This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Introduction and Message of Vice President Leni Robredo during her Visit to Taal Basilica

    Introduction and Message of Vice President Leni Robredo
    during her Visit to Taal Basilica
    Taal Basilica, Taal, Batangas


    FR. DAKILA RAMOS: Handa na. Wag namang magkaka-revolt. Alam niyo naman tayong mga Batangueño, maubusan na ng yaman wag lang ang yabang. Kaya ire na sa ating harapan ang lagi nating hinihintay at ipinagdadasal, ang babaeng matapang pa kaysa kapeng barako. Ang babaeng hindi umuurong, harangan man ng balisong. Ang babaeng walang pahinga pagkat pinaglalaban ka kahit ika'y [inaudible], ika'y iaangat pagkat siya'y laging tapat.

    Ay kita mo ga, sa dami ng kaniyang pag-ibig sa atin, laging inam na inam at awas na awas pa. Are na ang ating pinakahihintay. Diyos ko, ikaw na po ang bahala sa kaniya. Ipananalo na natin ito. Ipagdasal natin ito. [inaudible] niyo mga Batangueño, mga paring barako ng Batangas para kay Leni, ang ating susunod na Presidente ng Pilipinas, Presidente Leni Robredo.

    VP LENI: Magandang hapon po sa inyong lahat. Bago po ako magpatuloy, ang akin lang pong pagbigay galang sa mga kaparian na kasama po natin ngayong hapon, sa pangunguna po ng ating parish priest, si Reverend Father Dado, sa ating parochial vicar, puwede nang maging pangulo, Father Daks, napakahusay ng [inaudible]. Father Daks, saka po 'yung head ng Parable, Father Jojo.

    Sa lahat pong mga kaparian na kasama natin ngayong hapon, si Ms. Elizabeth Quinto, 'yung pangulo ng ating Council of the Laity, 'yung iba pong mga grupo na andito ngayong hapon, 'yung mga tumulong po sa atin para maisakatuparan 'yung ating pagtitipon. Special mention po kay Mr. Oscar Manalo, ang ating municipal volunteer leader of Taal saka first district coordinator.

    Kasama din po natin si Engineer Ric Casabuena, si Mr. Michael Villano, Dr. Larry de Leon, Atty. Girlie Noche, 'yung iba't iba pang mga grupo, hindi ko na po kayo mauubos isa-isahin pero please know na we are very grateful, we value your support. Wala po kami dito sa harapan ninyo kung wala kayo.

    Pero tama po 'yung sabi ni Senator Kiko, noong inaya ko po siya na tumakbo kasama ko bilang Vice President, ang sinabi ko po sa kaniya, coming from my six years of a very difficult vice presidency, sinabi ko po sa kaniya, this is something we have to do, pero maghanda na tayo na magiging malungkot ang kampanya. Dahil nakita ko po, naramdaman ko sa anim na taon na ako ay Pangalawang Pangulo, lahat yata na klase ng kahirapan ay pinagdaanan ko.

    Ang pinakamatindi po lahat dahil 'yung propaganda saka disinformation, talagang siya 'yung nag-shape sa mga paniniwala ng maraming mga tao. Akala ko po 'yung buong kampanya ganoon pa din– magpapatuloy na parang pakiramdam ko, kakaunti lang tayong tumatayo.

    Noong tinanggap ko po 'yung hamon, noong nag-announce po kami ni Senator Kiko noong October 7, sinabi ko po sa mga tao na tumindig ka at may titindig din sa tabi mo. Hindi ako siguradong mangyayari 'yun, at talagang nakaasa lang kami na dahil hindi naman namin ito ginusto at pinlano, talagang sadyang may plano 'yung Poong Maykapal.

    Pinakita po over the course of– ilang months ba from October to now na nagkakampanya tayo? Pinakita na 'yung paggagabay, 'yung pagsasama ng tao sa laban natin, parang 'yun po 'yung pinakamalaking assurance na tama naman 'yung desisyon naming lumaban.

    Kasi noong nagdedesisyon pa lang po kami, araw araw tinatanong namin 'yung sarili namin kung tama ba na lumaban kami na alam namin napakahirap ng daan. Noong ako po nag file ng aking candidacy as– for President, parang 'yung Vice Presidency din, noong tumakbo po ako for Vice President, napakalakas lang ng loob ko, 1% lang po ako sa surveys at pang anim ako sa anim na kandidato pero nanalo tayo.

    'Yun po 'yung– 'yun po yata 'yung pinakamahalagang aral sa akin, na pag lumalaban ka sa tama talagang dumadating na lang ang grasya ng Panginoon.

