This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Kris Aquino and Angel Locsin at Puso Tarlac Grand People’s Rally

    Kris Aquino and Angel Locsin at Puso Tarlac Grand People’s Rally
    Riverview Ninoy Aquino Blvd., Brgy. Cut-Cut 1, Tarlac City, Tarlac


    KRIS AQUINO: Hello! Hi! Kuya, Bimby Hello! Hi! Bababa ako para mas makita niyo ako pero huwag daw sa gilid dahil may tubig. Kasama ko po si Kuya Josh at si Bimb. [Cheering] I think alam niyo namang lahat po na may pinagdadaanan ang kalusugan. Gusto ko pong magpasalamat sa inyong lahat, kailangan nandito 'yung dalawa dahil kailangan nila akong alalayan.

    Ah, okay dito kami daw. Sige so para dito muna tayo kasi kasama ko naman 'yung dalawa. So- ah wag daw ako diyan si pareng Ogie said dito lang ako. I love you! [Crowd cheering] Forgive me kung medyo mae-emotional ako, alam niyo po 'yung tatlong kapatid ko nandito. Dumating kami–

    BIMBY AQUINO YAP: Its starts to rain

    KRIS AQUINO: It's re– okay wait sandali si Ate, si Pinky at si Viel– okay– [Crowd cheering: Laban Kris!] Thank you, okay pwedeng magpatuloy po kasi 'yung mga doctor na kasama ko sinabi sa akin I only have thirty minutes at hahatakin nila ako.

    So okay ganito po 'yun. Number one, nine months ago lang po kung tutuusin nung biglang namatay si Noy, pero nalaman ko kahapon na– ayoko, hindi ako pang senado. Okay sandali– pwede magpatuloy ako, okay ganito 'yun. I only found out yesterday na sa Tarlac pala ang rally ni VP Leni, so sabi ko I'm going and nobody can stop me.

    Ganoon po okay kung alam niyo lang 'yung nerbiyos na binigay ko sa lahat pero I said for my dad, the Filipino is worth dying for, para po sa akin ang umapak dito sa Tarlac is worth all the risk dahil kailangan ko pong magpasalamat. Hindi niyo kami iniwan, hindi niyo kami pinabayaan. Well at least kayo except for you know who. [Crowd cheering] Pasensiya na– thank you– sinabi sa– sorry po ah. Sorry sinabihan akong huwag makipagaway pero nabubwisit po talaga ako. I'm sorry na hindi ako 'yung mabait na Aquino. Ako lang po ang ganito sa pamilya na sasabihin ang totoo dahil nakakabuwisit talaga 'yung walang utang na loob.

    Okay pero deadma na, deadma na doon. Let's focus sa importante, di ba, why am I here? Nandito ako dahil mahal na mahal ko ang pamilya ko. Kung hindi dahil sa Tarlac, walang Benigno S. Aquino Jr., that would be my dad na pinanganak sa Concepcion, nag-mayor, nag-vice governor, nag-governor at nag-senador. Dito mismo sa second district, dito po si Noy nagsimula. Binoto niyo siya noong 1998, pinagkatiwalaan niyo siya. Wala nang lumaban noong 2001 at noong 2004. Noong 2010 binigyan niyo siya ng 76 percent of the votes. Ako po marunong tumanaw ng utang na loob, and ito po, deadma na sa kanya, carebears! Okay ito– sorry nagloloosen 'yung mask natatakot na sila.

    Didiretso po ako, ako po 'yung unang nag-endorse kay VP Leni noong 2016. Why did I do it? Kasi may utang na loob ako kay Mayor Jess na naging Secretary Jesse. Inalagaan niya ako noong kampanya ni Noy. Medyo naging love-hate ang relationship namin dahil minsan sa isang araw 22 'yung stops na nilalagay niya sa schedule ko, pero ang importante nanalo. So noong namatay siya talagang it also broke my heart and when I met– noong tatakbo na si Cong. Leni, pumunta talaga ako sa Naga at kinampanya ko siya to be Congresswoman.

    Naniniwala kasi ako na kung sino 'yung sinuportahan mo mula sa umpisa hanggang sa dulo dapat nandoon ka. Actually, alam niyo po kung bakit ko talaga siya gusto? Kasi I judge a person based on the fact na nanay ako, nanay siya, ang ganda ng pagpapalaki sa mga anak niya. Lahat masisipag, 'yung tatlong daughters lahat sila magalang, madasalin, meron po siyang magiging doctor, merong isa na naka-scholarship sa New York, 'yung oldest po nag-masters pa sa Harvard hindi peke! [Crowd cheering] Pasensiya na po strict si Bimb, pinapalitan po 'yung mask. [Crowd Cheering] talk to them.

    BIMBY AQUINO YAP: Wow ang daming tao pala dito! [Crowd Cheering] Thank you po for coming and supporting Ma'am Leni po, Maraming Salamat po!

    KRIS AQUINO: Kuya you just say I love you to Tarlac.

    JOSH AQUINO: I love you Tarlac [inaudible 10:16] [Crowd cheering]

    KRIS AQUINO: What did you say? Pasensya na kasi po si kuya– kasi paalis lang po kami talaga dahil kailangan kong magpa-medical treatment at kumonsulta sa mga eksperto pero halos one year and a half sa Alto po siya nakatira and I want to say– [crowd cheering] Thank you. Trying. [people chanting, “Laban Kris!”] Of course para sa inyo, para sa kanilang dalawa at para doon sa mga excited na mamatay ako, siyempre lalaban. Alam niyo po, hindi pwedeng pumunta ako na wala rin akong surpresa sa inyo. Tatawagin ko na ‘yung tinuturing kong parang kapatid ko na dahil aalis ako, siya– Come here. Ang totoong anghel, Angel Locsin-Arce! [crowd cheering] Hi Gel!

