This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    “Madam President”: VP Leni, sinagot ang mahihirap na tanong, ipinakitang handa nang maging susunod na Pangulo ng bansa

    “Madam President”: VP Leni, sinagot ang mahihirap na tanong, ipinakitang handa nang maging susunod na Pangulo ng bansa

    Noong Miyerkules, Pebrero 2, hinarap ni Vice President Leni Robredo ang mahihirap na pagtatanong ng mga beteranong mamamahayag at isang propesor sa “Bakit Ikaw? The Presidential Job Interview” ng DZRH at The Manila Times.

    Sa loob ng dalawa't kalahating oras, ipinakita ni Robredo, ang nag-iisang babaeng kandidato sa pagka-Pangulo, ang kanyang kaalaman at pag-unawa sa mga isyu tungkol sa foreign policy, economics, at kapakanan ng mga mamamayan.

    Para sa kanyang mga taga-suporta, nag-“home run” si Robredo. Nararapat lang na tawagin siyang “Madam President", na nag-trend sa Twitter noong Miyerkules ng gabi.

    Saklaw ng panayam kay Robredo ang iba’t ibang paksa: ang kanyang plataporma ng pamamahala; hypothetical strategic crisis scenarios; aktwal na karanasan at kakayahan sa pamumuno; kanyang personalidad, at ang masasabi niya ukol są mga kontrobersyal na isyu.

    Bahagi ng panel sina Angelo Palmones, Deo Macalma, Gerry Baja, at Prof. Antonio Contreras.

    Nag-trending naman ang hashtag na #LeniWalangAatrasan sa Twitter noong Huwebes ng umaga, February 3, at naging numero uno sa microblogging site dahil sa halos 64.1K tweets tungkol dito, dalawang oras lamang matapos niyang lumabas sa panayam.

    Isa sa mga tweet na mabilis na nag-viral ay noong hingan siya ng kanyang hypothetical foreign policy statement kung mauwi sa digmaan ang tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia. Ito ay tanong ni Contreras, isang tahasang kritiko ni Robredo.

    Sinimulan ni Robredo ang kanyang sagot sa: “Itong nangyayari sa Eastern Europe, number one, ang pinaka-una kong gagawin, sisiguraduhin kong ma-secure ‘yung 342 na mga Pilipinong nandoon. Para ma-secure ko kailangan natin i-activate ‘yung embahada saka ‘yung mga alliances natin with other countries kung kinakailangan natin ‘yung tulong nila.”

    Sa senaryong ibinato sa kanya ni Macalma, humingi ito ng kanyang sunud-sunod na hakbangin sakaling 100 na araw matapos niyang mahalal bilang Presidente, ay bigyan siya ng intelligence report ni US President Joe Biden na nagdedetalye ng planong pagsalakay ng humigit-kumulang 300 Chinese military militia ships sa Pag-asa Island.

    Mabilis na sinagot ni Robredo ang tanong ng: “Kung 100 days na ako in office, hindi na mangyayari mabibigla ako kasi 'yung una kong gagawin pagkaupo ko ay sisiguraduhin ko na 'yung ating armed forces ay equipped para malaman nila kung ano 'yung nangyayari doon na hindi tayo masho-shock.”

    Hindi rin umiwas sa mga tanong ang Bise President ukol sa kanyang kalaban na si Ferdinand Marcos Jr. Sa tanong na kung posible bang magkasundo ang kanilang panig kung mahalal na Presidente si Robredo, sabi niya’y walang kasunduang mangyayari kung walang hustisiyang makakamit para sa mga nagawang pang-aabuso.

    Samantala, ayon sa netizen na si Kent Tangcalan (@kctangcalan), “No other candidate even from previous elections has spoken this much into detail about improving the salary of nurses here in the Philippines. As a former nurse, ramdam ko na she makes real conversations w/ health workers. Iba talaga ang leader na nakikinig,”
    na patungkol sa plano ni Robredo na alisin ang salary caps ng mga health workers sa Pilipinas.

    Nag-tweet din ang aktor na si Jake Ejercito (@unoemilio): “Just converted 3 folks to become kakampinks! It’s not impossible and surprisingly not even that difficult when you’re patient and more importantly, are armed with facts. Laban lang. Leni lang.”

    Ayon naman kay @salitangwakin, “hmm, I think this DZRH interview sealed my vote for VP Leni. Is there a Leni-Kiko HQ here in Cebu City, or a Cebu for Leni group? because I rlly want to be a campaign volunteer.”

    Isang video kung saan dalawang beses na tinawag ni Palmones si Robredo bilang "Madam President" ang nag-viral din sa Twitter, kasama ang mga trending hashtags na "Madam President", "DZRH", at "Contreras" pagkatapos ng programa. [End]

     

    Posted in Press Releases on Feb 03, 2022