This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo at“Metro Laylayan” in Malabon

    Office of the Vice President

    19 July 2017

    Q: What’s your reaction na lang po doon sa possible extension ng martial law? Nagsabi na po si Pangulong Duterte na he wants an extension. VP LENI: Ako, ang tingin ko, pakinggan natin iyong dahilan kung bakit kailangang mag-extend. Ang pagkaalam ko bukas… bukas o Saturday yata. Saturday, mayroong special session ang Congress. Mas mabuti pakinggan. Pero iyong ano lang, mas mabuti din na iyong Kongreso, parang pagdebatehan siya at pag-usapan, para kung iga-grant ito, iga-grant dahil pinag-usapan nang maayos. Kung ide-deny naman, ide-deny siya kasi napag-usapan nang maayos.

    Q: Ma’am, for you, in case po na ma-extend iyong martial law, how long po siya bago ma-lift? VP LENI: Wala kasi ako sa lugar para sabihin kung kailangan, kung how long, kasi maraming impormasyon na wala naman tayo. Kaya mahalaga iyong usapin siguro sa Saturday sa Kongreso, kasi doon ilalahad kung bakit kailangang i-extend at bakit kailangang hanggang December 31.

    Q: You have been to Marawi, with the evacuees. Parang, seeing their situation, tingin niyo necessary iyong martial law? VP LENI: Iyong mga evacuees, kapag binibisita sila, hindi siya iyong typical na evacuees na humihingi ng pagkain, humihingi ng damit. Parang iyong pinaka-concern nila, “Kailan ito matatapos at gusto na naming makabalik sa aming mga bahay.”

    Q: Ma’am, may nagfo-float po na apat daw po na impeachment complaints ang ifa-file against you sa Congress. Are you worried about that? VP LENI: Handa naman tayong harapin. Wala tayong ginagawang mali. Handa naman tayong harapin. Bahagi naman iyan ng democratic process.

    Q: Ma’am, you’ve been in Congress. Do you think your former colleagues will support such initiative against you, given the situation that you’re chairman of the LP? VP LENI: Ako, mahirap sabihin. Pero siguro mas mabuti na iyong pagsuporta nakabase sa maayos na dahilan. Iyong impeachment naman kasi is a political process. Pero sana nakabase ito sa ano ba iyong grounds ng impeachment, pakinggan iyong grounds, at pag-usapan kung kinakailangan ba itong ipasa sa Senado o hindi.

    Q: Ma’am, do you think you have the trust of your former colleagues in Congress, that you’re doing the right thing? VP LENI: Palagay ko sila dapat iyong tanungin, eh. Wala ako sa capacity para sabihin iyon.

    Q: But Ma’am, for your part, is it something that you’re preparing for? Iyong ganito? Kasi sinasabi na ngayong August daw. So is this something that you really consider, or… VP LENI: Mahirap kasi na hihinto tayo sa pagtrabaho dahil aasikasuhin iyong protest, aasikasuhin iyong impeachment. Iyong sa atin, kapag nandiyan na, harapin. Pero hindi siya iyong tipong hihinto ka sa lahat mo’ng gagawin para magprepara para doon.

    Q: Ma’am, i-clarify ko lang po iyong doon sa finile ninyong motion, iyong about the protest. You want the Comelec to answer Bongbong Marcos’ petition na questioning iyong integrity ng elections. Dapat Comelec iyong sumagot? Tama po ba iyong intindi ko? VP LENI: Tama iyon, kasi wala kami sa capacity para sumagot patungkol sa integrity ng elections. ‘Pag ang question na tungkol sa integrity, palagay namin necessary party na doon iyong Comelec.

    Q: Ma’am, do you think by questioning the integrity of the whole process, Bongbong is also questioning— VP LENI: The entire…

    Q: —the legitimacy of the rest of the elected officials, including the President? VP LENI: Oo naman, kasi kapag kinuwestiyon mo iyong proseso, hindi mo naman puwedeng sabihin na dahil hindi naging maganda iyong proseso, apektado lang iyong vice presidency. ‘Pag sinabi mo na nag-fail iyong proseso, parang sinabi mo na iyong legitimacy, mula sa Presidente hanggang sa pinakamababang konsehal.

    Q: Going back to Marawi evacuees po, wala po ba silang nasabi sa inyo na naabuso iyong martial law? Iyong mga evacuees po, mayroon po ba silang sentiment na ayaw nila ng martial law or naabuso iyon? VP LENI: Iba-iba. Iba-iba iyong pakiramdam ng mga evacuees. Maraming mga lumalabas na mga sentiments—mga sentiments na naiintindihan natin dahil sa labanang ito, biktima din sila. Sila iyong pinakabiktima. Pero iyong pinaka-concern talaga sa isipan, sa kanila, “Kailan ito matatapos at kailan kami makakabalik?”

    Q: Okay, thank you, Ma’am! VP LENI: Thank you!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jul 19, 2017