    ANGEL LOCSIN: Magandang gabi, Tarlac! Ate maaari ba akong magsalita at bumati sa inyong hometown?

    KRIS AQUINO: Of course!

    ANGEL LOCSIN: Sa totoo lang po, nais ko pong sumabay sa inyo diyan sa crowd. Sama-sama tayong makikinig

    KRIS AQUINO: Gel, manipis daw yan baka malaglag ka.

    ANGEL LOCSIN: Pinagalitan ako ng ate ko.

    KRIS AQUINO: Dito lang daw tayo.

    ANGEL LOCSIN: Gusto kong pasalamatan lang of course si ate Kris for inviting me dahil mas nais ko nga po sumama sa inyo sa crowd pero sabi ni ate, magbigay-pugay daw po ako sa inyo na lumabas dito kahit umuulan, umaatang! Rain or shine, walang excuse lumalabas! Kasi ‘yan naman ang gusto natin sa isang tao hindi po ba? Kapag hahanap ka ng kaibigan o karelasyon, kailangan laging nandiya-diyan ‘pag kailangan mo, hindi kapag tuwing eleksyon lang.

    KRIS AQUINO: Gel, pinatatamaan mo yata ako diyan. Aray. Ouch!

    ANGEL LOCSIN: Palagi kang lumalabas tuwing may sakuna kagaya ni VP Leni.

    KRIS AQUINO: Hindi, sinabi mo yung may karelasyon.

    ANGEL LOCSIN: Nandito ba siya? Hindi naman yata siya nandito..

    KRIS AQUINO: Hindi. ‘Di ba yung isa nasa Uniteam?! Yung ex? Oh, huwag niyong iboto yun ha. Sayang ang boto dahil hindi marunong tumupad sa mga ipinangako. Deadma please. Okay, wait lang. Gel, tapusin mo yung salita mo.

    ANGEL LOCSIN: Eh ate pinapagalitan mo ako diyan eh.

    KRIS AQUINO: Hindi, kasi nagbanggit ka pa kasi ng karelasyon eh. Baka may masabi pa akong masama tungkol doon sa isa pa.

    ANGEL LOCSIN: Pero sasabihin ko lang po tutal andito na rin lang po. Bihira lang po akong aakyat sa stage kasi hindi naman po ako talaga sanay umakyat sa stage kahit artista ako, mas gusto ko po kasama ko po kayo sa crowd. Kaya po ako lumabas dito dahil naniniwala po talaga ako kay VP Leni. Si VP Leni, kahit ano na pong ibato niyo sa kanya, sabihin na natin lahat ng intriga, lahat ng fake news, pero walang makakadeny sa lahat ng bagyo, sakuna, pandemya, hindi nila tayo pinabayaan. At ganyan ang kailangan natin. Yung taong nandidiyan para sa atin, hindi yung tuwing kailangan lang nila tayo. Tama po ba?

    Ayan po. O sige, ate Kris.

    KRIS AQUINO: Ewan ko sayo. Kung anuano na ang sinabi mo. Okay, hindi, ito lang masasabi ko po. Ako kasi, dahil nga paalis sinabi ko, “Gel, favor. Nakakahiya, hindi talaga ako makakaikot. Please, pwede bang ikaw ang magrepresent sa akin?” Walang– hindi man pinag-isipan sinabi niya, "Of course, ate. Ako ang gagawa para sa 'yo."

    Alam niyo po, the reason na ang puso ko nakay VP Leni, simpleng simple. Kasi po– I will reveal a secret because alam niyo naman ako madaldal. Nung namatay po si Noy, may sulat akong nabasa na inaddress niya kay VP Leni. Hindi po napadala ito. I will not reveal kung ano ‘yung ibang laman nun dahil confidential na ‘yun. Pero mayroong isang paragraph na talagang tumama sa puso ko. Sinabi po ni Noy, “Sa lahat–” meaning parang sinasabi niya sa lahat ng kapartido, “–sa iyo ko nakikita na iisa ang pananaw, iisa ang vision, iisa–” because English po ‘yung sulat eh, so tinatry kong maging mas madaling maintindihan na sa iyo– in other words sinabi ni Noy na “Sa iyo ko nakikita yung sincerity at yung ability na unahin ang mga tao bago sarili.”

    And alam niyo po, nung nabasa ko yun, sinabi ko sa sarili ko, "You have to fight for her dahil sa kanya bilib si Noy."

    And totoo naman eh. Marami silang qualities na pareho. Number 1, kahit na kung ano-ano na ang binabato, hindi pumapatol. Number 2, hindi papicture nang papicture lang. Number 3, na pinaka importante, sigurado ako na kagaya ni Noy, matuwid na daan dahil hindi nanakawin ang pera ninyo dahil nakita ko po kung gaano kasimple siya.

    Naramdaman ko po ‘yun na kung saan sila nakatira noong nag-interview ako sa kanya para po maging vice president, hindi siya umalis doon, and nakita ko po talaga na ang mga damit niya simple. Naramdaman ko na gusto niyang magtipid– [Angel interrupts] Ah? Okay. And kitang kita ko po talaga na ang puso niya totoong may malasakit sa inyong lahat. And may respeto siya sa batas, ipaglalaban niya ang demokrasya.

    Nakikiusap po ako– Huwag tayong pumayag na mawala itong muli. Ipaglaban po natin ang ating karapatan na never nang bumalik ang diktadurya. And nandito po, it is my pleasure and my honor, dahil nandito ako sa Tarlac, nirequest ko na ako ang gagawa nito–

    Our future president, because the last man standing will be a woman: Leni Robredo!

    [End]

     

    Posted in Transcripts on Mar 23, 2022