Office of the Vice President
September 1, 2017
103rd Araw ng Cotabato and 7th Kalivungan Festival
Kidapawan City
Q: Ma’am, inyong impression po sa Kalivungan Festival, at the same time, iyong inyong mensahe na rin po?
VP LENI: Iyong sa akin kasi, iyong festival niya talaga, parang festival ng pagtitipon, eh. So ang pakiramdam ko, parang napaka-timely noong mensahe noong festival, kasi halimbawa, tayo-tayo, maraming hindi nagkakaintindihan, maraming nag-aaway-away. Parang iyong festival ngayon, parang nagpapaalala lang sa atin na hindi tayo iyong magkakaaway. Tayo iyong magkakakampi. Pagtulungan natin iyong lahat ng pagsubok na dumadating sa atin, kasi lalo tayong nag-aaway, lalo tayong mahihirapan na harapin iyong mga challenges na dumadaan.
Kaya tingin ko, itong festival na ito, parang isang festival ng pagpapaalala. Alam ko na iyong pinakasadya nito noong nag-umpisa para magbalik-tanaw sa nakaraan at iyong nakaraan, gawing inspirasyon para sa hinaharap. Pero parang napaka-akma niya kasi ngayong taon.
Q: Okay. Ma’am, ang inyong masasabi na rin po sa liderato ng probinsya ng North Cotabato, particularly po sa… kay Governor Lala?
VP LENI: Ito kasi very impressive, kasi two years ago, nandito ako. Two years ago, Kalivungan Festival din iyong pinuntahan ko. First time ko iyong makarating sa Kidapawan. Bumalik ako the following year, sa imbitasyon naman ni Mayor, kasi tiningnan namin iyong housing. Ngayon nga, sabi ni Mayor dumating na iyong pera.
Pero ngayong pagbalik ko, parang sandali pa lang akong nawala, ang dami nang pagbabago. Noong sinabi ko kay Gov na, “Gov, parang marami akong napansin na pagbabago,” lalo akong namangha kasi sabi niya halos lahat iyon local funds.
So kapag ganoon kasi, kapag may capacity iyong local government gumastos para sa sariling pangangailangan, iyon iyong testament na mabuti iyong pamamalakad. Marami man na problema, hindi naman iyon nawawala, pero mahalaga na natutugunan iyong pangangailangan.
Q: All right, salamat po!
VP LENI: Salamat!
– 30 –