing na dito sa 50 LGUs.

    Q: After resignation sa HUDCC, paano na ang advocacy on housing?

    VP Leni: Siyempre mas naging mahirap siya. Iba iyong nasa loob ako dahil parang may direct hand ka sa policy kasi you sit as a, parang chairman of the board ng anim na shelter agencies. Pero ngayon na wala na ako doon at kahit mas mahirap, patuloy pa din ang adbokasiya.

    Ang sinusulong naman namin, marami naman kasi tayong nasimulan noong HUDCC chair pa tayo kahit ilang buwan lang ako doon, 5 months. Unang-una, against na tayo doon, ang ina-advocate natin na huwag na iyong off-site at out-of-the-city relocation kasi iyong assessment natin lalo sa Metro Manila. Maraming ginastos na pera iyong gobyerno for housing na iyong mga housing units hindi naman occupied. Dahil napakalalayo sa pinanggalingan nila. Sa Metro Manila, maraming ganito. May mga nabisita tayo sa Bulacan, Cavite, Laguna na hindi occupied ang mga bahay. Kasi ang gagawin, tatanggapin lang ang bahay tapos pag wala namang livelihood iiwan din. Tapos babalik as informal settlers in Manila.

    So ang ina-advocate talaga natin as much as possible on-site. Tapos hindi na tayo aasa lang sa gobyerno, maghanap na ng privatpartners. Kasi kung aasa lang sa gobyerno, sobrang tagal. Ang backlog natin 5.6 million na housing units, ang napo-produce natin 200,000 a year lang.

    So at the end of 6 years, exponential pa din ang growth ng backlog. Kaya ang ginawa sana natin, when I left, mayroon na tayong inventory ng lahat ng government properties available in Metro Manila, na ipapa-declare na sana natin na relocation sites. Iyong mga government house/properties na dati nang may informal settlers. Pero ang gusto natin doon, i-partner na siya with private na i-mix na na commercial at residential. Para wala nang gastos ang gobyerno. Ang magpapagawa private, ang kapalit noon sa kanya iyong commercial side, tapos ang residential side ibibigay niya sa gobyerno. Iyon sana ang direksyon na sana kahit wala na ako, iyon pa din ang sundan.

    Q: On issue of distribution of relief goods from DSWD. Sinabi mo daw na delayed?

    VP Leni: Actually noong na-interview ako, wala iyong reference sa DSWD. Noong ininterview ako kadadating ko lang, nandoon ako sa first barangay na pinuntahan ko, Brgy. New Moriones sa Ocampo. Iyong kapitan pagdating ko nagko-complain siya na napakabagal ng relief. Ang nakakarating daw sa kanila na relief iyong galing pa lang sa opisina ko, pero that was December 27 yata – a day after noong bagyo. Wala pa daw ibang dumadating ulit. Pero noong umikot na ako, hindi siya uniform. May mga lugar na parang mabibilis naman ang relief, may mga lugar na hindi. Doon sa mga lugar na hindi, tinatanong ko iyong mga local officials. Kasi ang DSWD naman binabagsak nila sa LGU. Hindi naman DSWD mismo ang nagde-distribute. Tinatanong ko dito bakit sa iba mabagal, sa iba mabilis. Iyong mga local officials na nakakausap ko, ang sabi ang binibigay kasi sa amin para lang sa mga may totally damaged houses. Pag binigay po namin iyan na iyong partially damaged hindi namin bibigyan, mag-aaway-away lang. Kaya namin na-delay ng konti kasi nag-iipon muna kami para pag bigay namin sa totally damaged, mabibigyan din namin ang partially damaged.

    So totoo na hinohold ng ibang LGUs para pagbigay sabay-sabay. Iyong mga governors andito, alam nila na kapag namimigay talaga kailangan lahat ng nangangailangan mabigyan. Kasi pag hindi nabigyan ang lahat, talagang magagalit ang mga tao. So iyon siguro ang dahilan. Pero ang reklamo ko talaga ngayon sa amin, ang pinaka mabagal sa amin ang kuryente.

