This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo at the INP Launch in Tandang Sora National High School

    Tandang Sora National High School, Quezon City

    Q: VP, they’re currently discussing amendments to the Constitution at the House of Representatives. There’s a proposal to remove three offices under the new Constitution: the OVP, the JBC, and the Office of the Ombudsman. Ma’am, as part of the office na gusto nilang tanggalin, what’s your opinion about it? VP LENI: Iyong sa akin kasi, noong kumandidato kami, iyong pagkahalal sa amin—sa akin bilang pangalawang pangulo, ang alam kong ibinigay sa akin, anim na taon. Ang puwede lang bumawi noong mandatong iyon, taumbayan din. Kaya iyong lahat na proposals, amendments sa Konstitusyon ay kailangang tanungin iyong mga tao kung sang-ayon sila dito. Iyong sa atin lang, ninanais lang natin na— Iyong Konstitusyon kasi, iyon iyong batayan ng lahat na karapatan at obligasyon ng bawat Pilipino. Iyong proseso sa pag-amyenda nito, sana masusing gawin, magkaroon ng panahon para bawat probisyon ay mapag-aralan. Huwag madaliin. Kasi ito iyong parang future ng bansa natin. Kung palagay ng taumbayan hindi na kinakailangan iyong Pangalawang Pangulo, tayo naman, parati tayong magrerespeto sa kagustuhan ng taumbayan. Pero kinakailangan kahilingan ito ng tao, hindi ng ibang politiko.

    Q: Hindi po ba siya threat, Ma’am, to the three offices na tinatanggal nila?

    VP LENI: Ito kasi, hindi natin alam kung ano iyong basehan ng panukalang tanggalin. Alam naman natin na iyong Konstitusyon natin, kaya siya may opisina ng Pangalawang Pangulo, tulad ng sa ibang bansa, kasi iyong Pangalawang Pangulo iyong katuwang ng Pangulo, na kung mayroong mangyari sa Pangulo, iyong succession ay hindi magiging pabigat para sa ating bansa. Kaya siguro papakinggan natin iyong mga dahilan kung bakit mayroong parang panukala para tanggalin iyong ating opisina, saka tayo makakapag-comment.

    Q: Ma’am, how about iyong [term] extension naman na possible for President Duterte? Ano pong masasabi niyo?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, kahit anong usapin ng term extension, parating magdududa iyong taumbayan kung ano iyong dahilan. Kaya kung… kung palagay ng ating mga mambabatas kailangan na habaan iyong term, at inamyenda iyong Konstitusyon para habaan iyong term ng officials, pinakamabuti sana hindi makinabang iyong mga nakaupo ngayon. Kasi kung kami din lang iyong makikinabang, parating magdududa iyong taumbayan kung bakit ito isinusulong. Parating may pagdududa na isinusulong ito para sa sarili naming kapakanan, na hindi makakatulong sa kaayusan at pagrespeto ng mga kababayan natin sa pamahalaan at sa mga institusyon. Kung palagay nila kailangang mas habaan—masyadong maiksi ba iyong anim na taon? Kung kailangang mas habaan, sana hindi kami makinabang. Iyong makikinabang iyong susunod na mahahalal.

    Q: Ma’am, any thoughts, concerns, doon sa nangyayari sa Rappler?

    VP LENI: Ito… ito, pinagmumulan ito ng pagkabahala nating lahat, kasi alam natin na parang iyong freedom of the press, iyong freedom of expression ay kabilang sa mga karapatan na itinataguyod sa ilalim ng ating Konstitusyon. Alam natin kung bakit kailangan iyong media. Alam natin kung ano iyong silbi ng media. Parating sinasabi natin iyong media, sila iyong inaasahan na maging watchdog. Sila iyong bantay para mabantayan iyong pagsubok ng pang-aabuso ng nasa pamahalaan. Kung wala nang bantay… ano na iyong makakahadlang para sa pang-aabuso ng mga opisyal na nakaupo ngayon? Inaasahan sana natin na iyong media ang tumututok sa ganoon, iyong media iyong nagbibigay sa atin ng impormasyon, kung mayroong mga ganitong pang-aabuso na nangyayari.

    Kaya kahit anuman na balita na mayroong pagsubok na parang i-curtail iyong freedom of the press o freedom of expression, isa [itong] bagay na kailangang mabahala iyong bawat Pilipino.

