20 February 2017
Question: Angat buhay in schools – how does it help the laylayan?
VP Leni: Sobrang laking tulong kasi pinipili natin ang mga schools na may extension services gaya ng Xavier University Social Development Program nila ito yung nakakakilala ng mahihirap na barangay kasi itong ating recognition naman mas nakakakilala iyong mga taga dito. So malaking tulong sa opisina namin ang maghanap ng ganitong mga communities at tingin ko malaking tulong din sa school kasi may dala kami galing sa gobyerno na mga programa.
Question: So this is the second school?
VP Leni: This is the second school. Iyong first school University de Sta. Isabel sa Naga. Noong nakaraan lang two Saturdays ago na-link din with community extension services nila, mayroon din silang communities doon.
Dito din sa Xavier University tiningnan namin iyong mga communities na sineserve at i-nexplore na iyong mga puwedeng umpisahan.
Question: Local issue po tayo reaction sa casino na gusto nilang ipatayo dito?
VP Leni: Siyempre ang mag-dedetermine niyan iyong city council so parati siyang balancing act kung ang papasok na revenues commensurate sa mga mawawala kasi definitely may mawawala.
Iyong values na matagal nang tinayuan. Hindi ako taga-rito so wala akong boses to decide pero sa Naga kasi nangyari na ito may gusto ring pumasok na casino pero dahil malakas ang boses ng tao na ayaw nila, until now di talaga siya pinayagangn makapasok.
Iyong determination na iyon tingin ko hindi lang nakabase sa city council. Tingin ko malaking bagay doon iyong boses ng mga taga dito sa Cagayan de Oro kasi kung malakas ang boses ng ayaw hindi papayagan pero kung malakas ang payag, baka payagan ng city council.
Question: Reaction ninyo po sa sinasabi ng DOJ na may lalabas na warrant kay Sec. De Lima?
VP Leni: Nakakabahala kasi lumalabas na parang political persecution siya. Kung ganito kasi para na natin isinisantabi ang rule of law.
Ang sa atin naman kung nagkasala, imbestigahan pero siguruhin na ang tamang proseso pagdaanan. Pero kung wala pang kaso may judgement na, ano iyong assurance natin na she will be afforded the due process of law.
Baka magkaroon ito ng chilling effect sa mga taong di sang-ayon sa polisiya ng gobyerno. Sana kung mayroong accusations laban sa kanya, iyong due process i-afford sa kanya.
Question: Reaction on BBM saying “Robredo afraid of the truth”
VP Leni: Iyong sa atin parang nakakatawa na galing iyan sa kanya kasi ilang taon na tayong naghintay. 31 years after EDSA iyong pagkakasala nila sa bayan natin hindi pa nila hinaharap. For him to say na tayo ang takot sa katotohanan parang baliktad ata.