    Kasi halimbawa as of Tuesday of this week, almost 2 weeks na after the typhoon, 35% pa lang sa Naga City ang nae-energize. Sobrang bagal talaga niya. Actually nagkaroon na ako ng meeting with electric cooperative. Ang sabi naman nila kulang sila ng personnel, nag-SOS na kami. Ang electric cooperative nag-SOS na sa ibang electric cooperative, ako nakiusap na sa Meralco para pagtulung-tulungan na. Pero parang this is the first time that it has happened na sobrang bagal.

    Q: Update on filed case of BBM

    VP Leni: Ngayon madami pang pending motions na hinihintayan ng resolution. I’m not allowed to discuss the merits of the case pero just to give you an idea, ang pinakabagong action was mayroon yata nang motion si Sen. Bongbong na huwag munang i-strip di ba iyong mga unused na VCMs, na huwag muna siyang, ang kontrata kasi yata noon, kapag unused i-strip na siya at ibabalik na sa Smartmatic. Parang si Sen. Bongbong ata mayroon siyang request na huwag muna i-strip, i-hold. Pero ang pinakalatest na desisyon ng COMELEC, parang dineny niya ang request na iyon kasi I think sobra ang gastos pag hindi pa iyon gagawin, unused naman iyon.

    Ako naman gusto kong mag-focus sa trabaho kasi parang iyong kaso pinapa-asikaso na sa mga abogado. Confident naman tayo na pag nasunod at kinonsider lahat ng ebidensya, wala namang kailangan ipag-worry. Naniniwala pa din tayo na magiging unbiased naman, kailangan paniwalaan natin iyon. Kasi ang strength na may institutions, ano iyon hindi dapat nawawala sa atin. Para sa akin naman, ang mga lawyers kung may kailangang sagutin, sinasagot nila. Pero ako, focused muna sa trabaho.

    Q: Nakukulangan ka daw sa pagka-oposisyon ng LP. Pwede po ninyo i-qualify?

    VP Leni: Hindi siguro nakukulangan. Iyan si Cong. Toto magkasama kami sa small group na nag-aasikaso sa LP. Iyong naging problema talaga kasi ng LP, marami na ang umalis sa partido.

    Dati halimbawa sa House of Representatives, 116 dati tapos all of a sudden 31 o 32 na lang. So parang lahat nabigla na ganoon ang turn of events na hindi pa nakaka-regroup muli. Hanggang ngayon hindi pa kami uli nagmi-meet as a party. Although pag kinausap namin, ako kasi medyo bago ako sa LP.

    Nakapasok ako LP noong namatay ang asawa ko, siya talaga ang nasa LP. Kung papakinggan ninyo ang kwento nila, parang bumalik lang sa dati. Kasi ang biro nga ng mga members, dati Volkswagen lang kami, ganoon lang kami kakaunti. Dumami lang kami ng grabe noong naging administration party because of the presidency of PNoy, pero ngayon na hindi na siya ang Pangulo, balik sa dati. Nakakalungkot pero iyon ang reality.

    Q: Stand on death penalty.

    VP Leni: Very much against it. In the sense na historically pag inaral natin, even during the time na mayroon tayong death penalty, hindi naman naka-apekto ito sa status ng crime sa Pilipinas. Hindi naman bumaba ang crime statistic because of death penalty. Naniniwala ako na ang criminal justice system dapat sana mas ang approach niya para maibalik to the fold ang mga nagkasala, hindi iyong retribution. Sa akin mas restorative justice ang sinasang-ayunan ko.

    Q: Any action against this?

    VP Leni: Iyong ang ina-advocate, kumakampanya na hindi ito ma-approve. Mahalaga na hindi ito makalusot sa House of Representatives at sa Senado. Medyo nag-aalala tayo kasi sa House of Representatives nakalabas na ito sa committee level, tapos alam natin na may super majority. Pero patuloy pa din na ina-advocate na kahit na ganito ang political situation sana ang mga ganitong bagay gaya ng death penalty, hindi pa din mailusot.

    Maraming salamat po.

    Posted in Transcripts on Jan 07, 2017