This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Introduction and Endorsement of Vice President Leni Robredo by Councilor Bernadeth Olivares of San Pedro, Rep. Danilo Fernandez of the 1st District of Laguna, and Rep. Sol Aragones

    Introduction and Endorsement of Vice President Leni Robredo
    by Councilor Bernadeth Olivares of San Pedro, Rep. Danilo Fernandez of the 1st District of Laguna, and Rep. Sol Aragones of the 3rd District of Laguna
    at Tanglaw: Laguna People’s Rally, Nuvali Open Field, Santa Rosa City, Laguna

    [START]

    BERNADETH OLIVARES: Magandang gabi Laguna! Una po sa lahat, nais naming magpasalamat sa lahat ng mga volunteers na nandito mula pa kaninang umaga. Sa lahat ng mga volunteers na nagsakripisyo para maging successful ang Laguna grand rally.

    Kahapon po, sobrang lakas ng ulan. Hindi ho namin in-expect na titigil ngayong umaga dahil kung hindi, putik na putik po ang ating venue. Ngayon ko lang napatunayan, ma'am, pati si Lord kakampink natin! [crowd cheers] Gusto ko lang hong sabihin sa inyo, ang ating susunod na presidente ni minsan hindi pinabayaan ang probinsya ng Laguna. Kaya ngayong panahon, kami naman ma'am ang titindig, kami naman po ang makikipaglaban para sayo. Kasama mo po kaming mga Lagunense. [crowd chants]

    Sa lahat ng aking mga ka-probinsya, ito na ang tamang panahon. Lahat tayo ay uhaw sa pag-asa at tayong lahat din ay magsasama-sama para ipanalo ang ating susunod na presidente. Kaya mga ka-Laguna, tara na, ipanalo na natin ito!

    HOST: At ngayon naman po, let us all welcome the honorable congressman, Dan Fernandez!

    DANILO FERNANDEZ: Nakikita niyo ba ang nakikita ko? Ayun oh! Sa ilalim ng mga madidilim na ulap ay nakikita natin ang nagliliwanag na bituin! Ang bituin na 'yan na nagliliwanag, bababa dito sa lupa para tanglawan ang ating kadiliman upang ako, ikaw, tayong lahat ay magkaroon ng isang magandang kinabukasan. Pero, sino ang magdadala ng ilaw? Sino ang maghahawak ng tanglaw ng liwanag? Sino ang tatanglaw sa atin sa isang garantisado, tiyak na madilim na hinaharap? Madilim ang ating hinaharap sapagkat samu't samu't saring problema ang kakaharapin ng susunod na presidente ng Pilipinas.

    Walang trabaho, kahirapan, gutom, korapsyon, pandemya, lahat 'yan ay haharapin ng susunod na presidente. Ito ang tanong ko sa bawat isa sa inyo, sino ang ilaw ng tahanan? Si nanay o si tatay? Sino ang unang nagpa-suso sa iyo, sa akin, at sa ating lahat? Si nanay o si tatay? Sino ang unang nagre-resolba ng problema sa tahanan, si nanay o si tatay? Kung ganoon, ang susunod na presidente ng Republika ng Pilipinas, babae o lalaki? Okay sana mga kapatid, alam niyo napakasarap ng inyong sigawan. Kung ngayon lang gagawin ang eleksyon dito sa Sta. Rosa, ngayong gagawin ang ating halalan, garantisado ang ating kandidato, panalo.

    Pero ito ang sasabihin ko sa inyo: ito ang katotohanan ng ating laban sa pagkakataong ito, tayo ay naghahabol, tayo ay kailangang tumulak pa, bitin pa, laban pa, hanapin pa natin ang mga nasa laylayan ng ating lipunan sapagkat sila ang tunay na minahal ng ating kandidato na si Leni Robredo, di ba?

    Ang mga nasa laylayan ng lupa– medic daw! Dito sa kaliwa! Puntahan ng medic sapagkat meron tayong isang kapatid– ano, hinimatay ba? Meron daw chest pain. Medic dito mga kasama.

