Partnership for Indigenous Peoples Annual Congress and Sustainability Fair 2019
Ateneo de Manila University, Quezon City
GMA NEWS ONLINE: Ma’am, pupunta po ba kayo sa Naga at sa iba pang lugar na tinamaan ng bagyo?
VP LENI: Pauwi ako, pero iyong team namin nandoon na ngayon. Nandoon na iyong team namin ngayon at pinapa-check namin kung anong mga areas iyong worst-hit. As of now, iyong report sa amin, iyong 1st District ng Albay iyong medyo na-grabe, saka iyong 2nd District ng Sorsogon. Hindi pa napupuntahan iyong mga isla, pero baka tomorrow or the following day makapunta sila. Pero sinu-survey lang muna namin ano iyong pangangailangan, ano iyong—alin iyong pinaka-grabe.
Iyong Camarines Sur, may mga areas na grabe din iyong devastation, pero iyong concentration talaga, iyong Albay, Sorsogon. At iyong pangangailangan—halimbawa sa Sorsogon, iyong pangangailangan ngayon, drinking water, ng ibang lugar. Pero karamihan talaga, iyong housing materials, kasi dahil sa lakas ng hagupit ng bagyo, marami talagang bahay iyong nasira.
Sa Camarines Sur, halos kaunti na lang iyong natira sa mga evacuation centers, so iyong pangangailangan sa pagkain—as far as Camarines Sur is concerned—bawas na, hindi na pareho noong dati. Pero halos buong region wala pang kuryente. Mayroon ding problema iyong ibang lugar sa tubig. So ano ito, iyong nandoon ngayon na team namin, bukas mag-o-augment kami; may paalis tonight kasi hindi talaga kinakaya sa lawak ng lugar. Pero sa weekend, nandoon ako. Hopefully dala na namin iyong mga pangangailangan by that time.
PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Ma’am, ano po iyong mga nakita niyong assistance as of now na puwedeng i-extend po ng OVP doon sa mga nasalanta?
VP LENI: Iyong number one talagang kinakailangan iyong housing materials, kasi dahil nga sa dami ng nagibaan ng bahay. So ngayon, kami kasi ino-augment namin iyong aming resources with resources from our partners, so ngayon ang iniipon talaga namin for housing materials saka iyong drinking water. Iyong drinking water, nandiyan na. Iyong housing materials, gusto namin bilhin doon na lang, so hopefully by tomorrow ma-purchase na iyon. Pero ngayon kasi— Ang kabutihan nitong bagyo, iyong mga LGUs sa Bicol, talagang nag-perform na… perform exceedingly well. Halos zero iyong casualties sa maraming probinsya. So iyong aasikasuhin lang talaga iyong damage to property. So iyon iyong tututukan natin. Pero hopefully by the weekend— Ngayon kasi nagki-clearing operations pa lahat, so papabuweluhin muna natin iyon, pero siguro by the weekend maka-start na tayo magbigay ng for housing materials.
MANILA BULLETIN: Ma’am, among the Angat Buhay partners, may mga pledges po tayo for donations?
VP LENI: Mayroon. Halimbawa iyong water, iyong Manila Water. Iyong Latter-Day Saints, parati natin iyong partner kapag, ano ito, kapag disasters. Marami na ding— Halimbawa Kaya Natin, nagfa-fund drive sila ngayon. Iyong mga kaklase ko from the UP School of Economics, nag-pledge sila for the housing materials. Same na nangyayari sa Angat Buhay: talagang marami iyong pledges from private partners.
PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Ma’am, siguro a message po sa mga kababayan nating mga Bicolano, especially at this time na medyo malakas po iyong naging effect, a few weeks before Christmas?
VP LENI: Iyong sa amin, iyong mga Bicolano, very resilient. Siguro dahil iyong history talaga namin, lalo noon, parati kaming dinadaanan ng bagyo. So iyong sa amin, second nature na talagang nakikipagsapalaran sa ganitong mga sakuna. Pero kahit pa ganoon kasanay o ganoong ka-resilient, iyong damage sa pang-araw-araw na pagbuhay, ang laki pa din, lalo na iyong mga farmers na nawalan ng mga… nawalan ng produce. So iyong sa akin, pakikiisa, pakikiisa sa lahat na nasalanta. Pagpapasalamat din—pagpapasalamat sa local government officials na nagpakita talaga ng leadership saka responsibility during the height of the preparations, during, saka after. Iyon talaga iyong dahilan kung bakit naibsan iyong napakaraming kaakibat na problema. Pero nagpapasalamat din sa lahat na private organizations na nagpaabot na ng pakikiisa, sa tulong.
Iyong sa akin lang po, hinihikayat lang natin iyong ating mga kababayan na mayroong means na magtulong: napakaraming nawalan ng bahay, kaya kung mayroon po sigurong gustong itulong, baka puwede housing materials, mga gamit, mga damit, iyong mga gamit sa bahay. Kasi iyon talaga iyong pinakamaraming nawala sa kanila.
REPORTERS: Thank you, Ma’am!
– 30 –