    Q: Ma’am, sinasabi po ng Malacañang, hindi naman daw po gusto ni President Duterte na ipasara iyong Rappler. Sabi niya po, kung gusto daw po ito ng Pangulo, sana pinadala na lang daw iyong AFP sa office ng Rappler at ipina-padlock iyong office namin.

    VP LENI: Mahirap magkomento kasi hindi ako mismo iyong nakarinig. Pero kailangan kasing maalis sa isipan nating lahat na hindi… parang hindi patas iyong pagtrato sa iba’t ibang ahensya ng media. Kung mayroong— Ang pinakatanong, ano ba iyong naging violation? Ito bang violation na ito, natatanging siya lang ba ang nag-violate? Kung hindi, bakit parang ina-isolate siya? Bakit pinaparusahan siya nang ganito?

    Kailangang maintindihan natin iyan kasi otherwise, kapag hindi natin naintindihan, unang una, magdadala siya ng takot. Pangalawa, kapag nagdala siya ng takot, parang mape-prevent iyong ibang gustong magpuna sa ating pamahalaan na ipagpatuloy iyong pagpupuna. Mahalaga sa ating demokrasya, mahalaga iyong dissent, kasi kung wala nang sumasalungat, wala nang magsasabi sa atin kung tama pa ba o mali na iyong ating ginagawa. Kaya mahalaga iyong press, iyong media, sa ganito. Kailangang walang pagduda iyong taumbayan na kung sino iyong sumasalungat, iyon iyong pinaparusahan. Kung mayroong kasalanan, mayroong proseso na kailangang sundin, pero kailangang maalis sa isipan nating lahat na hindi ito bahagi ng pagpapatahimik.

    Q: Ma’am, reaction niyo po doon sa SWS survey na +52 po ang trust rating?

    VP LENI: Masayang masaya tayo kasi +16 points iyong net sa akin. Parang ito kasi, parating affirmation na siguro tama iyong landas na tinatahak natin, tama iyong direksyon na pinapatunguhan ng ating opisina. Medyo mahirap kasi iyong Office of the Vice President kasi hindi naman naiintindihan ng marami na wala tayong mandato na para mag-implement ng mga proyekto, kaya marami din iyong hindi nakakaalam kung ano iyong ating ginagawa. Kaya iyong +16 points, napakalaking bagay nito para sa amin kasi gustong sabihin, kahit may ganitong limitasyon, nakakabigay pa rin ng parang positibong epekto iyong mga paghihirap na ginagawa namin—lalong lalo siguro iyong aming Angat Buhay program, na iyong talagang tumbok iyong pagtulong sa pinakamahihirap na mga lugar sa ating bansa.

    Q: Ma’am, marami hong mga lumulutang na mga nagmula doon sa martial law raw, no elections, parliamentary, pederalismo, mayroon pang pinakahuli na baka revolutionary government. Hindi ho ba kayo nababahala rito?

    VP LENI: Nababahala tayo. Nababahala tayo, kaya ito iyong panahon na kinakailangan parang bawat Pilipino maintindihan na bahagi tayo ng lahat na usapin. Huwag sana nating isipin na iyong lahat na pagdedesisyon nasa pamahalaan lamang, lahat na desisyon nasa Kongreso lamang, kasi bahagi tayo ng mga institusyon.

    Kaya iyong hinihingi din natin sa mga opisina ng pamahalaan, sa mga institusyon ng ating pamahalaan, na sana galangin iyong… galangin iyong proseso na kailangang sundan. Kasi bahagi ito—parang ito iyong buod ng ating demokrasya na pinapakinggan iyong boses ng—kahit pinakamaliit na Pilipino, kailangan pinapakinggan iyong boses nila. At sa pagpapakinig ng boses, mahalaga na ipinapaintindi sa kaniya kung ano iyong kaniyang pagdedesisyunan, kung ano iyong kaniyang pinapasok, kung ano iyong mga hakbang na ginagawa ng ating pamahalaan. Kasi kung hindi niya ito naiintindihan, paano siya makakalahok? Kaya tingin ko obligasyon namin… obligasyon namin bilang mga opisyal ng pamahalaan na ipaintindi sa ating mga kababayan ano ba iyong… ano ba iyong pag-amyenda ng Konstitusyon, ano ba iyong gustong sabihin nito, paano ba ito makakaapekto sa buhay nating lahat. Kasi mahirap iyong… mahirap iyong hindi napapakinggan iyong boses ng bawat isa.

    Q: Thank you, Ma’am!

    VP LENI: Thank you!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jan 15, 2018