This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Leni: “Lugi sa akin ang mga trolls”

    Leni: “Lugi sa akin ang mga trolls”

    [Filipino Version]

    Hindi mananalo mga trolls kay Vice President Leni Robredo, kandidato sa pagka-Pangulo, dahil hindi niya kailanman pinansin ang mga ito.

    “Ang parati nga sagot ko, lugi sa akin ang mga trolls kasi hindi ako naaapektuhan,” sabi ni Robredo sa isang interbyu sa media sa Camarines Norte.

    Hiningan siya ng reaksyon sa pagdagsa ng black propaganda laban sa kanya matapos siyang maghayag ng pagtakbo bilang president. Kinuwento ni Robredo na tinanong siya ng mga paring nakasama niya sa Bicol kung paano siya naapektuhan ng mga fake news.

    Sinabi ng Bise Presidente na walang humpay ang fake news na ibinabato sa kanya sa nakaraang lima’t kalahating taon, pero di niya ito pinapansin.

    “Iyong sa akin, iyong tutok ko iyong trabaho… given na maliit iyong mandato namin, maliit iyong aming resources, papaano ba kami makakatulong? Kasi kung papansinin ko iyong lahat na paninira sa akin na wala namang katuturan, nagsasayang lang ako ng oras at emosyon,” sabi ni Robredo.

    Si Robredo at ang kanyang katambal sa eleksyon na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan ay nangangakong ibalik ang matino at mahusay na pamamahala na inuuna ang kapakanan ng tao at maghihilom sa halos anim na taon ng poot at di-pagkakaisa ng bansa.

    Kasama ang partisipasyon ng taumbayan sa maayos na pamamahala

    Sinabi ni Robredo sa media sa Camarines Norte na kasama ng maayos na pamamahala ang direktang partisipasyon ng taumbayan para sa kanilang mga sektor, pamayanan, at probinsya. Mahalaga na bigyan sila ng boses at pakinggan ang tinig nila, aniya.

    “Ang paniniwala ko sa matagal na panahon, ang pinakamainam na solusyon, manggagaling sa sektor na apektado,” she said.

    Ayon kay Robredo, ito ang dahilan kung bakit isinulong niya ang Bottom Up Budgeting (BuB) simula nung siya ang kinatawan ng Camarines Sur, nang ihain niya ang panukalang Participatory Budget Process Act of 2014 (HB 3905), hanggang ngayon bilang Bise Presidente.

    “Para sa atin, ang pagkakapantay pantay ng pagbibigay ng karapatan, dapat kung ano ang pwede sa pinakamataas yun din ang pwede sa pinakamababa,” sabi ng Bise Presidente.

    Isinulong ni DILG Secretary Jesse Robredo, ang yumaong asawa ng Bise Presidente, ang direktang partisipasyon ng taumbayan sa pamamahala noong panahon niya bilang mayor ng Naga City, na nagdulot ng pag-unlad at paglago ng lungsod.

    Ginawad kay Sec. Robredo ang Ramon Magsaysay Awards, ang pinakamataas na parangal sa Asya, noong taong 2000 dahil dito. Sa pagbigay-pugay ng Awards sa kanyang pagsisikap, sinabi nito na ang ginawa ni Mayor Jesse Robredo sa Naga City ay halimabawa ng demokrasya dahil binigyan niya ng kapangyarihan ang mga ordinaryong mamamayan sa pamamalakad ng isang siyudad. (end)

    Posted in Press Releases on Oct 31, 2021