    So, mga kasama wa-walong araw na lamang. Malalaki ang rally natin, marami tayong volunteers. Pero ang kulang pa natin, tulak. Kayod pa, punta pa sa mga laylayan. Sapagkat ang tsinelas leadership ni Vice President Leni Robredo ang kinakalinga ay ‘yung mga nasa laylayan ng lipunan. Madam President, kung saka-sakali na kayo po ang magiging pangulo ng bansang Pilipinas, nais po namin sana na tulungan po ninyo ang mga nasa laylayan na ng lupa na tinatawag po natin, ‘yung mga maliliit nating mangingisda, ‘yung ating pong mga magsasaka, ‘yung ating mga impormal workers, Madam. Sana po kapag kayo ang naging presidente, buhayin po natin ang lawa ng Laguna sapagkat ‘yan ay bahagi ng kasaysayan naming mga taga-Laguna at ‘yan ay bahagi ng kasaysayan ng buhay ng ating bayaning si Dr. Gat Jose Rizal.

    Kanina po ay nakasama ng ating mahal na Vice President ‘yung ating mga alamat ng lalawigan ng Laguna. Sila ang mga umukit ng ating Laguna kaya tayo po ay nasa ganitong sitwasyon. Palakpakan po natin ang ating dating former governor, Joey Lina. Kasama po natin diyan si Mayor Calix Cataquiz, si Mayor Viteng Amante, si Mayor Rolen Urriquia, at si Madam Baby Cataquiz. Sila po ang ating mga tinatawag na haligi ng lalawigan ng Laguna na tutulong sa ating pong mahal na Bise Presidente upang makamit ang tagumpay na hinahangad ng bawat isa sa atin.

    Madam Vice President, I will make a bold prediction. Pakinggan niyo ito, pakinggan niyo ito. What has been will be again. What has been done will be done again. Nothing changed under the sun. Kung noong 2016, Vice President election, dikit ang laban, ngayong 2022, Presidential election, dikit ang laban. Kung noong 2016, Vice Presidential election, ang Leni Robredo lamang sa eleksyon, sa 2022 Presidential election, ang Leni Robredo lamang sa 2022. What has been will be again. What has been done will be done again. Nothing changed under the sun. Alam niyo mga kasama, kung babae ang nanalo noong 2016, sa Vice Presidential election, sa 2022 Presidential election, ang mananalo ay isang? [crowd cheers: “Babae!”]

    Mga kasama, kanina po– ito magtatapos po ako. Pakikila na po natin ang ating mahal na magiging pangulo. Pero, kaninang nagmi-meeting po kami ng mga sumusuporta sa atin pong mahal na Vice President– mula San Pedro na may 230,000 botante, mula sa Biñan na may 220,000 na botante, mula sa Sta. Rosa na may 230,000 botante, sa Cabuyao kasama namin si Mel Gecolea, meron 200,000 na botante, sa Calamba, kasama namin si Binoy Lajara, merong 350,000 botante, sa San Pablo kasama natin si Viteng Amante, merong 200,000 boto.

    Mga kapatid, merong humabol. Merong isa, na naghahangad din na suportahan ang kanyang kaibigan. Nagkasama sila sa Kongreso sa mahabang panahon, minahal niya ang isang Leni Robredo at hindi siya makakapayag sa pagkakataong ito na hindi makasama ang kanyang kaibigan. Ating pong palakpakan, ang kandidato bilang gobernador ng lalawigan ng Laguna, walang iba, Congresswoman Sol Aragones.

    HOST: Ang susunod na presidente ng Republika ng Pilipinas, Leni Robredo.

    SOL ARAGONES: Magandang gabi po sa inyong lahat. Magandang gabi, Laguna. Nandito po ako para sa aking kaibigan, President Leni Robredo. Palakpakan po natin. Medyo emosyonal yata ako ngayon. President Leni, sis kung tawagin ko. Halos pareho ang kuwento ng ating buhay. Halos pareho ang ating pinagdaanan. Marami tayong hirap na pinagdaanan pero mas pinili po namin ang maging matapang at lumaban para sa bayan.

    Sis, mahaba na ang ating pinagsamahan. Malalim na ang ating pagkakaibigan. At sa pinakamahirap na punto ng ating buhay at ng ating laban, gusto kong malaman mo, gusto ko pong malaman ninyo, nandito ang iyong kaibigan, hindi kita pababayaan. Ang aking dasal– maraming salamat po. Ang aking dasal sa bawat gabi, sana sabay nating matawid ang laban na ito. Sana sa Mayo a-nuwebe, sabay nating pagtagumpayan ang laban nating ito. At sana, Pilipinas, Laguna, sa Mayo a-nuwebe, sana babae naman, President Leni Robredo. Maraming maraming salamat po. Maraming salamat.

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Apr 29, 2022