Visit to Fisherfolk Community and Turnover of Assistance
Mercedes, Camarines Norte
GMA NEWS: Ma’am, pasensya po sa abala. Ma’am, good morning, Ma’am. Statement lang po doon sa resolution ng PET, Ma’am.
VP LENI: Kami po natutuwa na nilabas na iyong resulta noong recount kasi ito naman iyong pinagtatalunan, ‘di ba? Iyong pinagtatalunan, pinapalabas na talo kami sa recount, pinapalabas ang kung ano-anong kasinungalingan. The fact na nilabas na ito ng PET, nilabas na ito ng Supreme Court, masaya kami na napakita ano ba talaga iyong nangyari.
During the recount, mayroong watchers si Marcos, mayroon kaming watchers, nandoon iyong mga opisyal ng PET para i-conduct iyong recount. Nakita natin na sa tatlong pilot provinces, tumaas pa iyong aking lamang sa kaniya. Hindi kami iyong nagpili ng tatlong pilot provinces; siya iyong nagpili. Under the rules ng PET, kapag mayroong ganitong mga protesta, kung ano iyong pinili niya, iyon ang susundin. Kapag hindi siya nagpakita ng recovery—substantial recovery—idi-dismiss na iyong protesta.
Kaya ngayon na nilabas na iyong resulta ng recount, inaasahan namin na very soon idi-dismiss na iyong protesta.
GMA NEWS: Ma’am, reaction lang po doon sa dissenting opinion po ni Justice Caguioa, Ma’am?
VP LENI: Doon, nag-a-agree kami sa dissenting opinion hindi lang ni Justice Caguioa pero ni Justice Carpio kasi parang sina-cite lang naman doon sa dissenting opinion na sariling rules ng PET—iyong Rule 65—ang nagsasabi na pagka-pili ng protestant ng tatlong provinces, gagawin iyong recount, dapat mapakitang may substantial recovery kasi kung walang substantial recovery, kailangang i-dismiss iyong petition. Iyong hinihingi ni Marcos na magdagdag ng tatlo pang lugar, labag iyon sa sariling rules ng PET.
So iyon iyong hinihingi natin ngayon: huwag magpapalit ng rules in the middle of the game.
GMA NEWS: Opo. Ma’am, sinabi po noong abogado ni Marcos na another fake victory raw po ito sa inyo.
VP LENI: Ang hindi ko naiintindihan kasi parang iyong pagsisinungaling, nakakahawa pala. Kasi pati iyong abogado nagsisinungaling na rin; kasi sila iyong nagpadala ng sarili nilang watchers. Mayroon silang resulta nitong recount. Even before ilabas ito ng Supreme Court, mayroon na silang resulta kasi mayroon na silang mga representatives doon sa recount at alam nila na lalo pang lumamang iyong boto ko.
Kaya nga humihingi sila ng tatlong additional provinces kasi kung sila iyong lumamang dito, hindi na sila nangangailangan na magdagdag pa ng areas. So para bahiran nila ng pagdududa iyong Supreme Court, kasalanan nila iyon. Parang ang pinapalabas nila ngayon, dahil talo sila sa recount, ginagawa pa nilang kaduda-duda iyong Presidential Electoral Tribunal when in fact, mayroon silang sariling watchers doon.
GMA NEWS: Okay po. Thank you very much po!
-30-