This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Libo-libong pasyente ng COVID-19, nakatanggap ng libreng konsultasyon, care packages mula sa Bayanihan E-Konsulta ni VP Leni

    Libo-libong pasyente ng COVID-19, nakatanggap ng libreng konsultasyon, care packages mula sa Bayanihan E-Konsulta ni VP Leni

    Binahagi ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo na 10,142 na COVID-19 care kits ang naipamahagi sa mga nangangailangan mula nang nilunsad ng Office of the Vice President (OVP) ang Bayanihan E-Konsulta nuong Abril ng nakaraang taon.

    Sa isang Facebook Live nuong Martes, ika-11 ng Enero, sinabi ni Robredo na karamihan ng mga COVID-19 care kits na ito ay naipadala nuong mga nakaraang araw kasunod ng biglaang pagtaas ng kaso ng coronavirus dahil sa nakakahawang Omicron variant.

    Kalakip sa Bayanihan E-Konsulta COVID-19 care kit ay ang thermometer, oximeter, mga gamot tulad ng paracetamol, oral solution, vitamins C at D3, carbocisteine, at oral antiseptic. Kasama rin ang isang box ng face masks, alcohol, garbage bags, at disinfectant. Mayroong din monitoring sheet kung saan isusulat ng pasyente ang kanyang temperature, oxygen saturation, at mga sintomas.

    Mayroon ding libreng molnupiravir, isang gamot para sa COVID-19, basta’t ito ay nireseta ng mga volunteer doctors ng programa.
    Ayon kay Robredo, nais pa ng Bayanihan E-Konsulta na makaabot pa ng mas maraming indibidwal, kaya lamang, kulang din ng resources ang OVP.
    Sa kasalukuyan, nasa 400 na sign up araw-araw ang kayang serbisyuhan ng Bayanihan E-Konsulta at ito ay para sa mga nasa NCR plus bubble, kasama ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.
    Ayon kay Robredo, napupuno ang 400 na sign up sa loob lamang ng ilang minuto mula nuong isang linggo na tumaas ang mga kaso ng COVID-19. Humingi si Robredo ng pang-unawa na hindi lahat ay kayang maserbisyuhan ng Bayanihan E-Konsulta.

    “Masama din sa loob namin na hindi namin nake-cater lahat pero limited po kasi ‘yung ating resources. Limited din po ‘yung tao kasi nga po ang daming may sakit ngayon, so we make do with what we have,” sabi ni Robredo.
    Muling nanawagan si Robredo ng mga volunteers para matugunan ang pangangailangan ng publiko para sa teleconsultation.
    “‘Yung amin pong panawagan na kung mas marami ‘yung puwedeng mag-volunteer, ‘yung mga nasa bahay po ngayon, hindi naman po kinakailangan every day. Kahit po once a week lang, kahit ilang oras lang a week ‘yung ma-volunteer, malaking tulong na po para sa mga pasyente namin,” ayon kay Robredo.
    Ang Bayanihan E- Konsulta ay isa sa mga pangunahing tugon ng OVP sa pandemya. Ilan pa dito ay ang libreng antigen testing sa ilalim ng OVP Swab Cab at ang assistance sa mga lokal na pamahalaan para sa COVID-19 vaccination sa pamamagitan ng Vaccine Express. [End]

     

     

    Posted in Press Releases on Jan 11, 2022