    Ngayon po noong tumakbo ako, noong nag desisyon po ako, 'yung numero po from 3% to 7% lang, pang anim yata ako o pang pito sa surveys pero ngayon ay nagpapangalawa na tayo at mukhang ang imposible ay magiging posible dahil po sa pagdesisyon ng maraming tao na lumaban para sa bayan natin.

    Ako po, alam namin ni Senator Kiko na nandito kayo lahat hindi para sa aming dalawa. Pero nandito kayong lahat dahil pareho namin, naniniwala kayo na ano man 'yung hirap, ano man 'yung pagod, ano man 'yung sama ng loob, kailangang sumigi lang ng sumigi tayo para ipaglaban natin 'yung ating bayan. Para po sa kinabukasan ito ng ating mga anak at mga apo.

    Ngayon po eight [campaign days] days na lang. Pareho po kami ni Senator Kiko na bago kami matulog sa gabi, pagod na pagod galing sa rally. Kagabi po nag biyahe ako galing Sta. Rosa Laguna papuntang Nasugbu, sa Nasugbu na po ako nag overnight.

    Pero bago ako matulog parati kong iniisip, nagawa ko na ba 'yung lahat. Dahil at the end of the day, 'yun naman 'yun. Na tama 'yung intensyon mo, na lumaban ka ng tama, ginawa mo 'yung lahat, sinipagan mo hanggang madapa ka na sa pagod. Nasa Poong Maykapal na 'yung lahat na pagdedesisyon.

    Pero ito po may walong [campaign days] araw pa tayo, at 'yung walong [campaign days] araw binibigyan pa tayo ng pagkakataon na 'yung hindi pa natin nagagawa, gawin natin. 'Yung hindi pa natin nakakausap, kausapin natin.

    At lagi ko pong inuulit ulit na pakiusap sa lahat, 'yung radikal na pagmamahal. Na iba man ang paniniwala ng ating mga kababayan, dapat ay respetuhin natin. Iba man ang paniniwala nila dapat buksan pa din 'yung puso natin sa kanila. Dahil pagkatapos ng eleksyon magkakapatid pa din tayo. Pagkatapos ng eleksyon, tayo din 'yung magsasama sama.

    Ito pong eleksyon na ito, paminsan ito 'yung dahilan ng maraming hidwaan. Pero pag binuksan natin 'yung mga puso natin ngayon at pilit– pilit na intindihin, pilit na mahalin kahit iba 'yung paniniwala, ito 'yung magbibigay ng totoong pagkakaisa sa ating bayan.

    Ang pagkakaisa po hindi pagkakaisa ng mga politiko. Pero ang pagkakaisa, pagkakaisa ng taumbayan na nagdedesisyon na kahit iba iba 'yung pinanggalingan natin, lahat tayo lalaban para sa ating bayan.

    Kaya po, maraming salamat. Maraming salamat po sa mga kaparian natin. Alam po namin na hindi ito madali para sa inyo. Dahil 'yung pag e-express niyo po ng public support, binubuksan niyo 'yung sarili ninyo sa klase ng bashing na natanggap ko over the last six years. Para po sa akin, hindi niyo 'yun dine-deserve.

    Pero gaya po ng sabi ni Father Jojo kanina, si Father Jojo saka si Father Daks, gaya po ng sinabi niyo kanina, ginagawa niyo ito dahil alam niyo na responsibilidad nating lahat na lumaban para sa ating bayan. Kaya maraming maraming salamat po.

    Hindi man po tumayo sa atin 'yung mga politiko, 'yung mga kaparian magbibigay sa atin ng lakas ng loob na lumaban ng lumaban. Dahil alam natin na pag wala tayo sa tama, hindi naman sila tatayo para sa atin. Kaya maraming salamat. Sa inyo pong lahat, mabuhay po kayong lahat.

    Iniimbitahan po namin kayo sa Bauan mamayang gabi kung meron po kayong oras. Ngayon po ay marami pa kaming lakad na pupuntahan– pang-apat na namin itong lakad? Pang apat na. Galing na po kami sa Nasugbu, galing na kami sa Tuy, galing na kami sa Lemery, ngayon po nasa Taal kami. May mga meetings pa po ako na dadaanan, si Senator Kiko din. Papunta pa po ako sa Sta. Teresita. Papunta pa po ako ng Lipa, papunta pa ako ng Batangas City, pero mamayang gabi magkikita kita tayo sa Bauan.

    Maraming salamat po. Mabuhay po kayong lahat.

    [END]

    Posted in Transcripts on Apr 30, 2022