Visit to Batanes earthquake survivors
Itbayat, Batanes
REPORTER 1: Ma’am, your assessment so far from what you have seen today?
VP LENI: Ano talaga, malawak iyong… malawak iyong destruction. Iyong pinuntahan natin na barangay, iyong Santa Maria, tapos iyong dinaanan, San Rafael, sobrang dami ng bahay na nasira. At nakausap natin iyong relatives ng mga namatayan. Kinuwento nila iyong circumstances ng… iyong nakailalim talaga sila sa mga bahay na gumuho. Siguro iyong first na pinaka-urgent, na may matulugan na sila na mas maayos. Mayroon naman tayong mga dala na gamit, pero mas pang-temporary siya. Siguro sa lalong madaling panahon, iyong pinaka-mahalaga, maka-build na ng temporary shelters. Na-figure out na din ng Provincial Government kung paano iyong gagawin. Iyon iyong umpisa.
Pangalawa, iyong pag-rebuild. Kasi iyong mga nasira, ito iyong stone houses, na ito iyong pinaka-character ng Batanes. Iyong sabi namin kay Gov, dapat makaisip ng paraan na mare-retain pa din iyon pero iyong pagkagawa mawi-withstand na iyong ganitong sakuna.
Iyong pagkain, challenge. Iyong construction materials, challenge, dahil sa layo ng lugar. Mayroong mga barko na pumupunta, pero it takes a while bago makarating. Gaya noong dala namin, three days pa siya bago makarating. Halimbawa, iyong PAL nag-o-offer na makapagpadala sa kanila for free, pero hanggang Basco lang iyon, so kailangan pa din i-transport iyong mga goods. So ano talaga, mahirap iyong… kahit urgent, hindi talaga mamadali, dahil sa hirap ng pagpunta.
Halimbawa, iyong mga kabilya, sabi sa amin kanina iyon iyong pinakamahirap dalhin kasi hindi siya kaya ng bangka. Kailangan talaga… siguro iyong Navy ship iyong kailangan.
Pero marami naman iyong tumutulong. Gaya noong opisina namin, kasama namin iyong mga pinanggalingan ng goods ngayon. Kasama namin iyong Manila Water, kasama namin iyong Church of the Latter-day Saints. Si Usec. Jalad, ang laking bagay na kasama natin ngayong umaga kasi marami talagang masasagot na pangangailangan ng pamahalaan.
Ano naman… iyong mga tao, while mayroon nang clearance iyong Phivolcs na pwede na silang bumalik sa bahay, dahil sa nangyari kaninang umaga, na nagkaroon ulit ng aftershock, talagang takot pa sila kahit may clearance na. So siguro, hihintayin muna nila na long period of time na hindi nagkakaroon ng aftershock. Pati iyong pagkain, medyo problema din, kasi kailangan pa siyang i-transport dito. So iyong sa atin, naghahanap talaga ng mga paraan para dumating iyong tulong sa lalong madaling panahon.
REPORTER 1: Ma’am, moving forward, ano po iyong mga lessons na puwede nating makuha from this incident? So that next time around, we’ll be more efficient in giving delivery?
VP LENI: Iyong sa akin talaga, dapat mayroon na sanang, parang, protocols. Na kapag may nangyayari dito, paano iyong pagdala ng tulong. Kasi naaalala ko, in 2016, noong Typhoon Ferdie, nandito din ako, eh. Nandito din ako sa Itbayat, same problem. Iyong pinaka-problema talaga, kahit may sasakyan, mahaba talaga iyong travel time, eh. So siguro iyong kailangang i-consider din, magkaroon na ng… parang naka-store na provisions—provisions lalo na sa pagkain, na may naka-store na dito.
Ngayong umaga, marami kaming mga gamot na dala. Iyon iyong SOS ng Itbayat District Hospital. Iyong problema pa, iyong mga nasaktan, kasi kailangan talagang… wala namang—hindi kaya ng health services dito. So kailangan silang dalhin— Mayroon yatang dinala sa Tuguegarao, mayroong dinala sa Basco. Baka may kailangan pang dalhin sa Manila. Iyong isa, talagang ang health services dito, iyong mga hospital, kailangan talagang pag… ano ito… paglaanan ng maraming tulong, para kapag may ganito—dahil malayo iyong mga dadalhan—dapat equipped noong mga kailangan. Ngayong umaga, mayroon kaming partner na nagpadala ng ECG machine. Ano ito, tulong nila doon sa ospital. Pero ito, iyong mga basic services, kailangan talaga equipped dito, eh. Iyong kahit may mangyaring ganito, hindi sila dependent sa Basco, o hindi sila dependent sa iba pang lugar para nakakatugon.
REPORTER 2: Ma’am, as a patron of arts and culture, Ma’am, itong mga stone houses, heritage houses, pinupuntahan ng mga turista. Do you think, Ma’am, this is also an awakening for us, to realize that while we cater to tourism, we don’t put it in the expense of the safety of residents here?
VP LENI: Actually, iyong isyu na iyan, diniscuss natin iyan kay Gov, even during Typhoon Ferdie. Kasi iyong nangyari naman noong Typhoon Ferdie, baligtad—iyong nangyari noong Typhoon Ferdie, iyong mga bagong structures na light materials, sila talaga iyong nasira, tapos iyong mga stone houses, sila iyong halos walang nangyari. Pero ngayon, iyong pinaka-last daw kasi dito, parang ano pa, many years ago—iyong last na pinaka-malakas na earthquake—pero not this strong. So iyong sa akin, baka kailangan balikan na in preserving the stone houses, tingnan na kung paano niya mawi-withstand iyong ganito. Siguro kailangang i-tweak iyong design, iyong engineering design. Wala kasi siyang mga kabilya, eh. Wala siyang mga kabilya. Talagang mga bato lahat. Considering na nangyayari iyong mga ganito dito, kailangan na talagang balikan lahat. Nakita naman natin, eh: iyong lahat na schools dito sa Itbayat, iyong ospital, iyong simbahan—lahat talaga sira. So sana hindi makaligtaan na sa pag-rebuild, pag-restore, baguhin na iyong engineering design.
REPORTER 1: Ma’am, after seeing this, mayroon ba kayong naiisip na, at least in the next following weeks, na puwede iyong maitulong—o puwede niyong maihingi ng tulong sa ibang organisasyon?
VP LENI: Kami naman, dahil walang sariling… walang sariling pondo iyong opisina for mga tulong na ganito, talagang iyong nadadala namin, tulong din ng mga private organizations. Iyong ngayon, kinuhanan namin ng mga litrato iyong mga nasirang bahay. Magfa-fund drive kami for them, kasi noong nakausap namin iyong mga may-ari ng bahay, iyong pinakatakot talaga nila, “Paano namin ire-rebuild? Paano namin ire-rebuild na talagang walang pampa-rebuild?” May tulong naman parati iyong pamahalaan, pero baka hindi enough dahil maraming ibang tinutulungan. So ilalapit natin sa private para matulungan sila.
Pero iyong sa akin lang, baka opportunity din ito for the national, provincial, and municipal governments para pagplanuhan paano ba mas magiging resilient iyong mga structures—considering na iba na iyong mga calamities na mga dumadaan. Tama iyong sabi ni Gov, na for a very long time, ang pinaghahandaan kasi nila bagyo. Ngayon lang nag-strike itong ganitong katinding lindol, saka lang nila naisip na may problema pala iyong… parang iyong original design ng mga bahay dito.
REPORTERS: Thank you, Ma’am!
– 30 –