This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo at the Norfil Foundation 35th Anniversary

    Norfil Foundation 35th Anniversary

    Luxent Hotel, Timog Ave. Quezon City

    VP LENI: Kumusta ka?

    REPORTER 1: I’m good po. VP, can we just ask—pasensya na po. Will just briefly ask you about the topic. Iyong POGO industry po kasi, mayroon kasing picture iyong Google Earth, na parang kitang-kita iyong changes from before and after na talagang grabe, massive. And then we heard… we heard China, China mismo nagsabi na illegal iyon sa kanila. So, VP, ano po iyong thoughts niyo on that na iyong palaki… nag-e-expand iyong POGO, pero sa bansa kung saan ina-accept natin pero illegal naman sa China?

    VP LENI: Kasi kung naaalala ko, parang early last year pa, tinatanong—marami nang katanungan about POGO. Iyong information na nakarating sa atin, kaya sila pumupunta dito kasi illegal siya sa China. So iyong pinakaunang tanong: bakit tinatanggap natin dito ang isang bagay na iligal sa ibang bansa tapos parang tayo pa iyong… tayo pa iyong nagiging sanctuary nila?

    Pangalawa, marami ring kuwestiyon kung ano iyong papel noong mga pumapasok na mga Chinese. Nandito ba sila? Mayroon bang work permits? Ano ba iyong… ano iyong status? Gaano sila katagal dito titira? Parang ang tagal tagal nang tinatanong iyon, walang kasagutan. Wala nga tayong kasagutan kung ilan na lahat sila dito. Parang conflicting iyong mga numbers. Maraming… maraming mga information na iyong mga pumapasok hindi na lang nagtatrabaho sa POGO pero nagtatrabaho na rin sa construction, nagtatrabaho kung saan-saan. So ang tanong—pangatlo—baka naagawan ng trabaho iyong dapat sana sa Pilipino. Maraming katanungan na until now, hindi nasasagot.

    Iyong— Parang alarming na, eh. Alarming na tayo lahat na nandito sa Metro Manila, makakapagsabi na anywhere we go, parang bigla iyong number… numbers nila, sobrang dami na. Pero… pero blindsided tayo kung ano iyong… ano iyong status? Ano iyong ginagawa? Naririnig natin iyon lahat na real estate demands pero hindi natin talaga alam. Walang nakakapagsagot sa atin kung ano iyong totoo.

    So iyong sa atin lang, tingin ko kailangang aksyunan ito ng gobyerno. Naalala ko, nagkaroon na ng inquiry dito si Senator Joel Villanueva. Kailangan sagutin kasi iyong pinaka-mahirap sa lahat nag-i-speculate tayo. Kailangang aksyunan. Talaga bang… talaga bang gusto na natin maging sanctuary ng POGO? Kasi mayroong news article halimbawa na pinapalitan na ng mga POGO iyong mga call centers. Totoo ba iyon o hindi?

    So ang daming tanong na hindi natin alam iyong totoo. Sana… sana harapin para hindi tayo nalalagay sa confusion.

    REPORTER 1: Sabi po ng China, kung anuman iyong mga investment ng POGO industry, walang kinalaman iyong China doon kasi these are private Chinese firms. Iyon po iyong sinabi ni [Chinese] Ambassador Zhao [Jianhua] ng—

    VP LENI: Pero iyon nga, eh. Supposedly, very close iyong friendship saka relationship natin with China. So bakit… bakit hina-harbor natin iyong iligal sa kanila? ‘Di ba dapat kung very… very close iyong friendship natin, bago natin hayaan na dagsain tayo dito, pinag-usapan na ng representatives ng dalawang bansa? Bakit kung kailan sobrang dami na nila saka pag-uusapan pa lang. Parang iyon iyong mga nakakagulat.

    REPORTER 2: Ma’am, kung illegal siya sa China yet we are operating—ino-operate nila dito, dapat ba i-close na muna, Ma’am, iyong mga—or i-stop iyong POGO operators dito?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi hindi klaro, eh. Kaya nga sabi natin, sagutin muna iyong mga tanong, kasi hindi naman gustong sabihin na kapag iligal sa isang lugar, iligal din sa lahat. Hindi iyon iyong tanong. Pero ano iyong nature? Hindi nga natin alam kung ano iyong nature ng operations, hindi natin alam kung ano— Ang gusto kong sabihin, ngayon, lahat tayo ngayon nabubuhay sa ispekulasyon. Pero sana, i-klaro sa atin anong… ano ba iyong permits noong mga POGO na iyon? Nagbabayad ba iyon ng taxes? Hindi ba labag sa batas—sa sariling batas natin—iyong ginagawa nila? Hindi natin alam.

    REPORTER 3: Ma’am, when you say alarming, dapat bang magkaroon ng moratorium or mahinto muna in the meantime iyong paglago ng industriyang ito?

    VP LENI: Ako, iyong alarming sa akin iyong dagsa. Pero as far as the industry is concerned, hindi ko alam, eh. Kasi iyong nalalaman ko ngayon, lahat lang haka-haka. Kaya nga sinasabi ko, dapat klaruhin. Legitimate businesses ba ito as far as we are concerned? Gustong sabihin, may mga business permits ba sila dito sa Pilipinas to operate?

    REPORTER 1: From PAGCOR daw po.

    VP LENI: Sabi mayroong from PAGCOR. Pero hindi natin alam, eh. Hindi natin alam. So, para sa akin kailangang klaruhin ng pamahalaan ano ba iyong nature ng operation nila? Wala ba silang nilalabag dito? Tingin ko, iyon iyong first step, eh—klaruhin. Pero hanggang mayroong confusion, sana huwag munang payagan na pumasok nang pumasok iyong mga workers kung iyon iyong dahilan hanggang hindi pa natin naka-klaro from our end.

    OVP: Thank you, Madam Vice President.

    REPORTERS: Thank you, VP!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Aug 16, 2019