Turnover of greenhouses and farm inputs
Tigaon, Camarines Sur
ABS-CBN: About na lang po sa activity ngayon, ano po iyong tinurnover
VP LENI: Iyong ito, inauguration saka turnover ng greenhouses, turnover din ng iba pang tulong. Part ito ng programa namin for farmers, ang pangalan ng programa for Camarines Sur, Omasenso sa Kabuhayan. Tinutulungan nating ma-capacitate iyong mga farmers. Pero iyong kabutihan nito, kasi market-driven siya. Mayroon tayong partnership with business establishments—mga hotels, restaurants, hospitals, saka mga malls, mga groceries. Pumasok tayo sa isang kasunduan sa kanila, na mayroong mga agricultural produce na sa atin bibilhin, sa farmers natin bibilhin. So ito, iyong tinatanim nila, iyong in-identify na noong partners natin na kailangan nila. Karamihan kasi dito high-value crops. Ang kabutihan lang nito, kasi for the longest time, iyong mga business establishments, bumibili sa labas pa ng probinsya. Bumibili sila sa Baguio, sa Quezon. Ito, ginagawa natin parang self-sustaining na iyong market saka iyong demand. Nag-start tayo—Naka-one year na iyong programa. May mga munisipyo na kayang kaya na mag-supply. Iyong pinaka-lesson lang natin, talagang hindi nakukulang sa market. Kaya nahihirapan before iyong farmers magbenta kasi hindi pinagtatagpo iyong supply saka demand. Ngayon, dahil market-driven na siya, sila na iyong sumusuko sa dami ng demand. So iyong pinaka-challenge na sa atin ngayon, kung papaano humabol iyong supply. Ano naman, iyong first year natin very encouraging. Iyong income ng ating farmers ay very marked na iyong improvement. Hopefully next year dahil naibaba na iyong mga proyekto sa halos lahat na munisipyong kabahagi sa program, mas magiging maganda. Initially we started with nine towns dito sa Camarines Sur; ngayon 12 na, 12 na iyong kasali. Sana tuloy-tuloy na.
GMA NEWS: Ma’am, ano iyong Christmas message natin sa buong bansa?
VP LENI: Iyong sa atin, siguro sa mga Bicolano muna, dahil iyong ating mga kababayan tinatamaan pa lang noong bagyong Tisoy, at maraming mga lugar dito sa Bicol ang hindi pa nakakaraos. May mga bahagi pa ng Albay, may mga bahagi pa ng Sorsogon, saka Masbate na grabe pa. In fact, ang team namin ngayon, nasa Masbate, at bukas papunta ako sa Burias Island para tumulong. Pero iyong sa akin lang, tatag ng loob na kahit marami tayong unos na pinagdaanan, basta tayo ay nananalig at tayo ay nagtutulung-tulungan, walang imposible.
Para naman sa mga kababayan natin sa buong bansa, maraming sakuna na pinagdaanan iyong bansa natin nitong papalapit iyong Pasko: dumaan si Tisoy, nagkaroon ng matinding lindol sa Mindanao, at patuloy pang nag-a-aftershocks, at marami tayong mga kababayan na magiging malungkot iyong Pasko dahil sa trahedya. Nakikiusap lang tayo sa ating mga kababayan na sana makiisa: makiisa, tumulong, lalong lalo na sa Mindanao ngayon. Nangangailangan doon ng… initially tents saka drinking water iyong kailangan, pero ngayon, dahil ang dami nang… ang dami nang nasa evacuation centers, kailangan na din ng pagkain, kailangan ng toiletries. So sana kaunting sakripisyo doon sa iba para makiisa naman sa kabigatan ng ating mga kababayan. Sana magpaabot ng tulong. Kung mahihirapang magdiretso doon, puwede naman through our office, or puwedeng through some other organizations na mayroong relief operations doon. Ngayon iyong team namin nandoon na, nandoon na since two days ago, nagre-relief operations na. Pero iyong sa akin lang, iyong malungkot lang kasi kasi magpa-Pasko, magpa-Pasko tapos hindi normal iyong pagkakataon. So ano na lang, pakikiisa at pagtutulung-tulungan.
OVP: Thank you, Ma’am!
– 30 –